webnovel

Vision 5:

Warning: ⚠ SPG scenes!

MALULUTONG na napapamura si Sebastian sa sarili. Hinimatay si Aerra habang dumudugo ang ilong. Sino ba naman ang hindi matataranta sa kagaguhang ginawa niya?

He was just kidding and trying his luck. Sigurado talaga siyang may nakikita ito. But damn, he's an asshole and he bullied her. Ito ngayon ang napala niya.

Piniga niya sa plangganitang may lamang pinaghalong rubbing alcohol at maligamgam na tubig ang panyong ginamit niyang pamunas sa ilong nito. Kinakabahan na siya dahil sa dami ng dugong inilalabas ng ilong nito.

"Shit, Shit, Aerra. Gumising ka." Niyugyog pa niya ang balikat nito matapos maihiga ito ng maayos sa swinging chair. Dinagdagan na rin niya ng unan ang uluhan nito para lalong tumaas at maampat ang pagdurugo ng ilong nito.

Nakakita ba ito ng krimen at bigla itong nawalan ng malay? Itinapat pa ni Seb ang kamay sa sariling bibig saka bumuga ng hangin. "Hindi naman mabaho." Sigurado siyang hindi bibig niya ang naamoy nito kaya ito hinimatay. "Of f*ck, please.. gumising ka na. Baka mapatay ako ni Sarhento, at ni Superintendent. Kabilin-bilinan pa naman nilang ingatan ka."

Napasabunot na sa sariling buhok si Seb. Kung bakit naman kasi kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isipan niya. He'd admit he was imagining things. Iyon nga lang mukha talaga ni Aerra ang naiisip niya. Dahil sa kyuryosidad nabuo ni Seb kung paanong wala itong suot na kahit na ano at sumasayaw sa harapan niya. That would be nice. Lalo pa kung ito mismo ang mang-aakit sa kanya. Aba, hinding-hindi niya ito tantanggihan at baka sabayan pa niya ito sa paggiling habang sasayaw sila sa musika ng 'Careless Whisper'. Holyshit! He's really imagining x-rated scenes.

Aaminin niyang apektado siya kay Aerra. Naaapektuhan nito ang init ng katawan pati ang katinuan niya.

Nakatayo na siya sa labas ng swinging chair habang magkasalukap ang mga palad nagdarasal na sana magising na ito.

Muli niya itong nilapitan. Baka sakaling sa pamamagitan nito ay magkamalay itong bigla.

"Aerra, gumising ka na. Kundi huhubaran kita. Or worse hahalikan talaga kita kapag hindi ka pa gumising." Inilapit ni Seb ang mukha sa mukha nito at dahan-dahang ngumunguso para abutin ang labi nito. Swerte niya kapag hindi ito nagmulat. Talagang sasamantalahin niyang halikan ito.

Bulag lang ang hindi magkakagusto sa kaakit-akit na ganda ni Aerra.

Hindi niya napansing nagkamalay na ito. Sapul ang palad nito sa pisngi niya.

"Anak ng! Ba't mo 'ko sinampal?" Nagulantang talaga siya sa ginawa nito. Parang naalog pa yata ang utak niya.

"B-Ba't ka kasi nakanguso na parang gusto mo akong halikan?"

Huli na siya! Iyon talaga ang balak niyang gawin kanina pa. Naghahalo na ang kaba at kamunduhan sa utak niya, tinamaan ng lintik!

Binawi ni Seb ang katawan. Iniayos niya ang mesa para makakain ito.

"Kumain ka na. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako sa baba."

Tinalikuran na niya ito. Kailangan na muna niyang mag-shower nang mawaswasan ang init na nararamdaman niya.

Nagtagal siya sa banyo kaya nang lumabas siya ay naroon na ang dalaga. Naghuhugas na ito ng mga plato. Agad niya itong nilapitan.

"Hey! Ako na diyan. Hindi ka dapat pinaghuhugas ng plato," sabi pa niya na pilit inaagaw ang plato sa kamay nito sa sink.

Bahagya siyang napahinto nang kamay na pala ni Aerra ang nahawakan niya. Ang lambot.. Hindi yata dumaan sa kahit anong gawaing bahay. Anak mayaman nga yata ito, mula kutis hanggang lambot ng palad nito. Sigurado siyang maganda rin ang malaporselanang itinatago nito sa loob ng mga damit nito. Bigla tuloy siyang napangisi.

"Anong problema?" Nakataas na naman ang kilay nito. Kahit pa maganda ito, parang wala ring mangingilag na lapitan ito dahil sa katarayan.

"Wala. Just take your hands.." Hinawakan pa niya ng mahigpit ang dalawang kamay nito para ilayo sa sink nang wala itong balak alisin ang mga kamay.

"You know, wala tayo sa bakasyon."

"I know. At hindi kita hahayaang kumilos dito sa bahay. Dahil ang bagay sa'yo, pinagsisilbihan."

Lalong hindi tuloy niya mabitiwan ang mga kamay nito. Hanggang lumakad siya paabante at mabakuran sa pagitan ng pader si Aerra.

"Ano na namang ginagawa mo?"

"Hanggang dito sa bahay, nakashades ka pa rin."

"None of your business. Bitiwan mo na nga ang mga kamay ko."

Pinaghiwalay niya ang mga kamay nito. He found himself pinned her hands on the wall.

Nanigas siya nang masamyo ang natural nitong amoy. Ito ang klase ng babae na kahit yata hindi maligo ay mabango parin.

"Don't tell me, aalisin mo na naman 'tong shades ko? Believe me, I will kick your damn groin kapag hindi mo pa tinigilan itong shades ko," nanunubok na sabi nito.

Ramdam niya ang iritasyon sa boses nito ngunit alam din niyang kayang-kaya niyang paamuhin ang dalaga. He can easily get her with one mind blowing kiss.

"Masyado kang maganda para maging matapang. Hindi ba pwedeng umamo ka naman ng kaunti?" Naramdaman niyang iniaangat na ni Aerra ang tuhod para tuhuran siya. Kaya iniharang agad niya ang dalawang tuhod sa bawat hita nito nang hindi ito makalaban. Mabuti na lang talaga at hanggang baba lang niya ang dalaga. Kayang-kaya pa niyang kontrolin ang pwersa nito ngunit hindi ang nag-iinit na tentasyon.

"Ano ba, Delgado! Pakawalan mo nga ako."

"Bakit, sisigaw ka? Don't try 'coz you'll not gonna win."

"Ano bang gusto mo? Dinala mo ba ako rito para gawan ako ng masama o masolo ako?"

"Ang gusto ko ay umamin ka sa akin. Do you have an extrasensory power?"

"Bwisit ka, Delgado, ilayo mo nga 'yang ano mo!"

DAHAN-DAHAN niyang ibinaba ang tingin para silipin ang tinitilihan nito. Nakalag na pala ang buhol sa bewang niyang ang tanging saplot ay tuwalya at nalaglag na iyon sa sahig.

"Enjoying the feeling huh.." He kept on teasing her. Nakita niyang namula ang mga pisngi nito. She was so damn pretty.

Pinilit niyang pigilin ang sarili lalo pa at nararamdaman niyang sumasaludo na iyon at kayang-kaya ng butasin ang tinututukan.

"Kapag nakawala lang ako rito, humanda ka sa akin," punong-puno ng sinseridad na banta nito.

Iyon ay kung pakakawalan nga niya ito. Mas lalong hindi niya gagawin iyon. Malalagot siyang tiyak kapag nakawala ito sa mga kamay niya. Itinutok niya ang mukha sa pagitan ng leeg nito at lalong idinikit ang sarili para hindi ito makawala.

"Bakit hindi ka yata naaapektuhan ng alaga ko?" pagtataka niya.

Kalmado pa rin ito at parang nag-iisip ng paraan kung paanong makakawala sa kanya.

"I've seen enough of that, color and sizes."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Ibig bang sabihin ay may nakauna na rin dito? "You mean, you also already tasted it?"

"Tighten your grip, Delgado. Dahil kapag nakawala ako rito paduduguin ko hindi lang labi mo," nanggigil na sabi nito. Masyado yata itong nabastusan sa sinasabi niya. She made him arouse by her words.

"Then let's try.." Iniangat niya ang shades nito sa pamamagitan ng kanyang baba. Tuluyan iyong nahulog sa paahan nila saka niya tinawid ang pagitan ng mga labi nila.

He rubbed her lower lip with his and trying to open it for him. Nagtagumpay naman siya nang bahagyang bumuka ang labi nito.

Naibaba niya ang mga kamay at nakahapit na ngayon sa bewang niya habang ang isa ay nakasuporta sa likuran nito. It looks like a longing expedition that he can't help but kissing her more vigorously. He was expertly exploring her mouth. Kiss and tongue locking at the same time. This aphrodisiac starting to feel beyond his limit.

A moan came without knowing who made it. Isa lang ang alam niya.. He was falling and melting at the same time. No one can kiss him like this even more. Only an Aerra Carinan did it to his system. Bigla ay gusto niyang protektahan ang babaeng ito, he was drowned by her kisses like he was been freed. This is holy f*cking unexpected shit!

Nakahapit parin siya sa bewang nito at halos nakayakap na nang ihiwalay ang sariling labi. Naramdaman din kaya nito ang mainit na damdamin at tensyong pinagsaluhan nila kanina?

Mabilis na binitiwan niya ang bewang nito, pahablot na dinampot ang tuwalya. Mahirap na.. Baka hindi niya makayanan at mas lalo pa siyang pag-isipan nito ng masama. He was more into love making, iyong hindi pumapalag ang babae at kusang nagbibigay. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang pagkontrol niyang ito dahil baka makalimot siya sa sarili at angkinin ang diwatang biglang natagpuan ng mapanudyo niyang puso.

Hindi niya alam ang reaksyon nito nang dumiretso siya sa kwarto. Hanggang ngayon ay nag-iinit parin ang bawat himaymay ng kanyang laman. Delikado yatang nandito ang dalaga. Siya na yata ang natakasan ng bait at pati siya ay hindi na matagpuan ang sariling kaluluwa.

It was his first time tasting that kind of kiss. Bigla ay bumalik siya sa banyo. Lalo pang nag-init ang kanyang katawan na naapektuhan nang katatapos na eksena. Hinayaan niya na agusin ng malamig na tubig mula sa shower ang nararamdaman niyang delubyo. Ngunit hindi kinakaya ng tubig ang damdamin niya. Natagpuan na lang ni Seb na sakal-sakal na ang alaga habang patuloy iyong itinataas-baba para umamo ang nakasaludong heneral habang mahinang napapamura. Hinayaan niyang sagana iyong sumuka.

Mas nagtagal yata sa banyo si Seb nang matagpuang wala na sa kusina ang dalaga. Nagsuot na siya ng roba at habang mas mahigpit ang pagkakabuhol ng lapel. Nang puntahan niya ang rooftop, naroon ito. Nakapikit at mukhang tulog na tulog sa swinging chair.

Muli siyang bumaba at nang bumalik sa rooftop. Dala na niya ang kumot habang maingat na idinadantay iyon sa katawan ng dalaga.

He made himself promise that he will never come near her or kiss her again. Nagiging drugs ang epekto nito sa kanya --nakaaadik. Baka kapag naadik siya ay malimutan niyang tuluyan ang katinuan at mademanda pa siya. He can have her satiated in a ravage way.