webnovel

Prologue

ḊḕṮḧḀṆẏ

Payapa akong nahiga sa lilim ng puno sa field ng school namin. P.E. class, pero exempted ako dahil nga hikain ako. Gusto ko rin sanang makigulo sa kanila, kaso baka huminto yung buhay ko, char~

Habang payapang pinagmamasdan ang mga tao sa harap ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa isang lalaki na ang liksi-liksi kumilos. Tawa sya nang tawa habang nakikipag-bunuan sa iba pa naming kaklaseng lalaki.

Siya si Christian Borleo, ang crushmate ko haha!

Hindi ko matandaan kung paano ko sya nagustuhan, basta alam ko lang na sinisipag akong pumasok dahil sa kanya.

Sumandal ako sa puno at nakangiting nag-angat ng tingin sa mga dahon. Ang payapa nilang tignan habang sumasabay sa pag-ihip ng hangin.

Parang ang sarap matulog ngayon ah?

Iidlip na sana ako nang tumunog ang messenger ko. Napangiti naman agad ako nang makitang message iyon ng bestfriend ko.

ZuA

Hoy babae! hindi ako nakapasoooooooookkkk!!! Ikaw ba, pumasok ka? 😂

Oo naman, gusto ko makita si crush, char~

Ang harot! Sana all schoolmate yung crush! 😂

Hahahaha! Magpatransfer ka na kasi sa school nila R(toooot) hahahhaa!

T***** mo beh! 😂

Inaantok ako, Zia

Edi matulog ka! 😂

Talaga! Bye bye na muna, inaantok ako

Sige, take your time with crush HAAHAHHA ❤️😂

Gagaaaaaa! HAHAHHAA

seen 10:30am

Kahit kailan tong aswang na to! Napangiti nalang ulit ako, bago ko patayin ang cellphone ko. Nararamdaman ko yung bigat ng mga talukap ko, para bang may sampung dyablong nakasabit para lang maipikit yung mata ko. Nilalabanan ko lang, dahil gusto ko pang panoorin si Christian, pero nakatulog din ako.

ꉣꌚꌚꌚꌚ꓅!

Nawala sa isang iglap ang tanawin ko ng field. Ang sarap kasi ng hangin doon sa ilalim ng puno kaya siguro nakatulog ako~

Alam kong nananaginip lang ako, pero hindi ko magawang gumising kaya pinili ko nalang panoorin kung anong mga nangyayare. Tulad ng mga normal na panaginip, magulo ang dimensyon at kung saan saan ako napupunta.

"Yow!"

Isang lalaki ang nakangiting lumapit sa akin, pero hindi ko maaninag ang mukha nya.

"Samahan mo ako doon!" Sabi nya, pero bago pa ako makasagot-

"Anong ginagawa mo rito?"

Napalingon ako dahil sa boses na iyon. Gulat pa kami parehas sa isa't isa, pero ilang segundo lang ay napangiti kami at sumalubong ng yakap at tampal sa magkabilang pisngi.

"Hanggang panaginip ko ba naman, ikaw pa rin ang nakikita ko!?" Reklamo nya, parang totoong totoo yung kaharap ko ngayon dahil na rin sa ekspresyon na pinapakita nya

Siguro nakabisado ko nalang din lahat lahat ng kilos nya sa tagal ng pagsasama namin hahaha!

"Parang lugi ka pa ah? Kapal nito! Hindi ko rin ninais na mapunta ka rito sa panaginip ko, duh~"

"Talagang lugi ako!"

"Sama ng ugali mo"

"Mas masama yung mukha mo, HAHAHA!"

Sinakal ko sya ng pabiro habang tinutulak papunta sa isang magandang lugar sa di kalayuan. Tinanaw namin ang malawak na kulay rosas na kalangitan at sa baba naman ay ang malawak na dagat na pinagtatalunan ng kahel at pula ang kulay. Nakapaligid rito ang mga puno na dilaw at lila ang kulay ng mga dahon na nagbibigay ng sobrang kulay sa aking mundo.

"Ang layo ng itsura nito sa aura mo ah"

"Manahimik ka nga diyan Zia, di ko kailangan opinyon mo, hahaha!"

"Sana all may tinatagong kagandahan!"

"Kadiri ka, wag ka nga magsalita ng ganyan! Di ako sanay!"

"Ikaw na nga itong ina-appreciate, nag-iinarte ka pa!"

"Hahahahah!"

"Pero kailangan mo ring ipakita to sa tunay na buhay, dahil baka mahuli na para magising ka,"

"Magising saan?"

"Sa-"

"Hoy Dethany, pssst,"

Napamulat ako ng mga mata, ngunit agad ding isinara iyon dahil sa liwanag na nakakasilaw.

"Hindi maganda para sa'yo na mahiga dito, nakapalda ka, tumayo ka,"

Hindi ako sumagot at sinunod nalang ang payo nya. Tinulungan nya akong tumayo, habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa puno upang mag-ipon ng lakas.

Kaya kita crush eh! Ang gentleman mo talaga!

"Salamat Christian,"

"Hindi ka dapat natutulog sa ganitong oras, lalo na kung nasa mataong lugar, baka may mawala sayo at hindi ka pa nakasuot ng PE uniform natin, baka masilipan ka pa ng ibang mga ungas," sabi nya bago bumalik sa mga kaibigan nya sa room

Lahat ng sinasabi mo, tumatagos sa puso ko!

Pigil ngiti akong nagpagpag ng palda ko. Tinanaw ko ang malawak na field habang napapaisip na wala naman talagang makakasilip sa akin sa ganitong lugar, sadyang marespeto lang sya sa babae. Napangiti ako ng todo, hindi ko na napigilan, pero saglit lang iyon dahil ayokong isipin ng ibang kaklase kong nababaliw ako.

"Sana all exempted!" Biro ng isa kong kaklase

"Sana all hindi hikain," ganti o

"Ito naman eh!"

"Sorry, not sorry,"

Bitbit ang bag na nanlulumo akong umuwi mag-isa. Gusto ko ring maranasan na kumilos. Gusto ko ring sumayaw. Nakakasawa ring mapagod, kahit walang ginagawa. Yung mga bagay na inaasam-asam kong magawa sa tunay na buhay.

Hanggang panaginip ko nalang maipapangarap...