webnovel

Simula

Note: This story contains offensive content and straight-up filth. Read at your own risk.

Simula

"Alin ba rito ang hindi mo na ginagamit?" sigaw ni Kuya Alaric mula sa kwarto.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin habang nagsisipilyo, inaantok at napipilitan pang kumilos, bago itinuon ang atensyon sa kapatid na sumungaw sa pinto ng bathroom.

"Wala na akong masuot!"

"Ginagamit ko 'yan pareho!" Agap ko noong makita sa dalawang drawstring shorts na hawak niya ang isa sa mga paborito ko.

"So ako na lang ang mamimili? Alin ba sa tingin mo ang mas maayos tingnan? Parang masikip kasi itong isa sa akin, kaso gusto ko ang kulay. Ano sa tingin mo?"

"Hindi bagay sa 'yo. Teka ako na pipili, may iba pa akong shorts doon ihahanap kita." Nangungumbinsi kong sinabi.

Nauna pa rin siyang lumakad pabalik sa closet.

I spat out the excess toothpaste from my mouth before immediately rinsing it off with water after brushing. Kinuha ko ang towel at pinunasan ang tumutulong tubig mula sa chin pababa sa leeg ko saka nagmamadaling lumabas ng banyo matapos tapunan ng isa pang mabilis na tingin ang sariling repleksyon.

Natigilan ako saglit noong makita si Kuya Alaric, now wearing my favorite drawstring khaki shorts, standing beside my bed. Sa itsura ay mukhang kumbinsido na ito sa napili.

Tinanguan niya ako noong mapansin bago pinulot ang mga hinubad na damit at pinagsama sama.

"Bagay naman ah."

I scoffed softly. "Ibalik mo sa akin 'yan mamaya."

"Syempre." Natatawang sagot niya. "Ako na rin maglalaba after ng game mamaya bago ko isauli. Nga pala, Andre, muntik ko pang makalimutan, your friend's downstairs. Kanina pa iyon naghihintay!"

"Who? Eloise? Akala ko mamaya pa ang punta niya?"

"Yeah, I think that's her name, she seemed cool with the boys though. Kung ako sa 'yo bababa na ako bago pa iyon mapormahan nila Hector." he mumbled. "Hintayin ka namin sa baba, bilisan mo maligo!"

Kuya went out of the room after sorting out his laundry. Kinuha kong pagkakataon iyon para pumasok ulit sa bathroom at makaligo. After taking a shower, I immediately grabbed some of my things, applied enough sunscreen, and went downstairs.

Sa baba ay naabutan ko ang grupo ni Kuya Alaric, masaya at maingay na nagbibiruan sa patio.

Among the crowd is Eloise, sitting at the end of a long wooden table. Nasa tabi niya ang nakatatandang kapatid na si Brie at ang kaibigang si Remi na kapatid naman ng isa pang kaibigan ni Kuya na si Erwan, si Hector na katabi si Kuya Alaric, si Ares, at ang pinsan naming si Craig kasama ang girlfriend nitong si Lillian.

Nasa grupo rin si Gustav, nakababatang kapatid ni Mama na siyang pinakamatanda sa mga naroon. Kaso hindi na ito magtatagal at paalis na rin noong dumating ako.

Binati nila ako noong makalapit sa mesa.

"Hi Andre!" nakangiting salubong ni Eloise.

"Uy pre!"

"What's up, bro!"

"Yun oh! Kumusta pre?"

"Hey, ayos lang. Nag breakfast na kayo? Ano gusto niyong kainin?" Tanong ko sa kanila habang marahang hinihila ang bakanteng silya sa tabi ng kaibigan.

Mula sa peripherals ay natitiyak kong malawak pa rin ang ngiti nito. Sinipat ko si Eloise at nakupirma nga iyon.

"Tapos na pre kanina, thanks. Sali ka sa play mamaya? Nagyayabang si Erwan e, hindi naman halos makaporma sa akin kapag binabantayan na sa bola!" Hector said in a seemingly half-joking manner. Nagtawanan ulit ang mga magkakaibigan.

Itinuon ko ang atensyon sa kanila saka sumagot noong makaupo. "Hindi ako sasali pero papanoorin ko. Ito, kung sakali, ang second lose streak ni Kuya kaya paniguradong manonood ako." Pabirong dagdag ko.

Bumaling muli ako kay Eloise pagkatapos.

"How's your mom?"

"Wala ka palang aasahang support kay Andre, pre, kung ako sayo hindi na ako lalaban mamaya. Tapos wala ka pang gf, for sure dehado na kayo nyan!" Pang-aasar ni Ares.

"Paano makakaporma, e daig mo pa girlfriend ko kung makalingkis. Kung hindi yayakap, pipiliting dumikit kahit hindi naman gaanong kailangan, kita ninyo 'di ba? Tsaka dapat lang bantayan mo tira ko, Hector, lalo hindi ako pumapalya kapag nakakahawak ng bola!" Dinig kong banat pabalik ni Erwan kay Hector na mas ikinalakas ng tuksuhan.

"Asa ka, bro, hindi ka naman makaka score mamaya sa game!" si Hector ulit.

"Mama's all right naman, Dre. She was actually looking forward to seeing you last week kaso hindi ka sumipot, but I assured her na makakabisita ka this week." Kuwento ng kaibigan sa gitna ng bangayan at palitan ng asaran sa paligid.

Napansin marahil niya ang pag-aalangan sa facial expression ko kaya maagap niyang dinugtungan ang sinabi.

"Iyon ay kung wala kang masyadong gagawin at hindi busy this week."

I smiled at her and made a slow nod. "Sure, of course, I'll try to visit tita Kristen. This weekend siguro?"

"Yeah... Sounds great!" She replied, almost whisper-like.

Tumikhim siya sabay yuko matapos iyong sabihin, mukhang nahihiya, saka muling nag-angat ng tingin, ngayon ay may hilaw ng ngiti.

"Uh, is it just me or are they really getting a bit loud?"

"Bakit hindi mo tanungin si Remi, she's obviously trying her best efforts to hit Nate up." Si Brie iyon, na nangibabaw ang boses noong saglit na tumahimik sina Hector sa tuksuhan, bago muling lamunin ng tawanan ang kasunod niyang mga salita.

Nilibot ko ang mga mata sa grupo noong gawin din ni Eloise iyon para magkunwaring hindi masyadong pansin noong una ang maingay na magkakaibigan.

I waited for her eyes to find their way back to me, after averting them from looking at the crowd, before I moved mine to meet hers noong masigurong nasa akin na ang paningin niya. Para mas magmukha akong oblivious at convincing.

"Yeah, they are. Ganyan talaga ang mga iyan, though loud is kind of an understatement, isn't it?" I laughed. Humarap ako ulit sa kanya noong may biglang maalala sabay sabing, "Wait, I think I left my phone in my room, hindi ko yata naisama kanina bago bumaba, teka lang ha, be right back!"

Nagmamadali akong tumayo at hindi na lumingon sa iniwang mesa. Pumasok ako sa bahay saka dali daling umakyat sa kwarto para kuhanin ang phone ko na siyang ginawa kong excuse para makaalis.

Habang palapit sa mesa katabi ng higaan, naagaw ang pansin ko ng gitara na nakalagay sa sulok sa kaliwang bahagi ng bedroom, nakabalot ng itim na soft-sided bag at nakatago.

I took a long deep breath and proceeded to the bedside table. Kinuha ko ang phone na noon ay nakasaksak pa ang charger saka binunot iyon mula sa wall plugs bago magpatuloy palabas ng silid, bitbit ang mabigat na isiping nabuksan.

Pilit akong ngumiti noong makalabas ulit ng bahay, hindi hinahayaang maapektuhan ng kung anumang negatibong pakiramdam. Madali namang iwasan iyon lalo sa ingay ng paligid dahil sa mga nagbibiruang kaibigan ni Kuya.

Napawi nga lang ang ngiting iyon noong mapansing nadagdagan ng isa ang grupo mula noong huli kong iwan kanina.

"Kapatid ko, pre, si Andre." si Kuya ang sumalubong sa akin bago tuluyang makalapit sa mesa, iginigiya ang lalaking kararating lang na sa tingin ko ay kaibigan din niya.

Huminto ako saglit.

The tall man, who appeared foreign to me, remained perfectly still, his long limbs appearing slightly muscular as they extended from his slim torso. His features were chiseled, his jawline sharp and angular, giving him a tough yet egelegant demeanor that demanded respect and attention.

He slightly nodded his head to acknowledge my presence, which for some reason felt rude to me. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil medyo nakasimangot siya noong gawin iyon.

Ngumiti ako at tumango rin sa kanya.

"This is Nate. Siya 'yong classmate ko sa isang minor subject na kinukwento ko noong isang araw, Dre." Natatawang pakilala ni Kuya, may sumagi yata sa isipan noong sabihin iyon.

Hindi ko nga lang maalala ang tinutukoy niyang kwento, so either nakalimutan ko nga iyon o hindi talaga ako nakikinig noong mabanggit niya minsan, kaya siyempre hindi ko rin masabayan.

"Are you gonna play with them too? Is he gonna play?" Tanong ko para hindi maging awkward ang situation noong hindi matawa sa biro yata ni Kuya pagkatapos ng introduction na iyon.

Naghagilap ako ng sagot o signs, kahit ano, sa gitna ng pagtatanong upang maibsan kahit paano ang hiya na unti unting umusbong mula noong magsalita.

"Oo bro, three-on-three. Lalampasuhin lang namin si Alaric pati Hector, masyadong mayayabang e." si Erwan ang unang sumagot. Sinundan naman iyon ng marahang pagtango ni Nate, nakatitig pa rin sa akin.

I smiled awkwardly. Mabagal subalit maingat kong inalis ang sarili sa medyo nakakahiyang grupo na iyon subalit sumabit pa at naharang noong tanungin ng bagong pakilalang kaibigan ni Kuya.

"How about you? Andre, maglalaro ka rin ba after ng first game?" Nate's deep baritone voice almost sounded like a tease, kahit wala namang malinaw na reason para isipin ko iyon. Maayos nga ang pagkakatanong niya, pero parang nanunuya ang dating sa akin noon.

"No... I-I'll just watch." Nasisiguro kong halatado ako roon noong sabihin ang huling mga salita.

I bit my lower lip.

"Right. Good luck mamaya!"

Walang pagdadalawang isip ko silang tinalikuran. Eloise called me, but I pretended I didn't hear her and just proceeded to walk past the crowd.

Napadpad ako sa sun lounger sa gilid ng pool kung saan medyo malayo na sa patio. Doon lang sa puntong iyon ako unti unting bumagal sa bawat paghakbang. Sinulyapan ko ang nagtatawanang grupo bago muling binalik sa harapan ang paningin.

I sat on a sun lounger, only a few steps away from the pool, before taking off my plain white T-shirt. I felt the warm morning breeze immediately caressing me, dishevling my hair, and sending familiar feelings that one can only feel during the summer. Humagod iyon sa katawan ko na parang mga braso ng nangungulilang ina sa kadarating lang na anak na nawalay ng mahigit sampung buwan mula sa kanya.

Sinuot ko ang shades na dala kanina at nagpasak ng earbuds sa magkabilang tainga saka ipinatong sa gilid ang phone.

I played some real soothing music from the Cigarettes After Sex while gently resting my lower back against the back of the lounger.

Huminga ako ng malalim at pinakawalan iyon sa maingay na paraan. I closed my eyes and let my skin absorb the heat from the scorching sun.

I could stay this way for a long time. Sa ilang minuto nga na nakahiga roon ay mas gumaan ang pakiramdam ko, kumpara sa mahigit kalahating oras na naroon sa patio kasama sila.

"Andre, tinatawag kita kanina e!" I heard Eloise's voice somewhere after a long while. Binuksan ko ang mga mata at nakita siyang nakapatong sa kaliwang lounger, nakapamaywang ang kanang kamay habang nakaalalay naman ang isa sa handlebar.

"Hmm?"

She smiled at me then tried to open her mouth but no words came out, as if hesitant to say something more, probably because she must have felt that I'm looking at her through the thick shades of my sunglasses.

Her prying eyes are seemingly enjoying the view even so. Makailang beses kasi iyong nagpabalik balik pataas at pababa sa akin bago mapirmi sa mga mata ko.

Tumikhim siya at nagsalita.

"Maglalaro na sila, naroon na rin sina Brie at Remi. Wanna come with me?" Pilit halos ang bawat salita na nabuo ni Eloise, marahil noong makita ang kunot sa noo ko at medyo kumukurbang kilay. Nabitin pa tuloy ang mga natitirang words habang nasa kalagitnaan siya ng sinasabi.

I nodded slowly. Hindi ko siya magawang titigan nang matagal kahit naka shades ako dahil maaliwalas ang sinag ng araw.

"Susunod ako, Eloise, mauna ka na muna roon. Tsaka medyo inaantok din kasi ako kaya baka medyo mahuli ako. I'm sure you don't wanna miss the game." I said quietly.

A hollow smile appeared across her fair-skinned face as she nodded her head, half-approvingly. Tumulak siya kalaunan pabalik sa front yard, kung saan maglalaro ng basketball sila Kuya, pagkatapos magpaalam sa akin. Pumikit ulit ako noong makaliko na siya pakaliwa at hindi ko na makita.

Nakaidlip yata ako ng ilang minuto roon. Hindi masyadong matagal, panigurado, dahil noong muling magising ay ganoon pa rin naman halos ang ayos ng paligid. Idagdag pa na naririnig ko ang sigawan ng mga naglalaro na medyo mahina na sa bandang ito dahil sa layo.

I took a few deep breaths before I stood. Nag-inat ako para maiwasan ang pamamanhid ng mga paa mula sa saglit na pagkakahiga saka marahang lumakad pababa sa pool.

Ramdam ko ang maligamgam na tubig noong lumubog ang kalahati ng katawan ko sa pool, unti unting pinapawi ang init sa balat ko mula sa ilang minutong pagkababad sa ilalim ng araw.

I let the lower part of my body descend below the surface as my arms outstretched a little bit further, feeling the depth of the water.

Masarap sa pakiramdam ang hatid ng maligamgam na tubig sa mukha ko noong sumisid ng kaunti pagkatapos tanggalin ang suot na shades. The warmth, which brought forth a new yet existing feeling that almost seemed foreign to me at first, found its way back to my senses, magnificently reminding me of how much I wanted the things I never knew I desired in the first place.

I gasped.

Umahon ako sa pool. I grabbed my towel, some of my things on the lounger, and went straight back to the house.

Nagtungo ako sa kitchen para sana kumuha ng malamig na tubig pero agad nagdalawang isip na tumuloy noong mamataan si Nate na nagsasalin ng tubig sa baso na ipinatong niya sa countertop. Katulad ko ay nauhaw rin yata sa init at laro nila.

Kanina noong ipakilala siya sa akin ni Kuya ay medyo naasiwa talaga ako, hindi ko sigurado kung bakit, marahil dulot na rin ng intimidating vibes na nakukuha sa kanya. It created an extremely awkward atmosphere around. Kaya nag-aalangan ako ngayon lalo hindi pa tukoy sa akin kung ano talaga ang dahilan.

Maybe I just find him intimidating?

I mean, he really has this intense vibe around him, which is giving off bad vibes holistically -- isang bagay na hindi ko naramdaman kailanman kahit sa nakatatandang kapatid, kaya naiilang ako.

Siguro nga ganoon lang. At hindi ko lang din marahil siya gusto.

"I kind of overnapped." I laughed as I walk past the countertop. Naagaw ko agad ang atensyon niya kaya lumingon ito sa gawi ko. Nagpatuloy ako sa ref para kumuha ng tubig. "Kumusta ang game, Nate?"

Then silence.

Rinig ko halos ang mumunting paghinga ko at ang nakakabwiset na tunog ng baso noong kuhanin ko iyon sa glass rack at salinan ng tubig. Kahit nangingibabaw ang kagustuhan kong tingnan siya sa pagkakataong ito ay hindi ko ginawa, nahihiya sa hindi mapigilang pag-asta na parang malapit talaga kami sa isa't isa kahit kakakilala lang.

Nagmumukha nga yata akong feeling close dito. Pero ganoon din naman ako sa ibang friends ni Kuya e!

Paano ba kasi kumuha ng tubig na hindi nagiging awkward? Sa kagustuhan ko kasing mangyari iyon ay kung ano ano ang nasasabi ko, na mas nagpapalala ng awkwardness sa pagitan namin. Though dalawang beses pa lang naman nangyayari iyon, kanina tsaka ngayon, pero hindi ko talaga kaya ang pakiramdam!

"Ayos naman. They are actually looking for you, sinabi lang noong isa na nasa poolside ka at nagpapahinga." He said it indifferently.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon. Obvious sa tono niya pero hindi masyadong obvious.

Bumigat lalo ang paghinga ko.

Now that he said something, I'm not quite sure if I really wanna keep this conversation going or just leave it well enough alone. Mas malala pala kapag may isasagot siya, lalo hindi ko alam kung anong isasagot pabalik.

Maybe I should just avoid asking questions when talking to him?

Not sure na hindi siya sasagot pabalik pero at least mas less likely na gagawin nga niya iyon dahil hindi question ang bungad ko.

"Nakaidlip ako pero sobrang saglit lang. Second game na ba or third?" I shut my eyes. Nagtanong ulit ako. I know it was foolish though, what I said, but I said it anyway.

Tumikhim ako at pinangalahatian ang isang baso ng malamig na tubig. Hawak ko pa ang handle ng pitcher noong ipatong muli ang baso sa countertop bago naglakas loob tingnan siya.

I bit my lower lip. Nag iwas agad ako ng tingin noong magsalubong ang mga mata namin pero mabilis lang at ibinalik din agad iyon.

"Second pa lang, itutuloy mamaya pagbalik ko. Nakiinom lang ako, wala pa kasing malamig na tubig sa room ko dahil hindi pa raw dumarating ang ref." Kalmado ang boses niya habang nagsasalita.

Naisip ko tuloy kung nakakaramdam din ba siya ng anumang pagkailang sa casual na pag-uusap na ito o talagang ako lang? Sa tinig kasi'y masasabi kong hindi. Medyo nagtagal ang isiping iyon sa akin kaya bahagya tuloy natigilan at napakurap pa noong tuluyang ma process ang huling sinabi niya. Pero syempre, hindi ko iyon ipinahalata, at least sa facial expression ko.

"Wait, room mo? So ikaw iyong nagre-rent sa bakanteng kwarto malapit sa left wing?" Curious kong tanong.

Naaalala ko kasi na may sinabi ni Lolo noong kahapon noong dumating ako rito na kailangang mag provide ng ref sa itaas na kwarto sa kaliwa dahil may nangungupahan nga roon. Ngunit hindi ko alam kung sino at hindi ko na rin naitanong dahil pareho silang nagkukwento noon ni Kuya. Tsaka masama ang loob ko noon dahil imbes na ipagamit na lang sa akin o kaya kay Kuya ay mas pinili pa nitong ipa-rent ang silid sa ibang tao.

Nate slightly nodded. "Oo."

"Teka, iyong mayroong balcony?"

Tumango ulit siya. My right brow raised a bit, medyo hindi makapaniwala. I was not expecting someone like him!

Akala ko medyo malayo ang edad sa amin dahil ayon kay Lolo, salaula raw kami at kulang pa sa ingat kung kaya ayaw niyang ipagamit iyong silid sa amin!

Kumunot ang noo ko.

He smirked and gestured the emptied glass of water on his right hand.

Buti nakuha ko agad na nanghihingi siya ng tubig at dahil hawak ko pa ang handle ng pitcher ay dali dali na akong kumilos para magsalin sa baso niya. Nanginig pa ng kaunti ang kamay ko habang ginagawa iyon. Nate chuckled while waiting for his glass to get filled up with cold water, which indirectly added insults to my already injured composure. Parang pinagtatawanan pa ako!

I cleared my throat after doing it.

"I see... Maganda roon!"

Natawa siya. "Nabanggit ni Alaric na pareho ninyong gusto ang kwartong iyon. Hindi nga lang pumapayag si sir Leo na ipagamit dahil... wala raw kayong ingat."

Bigla tuloy akong nahiya lalo. I'm sure my face turned red after that. Uminit kasi ang pisngi ko at nasisiguro kong makikita ang pamumula roon dulot ng absolute embarassment matapos niyang sabihin iyon!

Hindi ba nahihiya si Kuya sa sinabi niya? Oo magkaibigan sila, pero dapat hindi niya na ako sinasama sa mga ganoong kwento!

I gulped.

Nakangisi pa rin si Nate at nakatingin sa akin habang unti unting nilalapit ang baso ng tubig sa mga labi niya. Kung hindi ako intimidated at weirded out sa vibes niya mula pa kanina ay iisipin kong nakikipagbiruan nga siya, subalit dahil salungat sa mga iyon ang first impressions ko sa kanya, iisipin kong mock at purong insulto lang ang intensyon niya sa mga oras na ito.

Tumikhim ulit ako, sinusubukang makabawi.

"H-Hindi ako, mas gusto ko na ang kwarto ko ngayon kaysa sa kwarto na tinutuluyan mo ngayon. Maaliwalas kasi roon at mas maayos ang bathroom, tsaka di hamak na mas maluwag, kung hindi isasama ang balcony. Kaya sa aming dalawa ni Kuya Alaric, masasabi kong siya ang mas may gusto roon. Kung noong huling summer siguro, sasang ayon ako, pero ngayon, iba na ang gusto ko." I said incessantly. Hinihingal pa ng bahagya pagkatapos.

Tingin ko ay nagawa ko namang maipaliwanag ang point ko. Hindi nga lang naging sigurado kung kumbinsido siya noong makita na naroon pa rin ang ngisi sa mga labi niya noong mag angat muli ako ng paningin.

"Ganoon ba? I see." He almost whispered the last two words. Kumilos siya upang ilagay sa sink ang baso at muling lumapit sa akin. "The view from the balcony is lovely, though. Kung gusto mong masilip pa rin, kahit hindi mo na gusto ang kwarto, pwede mo namang puntahan ang room, pero kapag nandoon lang ako."

Lumunok ako. I don't know what to say next as a response kahit sigurado naman akong ayoko talagang pumunta roon para lang sa balkonahe o sa tanawin. Kaya sa huli'y wala sa isip na lang akong tumango para matapos na. Sure din akong sinabi niya lang iyon for the sake of being cool.

Nagpapasalamat akong nagpaalam na siya after noon dahil magsisimula na raw ang game, kasi hindi ko na talaga alam kung paano maging maayos pa. Hindi ko alam kung paano niya nagawang ipahiya ako sa usapan lang na iyon. I was trying my best to act cool about it the whole time but I failed miserably.

"Fuck."

Lumabas ako ng bahay makaraan ang ilang minuto. Dumiretso ako sa front yard para dumalo sa ilang mga kaibigan ni Kuya, makipag catch up kay Eloise, at marahil para na rin siguro ipakita kay Nate na wala namang epekto ang naging usapan namin sa kusina kanina.

Kahit ang totoo ay binagabag ako noon hanggang sa sumapit ang hapunan.