webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Music & Bands
Not enough ratings
31 Chs

CHAPTER 9

💎Chapter 9: Save me💎

---

Ken: How are you, Jin?

Jin: I'm fine. Ikaw?"

Ken: I'm so fine as ever

Jin: Talaga? Bakit naman?

Ken: Dahil nakita ko na ulit ang taong matagal ko nang mahal.

Jin: Talaga? Can i meet her?

Ken: You will soon.

Hay nako. I'm smiling at myself like a teenage girl messaging their crushes.

"Ngiting ngiti ang dyosa ah. Yung anak mo kanina pa umiiyak, pinapatahan ni Chae si Soobin pero ayaw nyang tumahan." Sabi ni Jisoo.

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at agad na umakyat sa guest room kung nasaan si Soobin at Chaeyoung. Pagkaakyat ko ay nakita 'kong nakahiga si Soobin sa kama habang umiiyak at si Chaeyoung naman ay naka-upo sa gilid ng kama habang pilit na pinapatahan si Soobin.

"Soobinie, don't cry. Andito naman kami ni Daddy Jin mo at tita Jisoo."

"But i want daddy Joon!" Soobin protested.

"Soobin, anak." Pagtawag ko sa kanya at lumapit sa kanya sa kama "Chae, you can go."

Tumango sya bago lumabas ng kwarto. Umupo naman ako sa gilid ng kama at hinimas-himas ang likod ni Soobin.

"Soobin, why are you crying?"

"I-I miss daddy Joon." Sabi ni Soobin at humarap sa akin at niyakap ako "Hindi na po ba talaga kayo mag-kakabalikan ni daddy Joon?" Tumingala sya sa akin at nadurog ang puso ko nang makita syang umiiyak.

"I'm sorry, baby... pero may sarili nang pamilya si Daddy Joon mo eh. At mahal nya si tita Jinwee mo."

"Pero paano po ikaw? Mahal ka rin po ba ni daddy Joon? pati po ako?"

"Oo mahal ka nya. Pero kung sa akin ay mukhang... malabo..." Niyakap ko sya pabalik.

"Daddy Jin, i miss daddy Joon. Please tell him to come back."

Hindi ako makasagot at niyakap ko lang sya at pinunasan ang mga luha 'kong tumutulo.

---

Nandito ako ngayon sa pool side at

paikot-ikot habang sinusubukan na tawagan si Namjoon. I hope he didn't change his number.

"Hello?" Sabi ko nang sagutin nya ang ang tawag.

"Jin? What do you want?"

"Um... N-Namjoon, can we meet? Soobin wants to see you..." Agad akong kinabahan nang narinig ko ulit ang boses nya.

"I can't. I'm busy."

"Namjoon, please. Kanina pa kasi umiiyak si Soobin at gusto ka nyang makita. Please just once?..."

"*sigh* fine. But i can't promise na makakapunta ako."

"Thank you, Namjoon. Thank you talaga." Masaya 'kong sabi.

"Sige. I need to go."

"Okay. Thank you talaga, Namjoon."

*Tuut tuut*

I sighed in relieved and took a seat at the bench.

"Magkikita kayo?" Narinig ko si Jisoo at tumabi sa tabi ko.

"Na-mmiss na kasi ni Soobin si Namjoon."

"Talaga? Sya lang? Handa ka na 'bang makita sya ulit?"

"Oo naman."

"Puro ka ganyan Kim Seokjin. Kilalang-kilala kita Jin. Simula bata palang tayo ay mag-bestfriend na tayo. Alam na alam ko kung nag-sisisungalin ka o hindi. Mahal mo pa sya. Hindi mo maloloko ang isang Kim Jisoo."

"Mahal ko pa sya. Inaamin ko. Pero sya na ang mahal nya eh... anong magagawa ko?"

"Wag 'mong tanungin ang sarili mo. Sya ang tanungin mo. Bakit ka nya hiniwalayan ng walang maayos na dahilan?"

"The answer is there, Jisoo. Hindi na nya ako mahal."

"He's lying, Jin. Hindi basta basta mawawala ang pagmamahal ng isang tao. Hindi ka nya hihiwalayan kung nag-guilty sya sa mga ginawa nya or kung may nalaman sya tungkol sayo."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tumingin ako sa kanya and i tilt my head with confusion.

"Malalaman mo rin 'yan sa tamang panahon. Papasok na ako sa loob at mag-sshower. Pinatulog na rin ni Chae si Soobin."

Tumango ako bago sya pumasok sa loob. Bumuga ako ng malalim na hininga at pinagmasdan ang mga bituin na kumikislap sa madilim na langit.