webnovel

DEREF

NOTE: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as i tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is happy is always happy. He will leave and face his path... And when he returns, he will meet a woman with a bad temper. And as time goes on he does not realize that he is falling for this woman. BUT What will he do when.he finds out this woman is the only key why he left. WHAT should not have happened has already happened. WILL he let that happen again and this time to the woman he love?

nelvino0401 · Action
Not enough ratings
46 Chs

DEREF CHAPTER TWENTY THREE

Jairus POV

"Ayos na ba yung suot ko?" Tanong ni Joree sa'kin.

Pinasadahan ko yun ng tingin at naka black dress sya tapos naka sandals.

"Ayos na yan, tara na?" Tanong ko.

Tumango sya at inalalayan ko syang maka sakay ng motor ko at ilang sandali sumakay na rin ako at pinaandar yun.

Medyo malayo-layo yung bahay nung Dylan ah pero ilang minuto lang ang itinagal ng pag byahe namin.

"Dito na lang ako, aantayin kita." Sambit ko habang naghahanap ng pagtatambayan.

"Mauna na'ko." Tinanguan ko lang sya pagkasabi nya nun.

Sa labas pa lang malakas na yung tugtog at madami ng tao.

Halatang mayaman at madaming kakilala.

Pero hindi ako tutunganga lang dito kase may nakita akong kainan malapit dito. :)

Pinaandar ko ang motor ko at tinatahak ang daan papuntang kainan.

Ilang saglit nakarating ako dun at inihinto ko iyon.

Subdivision to pero may nagtitinda pala ng mga mami dito pag sinuswerte ka nga naman o.

Bumaba ako ng motor ko at sa labas pa lang napapikit na ako dahil na-aamoy ko na yung pagkasarap sarap na mami.

Sobrang dami ng tao dito ah siguro masarap talaga sila mag luto kaya madaming kumakain dito.

"Sir order nyo po?" Napapitlag ako ng biglang may sumulpot na babae sa harap ko.

"Yung pinaka masarap na mami tapos samahan mo na ng itlog yun lang." Napangiti sya dahil sa sinabi ko.

"Ser bago lang kayo dito?" Tumango ako sa tinanong nya.

"Alam mo sir gusto mong i-kwento ko sayo yung karanasan ko dito?" Nainis kaagad ako sa sinabi nya ano bang pakielam ko sayo?

Ihagis ko kaya tong table sa muka nya para manahimik kwento ng kwento gutom na'ko.

"Yung pagkain ko asikasuhin mo yun ang ipinunta ko dito hindi ang talambuhay mo." Nabigla sya sa sinabi ko at ngumiti ng pilit at naglakad paalis.

Habang nag aantay ako ng mami na inorder ko may narinig akong nagbabatuhan ng mga salita sa paligid ko.

Hay hindi na ginalang yung pagkain.

"Ser eto na po yung order nyo."

Abot sakin ng nag kukwento ng talambuhay nya.

Inilapag nya yun sa table ko at nagsimula ng mag ningning ang mga mata ko dahil sa biyayang nasa harapan ko.

Kinutyara ko yung sabaw at hinipan iyon ng isubo ko yun...

Wow taragis bat ganto lasa?

Bat...

Bat ang sarap.

Hindi ko ininda yung init at walang pakundangan kong kinain iyon habang ninanamnam ang lasa ng mami shit ngayon lang ako naka tikim ng ganto kasarap.

Nagtaka ako ng nagka ingay dito sa loob ng kinakainan namin at kaagad kong tinignan ang paligid...

Bat sila naka tayo?

Lumingon ako at nakita kong may dalawang mga grupo na lalaki ang nagrarambulan dito sa loob.

Mga pasaway hindi na ginalang yung pagkain.

Yung mga crew naman ayaw awatin halatang natatakot madamay.

Bahala kayo sa mga buhay nyo.

Hinarap ko yung mami ko at laking tuwa ko ng makita kong marami pa yun, kinuha ko uli yung kutyara ko at sumandok nun...

Isusubo ko na sana yun kaso...

Parang nag slow motion ang lahat dahil sa pag lipad nung mami ko palayo sa'kin at tinignan ko yun hanggang sa bumagsak sya sa sahig.

Nang lingonin ko kung sino yung walang yang tumapon sa mami ko yung mga nagrarambulan pala.

Anong ginawa nyo sa mami ko?

Natapon nyo na nga pero parang wala lang sa inyo.

Pinulot ko yung mangkok na nasa sahig at walang pakundangan kong...

Ibinato dun sa mga nagrarambulan bahala sila kung sino tamaan mga lintik sa pagkain.

Napahinto naman sila dahil sa pagbato ko ng mangkok sa kanila at tumingin sa'kin.

"Kung mag rarambulan kayo dun kayo sa labas natapon yung mami ko ng dahil sa inyo." Sabi ko sabay upo.

Papalampasin ko kayo mami lang yun pwede pang umorder.

"Isa pa ngang mami." Sigaw ko sabay taas nung kamay ko.

Hinawakan ko yung lamesa at hinampas dun sa gustong sumuntok sa'kin at plakda sya, naalarma naman yung mga kolokoy at nagsisuguran.

Hindi pa'ko nag e-enjoy sa mami baka sa inyo mag enjoy pa'ko.

Joree POV

"Joree antahimik mo ata may problema ba?" Napapitlag ako dahil sa tanong ni brianna tumingin naman ako sa kanya at nakita kong nakatingin din sila sa'kin.

"Sabi kase ni Dylan babalik sya antagal nya e." Natawa naman sila dahil sa sinabi ko.

"Syempre birthday nya look andami nyang bisita oh." Turo ni Caleb sa mga bisita.

Sabagay baka may kinakausap lang na mga bisita.

"Brianna cr lang ako." Pagpapaalam ko.

"Samahan na kita." Tumango ako sa kanya pagkasabi nya nun.

Naglakad kami papuntang cr ni brianna at madaming napapatingin sa'min dahil karamihan din dito kapwa namin na bigating artista katulad namin.

Nakakapagod nga e kanina pa may lumalapit sa'min para magpakilala ultimo kahit mga matatanda.

Kakausapin kami tapos pagyayabang yung mga ari arian nila pake ko ba dun gamitin kaya nila yun para sa mga muka nila para tumino mga ityura nila.

Napahinto kami ni brianna dahil sa mga ungol na naririnig namin.

"What's that?" Nagtataka kong tanong.

"Lika tulungan natin baka napano na yun." Tumango ako dahil sa sinabi ni Brianna at tinungo ang direksyon kung sa'n nanggagaling yung mga ingay na naririnig namin.

Parang babae na nasasaktan e baka may pinapatay na pala dito di pa namin alam.

Palapit ng palapit, palakas din ng palakas yung ingay na naririnig namin unti unti na kong pinagpapawisan ng malamig.

"Ako na magbubukas nung pintuan." Pagpiprisinta ni Brianna at tumango naman ako.

Pinihit nya yung seradura at unti unting bumubukas iyon...

At...

Napatalikod kaagad ako at hindi ko na napigilang umiyak.

Naramdaman kong niyakap ako ni Brianna pero wala ako sa sarili ko ng dahil sa nakita ko.

Inilayo ako ni Brianna at namalayan ko na lang na nasa labas na kami ng bahay nila Dylan.

"Shhh." Pagpapatahan sa'kin ni Brianna habang hinihimas nya yung likod ko.

Hindi ako makahinga dahil sa pag iyak ko dahil sa nakita ng dalawa kong mata.

Parang pinagsasaksak ako ng kutsilyo dahil sa nakita ko.

Alam ni Brianna na matagal na'kong may gusto kay Dylan pero alam ba ni Dylan kung ga'no ko nasaktan sa nasaksihan ng dalawa kong mata.

Nanghihina yung tuhod ko dahil sa nakita ko ambababoy nila mga wala silang kwenta.

Napapitlag ako ng may humila sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

Nang iangat ko ang ulo ko mas lalo akong napahagulgol dahil sa nakayakap sa'kin...

Hoodlum.

"Gusto mo gumala tayo?" Hindi ko alam kung bakit tumango-tango ako sa gusto nya, gusto kong mapag isa pero bat gusto kong sumama sa kanya.

"Ako na bahala sa kanya pakisabi sa 'HAYOP' na nagpaiyak sa kanya na wag na syang makalapit pa sa kanya." Pagkasabi nya nun binuhat nya ko na parang bagong kasal at maingat na iniupo sa motor nya.

"S-sa'n t-tayo p-pupunta?" Sumisinghot singhot kong sabi.

"Kung san pwede mong ilabas ng sakit na nararamdaman mo." Pagkasabi nya nun pinaandar nya yung motor at yumakap ako sa kanya.

...

"Gumising kana andito na tayo." Napamulat ako ng may magsalita sa harap ko.

Kinusot ko yung mata ko hindi ko namalayang kakaiyak ko sa byahe nakatulog ako.

"Nasan tayo?" Tanong ko.

"Nasa rooftop ng building." Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya.

"ANONG GAGAWIN NATIN DITO?!" Sigaw ko sa kanya.

"Tatalon." Dinagukan ko sya pagkasabi nya nun.

"Isisigaw mo yung problema mo." Natulala ako dahil sa sinabi nya at bumalik lahat sa'kin yung nakita ko kanina.

"Bakit ka ba umiyak kanina?" Hindi ako naka sagot sa tanong nya.

Naglakad ako at tinanaw yung baba kaso...

Napaupo ako dahil sa lula.

Shit bat ganto kataas to?

Malamang rooftop wag tanga Joree.

Wag tanga pero natanga ko sa kanya hindi pala natanga...

Nagpakatanga.

Tumayo ako at tinanaw yung baba at suminghap ng hangin...

"MUKA KANG BABAE MAGSAMA KAYONG DALAWA KAHIT MAGKA-ANAK KAYO WALA AKONG PAKIELAM MGA ADIK SA TAWAG NG LAMAN MGA HAYOPPP!!!" Napaupo ako dahil sa panghihina dala narin ng pagsigaw ko.

Babagsak na sana yung luha ko kaso may demonyong tumatawa sa paligid.

"Siguro mas sexy sayo yung babae." Natatawang sabi ni...

"Hoy hoodlum tignan mo nga yang mala coca cola kong katawan at yung mala porselana kong kutis kumpara mo dun sa pinaibabawan nya na mukang mukbang na alligator na may kaliskis!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Talo ka pala sa kaliskis na yun." Abat hayop to ah...

"Tignan mo kung sino mas sexy samin nung alligator nayun!" Sigaw ko at itataas kona sana yung dress ko kaso napatakip ako sa muka ko dahil sa kahihiyan lalaki nga pala sya.

"MANYAK KA SINASAMANTALA MO ANG KAHINAAN KO!" Muntik na kong makapag hubad dito sa harap nya nakakahiya shemay.

"Mas sexy ka dun...

Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko papuntang muka dahil sa sinabi nya.

SAVE ME PLS SAVE ME!!!

" Kahit muka kang minions." Kung kanina muka lang yung nagiinit sa'kin ngayon yung ulo kona.

"Minions, HOODLUM!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Bibe." Nanlaki yung butas ng ilong ko dahil sa sinabi nya at...

"PUTA KANG HOODLUM KA BUMALIK KA DITO ANG GANDA KO PARA SABIHIN MONG BIBE LANG AKO!!!" Sigaw ko habang hinahabol sya.

...

Jairus POV

"Ang ganda nung gitara mo ah." Pagpupuri nya.

Nandito na kami sa bahay nila at kasalukuyan nasa kwarto nya at binabantayan sya.

"Sanay ka kumanta?" Nagulat sya ng umiling ako biglang pagsagot.

"EH HOODLUM KA NGA BIBILI KA NG GITARA HINDI KA SANAY TAPOS HINDI KARIN SANAY KUMANTA BAT KAPA BUMILI NG GANTO ANO PAMPASIKAT LANG?! PAREHAS KAYO NG DYLAN NA YUN." Sigaw nya sa'kin.

"Ipupukpok ko sayo kapag wala akong nagawa." Kaagad akong lumayo sa kanya dahil muntik na nya kong hampasin nung gitara.

"Akin na itatabi ko na matulog ka na." Sabi ko sabay kuha nung gitara ko.

"Ikalma mo yang puso mo." Natatawa kong sabi.

"Ikalma ikalma ka dyan tadyakan kita e!" Nainis nyang sabi.

Napabangon sya ng sinimulan kong galawin yung gitara.

"Hoy gusto k-

Umiiyak ka na naman

'Lang-hiya talaga, wala ka bang ibang alam?

Namumugtong mga mata

Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa?

Sa problema na iyong pinapasan

Hatid sa 'yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

Nakatingin lang sya habang kinakantahan ko sya.

May kwento kang pang-drama na naman

Parang pang-TV na walang katapusan

Hanggang kailan ka ba ganiyan?

Hindi mo ba alam na walang pupuntahan?

Ang pagtiyaga mo diyan sa boyfriend mong tanga

Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka

Panay punas nya ng mga luha nya dahil tumpak sa kanya yung kanta.

Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama

Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya

Naiinis akong isipin na ginaganiyan ka niya

Siguro ay hindi niya lang alam ang 'yong tunay na halaga

Pero nagtaka ako na imbis malungkot sya parang ang saya-saya nya.

Hindi na dapat pag-usapan pa

Napapagod na rin ako sa aking kakasalita

Hindi ka rin naman nakikinig

Kahit sobrang pagod na ang aking bibig

Sa mga payo kong 'di mo pinapansin

Akala mo'y nakikinig, 'di rin naman tatanggapin

Hindi na'ko nakaiwas dahil kinukuhanan nya ko ng video.

Ayoko nang isipin pa

'Di ko alam, ba't 'di mo makayanan na iwanan siya?

Ang dami-dami naman diyang iba

Huwag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita

Na lalake na magmamahal sa 'yo

At hinding-hindi niya sasayangin ang pag-ibig mo

Hindi ko man lang to ginawa nun kay hazel.

Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama

Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya

Naiinis akong isipin na ginaganiyan ka niya

Siguro ay hindi niya lang alam ang 'yong tunay na halaga

Hindi ko din alam kung bakit ko ito ginagawa.

Minsan, hindi ko maintindihan

Parang ang buhay natin ay napagti-tripan

Medyo malabo yata ang mundo

Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama

Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya

Naiinis akong isipin na ginaganiyan ka niya

Siguro ay hindi niya lang alam ang 'yong tunay na halaga.

Halaga by parokya ni edgar.

Nang matapos akong kumanta ibinaba nya yung phone nya at pumalakpak.

"Manloloko sabi mo dika sanay, isa pa dali." Tuwang tuwa nyang sabi.

"Abuso, matulog kana." Binato nya ko ng unan dahil dun.

"PANGET, PANGET E MUKA KANG NGONGO KUMANTA, HOODLUM!" Sigaw nya habang tumatawa.

"Nalintikan na tumatawa mag isa."Umiiling-iling kong sabi.