webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Music & Bands
Not enough ratings
31 Chs

CHAPTER 28

💎Chapter 28: Date?💎

---

"I...--"

"Namjoon, andito ka pa pala." Narinig namin si dad sa may pintuan.

Agad akong tumayo mula sa duyan at binitawan ang kamay nya.

"Dad, puntahan ko lang po si Soobin sa kwarto nya."

"Sige."

Pumasok ako sa loob ng bahay nang hindi bumabalik ng tingin kay Namjoon at umakyat sa kwarto ni Soobin.

[Namjoon's POV]

Naka-upo parin ako sa duyan at nakatingin sa baba. Napalingon ako nang tinapik ako ng tatay ni Jin hyung sa likod at umupo sya sa duyan kung saan naka-upo si Jin hyung kanina.

"Alam mo hindi parin ako makapaniwala na ginawa mo mo iyon sa anak ko." Mas lalo akong nalungkot at niyuko ang ulo ko. Nagsisisi nanaman ako sa mga ginawa ko. "Pero naalala ko na parehas pala tayo. Parehas tayong sinaktan si Seokjin. Naaawa nga ako sa anak ko dahil nararanasan nya ito. An angel like him doesn't deserve any of this." Napatingin ako sa kanya.

"Kaya nga po nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa kanya. Sobra ko syang sinaktan pero pinatawad nya agad ako at ngumiti sa akin na parang walang nangyari."

"Ganyan na si Seokjin simula pa noong bata pa lamang silang dalawa ni Taehyung. Tuwing may ginagawang ayaw ni Seokjin si Taehyung ay agad nya itong pinapatawad. At habang lumalaki sila ay nakalimutan na ni Seokjin ang sarili nya. Pinabayaan na nya ang sarili nya. Inuna nya ang mga tao sa paligid nya kaysa sa kanya."

*Riiing riiing*

"Sasagutin ko lang po yung tawag."

"Oh sige."

Tumayo ako mula sa duyan at naglakad ako papunta sa mga halaman at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan ang caller i.d.

"Hello?"

"Hello Joon, nabili ko na." Sabi ni Jisoo sa kabilang linya.

"Talaga?"

"Oo. Pero sure ka ba mag-wwork toh?" Tanong nya.

"Hindi ko alam pero hihiling nalang ako na sagutin nya ako."

"Okay. Then goodluck. Pero hindi kita tinutulungan dahil sinagip mo ang bestfriend ko kundi ay dahil gusto 'kong makita syang masaya ulit."

"Hindi kita bibiguin, Jisoo. I promise. Kapag sinaktan ko ulit sya pwede mo akong sipain at suntukin kahit ilan gusto mo."

"Sige na. May date pa ako. Iniwan ko na sa bahay mo yung pinabili mo sakin."

"Sige. Bye."

"Bye."

Binaba ko yung telepono at binalik sa bulsa ko yung telepono ko. Bumalik ako sa kung saan naka-upo ang tatay ni Jin hyung sa duyan.

"Uhh... Mr. Kim, uuwi na po ako may kaylangan pa po kasi akong ayusin."

"Ganun ba? Oh sige. Sasabihin ko kay Seokjin na umuwi ka na."

"Uh... pwede nyo rin po bang sabihin kay hyung na susunduin ko sya bukas at 6:00 PM?"

"Sige ba. Mag-ingat ka sa pagmaneho."

"Sige po. Maraming salamat po Mr. Kim." Sabi ko bago pumasok sa kotse ko.

[Seokjin's POV]

Andito ako sa kwarto ni Soobin at pinapanood 'kong matulog si Soobin.

Lumingon ako sa pintuan nang bumukas ito at pumasok dito si dad.

"Seokjin, pinapasabi sayo ni Namjoon na susunduin ka daw nya bukas dito 6:00 PM."

"Bakit daw po?" Nagtataka 'kong tanong.

"Wala syang sinabi sa akin eh."

"Sige po. Matulog na po kayo. Babantayan ko pa po si Soobin eh."

"Sige. Mag-pahinga ka na ha."

"Opo."

[The Next Day]

"

Ano ba dito ang susuutin ko?" Tanong ko sa sarili ko habang pabalik balik ng tingin sa kulay pink 'kong polo at kulay white na long sleeve na naka-lagay sa kama.

Halos mag-iisang oras na akong na-stuck sa kakaisip kung ano ang susuutin ko. Bakit ba ako kinakabahan? Saan kaya nya ako dadalhin? Baka naman kikidnapin nya talaga ako? Hayyst bakit ba kasi napaka-gwapo ko? Pinag-aagawan tuloy ako ng mga lalaki. Naka-recover na ako sa mga nangyari noon kaya ginagawa ko nalang biro ang mga nangyari kahit na binubulabog parin nito ang isip ko tuwing gabi.

*Knock knock*

"Anak, andito na si Namjoon." Sabi ni dad sa likod ng pinto.

What? Ang aga naman nyang pumunta dito.

Tumingin ako sa orasan at 5:30 pala ay nandito na sya? Excited? Hindi pa nga ko nakaka-pili kung ano ang susuutin ko. Jisoo help.

"Hayy. Ito na nga lang." Kinuha ko yung kulay white 'kong long sleeves at sinuot ito.

---

Pagkatapos 'kong mag-aayos ay bumaba ako at nakita ko si Namjoon sa salas habang nakikipag-laro kay Soobin.

"I'm done." Awkward 'kong sabi pagka-lapit ko kila Namjoon at Soobin.

"Uh... Let's go?" Tanong nya pero mukhang hindi sya nakatingin sa akin kundi sa mga labi ko.

Masyado bang halata ang lipstick ko? Binigyan kasi ako ni Jisoo ng lipstick pero hindi sya masyadong makapal at ang sabi nya ay gamitin ko daw yun tuwing may date ako. At may masama ba na gumamit ako ng lipstick? Pang-babae lang ba yun?

"Let's go. Dad, aalis na po kami."

"Sige. Mag-iingat kayo." Sabi ni dad mula sa kusina.

"Opo!"

Bago ko pa mahawakan ang door knob ay agad na pinag-buksan ako ni Namjoon ng pintuan.

"Uh... Thanks."

Pagka-labas namin sa bahay ay pinagbuksan nya rin ako ng pintuan ng kotse at umupo ako sa harap at nang sinara nya ang pintuan ng kotse ay pumasok naman sya sa kabila sa driver's seat.

"Let's go."