webnovel

EPISODE-FIVE

"CASE No.2 Tanya Sandoval"

Habang nagmamaneho si Rex pauwi sakanila. Bigla nalang nag ring ang kanyang Cellphone at dali-dali niya itong sinagot.

"Hello Danny?" Sambit ni Rex pagkatapos nyang pindutin ang tawag ng biglang may muntik na syang masagasaan.

"Oh my god! Miss magpakamatay kaba?" Sigaw ni Rex. Agad niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kotse at Dali-dali nyang tiningnan ang taong muntik nyang masagasaan.

"Miss, excuse me? What are you doing here?" Tanong nya sa babae habang nag sisindi ng kandila Ang babae sa gilid ng kalsada.

Walang tugon na natanggap si Rex bagkus ay tumingin lang Ang babae sakanya.

"Miss are you okay?? If you don't mind me asking. Bat ka nag titirik ng kandila dito. Baka masagasaan ka!" Sabi ni Rex sa babae. Tumingin muli ang babae sabay sabing.

"Hindi ka dapat dumaan dito. Nagtitirik ako ng kandila Kasi may namatay dito." Sagot ng babae.

"Namatay? " Pagtatakang Sambit ni Rex at iginala nya Ang kanyang paningin sa paligid Wala syang nakitang may lapida o ano mang palatandaan na may namatay. Ang nakita nya lang ang kotseng itim na nabangga sa isang malaking Puno.

"Miss, halika Tulungan natin yung tao sa loob ng kotse. Bakit Hindi ka tumawag ng ambulansya. Halika!" Agad nilapitan ni Rex ang kotseng itim ng biglang naanigan nya ang mukha ng babaeng naaksidente.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Rex animoy tumakbo sya ng napakalayo. Nang lingunin nya ang babaeng kausap nya kanina.

Biglang nagbago Ang itsura nito. Duguan Ang mukha at punong-puno ng pulang likido ang suot na kamiseta.

"Miss Tulungan Moko!" Sabi ng babae.

Dahil sa gulat nagmamadaling nagtungo si Rex sa kanyang kotse at tinawagan nya si Mycka at Danny.

Habang kausap nya sa telepono sina Mycka at Danny, ginagambala sya ng babaeng naaksidente at patuloy pa din Ito sa pag hingi ng Tulong.

Nang matapos na Ang usapan nila ni Mycka at Danny, kinausap ni Rex ang babae habang nakapikit Ang kanyang mga mata.

"Tumawag nako ng ambulansya... Bumalik ka na sa katawan mo." Utos ni Rex.

" Miss mahigit limang oras nakong nandyan. Sa malamang ay patay nako. Hindi aksidente Ang nangyari sakin. May pumatay sakin." Sabi ng babae.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Rex.

"Ako si Tanya Sandoval Isa akong abogado. " Panimula ni Tanya at sabay nyang hinawakan si Rex sa kamay. Dahil dun, nakita ni Rex ang mga nangyari bago pa nya matagpuan si Tanya.

Samantala sina Mycka at Danny naman ay nagmamadaling nagtungo sa nasabing lugar kung saan si Rex nag aantay sakanila nang biglang hinarangan sila ng isang babae.

" Saan kayo pupunta? Mukhang nasa problema nanaman si Rexy?" Sambit ng babae.

"Excuse me? Sino ka? Papano ka nakapasok dito?" Tanong ni Mycka.

"Hindi na mahalaga yun, ako nga Pala si Jean. Reincarnation ako ni Vina Robles. Dating kaibigan ng pamilya Morales ng Santa Helena." Sabi ni Jean.

"Ate Mycka, wag mo na syang kausapin puntahan na natin si Ate Rex." Sabi ni Danny.

"Guro? Ganyan ba dapat batiin Ang iyong dating studyante?" Sambit ni Jean Kay Danny.

"Teka Miss kung sabog ka. Hindi ko alam yang sinasabi mo. Mabuti pa. Umalis ka dyan. Bago pa Kita sagasaan." Saway ni Mycka Kay Jean.

"Hindi ba kayo nag tataka at dahil may kakaiba kayong kakayahan? Katulad ni Rexy may kakayahan syang Makakita ng mga yumao. Ikaw Mycka, may kakayahan Kang Makita ang nakaraan ng bawat nilalang kung nanaisin mo. Hindi ba kayo nagtataka.?" Sabi ni Jean.

"Tigilan mo na kami!" Sabi ni Danny nang bigla nalang nakaramdam ng panghihina si Jean at napaluhod nalang Ito sa lupa.

"Wag na wag mong sasaktan Ang pamilya ko!" Dagdag ni Danny. At tuluyan na talagang sumigaw si Jean dahil sa sobrang sakit.

"Danny what are you doing? Stop it!" Saway ni Mycka sa kapatid.

Dahil dun biglang natauhan si Danny.

Ilang sandali pa ay nawala si Jean sa kanilang harapan. Na mas lalong pinagtaka ni Mycka.

"Nasaan na yun?" Tanong ni Mycka.

"Ate miks let's go!" Sabi ni Danny at agad nilang pina-andar Ang kotse.

Balik Kay Rex at Tanya. Agad namang dumating Ang mga ambulansya at mga police upang imbestigahan Ang nangyari.

"Miss Morales maari ka ba naming maimbitahan sa Prisento? For documentation lang?" Tanong ng isang police.

Tumango si Rex bilang pagsang-ayon.

Nagkita-kita na ang magkapatid sa Prisento.

Tinawagan din ng mga police Ang mga kamag-anak ni Tanya. At doon itinuro ni Tanya ang isang lalaki.

"Napadaan lang po, ako nang maanigan ko yung koste ni Miss Sandoval." Sabi ni Rex.

"Bakit ka doon dumaan Miss Morales? Masyadong maputik Ang kalsada at Hindi pa masyadong sementado." Tanong ng police.

"Pauwi na nga ako, doon ako dumadaan kapag late nako nakakauwi." Sagot ni Rex na medyo tumaas na Ang kanyang Boses.

"Mag iingat ka Rex, nasa labas ang boyfriend kung Kriminal. Siya ang nagbangga ng kotse sa Puno. Nakita mo naman yun diba? Please sabihin mo kina mommy na wag sila magpapaloko sa lalaking yan. " Sabi ni Tanya sa likud ni Rex.

"Okay thank you miss Morales." Sabi ng police.

Yumuko si Rex at lumabas na Ito ng Prisento.

"Tanya, kung totoo man yang sinasabi mo. Hindi ko pwdeng sabihin dito, ngayon mismo sa mga magulang mo Ang nangyari. Maaring manganganib sila. Hayaan mong maka tyempo ako. Wag Kang mag aalala tutulungan Kita." Sabi ni Rex.

"Sino kausap mo Ate?" Tanong ni Danny.

"Kasama mo ba Ang multo ng anak Nila ni Mrs Sandoval?" Tanong ni Mycka.

"Oo ate Miks, kelangan ko ng makapagpahinga. Nilalamig ako." Sabi ni Rex.

Ilang sandali pa ay dumating naman sina Mercedes at Gelo.

"Rex what happen?" Tanong ni Gelo.

"Oo nga bes? Ayus Ka lang ba? Mabuti nalang tinawagan kami ni Miss Mycka. " Tanong ni Mercedes.

"Yes, I'm okay Hindi kana sana nag punta pa dito sir?" Sabi ni Rex Kay Gelo.

" No, I want to see you.. " Sagot ni Gelo.

"You want to see Rex because???" Sambit ni Mercedes.

"Mag OOT ka bukas Mercedes.. " Sagot ni Gelo Kay Mercedes.

"Boss naman! Walang ganyanan!" Pagmamaktol ni Mercedes at napangiti nalang si Rex sa kanyang nasaksihan.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang Bahay.

"Maraming salamat sainyo Sir at bes Mercedes. Okay lang naman ako. Maupo na muna kayo. Ah manang, patimpla naman ng kape kina sir oh." Utos ni Rex sa katulong. Agad namang lumapit Ang katulong kina Rex at bumati ito sa mga bisita ng amo.

"Yes ma'am, sandali lang Po!"

"Sir, magbibihis lang ako. Pababa narin sina Ate At Danny." Pagpapaalam ni Rex sa dalawa.

Nang makaalis na si Rex ay nagsalita si Mercedes.

"Nako boss, akala ko ba magtatapat ka na? " Sabi ni Mercedes.

"Eh bad timing! I'm sure na trauma si Rex sa mga nangyari and I'm sure nakakita nanaman yun ng ghost." Sabi ni Gelo.

"Ay nako torpe ka talaga. Nako pag nakita na ni Bes yung man of her dreams talaga. Deadma ka na lang talaga." Sabi ni Mercedes.

Samantala napaisip si Mycka sa nangyari kanina bago Nila masundo si Rex.

"Reincarnation? Tama nga Ang babaeng yun. Tska napapaginipan ko din Ang Santa Helena na yan. Matagal ko nang hinahanap yan sa Google map pero Wala akong mahanap na Santa Helena. " Sabi ni Mycka.

"Ate miks? Nananaginip ka din tungkol sa Santa Helena?" Tanong ni Rex sa kapatid.

Itutuloy....