webnovel

5

Chapter 5

- Zara's POV -

Naalimpungatan ako dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Gavin kasama ang anak namin. Taka akong napatingin sa bintana at lalong nagtaka dahil nakikita kong may araw pa naman.

"Hindi ka pumasok?" Tanong ko habang dahan-dahang tumayo.

"Day-off ko ngayon. Kahit ako nakalimutan ko." Natatawang sabi nya habang kumakamot sa ulo.

"Mommy, malapit na po ang birthday ko." Masayang sabi ni Ara. Tumingin ako sa kanya at hinaplos ang buhok nya habang nginitian sya.

"Anong gustong gift ni Ate Ara?" Tanong ko.

"Gusto ko po ng baby sister." Nakangiting sagot nito.

"Hmm... Hindi tayo sure kung magiging baby sister si Baby, ehh." Nakangiting kong sabi para hindi malungkot ang bata tapos nagkatinginan kami ni Gavin, nginitian nya lang ako.

"Mommy, tara na po. Maglaro na po tayo!" Masayang sigaw ni Ara. Nakangiting ko naman syang tinanguan at tinulungan ako ni Gavin tumayo.

Pagbaba namin ay kumain kami ng tanghalian at kumain ng desserts habang kumakain din ay nagpatulong ako kay Gavin kunin ang mga damit na ginawa ko para isukat ni Ara kung kasya sa kanya.

"You did this?" Tanong ni Gavin. Nakangiti akong tumango. "It's fantastic. Halika dito, Ara. Tutulungan ka ni Daddy." Ganon ang ginawa ni Gavin. "Ang ganda...." Namamanghang sabi ni Gavin.

"I'm so beautiful." Proud na sabi ni Ara.

"That's my girl." Natatawang sabi ko at ginulo ang buhok nya. Nang matapos kami ay nagtampisaw naman silang mag-ama sa swimming pool. Suot nya yung tinahi kong swim suit. May swim suit pa akong tinahi na magkapareho kami.

"Tama na yan. Mag-gagabi na, umahon na kayo. May dala akong meryenda." Pagpapaahon ko sa kanila.

4pm na kasi, kanina pa sila dyan, mga 4 hour? Ahh, basta. Matagal na sila sa swimming pool.

"Mommy, bakit ayaw nyo po mag-swimming?" Biglang tanong ni Ara.

"Hindi na kasi ako makakalangoy ng maayos. Malaki na ang tyan ni Mommy, ohh." Sabi ko sabay turo sa tyan kong mag-li-limang buwan na.

"Hi, baby." Natatawang sabi ni Ara. Kumaway pa ito bago hawakan ang tyan ko. "Sana lumabas ka na. Gusto ka nang makita ni Ate." Nakangiting sabi ni Ara.

"Wag kang mag-alala. Kunting tulog nalang makikita mo na si Baby." Nakangiting sabi ni Gavin.

"Ilan po? Mga ganito?" Tanong ni Ara at itinaas ang kamay nya habang nakaporma ito ng apat-apat.

"Hindi. Malayo pa, dadaan pa muna ng birthday mo." Nakangiting sabi ni Gavin. Sumimangot naman si Ara.

Lumipas ang ilang mga araw hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ni Ara. Ang birthday nya. Binilhan sya ng Daddy nya ng dress na para syang prinsesa. Ang kulay nito ay kulay pink na may design din na pink, red, purple, at white.

Wala pa nga ang mga bisita ay sobrang excited na nya. Hindi pa nga sya nagbibihis, ehh.

"Ang ganda-ganda naman ng anak ko." Nakangiting kong sabi. Habang inaayosan ko si Ara ay bigla namang pumasok si Gavin.

"Are you excited?" Nakangiting tanong ni Gavin.

"Yes po!!" Malakas na sigaw ni Ara. Yung sigaw na sa sibrang tining mapapatakip ka ng tainga mo.

"Ok. Tapos na ba yan, Mommy?" Tanong nya sa akin.

"All done." Nakangiting kong sabi at tumayo na sa kinauupuan ko. "Una na ako sa baba. May kukunin kasi ako doon."

"Ok. Take care." Nakangiting sabi ni Gavin. Tumango ako saka kumaway kay Ara bago ako lumabas at bumaba.

- Gavin's POV -

Pagbaba namin ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko.

"Musta?" Tanong ni Jaylen.

"Ok lang naman." Sagot ko.

"How's your wife? Still her like before?" Tanong ni Lawrence.

"No." Maikli kong sagot.

"Wait. Where is she?" Tanong naman ni Dewei.

"Hindi ko nga alam, ehh." Sagot ko habang nagpapalinga-linga. "Bumaba sya saglit pero hindi pa sya nakabihis. Baka nagbihis lang." Sabi ko.

"She's pregnant, right?" Tanong ni Lance.

"Haha. Yes." Natatawang sabi ko.

"Tsk. Mahina ka palang kapatid." Mayabang na sabi ni Warren.

"Tsk." Singhal ko.

"Is that her?" Biglang sabat ni Andrew at may itinuro pa. Lahat kami ay napalingon doon at natulala ako habang naglalakad papalapit sa akin ang asawa ko.

"Oyy, muhkang may honeymoon na magaganap." Sabi ni Justine.

"Bro, easy. Hindi pa nanganganak asawa mo." Pang-aasar ni Lance.

"Hi, Dad." Nakangiting bati sa akin ng asawa ko. "Hoy!" Sigaw nya.

"H-Ha?"

"Tsk. Saan ka ba nakatingin? Nasaan ba ang isip mo? Are you with us?" Tanong pa nya.

"O-Of course. I'm h-here." Nauutal kong sabi.

"Are you ok? Bakit nauutal ka?" Nag-aalalang tanong nya.

"I'm fine. Wag mo na akong alalahanin." Sinikap ko talagang hindi mautal dahil nakakahiya na at nakangisi na sa akin ang mga kaibigan ko.

"Sige. Pupuntahan ko lang ang anak natin, ha? Enjoy!" Sigaw nito saka sya naglakad papalayo sa amin.

"You look like a idiot, bro." Natatawang sabi ni Andrew.

"You're falling for her? Really now?" Parang hindi makapaniwalang sabi ni Lawrence.

"Tsk. Shut up." Napipikong sabi ko tapos inirapan sila.

"Tsk. Do you want advances from the bests'?" Tanong ni Jaylen.

"Shut up, motherf*ckers."

"Hey!" Angal nilang lahat. "Don't you dare talk to my mother like that!" Sabi pa nila.

"Whatever."

- Zara's POV -

Pinapalibot ko ang mata ko habang nakangiti. May kanya-kanyang buhay ang mga tao dito sa bakuran namin. May naghahabulan, may nagtatawanan, may nagkakantahan, at iba't iba pa.

"Ara, ito ang regalo ko sayo." Nakangiting sabi ng bata sa anak ko.

"Ayoko ng barbie, hindi na ako baby. Ate na ako, I'm a grown-up now." Mataray na sabi ng anak ko.

"Hindi naman to barbie."

"What's that, then?"

"Chocolate." Dahil sa sinabi ng bata ay lumiwanag ang muhka ng anak ko at mabilis itong tinanggap. Akmang yayakap ang batang lalaki pero umiwas ang anak ko.

"Don't hug me. Strict ang parents ko, magagalit si Daddy." Rinig ko pang sabi nya.

"That's my girl!" Biglang sigaw ni Gavin.

"Love you, dadie!!" Sigaw pa ng anak ko. Ako naman ay natawa dahil masyado syang masungit, lalo na sa batang iyon.

- To Be Continued -

(Fri, May 7, 2021)