1 2: Justin

"Hi Ericka!"

Nagulat ako ng akbayan akong bigla ni Justin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Justin naman eh.

"A-ay hello," bati ko sa kanya.

"'Musta?" Tanong niya kasabay ng pagyakap sakin.

"T-teka, masyado kang malapit, Justin." Kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"What's the matter? Lagi naman kitang niyayakap diba? 'Di ka pa ba nasanay?" pagtataka ng binata.

"E-eh, k-kasi," pautal-utal ang aking salita 'pagkat kausap ko nga siya.

"kasi?"

"Wala," maikli kong dahilan.

Napatingin siya na para bang nagtataka. "Ayos ka lang ba?" nag aalala niyang tanong.

"Oo naman," tugon ko.

"Weird," naglakad si Justin papunta sa classroom niya. He waved me goodbye.

Manhid ah.

--

"Class, dismissed."

"Bilis!" Sigaw ni Justin sa akin dahil nagpapaunahan kaming tumakbo pauwi.

Pupunta siya sa bahay namin ngayon.

"Aray! Teka!" Nadapa ako dahil may bato pala na nakaharang sa daan.

"Shi-" may sugat ako sa tuhod. Tumama kasi sa bato. Namamanhid ang mga paa ko ngayon.

"What?" nagulat ako nang buhatin akong bigla ni Justin.

"Tsk. Sorry, dapat pala 'di ko na pinabilisan 'yung takbo mo." nag aalala niyang sabi.

"Buhatin na kita papunta sa inyo. Malapit na rin naman tayo e," dagdag pa niya.

"Thanks."

"It's fine."

"Hi Tita, si Ericka, ito, may sugat," natatawang bati ni Justin kay mama. Nakakahiya. Buhat-buhat pa ako ni Justin.

"Si Justin kasi ma, pinatakbo ako," natatawa ko ring dagdag.

"Ay ako pa?" tanong niya sabay tingin sakin.

"Para kayong mga bata," sagot ni mama.

Napansin ko ang pag sama ng tingin sa akin ni mama. Kasalanan ko ba na binuhat ako ni Justin?

"Ibaba mo na 'ko, Justin,"

Binaba ako ni Justin at ngumiti sa akin. Nakakaloko naman ngumiti itong lalaking 'to. Napakagwapo e.

--

Nag-usap muna kami sa kwarto ko. Kwentuhan. Tawanan. Daldal din nitong si Justin e. Masaya siya kasama.

"Sino ba crush mo?" napatanong siya bigla. Tumitig siya sa akin kaya't 'di agad ako nakapagsalita.

"Wala," pagsisinungaling ko.

"Weh?" Lalo pa siyang lumapit sa akin.

"Eh, ayaw maniwala. Wala akong panahon para sa crush crush." Alangan namang umamin ako diba? Ano, baliw lang?

"Ahh, okay." maikli niyang tugon.

"Ikaw?" Na curious ako bigla.

Napangiti lang siya sa hangin. Nakatingin sa bintana.

Naghintay ako ng kanyang sagot.

Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha. Napaka simple ng itsura. Makapigil-hininga ang kagwapuhan.

Tagal ng sagot.

--

Halata naman na gusto ko siya. Di lang ata nakakaramdam ang loko. Pero sana wag malaman. Naku, matatapos ng wala sa oras ang friendship namin. At saka alam ko na rin naman na,

May hinihintay din siyang babae.

avataravatar
Next chapter