webnovel

3

Chapter 3

- Zara's POV -

Pagkagising ko palang ay dumiretso na agad ako ng bathroom para sumuka. Kaya pala ganito ang nararamdaman ko dahil buntis pala ako. Hindi ko man lang alam na may bata dito sa tyan ko. Kaya pala ang hilig kong kumain. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni Gavin.

"Ok ka na?" Tanong nito.

"Muhka ba akong ok?" Nanghihinang sabi ko.

"Gutom ka na ba?"

"Hindi pa. Iinom lang ako ng gatas." Sabi ko.

"Sige. Manang! Dalahan mo nga kami dito ng gatas!" Sigaw ni Gavin.

"Gatas mo ang tinutukoy ko." Dahil sa sinabi ko ay napatulala si Gavin sa akin.

"Eto na po ang gatas, sir." Biglang singit ni Manang. Kinuha ko naman ang gatas na hawak nya at dali-daling ininom iyon. Pagkatapos kong mainom iyon ay ibinigay ulit kay Manang ang baso saka ako nagpasalamat.

"Salamat po, Manang. Aakyat na po ako ulit." Nanghihinang sabi ko. Iniwan ko na sila sa sala at mag-isa akong umakyat sa kwarto ko at pagkapasok ko palang ay nahiga na agad ako at natulog ulit.

Nang magising ako ulit ay tanghali na. Hindi na din masama ang pakiramdam ko. Agad akong naligo at bumaba sa kusina kasi nagugutom na ako, aang ininom ko lang kanina ay gatas.

"Good afternoon po, Ma'am." Bati ni Sally. Nginitian ko naman sya.

"Sally, may graham balls pa ba?" Tanong ko

"Ma'am, ubos na po. Kinain po ni Sir kagabi."

"Ok." Maikling sagot ko. Pumunta ako ng kusina at sakto namang pumasok si Manang. "Manang, nasaan na po yung pinabili kong sawing machine?" Tanong ko.

"Mamaya pa ipapadala. Inasikaso na din ni Sir Gavin lahat ng kailangan mo kung ano man ang gagawin mo." Mataray na sabi nito at habang may kinukuha tapos lumabas din kalaunan. Ako naman ay kumain lang hanggang gusto ko.

"Dumating na po yung sawing machine nyo, Ma'am." Biglang sulpot ni Sally. Dali-dali naman akong tumayo dahil tapos na din naman akong kumain. Tiningnan ko ang sawing machine at pinadala iyon sa loob ng walk-in-closet ko.

Maluwag naman kasi.

"Ano pong gagawin nyo doon?" Tanong ni Sally.

"Magtatahi." Sabi ko. Napatango-tango naman sya pero nakangiwi. Ipinasok pa nila ang mga telang pinabili ko at iba't ibang pang kagamitan.

- Gavin's POV -

"Hello?"

"Hello, manang."

"Ser, napatawag ho kayo?"

"Kumain na ba si Ara?"

"Opo, ser."

"Si Zara?"

"Kakatapos lang po. Naggawa nanaman po sya ng mga cupcake tapos pinakain nya po sa amin. Binigyan ko din po si Ara."

"Good. Sige po, kayo po munang bahala sa mag-ina ko."

"Sige po, ser."

"Bye." Pagkatapos kong banggitin ang salitang iyon ay ako na ang pumatay ng tawag.

"Sino yun, couz?" Tanong ni Bruce.

"Si Manang." Maikli kong sagot.

"Musta nga pala ang wife mo?"

"Ayon, nagbago na. Laging mainit ang ulo."

"Baka dahil sa pagbububtis nya lang?"

"Ewan. Basta, parang nag-iba, ehh. Pati pananamit nag-iba din."

"Kumusta na ang pamangkin ko?"

"Ayon, masigla parin, makulit, maingay, malambing."

"Nasabi mo na ba sa kanya?"

"Hindi pa, ehh."

"For sure naman magiging masaya naman sya."

"Pero hindi ako sigurado. Alam mo naman kung anong ginagawa nya sa kanya diba?"

"Couz, tiwala lang. Magtiwala ka lang sa asawa mo."

"Hindi ko alam, noong huli kasing nagtiwala ako sa kanya, sinira nya parin." Sagot ko at pilit na ngumiti.

- Zara's POV -

"Maganda ba?" Pakita ko kay Sally ng matapos ko ang unang dami na matahi ko.

"Opo." Nakangiting sagot nya.

"Bagay lang naman, diba? Kaso ang baduy, umbok na kasi ang tyan ko." Nakangusong sabi ko.

"Ok naman po, Ma'am. Ang sexy nyo nga po, ehh. Kahit malaki na ang tyan nyo."

"Nagugutom ako." Sabi ko at hinubad ulit ang damit. Sabay kaming naglakad at nag-away nanaman kami kasi ayaw nya nanaman akong pagawain ng ice cream.

"Ma'am, magagalit nga po si manang Solida."

"Gusto ko ngang gumawa ng ice cream!" Sigaw ko.

"Ma'am, makinig nalang po kayo!"

"Ayoko nga! Gusto ko nga ng ice cream!" Parang bata kong sigaw. Hanggang sa biglang pumasok si Manang.

"Ano nanaman ba yan?!" Sigaw nito para mahinto kami ni Sally.

"Sya po kasi, Manang! Ang kulit nya! Gusto ko lang naman gumawa ng ice cream!" Sigaw ko.

"Pero!.. kasi.... S-sabi nyo..."

"Hayaan mo na sya, Sally. Ganyan daw talaga si Ma'am dahil sa nagbubuntis sya. Hayaan mo na lang." Sabi ni Manang. "Umakyat ka muna sa itaas." Sabi ni Manang na dali-dali namang sinunod ni Sally.

- Gavin's POV -

Papasok palang ako ng bahay ay naririnig ko na ang tawag na galing sa loob. Tawa na parang sobrang saya. Pagpasok ko sa loob ay tumambad sa akin ang asawa kong tawa ng tawa habang nanonood ng cartoons.

Napatingin ako sa suot nya at napalunok. Nakasuot sya ng off- shoulder na hanggang bewang na kulay dark blue at maikling short na hindi lumalampas ng kalahati ng hita nya, kulay itim naman ito.

Pero napangiti ako ng makita ang tyan nya. Galaw ito ng galaw na parang hindi mapakali. Masyado kasing hindi komportable ang pag-upo nya kaya parang mahuhulog na sya. Natatawa akong lumapit sa kanya pero nakatingin parin sa tyan nya.

Nilingon nya ako at nagtama ang paningin namin. Sa unang pagkakataon, sa loob ng walong taon, bumilis ang tibok ng puso ko at parang hindi ako makahinga dahil parang hinihigop ako ng tingin nya.

"Kanina ka pa?" Nakangiting tanong nya.

"N-Ngayon-ngayon lang." Sagot at sabay iwas ng tingin.

"Nakita kitang tinitingnan ang tummy ko. Gusto mo bang hawakan?" Tanong nito na ikinagulat ko.

Kung bakit? Hindi kasi sya nagpapahawak ng kahit madikit lang sa kahit na hangin. Hindi ko na sya nahawakan ulit simula ng makabuo kami.

"P-Pwede ba?"

"Ayaw mo ata, ehh." Biglang seryoso nito pero bigla ding ngumiti. Kinuha nya ang kamay ko at sya ang kusang naglagay non sa tyan nya. "Hindi mo pa sya mararamdaman kasi hindi pa naman sya sumisipa." Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa tyan nya na hinaplos pati ang kamay kong nandoon din.

"Kaka-tatlong buwan palang nyan kahapon. Gusto mo bang samahan kitang mag-pa-check-up?" Tanong ko.

"Hindi na. Papasama nalang ako kay Sally." Nakangiting sagot nito habang ang paningin ay nandoon parin sa tyan nya. Ako naman ay hindi maalis ang titig sa kanya. "Staring is rude, you know." Biglang sabi nito at nag-angat ng tingin dahilan para magtama nanaman ang paningin namin.

"Magbibihis muna ako." Sabi ko at sinikap na wag mautal dahil parang hinihigop talaga ako ng mga tingin nya. Tumango lang sya at nagpatuloy doon sa pinapanood nya habang ako naman ay paakyat at naghahabol ng hininga.

Kung bakit? Hindi ko alam...

- To Be Continued -

(Thu, May 6, 2021)