webnovel

Prologue

Naranasan mo na bang madulas sa wet floor ng Mall dahil hindi ka tumitingin sa signage?

Kung hindi pa h'wag mo nang ipanalangin dahil baka magaya ka sa'kin...

Nadulas na kasi ako sa wet floor ng Mall..

Tapos may nakasalo sa'kin at sobrang gwapo niya..

Maputi, matangkad, maganda ang pangangatawan..

Singkit, pointed nose, sharp jawline..

Maganda rin ang pag kaka-porma ng mga kilay dahil hindi makapal at hindi rin naman manipis..

Naka formal attire at ang bango bango pa niya...

"Hey, are you okay?"

Medyo mapula ang mga labi..

Malago ang itim na buhok, pero nakakadagdag naman yun sa pagiging hot n'yang tignan..

"Hey, Miss? I'm asking you.. Are you okay?"

At higit sa lahat, pakiramdam ko kami lang ang tao sa mundo..

Ako, siya at ang wet floor lang...

"Tsk."

"Aray ko naman! Galit!?" Taas kilay kong singhal sa kanya nang marahas niya akong bitawan.

"Kanina ka pa nakatitig sa'kin. Ano bang iniisip mo? Feeling mo ba 'Disney Princess' ka?" asik niya at pinagpag ang kanyang suot.

Napanganga ako sa inakto niya.

"H-hoy! Maka'pagpag ka naman sa suot mo, virus ba ako!?"

"Mukha nga."

"Kapal naman ng panga mo!?"

Hay kairita!

Bakit ba kasi sa dami ng gwapo sa mundo, ito pang antipatiko na 'to ang nakasalo sa'kin!?

Lord, wala na bang choices?

Switch mode naman oh!?

"Oh, one thing," Napalingon ako nang muli s'yang nagsalita.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I dislike anyone who feigns a misstep just to have an opportunity to touch me."

A-anong!?

"Get lost, Pervert."

Did he just insult me!?

Talaga ba!?

Really!?

Ininsulto niya ang pinaka magandang nilalang sa mundo!?

Ha! ANG KAPAL TALAGA!!!

At ano!?

Tinawag niya akong PERVERT!?

"HOY! Hindi mo ba ako kilala!? Ako lang naman ang sikat na Painter na si Felicity Rose Lee! Ang pinaka maganda-----" singhal ko na mabilis naputol dahil sa bigla n'yang tanong.

"Saan?" Kumunot bigla ang noo ko dahil sa tanong niya..

"A-anong saan!?"

"Saan ang paki ko?" Walang emosyong sambit niya saka ako nilayasan.

Napanganga naman ako dahil don.

ARGH!!!

Walkout-an ba naman ako!?

Ang kapal talaga!!!

Nakakainis!!

"HOY! BUMALIK KA DITO! HINDI PA TAYO TAPOS!" Mabilis na sigaw ko. Hindi naman niya ako nilingon kaya mas lalo lang akong naasar.

ARGH!!!

"MAY ARAW KA RIN SA'KING ANTIPATIKO KA!" Sigaw ko sa kanya na para bang maririnig pa niya ako dahil malayo na siya sa gawi ko..

- - - - - - - - - -

This is a work of FICTION.

Names, Characters, Business, Places, Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a FICTITIOUS manner. Any resemblance to a person, living or dead or actual events is purely COINCIDENTAL.

©fearnothingg 2024