webnovel

DEREF

NOTE: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as i tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is happy is always happy. He will leave and face his path... And when he returns, he will meet a woman with a bad temper. And as time goes on he does not realize that he is falling for this woman. BUT What will he do when.he finds out this woman is the only key why he left. WHAT should not have happened has already happened. WILL he let that happen again and this time to the woman he love?

nelvino0401 · Action
Not enough ratings
46 Chs

DEREF CHAPTER THIRTY

Jairus POV

"Master may tumatawag sa 'yo." Sabi ni Ariza sabay abot sa 'kin nung phone ko.

"Sagutin ko lang." Nag thumbs ups silang lima at hindi na 'ko lumayo at nanatili na lang sa pwesto ko. Pinindot ko iyon at itinapat sa tenga ko...

"Hello." Tinignan ko naman yung lima na seryoso lang na nakaupo habang nag-iintay ng order namin.

"Tol tapos na yung libing at pauwi na kami." Sabi ni Kyle sa kabilang linya.

"May lakad pa ba kayo?" Narinig kong tinanong ni Kyle yung apat at narinig kong wala naman daw.

"Tol wala, bakit?" Tanong ni Kyle.

"Pwede nyo ba 'kong puntahan dito sa mang inasal malapit dito sa NAIA." Nagtaka ako ng naputol yung tawag.

"Master here's the blessings!" Bumalik kaagad ako sa upuan ko dahil sa sinigaw ni Fiona.

Nagningning yung mata ko nung makita ko yung isang buong manok at kanin sa harap ko, tinignan ko yung sa kanila at ganun din yung kanila.

"Master may nakita kong babae dyan sa gallery mo sino yun?" May halong pang aasar yung tono nung pagtatanong ni Jessel.

"Binabantayan ko." Napakunot naman yung noo nila dahil dun. Sumubo ako nung kanin at isinunod yung kapirasong hita ng manok.

"Body guard?" Tumango-tango ako dahil sa sinabi ni Sealtiel.

"Master ka namin tapos tiga bantay kanun?! Edi inuutusan ka nun?! Asan yun hihilain ko yung buhok nun at isasakal ko sa leeg nya!" Natawa naman kami dahil sa inasta ni Shannice.

"May gusto din kaseng pumatay sa pamilya nila at tinulungan ko sila." Tumango-tango naman sila dahil dun.

"Eh bakit master may pic sya dyan sa phone mo, may hindi ba kami nalalaman." Tanong ni Ariza at nag apiran pa silang lima habang tumatawa-tawa pa.

"Master wag mong sabihing nagkakagusto ka na dun ah wag kang mahiya kami lang to, tayo-tayo lang hindi malalaman ni tanda." Natatawang sabi ni Fiona.

"Walang hindi nalalaman si tanda Fiona, alam na nya Ikaw hindi mo pa nalalaman." Sumang-ayon naman kami dahil sa sinabi ni Shannice.

"Pero master ano nga pala pangalan nya?" Tanong ni Sealtiel.

"Joree Rozcom." Pagkasabi ko nun nagkalikot sya sa phone nya at ilang saglit napatango-tango sya.

"Wow girls ang ganda nya look!" Tumingin naman yung tatlo dahil sa sinabi ni Jessel.

Hindi ko sila pinansin habang nagtitingin-tingin sila nung picture ni Joree dahil kumakain ako.

"Master mag c-cr lang kami." Tumango lang ako dahil sa sinabi ni Shannice at sabay-sabay pa silang naglakad paalis.

Nagulat ako ng biglang bumukas ng pagkalakas-lakas yung pintuan at iniluwal nun yung limang kengkoy's at nagpalinga-linga sila at parang tarantang-taranta, natawa ako ng makita nila ako at kaagad nagtakbuhan palapit sa 'kin.

"Tol ano to?!" Nakuha namin yung atensyon nung mga kumakain dito sa loob dahil sa paghampas at pagsigaw ni Raymond.

"Kaaalis mo lang, aalis ka na naman?!" Sigaw din ni Kyle habang nakapamewang.

"Teka pag usapan natin to!" Abnormal na sigaw ni Covie.

"Limang maleta tapos, ikaw lang magbubuhat?!" Sigaw ni Paolo habang kinakagatan yung...

Manok ni...

Fiona.

"Tol tawagan ko na yung chopper." Sigaw ni Jhared habang ininuman yung juice ni...

Ariza.

"Ipapatapon ko kayo sa norte kapag di kayo kumalma, pinagtitinginan na tayo." Nagsi-upo sila pagkasabi ko nun.

"Hindi ako aalis dahil may sinundo ako." Nagulat ako dahil walang nakikinig sa kanila dahil...

Kinakainan na nila yung pagkain...

"ARAY!" Sigaw ng kengkoy's ng may tumama na tray sa kanila. Nang tignan ko yun...

Yung limang babaeng kasama ko yung ityura nila namumula yung mga muka nila at mga nakapamewang.

Tingnan ko naman yung limang kengkoy's at napailing ako dahil nahuhulog mula sa mga bibig nila yung manok na kinakain nila dahil nakatingin sila sa limang sadistang babae na kasama ko.

"Kapag hindi kayo umalis sa pwesto namin, ipapalunok ko sa inyo pati lamesa!" Pagkasabi na pagkasabi ni Sealtiel nun kaagad silang nagtayuan at nagtabi-tabi.

"Master sino sila? Ang gu-gwapo ah." Binatukan kaagad ni Jessel si Shannice pagkasabi nya nun.

"Unahin natin ang galit bago landi." Pasimpleng bulong ni Ariza.

"Wag lang nating tagalan wa." Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Fiona.

"Raymond meet Jessel, Kyle meet Sealtiel, Covie meet Shannice, Paolo meet Fiona, Jhared meet Ariza, ngayon mag pakilala na kayo sa isa't-isa kung ayaw nyo ayan tinidor mag saksakan kayo." Dahil sa sinabi ko kaagad pinulot nila Jessel yung tinidor at yung limang kengkoy naman ipinansalag yung mga upuan.

"T-tol tumawag si mom, mukang kailangan nya ko." - Raymond.

"T-tol hindi ka naman pala aalis, mauna na kami." - Kyle.

"T-tol may pagkain pala dun sa bahay, sige una na kami." - Covie.

"T-tol pakisabi dun sa naka red na dress ang ganda nya." Pagtukoy ni Paolo kay Fiona.

"Ako din tol pakisabi dun sa naka off shoulder na ang cute nung pisngi nya makurot nga minsan." - Pagpapacute ni Jhared kay Ariza.

"Palitan nyo tong kinakain namin kung hindi kayo kakain- i mean lulutuin namin!" Kaagad nagsikilusan yung limang kengkoy dahil sa sinigaw ni Ariza.

"Master sino yung mga gwapo nayun?" Ngingiti-ngiting tanong ni Fiona.

"Fiona don't be loud so they can hear you." Zinniper naman ni Fiona yung bibig nya dahil sa sinabi ni Shannice.

"Don't make it public or give up right way." Natatawang sabi ni Jessel.

"I'll shave you so when you stop, it's embarrassing for the master." Tumahimik naman yung apat at nagpout dahil sa sinabi ni Sealtiel.

"Mga kaibigan ko sila pero magkakapatid ang turingan namin." Seryoso kong sabi sa kanila tapos tinignan ko yung limang kengkoy na...

Nagluluto nung pagkain namin.

Pwede ba yun?

Tsk.tsk. Nasindak kaagad dito sa mga to.

...

"Kain na." Sabi ko at nagsi-upuan na sila sa upuan.

Si Raymond kaharap si Jessel.

Si Kyle kaharap si Sealtiel.

Si Covie kaharap si Shannice.

Si Paolo kaharap si Fiona.

Si Jhared kaharap si Ariza.

At ako kaharap ko silang lahat.

Bumibungis-ngis sila Ariza at Fiona dahil pinagsasandukan sila nila Jhared at Paolo.

Si Shannice naman kunwari mukang masungit habang inaayos ni Covie yung manok nya.

Si Jessel naman sinampal yung kamay ni Raymond dahil imbis na plato yung hawakan e yung kamay ni Jessel.

At syempre si Sealtiel parang wala lang sa kanya.

"Kengkoy's mga kaibigan ko silang lima at nakilala ko sila sa loob ng dalawang taon." Napatango-tango naman sila dahil dun.

"Dun sila tutuloy sa dati naming bahay at kung pwede sa inyo ko sila paaasikaso." Natawa ko sa mga ityura nung lima dahil namutla sila pagkasabi ko nun.

"Mast- i mean Jai anong gagawin nila dun?" Siniko kaagad nung apat si Sealtiel dahil sa tinanong nya.

"Sasamahan kayo. Wala naman kayong gagawin sa kanila diba kengkoy's?" Kaagad nagsitanguan yung lima dahil dun.

"To-tol baka mamatay kami ng maaga kapag nagkamali kami or hindi namin sila nasunod sa inuutos nila." Napaatras yung lima dahil pagkasabi nun ni Jhared nag ngisihan yung limang babae.

"Kaya umayos kayo dahil mga predator tong mga to, isang mali, isang sakmal." Napalunok naman sila dahil dun.

"To-tol parang maganda yung sakmalan ah, diba?" Nagtanguan naman yung apat dahil dun.

"Ibang sakmalan yung sinabi mo Paolo. Tignan mo yung mga kaharap nyo." Kaagad silang humarap at...

Nagyakap-yakap sila dahil sa takot.

May mga hawak na kaseng granada yung limang sadista na kasama namin.

"Tumigil na kayo tinatakot nyo sila." Sabi ko at itinago na nila yun sa maleta nila at humagalpak ng tawa.

Nakitawa narin yung mga kengkoy's pero...

"Bat kayo nakikitawa?" Umiling-iling yung mga kengkoys dahil sa tinanong ni Sealtiel.

"Ikaw, Covie right? Picturan mo kami nila Jai." Nasindak naman si Covie dahil sa sinabi ni Shannice at kaagad kinuha yung phone nya ng makuha nya yun nagdikit-dikit kaming anim.

"1 , 2 -

Isang seryosong ityura lang ang ginagawa ko ng maiclick nya yun ng isang beses at inabot kay Shannice.

Nang tignan ni Shannice yun ngiting-ngiti sya.

"Kumain na tayo ng maayos." Seryoso kong sabi at pinagpatuloy na uli ang pagkain.

...

"Tol sigurado ka bang iiwan mo sa 'min tong limang babae na 'to?" Tumango lang ako dahil sa tinanong ni Kyle.

"Natatakot ba kayo?" Kaagad silang nagsi-ilingan dahil sa tinanong ko.

"Bat ako matatakot e pakitaan ko lang yan ng muscle panigurado maglalambitin pa yan dito sa mga braso ko." Napatango-tango kami dahil sa pagyayabang ni Raymond.

"Anong muscle sinasabi mo gusto mo basagin ko yan?!" Natawa ko ng biglang kumapit sa 'kin si Raymond dahil sa biglang pagsulpot sa likuran nya si Jessel at nakasunod yung apat sa kanya.

Huli ka.

"A-ano bang ginawa ko sayo?" Natawa kami dahil sa tinanong ni Raymond.

"Ere yung mga maleta namin buhatin nyo." Kaagad nila iyong kinuha dahil sa seryosong pagkakasabi nun ni...

Sealtiel.

"Wag nyong ibabagsak yan." Paalala ni Shannice.

"Wag nyong iuuntog." - Fiona.

"BAKIT?" Sabay-sabay na tanong nung limang kengkoy's.

"Dahil baka sumabog yung granada." Pagkasabi nun Ariza halos maihi na sa takot yung limang kengkoy's at hindi pinapasayad yung maleta sa sahig.

"Tawagan nyo na lang ako kapag may kailangan kayo." Nagthumbs up naman silang lahat dahil sa sinabi ko.

Sumakay na 'ko ng motor at sinusian ko yun...

Binusina ko iyon ng pagkalakas-lakas at kaagad pinaandar yun.

Nakita ko pa sa side mirror na nakatingin sila habang kumakaway-kaway hanggang ilang saglit nawala na sila sa paningin ko.

...

Hininto ko kaagad yung motor ko sa tapat ng gate ng bahay nila Joree. Papasok na sana ko kaso nagtaka ko dahil sa kotse na nakaparada dito.

Alam kong hindi to kay miss Keilla at kay sir.

Pero parang nakita ko na 'to e, napatakbo kaagad ako sa loob dahil naramdaman kong may pumapatak sa akin na maliliit na butil ng...

Ulan, umaambon na pala.

Mahina lang naman hindi ko na tatakpan yung motor ko.

Pagkapasok ko palang sa loob may naririnig kaagad akong ingay na nagmumula sa itaas...

Sa kwarto ni Joree.

Dahan-dahan kong tinungo yun at walang mababakasan ng ingay sa pagtapak ko sa hagdan.

Dug.dug. Dug.dug. Dug.dug.

Huminto ako saglit at nakita kong ilang baitang na lang ang tatapakan ko.

Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Halos sasabog na yung puso ko at parang gusto na nitong kumawala, dahil sa kabang nararamdaman ko

Unti-unti kong pinunasan yung nagbubutil-butil kong pawis sa noo at pinagpatuloy na ang pagda-dahan-dahan sa pag-akyat.

Bahala na.

Nang nasa harapan na 'ko ng pintuan ng kwarto ni Joree nagtaka ako dahil nakasiwang ito.

Hinawakan ko yung door knob at dahan-dahan ko iyong tinutulak para ilusot yung ulo ko at makita kung anong meron sa loob.

Nang makita kong kuntento na yung siwang at kaya ng makapasok ng ulo ko, inilusot ko iyon at...

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ng dalawa kong mga mata sa bawat pag-galaw ng mga labi nila sa isa't-isa, dulot nito'y sa 'kin ay panginginig ng buo kong sistema.

Malakas ako sa panlabas pero kabaligtaran nun sa panloob.

Gusto kong suntukin si Dylan at ipagsigawan na wala syang karapatan tulad ng napanuod ko dati sa teleserye, pero sino ba 'ko para gawin ko yun?

Bakit kase ambilis kong mahulog sa isang babae gayung alam ko sa sarili ko na walang kasiguraduhan.

Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganto?!

Iniangat ko yung ulo ko para tignan sila pero sobrang lang nakikita ko, dulot ng pagbagsak ng mainit na likidong nang-gagaling sa mga mata ko.

Kahit anong punas ko nito imbis na tumigil mas lalo lamang nagtutuloy-tuloy. Dahan-dahan akong umatras at hahakbang na sana ko paalis pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

"Jai?" Napabalik ako sa ulirat dahil sa pamilyar na tumawag sa 'kin. Pero hindi ko sya hinarap at yumuko lamang ako.

"Brianna!" Rinig kong sigaw ni Caleb.

Pero wala dun ang atensyon ko, kundi sa pagbukas nung pintuan ni Joree.

"B-brianna, C-caleb andyan na pa- Ja-jairus ka-kanina ka pa dyan?" Kahit hindi ko sya nakikita bakas sa tono ni Joree ang gulat.

Kinagat ko yung ibabang labi ko at pinipigilang humagulgol.

Gulat na gulat sya dahil nandito ako? bakit, kase ayaw nyang makita ko na may kahalikan syang lalaki?! Nanatili akong nakatalikod sa kanila at nakayuko lamang.

"Hoy kinakausap k-

Hindi na naituloy ni Dylan ang sasabihin nya dahil humarap na 'ko sa kanila.

"Ja-jai yung nakita mo, Mali ka ng ini-

" GU-GUSTO KONG PANIWALAIN YUNG SARILI KO NA PANAGINIP LANG ITO, PERO SINONG GAGONG HINDI MAG-IISIP NG KUNG ANO-ANO KAPAG NAKAKITA NG NAGHAHALIKAN!!!" Bakas sa muka nilang dapat ang gulat at takot dahil sa pagsigaw ko.

"Hoy bodyguard ka lang nya, kala mo kung sino ka!" Binaling ko yung atensyon ko kay Dylan dahil sa sinabi nya.

"Sino ako? Ako lang naman yung kasama nya nung mga panahon na sinaktan mo sya!" Nakita kong susuntukin nya ko pero nauna na syang bumulagta sa sahig.

"TUMIGIL KA NA NGA! ANO BANG PAKIELAM MO KUNG MAGHALIKAN KAMI?!" Napatigil ako dahil sa sinigaw ni Joree sa 'kin habang tinutulungang makatayo si Dylan.

Tama sya anong pakielam ko? At kahit may pake ako wala rin sa kanya yun.

Hinubad ko yung coat ko at ipinamunas ko yun sa basang-basa kong muka, ilang saglit isinampay ko yun sa balikat ko at naglakad paalis.

Halos bawat paghakbang ko ay pagbagsak ng mga luha ko at panginginig ng labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Iniisip ko kung umamin ba 'ko ng maaga sa kanya may magbabago ba?

Mahal na mahal ko sya hindi ko alam kung kelan pa, pero dapat pala pinigilan ko na nung una pa lang.