1 CHAPTER ONE

Napabuga ng hangin si Lorrie bago hinihingal na napasandal sa sasakyan.Sa wakas.Nakakakita na rin siya ng bahay sa gitna ng masukal na gubat.

Puno ng butil ng pawis ang noo hanggang leeg.Masyadong tirik na tirik ang araw sa araw na iyon.Halos isang kalahating oras din siyang nagtutulak ng kaniyang nasiraang sasakyan.Kaya ganun na lamang ang kaniyang pagtagaktak ng pawis.

Pagod na pagod na rin siya at wala pang kain maging inom.Hindi niya kasi inaasahang ganito ang mangyayari sa kaniya.

Kung bakit ba naman kasi napahiwalay siya sa kaniyang mga kasamahan.

Naligaw siya at hindi nya makita ang daan pabalik.Masyado kasing nawili sa mga bulaklak na nakita kanina kaya di na napansin ang paglayo niya sa mga kasama.

Nagkaroon ng camping activity ang kanilang kompanya at wala sana siyang balak na sumama pero walang nagawa.Lahat kasi ng mga trabahante ay kailangang kasama.

Kinapa niya sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cellphone nagbabakasakaling magkaroon ng himala para matawagan niya ang mga kasama pero hanggang ngayon ay wala paring signal na makalap ito.Bumuntong hininga sya at napakagat sa pang ibabang labi sa inis.

Napakamalas ko.Sa isip niya.

Hindi niya na alam ang gagawin lalo nat maggagabi na magiging mapanganib sa kaniya iyon dahil hindi niya alam kung anong mga mababangis na hayop ang nakayira sa gubat.

Pero tignan mo nga naman,isang himala parin ang nangyari.Nakakita sya ng isang lumang bahay sa gitna ng gubat.Luma na iyon pero halatang meron paring taong nakatira.

Meron kasing usok na nanggaling roon.

Hindi na siya nagdalawang isip pa at lumapit na sa bahay.

"Tao po?"Pagtawag niya.Pero walang tumugon.Ilang beses pa niyang inulit hanggang sa magsawa.Binuksan niya ang maliit na gate na bakal na pinagpapasalamat nya at bukas.

Muli siyang tumawag pero walang tumugon.Bukas ang malaking pintuan na nag aalinlangan man ay pinasok niya na.Namangha agad ang mga mata nya ng mabungaran ang mga lumang antik na nakadisplay sa salas.Hindi.Dahil halos lahat ay luma at para kang nakabalik ng sinaunang panahon sa loob ng bahay.

Masyado siyang nalibang at di na napansin ang paglapit ng matandang lalaki.

"Sino ka?"nagitla at napahawak pa sa dibdib si Lorrie.Nanlalaki rin ang matang tinignan ang matanda.

"Oh my gosh!"bulalas pa niya sa sobrang gulat.Hindi pinansing iyon ng matanda at sa halip ay tinitigan lang ang gulat na si Lorrie.

Agad ding pilit na ngumiti si Lorrie.Medyo nailang din siya sa kakaibang tingin ng matanda.

"P-pasensya na po kung pumasok na ako Lo,naligaw po kasi ako at nais ko sanang magtanong kung saan ang daan pabalik ng camping site namin."Napapakamot sa batok na sabi ni Lorrie.Mariin siyang tinignan ng matanda bago ito naglakad papalapit sa mnga librong nakasalansan sa lumang cabinet.Sinundan sya ng tingin ni Lorrie.

"Pasensya na talaga Lo,wala naman po akong masamang intensyon ng pumasok.Kailangan ko na po kasi talagang bumalik sa mga kasamahan ko.Hindi ko lang po talaga alam ang daan kung saan ang daan pabalik."Tumango ang di nagsasalitang matanda bago siya iniharap.

"Lumiko ka lang sa pakaliwa at dumiretso ka.Masyado ka yatang maraming nilikuan.Mabuti na lamang at dito ka napadpad."wala paring emosyong sabi ng matanda.

Napunok si Lorrie.Wala namang masama sa sinabi ng matanda pero may kakaiba siyang nararamdaman.

"Sige po.Maraming salamat aalis na po ako."Tumango ang matanda.Walang lingunang lumabas siya ng bahay.Nagmamadali.Kakaiba ang nararamdaman niya sa matanda.Nakakakaba.

Pero ng nakasakay na sa sasakyan muli ny

ang nilingon ang matanda.At kahit na tinted ang kaniyang sasakyan hindi nya maintindihan kung bakit nakatitig ang matanda na parang walang humaharang sa kaila.Nagbigay iyon ng kilabot sa buo niyang katawan.Mabuti na lamang at umandar agad ang sasakyan na hindi nya na pinaagtuunan pa ng pansin kahit na kataka taka.Mabilis siyang umaalis salugar na iyon.

avataravatar