1 Preface

I almost jump on my seat when Peach came to my room. " Plum!"  she shouted. The tip of the brush I was holding got deepen. Resulting it to got awful and smudge. It was hilarious! Gosh!

"Peach! What the!" I exclaimed. Bahagya pa siyang napaatras sa gulat din sa tono ng boses ko. "Bakit ka nandito? Akala ko next month pa ang balik mo?

Pinarusahan kasi siya nila Mommy kaya ipinatapon sa Isla Grande, may ginawa kasi siyang katarantaduhan kaya nangyari yon. Siguro ay tumakas siya kaya siya na dito ngayon.

"Sorry twinie." she apologized. Bumuntong hininga ako. Wala na akong nagawa kundi ang kumuha ulit ng clear canvas at ulitin muli mula sa umpisa ang aking gawa. Kaloka. Ang hirap kasi dahil isang maling galaw lang ay uulitin ko ulit. I want my art to be perfect and that is my mindset.

I am an aspiring artist, and a beginner to this world as it takes a lot of time to master the guides but I will always try my best to pursue my dreams. I want to travel the world looking for my inspiration and to develop my skills more and more.

"Spill it sis."  I said, eyes are on my paper. I saw on my peripheral vision that she sit at the edge of my bed.

Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "I Miss Manila Plum."

Tinaasan ko siya ng kilay. "So?"

She hissed, lumapit siya saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay dahilan para mapa harap ako sakaniya. Nakita ko ang malungkot niyang mga mata. Kasalanan niya rin naman ang lahat, kung hindi siya nahuli nila Daddy na nakikipaghalikan noong nakaraan ay hindi mangyayari lahat ng ito. Kung nagpapakabait lang siya at gumagaya saakin. Edi sana ay nakakagalaw pa siya ng maayos.

"Alam ba nila Mommy na nandito ka?" seryoso kong tanong sakaniya. Umiwas ang tingin niya saakin.

"Hindi naman nila kailangang malaman." She said. Umarko bigla ang kilay ko.

"What do you mean?... Hindi kita pagtatakpan Peach kung iyon ang ibig mong sabihin."  agad kong sabi. Kinagat niya ang ibabang labi niya bago umiling.

Buti na lang at wala ngayon dito sa Pilipinas ang parents namin dahil may inattend-an na meeting sa Italy, balak kasi nilang mag-expand ng business doon. Actually, we own a biggest clothing line here in the Philippines, my Mom was a fashion designer while my dad was into business. They helped each other para marating namin ang kinalalagyan namin ngayon. Hindi ko man masasabing sobrang sikat na ng business namin pero mabenta na talaga at unti unti nang nakikilala ng karamihan. Huwag niyo lang talaga akong aasahan pagdating sa ganiyan dahil hindi talaga ako marunong magpatakbo ng bussines at wala rin akong hilig sa fashion designing kaya si Peach ang inaasahan nila pagdating sa bagay na iyon, tutal ay iyon naman ang hilig ng kakambal ko.

"Don't look at me like that." she said. "Here. This is my proposal." sabay abot ng isang folder.

Naguguluhan ko siyang tinignan pero tinanggap ko ang ibinigay niya bago lumipat ng puwesto paupo sa kama ko. Ilang minuto ko ring paulit ulit na binasa ang nakasulat sa papel habang siya ay tahimik lang at sinisilip ang mga nalukot kong papel sa lapag. Kapag nagkakamali kasi ako ay nilulukot at itinatapon ko kaagad kaya marami rin ang nakakalat sa sahig dahil hindi ako nakukuntento sa ginuguhit ko.

"Are you insane Peach?!" I exclaimed. Natataranta naman siyang lumapit at umupo sa katapat ko kasabay ng pagkapit niya sa mag kabila kong kamay, pinapakalma ako.

"OK. Calm down sis. Its a good opportunity, pabor na pabor naman sayo. Basahin mo nalang ulit."

Muli kong binasa ang nasa papel. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kahibangang nakasulat doon. Pabor nga saakin, tama naman siya. Pero natatakot ako sa magiging posibilidad, baka magsisi lang ako sa huli. Nakakatakot at baka itakwil kaming dalawa ng mga magulang namin kapag nalaman nila ito. Tumahimik ako at muling pinag-isipan kung ano ang magiging desisyon ko. Kung papayag ba ako sa sinasabi niya o magiging kuntento nalang ako sa kalagayan ko ngayon.

"Magpalit nalang kasi tayo Plum. Ako na ang bahala sa mapapang-asawa mo at ikaw na ang pumalit saakin doon." pinal niyang sabi. Umawang ang labi ko, pinangungunahan niya kaagad.

"You mean? Ikaw na ang magpapakasal kay Tehran instead of me?" takang tanong ko. Marahan naman siyang tumango. Umangat ang sulok ng labi ko, sana lang ay hindi namin pagsisihan ito sa huli.

Tumango naman ako at inagaw sa kamay niya ang hawak niyang ballpen at kaagad na pinirmahan ang papel. Nakatala dito na kapag hindi ako sumunod sa kagustuhan niya ay tuluyan ng mawawala ang mana ko sa Company namin. Sounds tricky, ginamitan niya ng utak. Madali lang naman ang hinihingi niyang kapalit kaya hindi ako kinakabahan. Mag papalit lang naman kami ng posisyon at ako magpapanggap akong siya habang nasa Isla Grande habang siya ay nandito sa Maynila.

Hindi pa ko maipapakasal sa taong hindi ko gusto dahil siya na daw ang aako sa pagpapakasal. Ano kaya ang nakain niya?  Nakahithit ba siya nang ginawa niya ang kasulatang iyon? Nevermind. Ang mahalaga ay magiging malaya rin naman ako.

Pumakpak siya at tuwang tuwang niyakap ako. "Thank you Plum!" tili niya. Ginantihan ko nalang siya ng yakap at ginulo ang buhok niya.

"Teka..." ihiniwalay ko siya saakin nang may maalala ako. " So, kailan ako pupunta sa Isla Grande?"

Ngumisi siya saakin. "Ngayon na." pagkatapos ay inagaw sa kamay ko ang kasunduan at mabilis ng umalis sa harapan ko. Napanganga naman ako, hindi ko inaasahang ngayon kaagad. Tumigil siya sa paglalakad ang iwinagayway ang folder. " Gumalaw ka na, kundi akin na ang shares mo." she block mailed me.

Inirapan ko nalang siya at nagsimula ng magligpit ng mga kalat ko. Sana lang ay maging maayos ang pamumuhay ko doon at hindi kami kaagad mahuli nila Mommy. Naipakasal dapat muna sila ni Tehran bago mangyari iyon, para magawa ko na ang gusto ko. Sana lang rin ay madami akong maging inspirasyon doon. At sana ay lalaki iyon. Namula ang pisngi ko at napakagat-labi. Sana nga.

avataravatar