1 01 : NEW HOUSE

EVELYN

MOM: Good morning sweetheart!

Nagising ako sa sigaw ni Mommy. Tinakpan ko tenga ko dahil ayoko pa bumangon.

MOM: Bangon na diyan!

EVELYN: No!

Mas diniinan ko ang pagkakatakip sa tenga ko at dumapa. Bahala siya diyan basta matutulog pa ako.

MOM: Bangon na diyan please! Maaga tayo aalis!

EVELYN: Hayst. Masyado pang maaga para gumising ako!

MOM: Matulog ka nalang uli mamaya, basta bumangon ka na diyan!

Tsk. Pinikit ko mga mata ko at natulog uli. Pagkagising ko nakita ko ang tahimik sa bahay, i mean wala na mga gamit ko. HUTA?!

EVELYN: Mommy!

Bumaba ako at nakita ko ang pagkaempty sa sala maski sa kusina. Wala na mga gamit namin! Wala na mga gamit sa kusina at sala! Lumabas ako nang bahay at isang gulat na mukha ang nakita ko kay Mommy.

MOM: You're late Evelyn!

EVELYN: I'm Sorry...

Napayuko ako dahil ang sama nang tingin ni Mommy sakin. Tsk, malay ko bang ganoong oras sila magliligpit bwisit! Tapos di pa ako nainform kahapon na lilipat na kami!

MOM: Wear Comfortably then we go now!

Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Mommy. Bumalik ako sa loob at dumiretso sa CR at naligo. After 20 minutes natapos na din ako. Nagbihis ako nang simple lang dahil di ko na kailangan magpaporma pa dahil lilipat na nga kami

Nagsuot ako nang sapatos atsaka bumaba na. Ngumiti naman ako nang makita kong ang sama nang tingin sa akin ni Mommy. Ayaw ko magsungit dahil kasalanan ko din iyon. Umalis na nga kami at nakarating kami sa isang bahay na medyo malaki. Mas malaki sa dating bahay namin.

MOMMY: Labas na tayo

Lumabas naman kaming sabay at tiningnan ang buong bahay dito sa labas. Ang laki talaga grabe!

MOMMY: Stay here Evelyn

Tumango ako sa sinabi ni Mommy. Inangat ko ang ulo ko para tingnan ang buong bagong bahay namin. Shems, ang ganda sa labas! Nagmumukhang mayaman kami! Pero mayaman naman na talaga kami pero di gaano na katulad na lamang na anak nang CEO ganern. Basta mayaman pa din kami, or pwede din na may kaya ganoon.

Busy si Mommy sa taong kausap niya ngayon. I'm slowly walking inside to our new house. Nagulat nalang ako dahil sa laki nang bahay. Halaaaa! Ito na bahay namin?! Seryoso na ba 'to?! Ang gandaaaa! Pero kami lang dalawa ni Mommy dito so ganito kalaki pero kami lang?

May hagdan doon at medyo mahaba ang hagdan na iyon pero di muna ako pumunta doon ay dumiretso ako sa kusina namin dahil ito ang pinakafavorite kong lugar sa isang bahay. Mahilig kasi ako magluto kaya naging paborito ko ito. Malaki at maluwag ang kusina, may sink na mahaba na hindi katulad sa dating nasa bahay namin. Malinis at simple pero napakaganda nang bagong kusina namin.

Ginaganahan tuloy akong magluto ngayon pero syempre di pa pwede sa ngayon kasi wala kaming stocks na pagkain sa ref namin dahil nga aalis kami. Inubos lahat nang iyon para gumaan sa pagbubuhat. Umalis na ako sa lugar na iyon ay pinuntahan ko naman ang magiging kwarto ko and OMAYGOSSSH!

EVELYN: Are you kidding me?! So pretty!

Napunta ang mata ko sa isang kama at sobrang laki nito. Tumalon ako at nahiga doon. Sarap sa pakiramdam na ganito kalaki ang hihigaan huhuhuhu!

MOMMY: Evelyn!

May sumigaw sa labas kaya napatayo ako at pinagbuksan ang nasa labas. Pinapasok ko naman siya.

EVELYN: Yes?

MOMMY: This is your new room?

EVELYN: Yeah

MOMMY: The dream come true nga naman

Oo Mommy my dream come true! Ito yung kwarto na gustong-gusto kong maging akin! And this is it! Di ko akalain na mangyayari ang matagal ko nang pangarap!

MOMMY: Okay, balik na ako sa labas at kunin mo na mga gamit mo sa baba at ayusin mo na dito

EVELYN: Mom--

MOMMY: Now!

EVELYN: Fine

MOMMY: I'll call you if the dinner is ready

EVELYN: Okay

Isinarado ko na ang pinto nang kwarto ko nang makalabas na siya. Bumalik ako sa kama at nahiga uli doon. Nasa sampung minuto din ang paghiga ko lang ay bumangon na ako at bumaba. Kinuha ko na ang ilan sa mga gamit ko. Inaakyat ko isa-isa hanggang sa nasa taas na lahat. Inayos ko muna ay dito sa mini cabinet nila. Hihiramin ko muna 'to dahil di naman yata nila balak kunin.

Pagkaayos ko ay kinuha ko na ang mga stuff toys ko. Puro stitch lang lahat pero nasa twelve lahat nang iyon. Favorite ko kasi si Stitch eh. Nang maiyos ko na ito ay kinuha ko na ang iba pa sa mga gamit ko at pinaglalagay kung saan pwede at maayos na lalagyan. Huminga ako nang malalim bago bumaba kasi kukunin ko ang daspan at walis. Pagkabalik ko sa kwarto ay nilinisan ko kaagad ang paligid. Ang daming alikabok at mga dumi nang dating tumira dito.

Di manlang nilinis, ano ba yan!

Pawis na pawis ako kaya naman kumuha ako nang isang panyo sa kabinet ko at pinagpupunas lahat nang iyon. Tsk ang baho ko na kailangan ko nang maligo pero di pa ako tapos kasi aayusin ko pa ang mga gamit nila na nandidito pa sa kwarto ko. Gusto ko ilan lang gamit nila, yung maayos na gamit lang nila ang nandito kasi kwarto ko na ito.

Inalis ko na ang mga gamit nang pinakamay-ari nang bahay na ito. Pinaglalagay at pinagtutulak ko na iyon sa kabilang kwarto. Di naman maayos na kwarto iyon at paniguradong di iyon ang kwarto ni Mommy pero depende sa kaniya pero basta diyan mga yan. Bahala na siya magalis sa mga 'yan.

Hanggang sa natapos na ang pagaayos ko. Ang ganda na nang kwarto ko. Hindi ko maimagine kanina to kung ano magiging itsura nang kwarto ko. Ang simple lang pero ang ganda sa mata. Swerte ako sa kwarto ko na 'to!

MOMMY: Evelyn!!

Tinatawag na ako. Kailangan ko nang bumaba. Tamang-tama tapos na din ako magayos. Kakain na ako ngayon. Bumaba ako at nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin. Gayon din ginawa ko.

MOMMY: Are you done to your new room?

EVELYN: Ah yes

MOMMY: Okay, the foods is ready, go to the kitchen

Pumunta na ako nang kusina. May mga ilang pagkain na nakaready doon, umupo ako sa pinakadulo at nagsandok nang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako nang banyo dahil maliligo na ako. Tapos na rin naman na ako magpahinga kanina sa dinner.

Pagkalabas ko nang banyo ay nakasalubong ko si Mommy. Binati niya ako na ikinagulat ko, bati na kaagad kami hahahahahaha

MOMMY: Good night, sweetie

EVELYN: Thanks Mommy, Good night too

Umakyat na ako sa taas at natulog.

-

• DATE STARTED •

-JULY 06, 2020

avataravatar