webnovel

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 5: We're just having fun

"SUSMARYOSEP YAWA KA FELIX MAGDAMIT KA NGA!"

Natatarantang sabi ko. Jusko sinong hindi kung makakakita ka ng lalaking walang saplot kahit ano

"Ganyan ka ba talaga maligo?" tanong ko habang hindi parin dinidilat ang mata ko

"Pasensya na sanay kasi akong mag isa" sabi niya

Humuhugot ba siya? Broken ka ghorl?

"Pwede na ba akong dumilat?" tanong ko habang ang kamay ko ang ginamit ko na pangharang sa mata ko

"Oo" maikling sagot niya

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ko at nakatingin sakin. May damit na snaman na siya kahit papano pero topless nga lang.

Napatingin ako sa katawan niya. Ang taray! May pa abs at vline na ganap itong si Felix. Inalis ko agad ang tingin ko don. Jusko baka magkasala pa ako at hindi na ako tanggapin sa langit kapag oras ko na

Napatingin ako sa mukha niya. Tumutulo ang basang buhok niya. Napangiwi ako. Inilipag ko ang aking bag saka kumuha ng pamunas don. Girl Scout si ate niyo soreeh

Pinaupo ko sa siya sa malaking bato para kahit papano ay maabot ko siya. Magkaharap kami. Sinimulan kong punasan ang basang buhok niya.

"Sa susunod kapag nandito ako, tuwing maliligo ka magsuot ka ng damit" paalala ko. Tumango naman siya

"Jusko ka! Muntik ko ng makita ang natatagong hotdog" stress na sabi ko.

Takang nakatingin lang siya sakin. Hindi siguro naintindihan ang sabi ko. Mainam nayon at baka palayasin ako bigla nito kapag nalaman kung ano ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi ko.

Pagkatapos kong tiyuin ang buhok niya ay nagsuot na siya ng damit pang itaas. Mabuti naman at baka mapagnasahan ko pa siya ng wala sa oras. Shuta ang landi ko

Naalala kong may pagkain nga pala akong dala. Umupo kami sa damuhan malapit sa water falls. Inilabas ko ang mga pagkaing dinala ko.  Nagbukas ako ng chips at biscuit saka inilapit yon sa kanya. Tinignan niya lang yun. Sumubo ako ng chips. Ginaya niya naman ako

Nangiti siya nang matikman ito. Natawa ako. Inilapit ko pa sa kanya ng bahagya ang mga pagkain. Ilang minuto pa ay naubos namin ang mga yon. Nahiga kaming pareho sa damuhan. Tumitig siya sa asul na langit.

"Makwento ka makikinig ako" sabi niya

"Ano naman ang ikukwento ko?"

"Yung magulang mo ba?" tanong niya

Tumingin ako sa lagit bago sumagot.

"Namatay sila bata palang ako" umpisa ko. Naramdaman ko namang tumingin siya sakin . "Ang kwento sakin ng tiyahin ko, pauwi na daw sila ng bahay that time tapos nawalan ng preno yung sinasakyan nilang kotse eh umuulan pa naman daw non kaya madulas yung kalsada tapos ayon, bumangga sila"

Hindi ko sa sila masyadong matandaan dahil ilang taon pa lang ako nung mga panahong yon. Nakakalungkot lang dahilang aga nilang kinuha sakin at hindi man lang ako nagkaron ng pagkakataong makilala sila. Hanggang pictures ko lang sila nakikita.

Yung gusto mong may masabihan ka nang mga problema mo, yung gusto mong magsumbong dahil sa may mga nang aaway sayo hanggang nagyon pero wala eh. Gusto kong maranasan yung sinusoportahan nila ako, yung may pumupunta sa mga school meetings ko, yung may nagluluto sakin ng umagahan at ipag gagayak ako ng tanghalian tuwing papasok ako pero lahat ng iyon nawala. Hindi ko naranasan ni minsan. Hindi naman lagi na sakin ang atensyon ng Tita ko. Syempre may sari sarili na kaming buhay  at may anak na siya. Kailangan din niyang magtrabaho para mabuhay sila.

Minsan napapaisip ako, sino na lang ang pupunta sa graduation ko? Sino na lang ang aghahatid sakin sa altar kapag kinasal ako? Wala, dahil umalis na sila at naiwan akong mag isa kaya lumaki ako na sanay mag isa. Hindi ako umaasa sa iba dahil in the end of the day sarili mo lang din ang aasahan mo. Minsan nga tinatawag ko ang sarili ko na "Strong independent Women"

"Hindi mo ba sila namimiss?" tanong niya. Natawa ko dahil sa panggagaya niya sa tanong ko nung nakaraan. Gaya gaya ka. Walang originality

"Syempre hindi naman maiiwasan yon" panggagaya ko din sa sinabi niya. Nagkatinginan kami saka sabay na natawa

"Kaylangan na nating bumalik dahil papagabi na" sabi niya saka tumayo. Bumangon nadin ako. Inilahad niya ang kamay niya sakin. Tinignan ko iyon saka inabot. Kinuha niya ang mga gamit ko saka siya na ang nagdala. May pagka gentlemen naman pala siya. Slight lang

"Taga lupa, bakit parang ang dami mong damit na dala?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa tree house.

"Dito ko matutulog" maikling sagot ko. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin

"Talaga?" natutuwang tanong niya habang may malawak na ngiti sa labi

"Hindi charot lang yon" pilosopong sagot ko. Tinakatingin lang siya sakin at halatang hindi naintindihan yung sinabi.

"Ang sabi ko, Oo dito muna ko" paunawa ko sa kanya

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tree house. Nilapag niya ang mga gamit ko sa lamesa. Umupo naman ako sa upuan at ganon din ang ginawa niya. Napatingin siya sa damit ko

"Bakit ang dumi ng iyong damit?" kunot noong tanong niya

"Huwag mo ng pansinin, wala ito" lang ang sagot ko. Kumuha ako ng damit sa bag ko. Siguro dapat magpalit na ko dahil kanina pa ako nakasuot ng uniform. Napatingin ako sa paligid. Wala akong nakita pwedeng pagbihisan dito kaya tinanong ko si Felix

"Saan pwede magpalit ng damit?" tanong ko. Napatingin din siya sa paligid

"Lalabas na lang ako" sasbi niya saka tumayo at naglakad palabas.

"Tawagin mo na lang ako kapag tapos kana"

Pagkasara niya ng pinto ay nagbihis na agad ako. Nag suot lang ako ng shirt at pajama pantulog. Hindi naman ako nagtagal at natapos din. Lumabas ako at nakita ko siya na nakaupo sa hagdan paakyat sa tree house. Tumabi ako sa kanya. Walang nagsalita samin kaya tumingin na lang ako sa malayo. Ano ba ang pwedeng sabihin? Ang awkward na kasi.

"Ililibot kita sa buong ekbasis bukas" pambasag niya sa katahimikan. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.

Pagtatapos non ay pumasok na kami sa loob sa loob. Nung una ay pinoproblema ko pa kung saan ako matutulog. Buti nalang at si Felix na ang nag presinta at nagsabing sa lapag na lang daw siya matutulog. Nahiya naman ako kasi siya pa ang nag adjust. Naglatag na lang siya sa lapag at doon natulog samantalang ako naman ang nakahiga sa kama niya. Napatitig naman ako sa kisame. Mukhang marami pa akong hindi nakikita dito sa Ekbasis. Lalo tuloy akong naexcite