1 Panaginip

Dahil sa sobrang pagod sa maghapong pag aalaga sa anak niya at pag aasikaso ng kanilang hapunan ,sa unang banda nakatulog ng maaga at matiwasay si Kim.Sa kanyang pagkakahimbing sa pagtulog hindi niya akalain na magkakaroon siya ng magandang panaginip.

Isang tour guide ang trabaho ni Kim sa panaginip niya kaya naman.....

"Excuse me "saad ng matipunong lalaki

Sa paglingon ni Yna nakita niya ang mukha ng lalaki na wari niya'y mala 'Alden Richard' ang dating

"Yes"sabi ni Yna

"Dito ba iyong bahay ni aling Rose?" tanong pa ng lalaki

"Yes po ,anong kailangan mo sa nanay ko?" sabi ni Yna ,sabay tawag sa nanay niya

Ang bahay kasi nila Yna ay isang tuluyan ng mga turista ,kaya hindi malabong magkaroon sila ng bisita araw araw.Pinatuloy niya na ang lalaki sa bahay nila at inasikaso.

Kinabukasan ,isang umagang kay ganda panibagong araw ng pag gagala,ililibot kasi niya ngayon ang mala 'Alden Richard' look at siya ung naatasan na maging tour guide.

Habang nag aalmusal sila naging kakwentuhan niya na yong mala 'Alden Richard' kaya magaan na pakiramdam niya kasi ang akala niya hindi ito mabait ,nagkamali siya.Nagpakilala na sila sa isa't isa at nalaman niya na ang pangalan pala nito ay 'Richard'.

Yna:So,hindi mo lang kamukha si Alden Richard,kapangalan mo pa ito?

Richard:Syempre,ako yata un!-pagmamalaki nito kay Yna

Lumaki kasi sa liblib na lugar si Yna at hindi siya masyadong updated sa mga nangyayari sa larangan ng mga artista.Na nababasa niya lang ang mga headline sa newspaper na binibili ng Lolo Noel niya.Ang tanging meron siya ay keypad na cellphone at camera na lagi niyang dala kapag meron siyang Tour.Minsan lang kasi siya manood ng tv kasi isa siyang busy na tao.

avataravatar