15 CHAPTER 15

CHAIN ALEZEIR

AFTER I change my outfit at Rage's pad, we decided kasi to take a few hours of nap in here, it still early pa kasi kaya nagbihis nalang ako mga alas-diyes na, nakigamit pa ako ng banyo niya para maligo. About eleven na rin ng gabi naisipan naming umalis, boring pa daw kasi ang club pag masyadong maaga. Mas maganda daw pag medyo maghahating gabi para wild crowd na daw ang sasalubong sa'min.

Halatang sanay na sanay siya sa kalakaran ng mga party animals.

Hindi na namin ulit pinagusapan ang nangyari kaninang hapon, o mas tamang sabihinf iniiwasan ko na ang topic na may kinalaman kay Craig. Mukhang nagets naman ng tukmol nato at wala siyang ibang ginawa mula kanina kundi ang asarin o kaya naman pagulungin ako sa kakatawa. He really change my sour mood, making me smile and laugh as we let the time passed us by.

At ngayon nandirito na kami sa tapat ng Club Galaxy, it was owned by his friend he said. Isinuggest ko kanina na sa Young N' Wild nalang kami but he insisted na dito daw kami ngayon, some other time nalang daw doon sa bar nila Akli, na ikinatango ko nalang.

Pinagbuksan niya ako ng pinto pagka-park niya ng kotse. I flashed him my wide grinned and bidded my thanks.

"Come, let the party started." He hype me up. Nagive way pa siya para mauna ako, nakinailing ko lang.

Diretso kami sa entrance pero agad din kaming pinapasok nong makita nilang kasama ko si Rage, oh famous si Tukmol.

"Wow may alipores ka dito? Suki ka?" I teased him.

"Lol ganyan nga sabi ang epekto ng mga gwapo." He said full of arrogance.

I rolled my eyes then sumunod na sa kanya papasok, he knows where to go. The bouncer open the door for us as well as greeted Rage. Sumaludo naman siya, he must be a VIP in here. 

"Peymus!" Napapalatak kong nausal na ikinangisi niya lang at sabay kibit-balikat. Parang ba sinasabi niyang 'sus basic'. Tinampal ko siya sa balikat.

"Bae Chain doon tayo sa taas. Ano gusto mo VIP tayo?" He asked.

I frowned well I don't know. "Bahala ka!"

"Okay come!" He replied with wide grinned then hinawakan niya na ang wrist ko para hindi ako mawala sa dagat ng tao dito sa loob.

The blinking lights, loud noises coming from the crowd as well as the music, hyping and making everybody sways in tune. Napakapit ako ng ng mahigpit kay Rage kasi nasiksik na ako sa kanya dahil narin wild na ang mga tao dito, meron namang nakatayo lang at nakamasid na mangilan-ngilan. Nakahinga ako ng maluwag noong paakyat na kami ng hagdanan, hindi na kasi masyado crowded dito sa taas. Medyo ilang tables lang ang occupied unlike doon sa ibaba na halos hindi ka na makagalaw kasi punuan, maybe it's friday night kaya dagsa ang mga bars ngayon.

"Hay grabe ang lakas naman ng marketing strategy ng club na'to, hatak na hatak ang mga customer." I mumbbled nong naupo na kaming dalawa sa couch na may naka-lagay na VIP.

Actually good for eight persons yata ang table na'to pero dito naupo si Tukmol eh, naki-upo na din ako.

Medyo nasa may gilid kaming side pero kita dito ang nangyayari sa labas. Glass walls kasi and it's like only exclusive for us two, syalan. Di rin nagtagal ay may pumasok ng FnB assiociate, he gave us the drink menu.

"What do you want, bae?" Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Busy lang siya kaka-scan ng drink lists.

Well I'm craving for something hard pero hindi mabagsik kung hindi ka naparami ng nomi. "Long Island Ice tea muna ako."

"Weak!" He teased.

"Heh! Appitizer pa lang iyan, starter." I kidded. "Later ako babanat."

He throws his head back and laugh. "Awts gegeh. Isa ngang Long Island tapos uhmmm tapos isang pareng Jack D. Double shot mo nalang din."

The waiter take note then ask. "Neat po?"

"No, on the rocks then one calamares, nachos, gambas, chicken tenders and bagnet. You want sisig?" Doon lang umangat ang ulo niya para tingnan ako.

"Mukbang ba to?! Ba't andami mong pulutan?" I hissed but he laugh.

"Sisig?" Ulit niya.

Umiling pa ako. "No tama na!"

"Iyon nalang muna." He said sa waiter na agad ding nagrepeat orders sa'min at iniwan na kami sa loob. "Thanks!"

HINDI rin nagtagal ay dumating na ang drinks namin. I sip my cocktail drink, ninanamnam ang sipa ng alcohol sa katawan ko at ang sumsuman (pulutans). Ganoon din si Rage na naka dalawang order na ng Jack D, parang nagmamadali siyang malasing. We talks about ramdom things kung ano lang pumasok na kalukuhan sa utak niya, I laugh as well as annoys him time to time. Tapos mga one hour kaming nakatambay sa loob noong mapadaan ang barkada niyang sila Gykre at iba pa, he talks to them and they join us here. Kung kanina medyo masakit na ang ulo ko sa kakadaldal ni Rage ngayon naman medyo na refresh dahil sa mga bagong dating. Marami na kami, I know some of his friends yong kasama niya sa Siargao nandito.

"So kayo na ba?"

May pagkachismoso din pala si Gykre akala ko kasi siga lang to eh. He darted his teasing gaze on us, Rage. Kanina pa kasi kami nila tinutuksong dalawa ni Tukmol hindi nila madrop off ang topic.

"Gyk, alam mo ang sagot so don't ask that question." Si Rage ang sumagot at tumatawa pa. "Friends lang kami ni Chain, wag kayong pengkom."

Agad na napailing sila na tila hindi naniniwala, ang kulit.

"Hindi ko siya type sa aspetong pangromansa." Ako naman ang sumabad sa usapan. "Pero he seems to be good being one of my friends, you see Rage has this good humor and personality. I like him because of that."

Ngumisi agad ang mga labi ni Rage, he seems so please in what I've said. Totoo naman maybe now I just like him to be here, to be my friend because I really need someone whom I can tell my laments in life. Who understand my pain and who knows my story kahit na bagong magkakilala pa lang kami.

Isa siya sa circle ko ng close male friend, sa kanya ko kasi nasasabi ang  mga bagay na nahihiya akong ibulgar kila Aimie, Aki at Alki. I don't want to burden them with my own life struggles. Saka hindi naman nila alam na may history kami ni Craig. We keep it a secret, he wanted our relationship that way kahit nong kinasal na kami, he made me promise that I won't tell anybody kaya kahit ang mga magulang ko hindi alam na may asawa (kuno) na ako, even Alki I never said a word nor a hint. Hindi nila alam kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman kami talaga pangmatagalan, even if I pray really hard that somehow we can make it real. Na sana ako nalang ang mahalin niya, ako nalang ang kasa-kasama niya at ako lang ang nagpapakontento sa kanya.

Iba pala kasi ang napapasaya mo lang ang isang tao kaysa kontento siya sa'yo. Anyone can make him happy, anybody or anything can be the reason of his laughters, yung bang kahit sino pwede siyang pasayahin, in general pero iba pala pag sa'yo siya kontento. Hindi lang siya magsti-stay kasi masaya kang kasama, he will stay even in your dark days, shits-day. Kasi kahit ano kapa, kahit ano pa ang flaws mo, insecurities, kahit pa nasaksihan niya na ang pinakanasty na habbits mo if he feel the contentment with you, he will never leave your side.

He will always find a million reasons to stay, to fight and love you still.

At iyon ang hindi niya makita sa'kin, ang hindi niya maramdaman sa piling ko, contentment.

Ayaw niyang makontento, hindi ko ko mapunan ang puwang na hindi ko alam kung saan pa ako nagkulang. I always do things he wanted, always oblige in what he says but still here I am, isa parin sa sensus ng mga hindi na binalikan.

Pasok sa banga ng mga may temang 'hindi tayo pwede' o kaya naman 'pinagtagpo pero di tinadhana', masakit pero real na real. That I will always be his second-choice in everything, he only sees me as a tool. Ginamit lang, ginamit para makuha ang mana galing sa Grandma niya. He needed a wife and I was there that time, willing to fulfill that role.

"Hey your spacing out!" Rage wakes me from my reverie. "Your okay?"

"H-huh?!" Napakurap-kurap ako dahil lumipad ang isip ko sa nakaraan.

"Nawala ka kasi sa sirkulo namin, kanina ka pa kinakausap pero may sarili kang dimension." He even mess my hair.

"Don't think of him." He said knowingly in a whisper.

"I'm not!" I lied.

"Ge sugot." He said in tease I smack him in his arm in pissed. "Sabi ko okay, stop hitting me."

"Oy mamamaya na ang landian shots naman kayo, maki ambag kayo sa pagbabatumba kay Johnnie alay lakad," Si Ashlon ang nakitukso na ngayon na agad sa'ming nagpatgil ni Rage. "Cheers, mga vads and Chain."

"CHEERS!" We clink our glasses and bottoms up.

HANGANG tinamaan na kami ng kalasingan paglipat ng minuto, we decided to dance our ass off to cool down. Obviously si Rage ang kasayaw ko, pinapaikot-ikot niya na naman ako katulad nong last time, mas nahihilo ako sa ginagawa niya pero di ko alam kung bakit tawang-tawa ako. Siguro dahil sa kaabnuyan nila ngayon na nagrequest pa ng 'Hello Bitches' by CL sa dj si Kaleb Caine, the crowd hype up and get wilder. I am swaying my hips in beat, making my move sexy. I felt so dizzy yet my body screams for more. I throw my hand above my head and jump along with the crowd.

This is my night, my f*cking day.

The DJ Skits. "Disco pang pang pang!"

"HELLO BITCHES!!!" We shouted in chorus when the dj intentionally stop the music. Then drop the mix in party songs that make us all grind our hips.

"This is fun!" I shouted in Rage's ear para marinig niya. "Request mo ang BANG BANG BANG ng bigbang dali! I really like that one."

He nodded and grinned wide, pinabantayan niya pa ako kay Keir bago kami iniwan.

"Hi Keir!" I greeted him in slurry.

He laugh. "Hi din, Chen right?"

"Chain." I corrected. Napahawak naman ako sa siko niya. "Opss, sorry medyo nahilo ako don." I laugh in my own distress.

"Kapit lang!" Hinayaan niya lang ang kamay ko at sumayaw na kami ulit. I'm sweaty and huffing, hinamis ko ang buhok ko sa side.

"Hey man thanks." Tinapik niya ang balikat ni Keir, he smirk. "Here Chain I brought you water."

Agad kong kinuha ang plastic cup bawal kasi ang babasagin dito sa dance floor, bar rules. I sip, ngayon ko lang narealize that I'm thirsty.

Lumapit ako kay Rage. "Tankyow, tukmol!"

"Lasing ka na yata eh, ang bait mo." He kidded.

"Heh! Sinong lasing pre? A-Ako? N-no!" I frowned at tatampalin sana ang siya pero hindi ko siya maabot.

He laughs. "Geh sugot!"

Sinandal ko ang mukha ko sa balikat niya kasi masakit na ang ulo ko pero kaya ko pa, hindi ako lasing!

"Upo muna tayo bae." He suggested sabay alalay na sa'kin paalis sa gitna when he already excuse kila Gykre. "I will hold your waist, okay?" He informed.

Hinayaan ko naman, alam ko na pa'no maglakad ang mga penguin cause I feel like one this moment. Nakakapit lang ako kay Rage habang akay-akay niya ako paakyat.

Fvck bakit parang ang tagal naming maabot ang table namin?

"Bigat mo pala Chain, Bae."

"Namo!" I cursed sabay middle fingers up. He chuckles loud siguro kasi aasarin niya na ako neto dahil bangenge na utak ko.

"Rage hindi ba—"

Saktong pagangat ko kasi ng tingin ay bumungad sa'kin ang malaking bulto ni Craig, I know it's him. Kahit nanlalabo ang paningin ko alam kung hindi ako nagkakamali ng nakikita kaya nawalan ako ng panandaliang imik.

"CRAIG OMY YOUR BESTFRIEND IS HERE CHAIN LONG TIME NO SEE, HOW ARE YOU?!"

Napangisi nalang ako ng mapakla pagkatapos akong batiin ni Naya, she's with him.

Paksheyt ng hard, why now?!

"Bestfriend?" Pangasar sa'kin ni Rage ng pabulong. "Ampuuts lasing ba ang babaeng iyan?"

Mahina ko siya sinikmuraan, baka marinig. Hindi niya alam na kasal si Craig kasi and when she accidentally saw us before, Craig introduce me as his bestfriend. Diba lakas?

Lakas makapanakit!

"Urmmm...Hi Naya!" Iyan lang ang naisagot ko.

Craig remain quite yet I know he's mad. Siguro kasi nakita ako ni Naya, hindi ko naman alam na pupunta sila dito. Hindi ko hinayaan ang mata ko na traydurin ako ng sarili kong emotion, I gave them my wide fake smile, kahit masakit sa mata pati sa ngala-ngalang makipag-plastikan.

"Si Rage pala." I introduce them.

"I am Naya, this is Craig my boyfriend." She even say it flawlessly.

Sanaol! Pinigilan ko ang sarili kong mapaikot ang aking mata sa pagkayamot.

Noong dadaldalin pa sana ako ni Naya ay nahawakan na agad ni Rage ang kamay ko, tumutok doon ang nagbabagang mata ni Craig.

"Excuse us, kailangan na kasi ng GIRLFRIEND kong mahimasmasan na sa katotohanan. Geh!"

Medyo asar na sambit ni Rage at inakay na ulit ako diretso sa VIP at naiwan sila doong dalawa ni Craig at Naya na hindi nakasagot. Agad niya ako pinaupo sa couch at binigyan ng tubig, nanginginig ang kamay kong kinuha iyon sa kanya.

"Don't you dare cry!"

Mababang boses na paalala sa'kin ni Rage pero parang iyong ang naging rason kong bakit ako tuluyang napaiyak. He shook his head somehow I chewed my lower lip to refrain my sobs pero masakit ang heart ko, kumikirot.

"Hindi pa pwedeng masuntok ang tanginang iyon? He always made you cry a river." He angrily uttered while phasing back and forth infront of me. "Gago!"

Lord naman umiiwas na nga ako sa masasakit na pangitain pero sinisiksik mo talaga sa kukote ko na hindi ako ang mahal, ha...ha?! Ang sakit sa mata grabe!

"Here tissue." Hindi ko namalayang umalis pala si Rage at kinuhanan ako ng isang box ng kleneex. Halata rin ang pagkaasar sa mukha niya.

Maybe Rage know how f'cked up I am right now.

Sa sitwasyong kinakatalian ko, sa sariling kong katangahan kaya ako ang nasasaktan ng paulit-ulit.

"Akin na nga iyang botilya!" I demanded to him.

He reluctantly gave me the bottle of Johnnie Walker. "Kailangan ko ng pampamanhid Rage baka makatulong to!" I begged helplessly.

Trying my best to stop my tears, pero I brush it eagerly. Punyeta ayaw matigil.

He stared at me for a while pero hindi ko nakikitaang kinakaaawan niya ako, mabuti naman. Ayaw kong masaksihan sa ibang tao ang pruweba ng katangahan ko habang nakatitig sa'kin. Alam ko naman kasi iyon, pero mas masakit lang isipin na alam ko ng ginagago ako pero sige parin ako ng sige.

Alam ko naman ang sasabihin nila kung saka-sakali.

Desperada..martyr..ilusyunada..tanga..bobo..assumera..pathetic! Well I am, maybe.

Pero ano bang magagawa ko?

I can't help myself but hope that he will finally come back to me. Hindi ko kasi kayang mawala siya, I know so stupid and all but that's the real talk.

Napailing nalang ako, so lousy! Nilaklak ko ang bote at hinayaang malunod ang baga ko sa lakas ng alak.

"ARGHHH! PUNYETA SANA ALL MALAKAS TAMA!" I screams as I glued my gaze in Rage face, nakangiwi siyang minamasdan ako.

I abnoxiouly throws my head and laugh. "Hey Tukmol join me, kuha ka ng sarili mong bote. Magpapakalasing tayo, woooh punyeta niya kamo, mga talkshits. Mga panira ng gabi pati hapon! Ang sakit nila sa paningin, mga toxic!" I ranted like a child.

Ang boba mo talaga Chain! "Naman kasi eh, ba't kasi sila nandito? Dapat sa Pluto nalang sila para mawala nalang sila sa galaxy! Ugh! Asar! Bestfriend? Bestfriend niya ulo niya! Gago! I am your wife! The legal one! Ang pinakasalan pero putangina! Saan ang asawa ko? A-andun? Sa mas nili-legal niya! Fvck!" I wipe my cheeks with the tissue.

Kinuskos ko talaga baka matauhan na ako, singa ako ng singa ng sipon ko.

"Rage? D-diba? Halka dito! Pree naman samahan mo ako sa'king kabiguan." I chuckles and patted the space beside me.

"Alam mo lasing ka na talaga hindi lang sa alak kundi pati sa kanya!" He sarcastically say and sit.

Agad kong nilapag ang ulo ko sa balikat niya. "Kaya nga eh! Ang tanga-tanga ko na tuloy. Sana pala hindi ko na hinayaang ang sarili kong umibig. Masakit pala! S-sobra!" I even punched my chest where my heart lays.

I felt him caress my hair gently. "Sige na nga, kahit ang pangit mong umiyak sige iyak mo lang."

I spanked his arms, nangasar na naman. "Heh! Mas maganda ako sa lola mo!"

"Siyempre nalipasan na iyon ng panahon, eh ikaw nalipasan lang ng gutom." He kidded.

"Namo! Pero yawa lang talaga ang tadhana, may galit yata sa'kin ang entire galaxy parang pinagkaisahan ako nila ngayon, Naya is here, si Craig din ano pa ba ang kulang para matapos ko na ang level ng kaputanginahan ng kapalaran sa'kin? Para naman magka ahon na ako sa next level, ayokong hanggang ganito lang ako, noob!"

"Divorce him! Or annulment."

Mapakla akong napatawa, I sip again from the bottle.

"Oh! He did, nandoon na sa'kin ang mga papel kailangan nalang ng perma ko iyon. Ilang months pa ang kailangan namin para makompleto niya na ang taong pinagkasunduan nila ng Lola niya, kaya hanggang hindi pa kami makatuntong sa petsang iyon. Hindi ko pa dapat permahan ang papers."

Napabuntong-hininga ako. "Alam mo ba Rage? He said after our annulment papers are approved he will marry Naya then. D-diba? P-pabibo! Hindi pa kami hiwalay....p-pero may isusunod na siya s-sabagay ngayon pa lang n-nga na...na legal pa kami meron na siyang...uhm s-siyang iba. How much more if he already f-freed...freed himself from me r-right? Pero p-pano n-maman..ako?"

My voice broke as I voice out my future fears, my heads felt like drilling.

I sniffed. "A-ano nalang ang maiiwan sa'kin? I gave him my a-all. I've been expecting his change o-of...of h-heart pero h-hanggang ngayon...olats na olats parin a-ako!" I cried harder.

"Hoy...h-hoy m-magsalita ka nga!" Tinapik ko siya ng pabalang.

"Pano eh ang daldal mo?!" He mocks but made me chuckle that turns into loud laughter, my shoulder shakes vigorously. "Maliw!" He added.

"Paneera ka ng senti ko, phree!" Napahawak pa ako sa tiyan ko, punyeta.

I drank the whole bottle of whisky while I'm drowning both myself in alcohol and in agony. Hinayaan naman ako ni Rage kaya nilaklak ko talaga ang bote. I wanted to be numb and be drunkhead. Gusto kong kalimutan sila, si Naya and Craig pero sila ang paulit-ulit na nagpa-flash sa balintataw ko. The fvck!

"Rage!!! Why so sakit?!!" Atungal ko sa kanya at hinampas pa ang ulo ko sa couch. "Gusto ko lang naman makalimot sandali bakit ayaw ng mundong mapawi ang kalungkutan kong tinatago? Bakit sa punyetang pagkakataon ngayon pa nila naisipang magpakita sa akin? Kotang-kota na ako, pree! Ang sakit-sakit na dito?!" Tinuro ko pa ang parte ng dibdib kong kanina pa naninikip at kumikirot.

*****

avataravatar
Next chapter