webnovel

Don't. Touch. Me.

"No! Don't touch me! At w-wag kang lalapit!" Sigaw ng isang dalaga sa tangkang paglapit ng binata sa kanya. "Bakit ba? Ibibigay ko lang naman itong panyong naihulog mo!" "Ihulog mo ulit! Ako na pupulot! Letche!" "Ang arte kala naman nuknukan ng ganda! Psh!" Mahinang singhal nito. "Ihulog mo na!" Hindi sya pinansin nito. Nakatayo sila sa gitna ng kagubatan. Sampung hakbang ang layo nila sa isa't isa. May mga bahay sa paligid nila at may nga nakakarinig sa bangayan nilang dalawa ngunit hinahayaan na lang nila ang dalawang ito. Humakbang ng isa paabante ang lalaki at humakbang naman paatras ang babae. Naging paulit ulit nila itong ginawa. Atras. Abante. Napapalunok naman ang babaeng umaatras tuwing hahakbang ang lalaki. Akmang pipihit patalikod ang babae ng bigla syang hilain ng lalaki at hawakan sa bewang nito na nagpainit sa mukha ng babae. Mabilis nyang kinuha ang kamay ng babae at wala naman nagawa ito dahil napakahigpit ng hawak nito sa kanya. Pikit-mulat ang ginawa ng babae. Para bang hindi makapaniwala. "No.. Hindi pwede.."  mahinang usal nito. "Huh?" Takang tanong ng lalaki sa biglang usal ng pawisang babae sa harap nya. "Teka nga! Naguguluhan ako! Ba't ba ayaw mong h-hawakan ang kamay mo?" "Wala ka na don. Alis! Tabeeee!" Tinulak nya ang lalaki. Kinuha nya ang panyo nya at wala sa sariling napatakbo. Natandaan nya ang sinabi ng nanay nya "Anak.. H'wag na h'wag mong hahawakan ang kamay ng kung sino.. " "Bakit po ma?" "Basta .. Wag na wag.. naiintindihan mo???" 'At yun nga..'

Iamkimberly_ · Fantasy
Not enough ratings
5 Chs

C H A P T E R 05

Sam's POV

Matapos ang pagrereview ko nung dalawang araw na yun..

Andito kami ngayon ni Mama sa kotse, sa harap ng gate. Paalis na kami.

Pupunta na kaming school para mag exam ako.

'Kailangan ba talaga mag entrance exam??

Kumaliwa si Kuyang Driver.  Si Marque.

Bagong hire sya. Kaninang madaling araw ko lang sya nakilala.

Base sa postura ng katawan nya, hindi sya matanda.

Sa tingin ko ay mga nasa 26-30 ang age nya..

Maputla ang mga balat nya, mamasa masa ang labi dahil sa ginagawa nitong pagdila sa mga labi nya.

Matangos ang ilong, at singkit ang mga mata.

"Ma'am Sam, may kailangan ho ba kayo?"

Tanong nito sa akin ng mapansin nya ang pagsilip ko sa mta mukha nya sa rearview mirror.

"A-ah wala po.."

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school.

Nagpark lang kami sa may parking lot nitong school, sa tabi ng isang malaking..

'..Condominium?'

Lumabas na kami ng sasakyan at inalalayan naman ni Kuya Marque si Mama na lumabas sa pinto ng  passenger's seat.

GOLDEN UNIVERSITY.

Halata nga..

Pinaghalong Gold at silver ang gate ng school. Makikita mo mula sa labas ang mga nag lalakihang buildings. Gold rin ang mga toh.

'First time in my life na makakita ng gold na school.. Magkano kaya tuition dito??'

Pinapasok agad kami ng guard. Di ko alam kung sa kami pupunta kaya naman sumunod  na lang ako kay Mama at Kuya Marque.

Kumanan kami at huminto si Mama sa harap ng Dean's office.

"Hello Mrs. Magwriolus.. Hello Samorina.. Welcome to Golden University.."

Baka siguro nabanggit ni Mama ang pangalan ko kay Dean. Sya nag enroll sakin e..

"Paumanhin ho kung ngayon lang kami, Dean."

Si Mama.

"It's Okay, Korina. Di na ako magtataka kung bakit nalate kayo.. HAHA! Late ka naman parati dati, hindi ba?"

"Hahahaha! Opo, Dean.."

'ehhh?? Ang weird talaga.. Tsk lahat nalang sa akin ay weird.. EH TOTOO NAMAN EH!'

Tumikhim muna si Dean at saka nag salita.

"Here's your Answer sheets. "

Ibinigay nya sa akin ang mga iyon.

'Ba't ang dami naman ata??'

"Yes. Madami talaga yan. Paniguradong masasagot mo ang mga yan.. Nag review ka, Right?" Animo'y nabasa ang iniisip ko ng mapansing pinakatitigan ko ang answer sheets na yun..

Tumango naman ako bilang sagot.

"I believe you can perfect that. Pero diko sinasabing i-perfect mo. hahaha!" Sabi nya pa.

Inabutan naman nya ako ng Ballpen na kinuha nya sa tabi nya. "Start answering now .. Pumunta ka dun sa kanan. May table dun.. dun ka mag sagot." Ma-awtoridad na sabi nya.

Kinuha ko ang Answer Sheets at Ballpen at agad na pumunta dun.

2 answer sheets per subject. 100 items naman ang nga answer sheets. Ang mga yun may ibibigay ang meaning, may choices, papangalanan, etc.

1 hour akong nag sagot ipinasa iyon kay dean.

Hindi man lang sya nag taka na mabilis kong nasagutan yun.

"Mamaya din sasabihin ang result ng exam.. Pwede kayong umalis muna at saka bumalik dito. Pwede ring hintayin nyo na lang. Kung gusto nyo mag ikot-ikot ay pwede rin." Mahabang paliwanag nya.

"Wag na lang po Dean.. Baka kasi maligaw ako dito eh.. Hintayin ko na lang po.."

Heave's POV

Heaveson Marciano.. Yes.. Surname ni Mom ang gamit ko dahil sabi nya, di daw sila kasal ni Dad.

"Aalis na muna ako.." sabi ni Mom na kinuha na ang keys nya sa ibabaw ng Ref at isinukbit ang bag sa balikat nya.

"Kala ko ba hindi ka na mag tu-tutor??"

"May pupuntahan lang ako, Son.. Ihabilin mo na lang kay ate mo ang lil'sis mo, okay? Bye." Sabi nya saka lumabas na ng pinto..

Narinig ko pa ang pagbukas at pagsarado ng gate.

Mabilis akong kumilos para sa pagpasok ko..

Kinuha ko na lang yung sandwich sa lamesa at saka kinain yun papalabas ng pinto.

Inihabilin ko na rin si Caye kay Ate Lucy.

Papunta na ako sa school ng mapansin ko ang isang sasakyan. Bago lang sya sa paningin ko.

Nagpark ako sa tabi non at pinakatitigan pa iyon.

'Kanino naman kaya toh?'

Kinuha ko ang bag ko sa back seat at pumasok sa kaliwang gate. Dalawang Gate kasi yun.

Iisa lang tong school pero diko alam kung bakit magkaiba ang gate nung kabila, sa gate namin.

Although same color naman.. Pero parang hinati.. Like parang grinupo? Parang ganto oh.. Genius sa kaliwa, Weirdo sa kanan. Ganon HAHAHAHA!

Totoo. Ang we-weirdo ng mga taong pumapasok sa gate jan sa kanan. Sabi-sabi pa nga ng mga classmates ko ay mga may powers daw yun at mga supernaturals. Baka nerds Hahahahaha!

Diko namalayan na nandito na pala ako sa room namin. Sa Second floor.

Umupo agad ako sa upuan kong sa may aisle ng room. Sa harapan.

"Marciano, alam mo bang may bagong aswangit jan sa kabilang gate?" Natawa naman ako sa sinabi nya. Sya si Gior. Kababata ko.

"Hahahahaha! May nakita akong kotse don. Yun ba yon?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya agad.

"Dre! Alam mo ba? Syempre di mo pa alam.. Yung Nanay nung Babae ang ganda! Para bang di tumatanda? Kabaligtaran naman nung babae yung nanay nya Hahahahaha!" Sabay kaming tumawa.

Di na kami nag daldalan pa dahil dumating na ang lecturer namin sa English.

"Class, may new classmate kayo. I'll introduce her later pagdating nya."

Sam's POV

"Good job, Sam.. Na-perfect mo ang exam.."

Puri ni Dean sa akin..

"Salamat po.."

"By the way, hindi ka dito mag aaral. Dun sa kabila. Wala kasing seni--"

"Grade 10 pa lang po ako, Dean."

"Ah.. that? Hindi ka mag aaral as grade 10 student.. You're senior student now."

'whuuuuut?????'

"A-Ano po??" Di makapaniwalang sabi ko.

"You heard me right. Dito kasi ay binabase sa IQ ng students kung ano ang grade nila. Mataas ang IQ level mo. Pang  senior. Kaya sa senior's building ka mag aaral. Not here. At kaya marami ang exam na ti-nake mo dahil ang iba dun ay exam ng seniors."

Tumingin naman ako kay Mama na naka-upo at ngumiti  lang sa akin.

Ibinigay ni Dean ang card kung anong room  ko.

'First building,Second Floor, 3rd Room.'