webnovel

Detective Series: Cassandra Ramos

A story about a unemployed woman who tried to solve a case about a teenager cassandra ramos who got murdered inside her house. This story flows on both present and past -this is written in taglish

Lekosi1 · Sci-fi
Not enough ratings
1 Chs

Case Of Cassandra

I've been obsessed on watching documentaries back when i was in high school, but there's only one case that icks my brain. The case of Cassandra Ramos.

Cassandra Ramos is a teenager who was found dead inside her parents house, her parents are out that day.

The investigation continued for 2 years and then they closed it, So yes it's a unsolved case.

Ang gumugulo lang sa isipan ko is, bakit di nakita sa surveillance camera yung mismong murder?

Like andun naman yung footage na nandun sya sa living room na naka-upo at nagce-cellphone, pero di nakita ang murder. Sabi nila deleted daw pero confirm na ng mga nag imbestiga na the time of her death is around 2:34 pm, pero nakita pa syang buhay sa cctv footage nung 2:34 pm.

Marami na mga tao ang gumawa ng theories, sa mga nababasa ko sinasabi nila na suicide daw yung ginawa nya.

Pwede din naman dahil di naman physical ang pagkapatay nya, pero may mga bruises sya sa likod at tuhod.

I've been connecting the dots, pero di pa enough yung mga clues na nakuha ng mga police.

Bakit kasi nila tinapos ka agad yung investigation!!

Napa-buntong hininga nalang ako habang tinitignan ang  evidence board na aking ginawa, nandun ang lahat. Pictures ng mga taong kilala ni Cassandra like family, friends, classmates, etc.

I watched all interviews, pero syempre di ko sure kung sino sakanila ang nagsisinungaling. I mean di ko naman sila kilala, I don't want to judge baka kasi di talaga sila yung pumatay kay Cassandra.

Meron din akong map kung saan pumunta si Cassandra bago sya mapatay, sabi ng mama nya based on the interview may i-meet daw sya dun. Pero weird thing is yung ip is located the abandoned warehouse Fishy right?

Nakakagago naman tong case nato, gets ko na kung bakit nila itinigil...

Tumayo na ako sa aking swivel chair at pumunta sa kusina para mag timpla ng kape.

Kinuha ko yung garapon at binuksan ito. 

"Potangina" ibinaba ko ito at pumunta sa kitchen cabinet, ngunit wala nang kape.

Noooo!!

I took my keys on the counter before heading out, ni-lock ko pinto syempre baka kung ano pang valuable item manakaw nila.

Oh i forgot, di pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Elizabeth Arlo Ejecito, and I'm 24 years old. I'm unemployed pero nagkakapera ako bale infinite money glitch, di joke lang.

Sumakay na ako sa aking kotse at iniandar ito.

If you guys are wondering kung saan ako pupunta, To the moon Road trip, vroom, vroom Skrr, skrr, zoom, zoom. Di chos lang, pupunta ako starbucks dahil tinatamad ako bumili ng Nescafe

Pumunta ako sa nearest starbucks. I parked my car and locked it, just in case at pumasok na ako sa loob.

Pinili ko yung upuan sa sulok dahil gusto ko lang bakit angal kayo? Joke lang.

I ordered the one i order everytime i come here, kilala na nila ako kasi since highschool napunta na ako dito.

I drank my coffee in silence, enjoying the coffee and chill music in the background.

Still, my mind is full of theories about the case of Cassandra. Marami kasing possibilities na pinatay sya eh, like i have so many questions.

Sino ba ang pumatay sakanya?

Sino yung taong na-meet nya the day before her death?

Bakit yung IP address ay located sa abandon warehouse?

So many questions yet no answers, kaya na-disapoint ako dahil sinarado agad yung kaso nya. 

She'll not rest in piece until they find her murderer.

I took one last sip of my coffee that's when I realized.

"Kuya arjay!" Tinawag ko yung isa sa mga worker ng starbucks, lumapit sya sa akin at ngumiti.

"Ano? Order ka pa?" Ngumiti ako at tumango, tumawa sya at bumalik sa counter.

After a few minutes andito na sya dala dala yung kape at may kasamang cake, di ko in-order yun ah.

"It's in the house" sabi nya at may pa wink pa sya. 

Nakilala ko si kuya arjay dito mismo sa starbucks, sya yung unang worker dito na kinausap ako. Bali sya yung ka-close ko dito other than stephanie, wala si steph ngayon kasi nag leave daw muna sabi sakin ni kuya arjay.

Tumingin ako sa aking wristwatch.

4:12 pm..

Maaga pa mamaya na ako alas-sais umuwi, dito muna ako.

Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ito, alangan naman titigan kolang. Jokes, pumunta agad ako sa instagram kasi baka nagmessage yung best friend ko dun mag tampo nanaman yun.

As i said, nagmessage nga sya.

'Hoy! Ano balak mo arl? Nabubulok na ako dito, kelan mo ko yayain gumala?'

Napa-tawa ako sa text nya at nagrespond ako ng 'bakit nanaman ako? Asan na yung boyfriend mo bat di sya yayain mo?'  Nagreact lamang sya ng angry emoji at di na nagmessage pa.

Bago ko pinatay yung cellphone ko pumunta muna ako sa gallery at pinanood yung video ng kaibigan ni Cassandra.

Di ko ito binalik sa umpisa dahil di ko naman natapos kagabi kasi nakatulog ako. Kaya buti nag continue, kala ko babalik sa umpisa eh.

I listened carefully, baka kasi may ma-miss akong important na bagay.

So ayun nga sinabi nya na may mini-meet nga daw si Cassandra since dati pa, pero di nya sinasabi sa mga kaibigan nya and very disappointed si pangalanan nalang nating chloe, disappointed ng sobra si chloe sa mga action ng kaibigan nya.

Sinabihan na nga nya si Cassandra na wag makipag-meet kung kani- kanino. Pero syempre di nakinig kaibigan nya.

Pero di-nescribe ni Cassandra yung taong mini-meet nya, matangkad daw ito, black hair, wears glasses, and owns a motorcycle. So ganun, in my point of view sa tingin ko lalaki ito. Pero hindi ako sure.

As my mind is full of questions and theories, nakita ko ang pag bukas ng pinto at di ko maiwasang tumingin. 

Nakita ko ang isang babae, long black hair, matangkad, at grabe ganda ng katawan infairness sana all po.

Napatitig ako sa kanya at sa tingin ko ay naramdaman nya na tinitignan ko sya, nag lock ang aming mga mata.

Sungit nya tumingin..

I looked away first, syempre alangan naman sya eh ako nga tumitig sakanya. Pinatay ko na ang aking cellphone at nag balak nang umalis ng biglang nagka-realization ako. 

What if babae yung mini-meet ni cassandra?

Black hair..

Tall..

Pinanood ko uli yung sinabi ng kaibigan ni Cassandra yung bandang di-nescribe nya yung taong mini-meet ni Cassandra.

'Sabi nya, matangkad daw ito, maitim ang buhok at mahilig daw sa motor. Meron daw itong motor na kawasaki h2r. Yun lang ang kanyang sina-'

Di ko na ito tinuloy at binuksan ko agad ang safari ng cellphone ko at isi-nearch yung brand ng motor, at damn ang mahal nya. It's worth a million!

Lumabas agad ako at hinanap agad ang motor na iyon, and yes sa tingin ko yung ka meet ni Cassandra ay yung naka-titigan ko kanina na babae. And guess what? Meron ngang naka-park na kawasaki h2r na motor dito!

Pinatay ko ang cellphone ko at lumapit dito.

"Uhh.. do you need something?" Nagulat ako nang may marinig akong nagsalita sa likuran ko.

Mabagal akong humarap at nagulat ako nang makita yung babae na nakatitigan ko kanina sa loob ay nasa harapan kona, OHEMJIII!!

"May problema po ba sa motor ko?" Tanong nya saakin.

"Sa- sayo po to?" Pabalik kong tanong at tumango sya.

"Yes, akin yan. May problema po ba kayo?" Umiling ako at lumayo ng onti sa motor nya, ngumiti sya sakin bago i-suot ang helmet nya.

I heaved a sigh at lumayo na papunta sa kotse ko ng bigla nya ako pigilan.

"Here, my business card. I know may problema ka sakin di mo lang maamin kung ano. My number is there, text mo nalang ako" sabi nya at pumunta uli ito sa motor nya.

Tinignan ko yung business card nya at binasa ito.

'Scarlett Joan Ramos'

My eyes widened.

"Ramos?!"