webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · Fantasy
Not enough ratings
125 Chs

Chapter 5: Story of past? , The Information

Chapter 5: Story of past? , The Information

Umupo si Ruby sa isang bench, at tumabi naman si Chris.

Habang nasa likod nilang nakatayo sina Vera at Hannah. nakatingin kay Chris.

"musta ang naging buhay mo sa labas?".

Naunang nagsalita si Ruby.

"madami ang namatay. At ilan sa kanila ay mga tulad ko. Kaya hindi ok ang naging buhay ko sa labas."

Sagot ni Chris.

"buti bumalik ka, para makapag umpisa ka ulit ng bago--- at tungkol naman kay Nana?".

Lumingon si Ruby kay Chris.

Hindi agad sumagot si Chris, at tila hindi alam kung ano isasagot nito.

'hmmm, mukhang nawala na ata ang marka sa puso nya. Hindi sya nag-react ng banggitin ko si Anna'.

Nanibago si Ruby kay Chris.

"ang lahat ay nasa nakaraan. at ang mga bagay na nangyari na, ay hindi na maibabalik pa. May mga bagay na hindi na natin dapat pang pagsayangan pa ng oras".

Lumingon naman si Chris kay Ruby, na mukhang hindi ito naapektuhan ng pangalan na nabanggit ni Ruby sa kanya.

"ahm. Ganun ba."

Umiwas ng tingin si Ruby..

.

.

"ahm, gusto mo bang sumali sa Student council. I'm sure kahit anong position ibibigay ko sayu. Basta sabihin mo lang."

Dag dag nitong sinabi kay Chris.

Lumingon sina Vera kay Ruby. At napa-nganga lang sila.

'woah!, tono ng boses!, shy expression!, a blush! ----si Ma'am Ruby pa ba ito!!?'.

Hindi makapaniwala si Hannah sa nangyayari kay Ruby.

'----mukhang ganun ka-special si Chris kay Ma'am Ruby. At nais pa nya itong ipasok sa hidden council----i sense danger'.

Naka focus naman si Vera kay Chris.

Hindi malaman kung ano iniisip ni Ruby at lalong lalo na si Chris.

Bigla nalang nagtama mga titig nina Chris at Vera,

.

.

.

na agad namang umiwas ng tingin itong si Vera.

Ba dump! ba dump! ba dump! (heartbeats)

.

.

.

.

.

'shit!, i really am--- feeling something very dangerous sa lalaking ito!'.

Tila hindi alam ni Vera ang tunay nyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

"hindi ako sanay sa mga ganyang trabaho. Ayos na sakin ang makabalik sa pag-aaral. At mamuhay kahit ilang taon bilang isang normal na estudyante".

Ngumiti si Chris at tumayo. At inayos nito ang buhok at suot na eyeglasses.

"ibig mo bang sabihin, hindi ka muna kikitil ng buhay sa mga panahong ito?".

Ngumiti konti si Ruby, habang napa hawak ng mahigpit sa kanyang red rose (katana)

Nag-unat unat si Chris, at humarap ito kay Ruby.

"ahm. Maaari ko bang makita ulit si Rose?".

Kumindat si Chris kay Ruby. Na tila tumunaw sa puso nitong matigas na ice.

"alam kong sasabihin mo yan----".

Iniabot naman ni Ruby, gamit ang pormal na pagbigay sa isang katana kay Chris.

'ang Red Rose ni Ma'am!!'.

Tulala lang sina Vera ng makita nilang ipinahawak ni Ruby ang kanyang pinaka importanteng bagay sa buhay nito.

Ting------sssssssssssh. (slightly)

Dahan dahang inalis ni Chris ang katana sa scabbard nito.

May kabuoang haba na 4ft ang katana. At ang coldsteel blade nito ay tila may halong kulay pula.

Dahan dahan din itong ibinalik ni Chris sa scabbard, at ibinigay kay Ruby.

"kailangan kong bumalik sa mga bago kong kaibigan, ahm. Ruby---".

Napatayo si Ruby sa kinauupuan nito.

"oh?, may kailangan ka?".

Tila may gustong marinig si Ruby mula kay Chris sa sandaling iyon.

"he he he, next time nalang siguro. Pag iisipan ko muna".

Matapos nun ay umalis na si Chris.

.

.

.

Siniguro muna nina Hannah at Vera na wala si Chris na makakarinig sa kanilang mga tanong kay Ruby.

"Ma'am, gaano ba kayo ka Close ng Chris na yun? ".

Agad na tanong ni Hannah kay Ruby.

"Ma'am, ba't hinayaan nyung hawakan nya ang sandata mo?, dati nyu na bang ipinahawak sa kanya yan?".

Curious naman si Vera sa mas malalim na ibig sabihin ng pagpapahawak nito na sandatang halos hindi mawalay sa tabi ni Ruby.

"ok, sasabihin ko lang ito sa inyo. Sabihin nating confidential din ang malalaman nyo tungkol sa kanya. tulad din ng tunay na pagkakakilala nyo tungkol saken".

Pinaupo ni Ruby ang dalawa sa kanyang tabi.

"si Chris ay-----"

****Short story:

Si Chris ay isang anak ng ex-General, ang ina nya ay matagal ng namatay dahil sa trabaho nito sa labas ng forbidden walls sa edad na 6.

Si Chris ay napasama sa isang Extreme Training Program simula pagkabata sa edad na 6 hanggang sa paghantong nya sa edad na 13. At nagpanggap na tiyuhin nya ang kumupkop sa kanya.

Sa edad nyang 10 ay nakasama nya sa isang grupo si Nana, katulad nya na napasailalim sa Extreme Physical Cultivation Training (secretive purpose used by the government).

At sumunod ay nakilala nya si Ruby sa sumunod na group set. Pero iba ang layunin ng pagkakasali ni Ruby sa grupo nina Chris. Sila yung grupong specialized sa Qi elemental Cultivation unlike sa body o Physical Cultivation.

Lumipas ang mga taon ng matapos nila ang final training nila sa edad na 13, at ipinasabak sila sa ilang mga Black Card Assassination missions (individually).

Si Ruby lang at ilang Qi elemental Cultivators. ang hindi ipinasabak sa missions, ngunit tumaas ang rank nila sa grupo. (kumbaga salit pusa pero may "gains/rewards" sila habang nanonood lang at tanging reports lang ang kanilang ipinapasa unlike sa mga Physical Cultivators.

Si Chris at Nana ay nakatapos ng mga pinaka maraming missions, at nabigyan sila ng rewards, at karagdagang cash at sariling lupa. Ngunit.

Ibibigay lang ang mga rewards kapag nakabalik sila ng buhay, mula sa labas ng "forbidden walls". Pero hindi na ito kailangan pa ni Ruby at ilan pang mga Qi element cultivators sa grupo, dahil hindi sila isasabak sa labas sa ganung edad at no experience.

Lumipas ang isang taon, iisa lang ang nakabalik na buhay sa bilang na 20k. At sa mga sandaling iyon na paghihintay ni Ruby kay Chris. Ang sumalubong kay Ruby ay si Chris na may malungkot na mukha, duguang katawan, at buhat buhat nito sa likod ang katawan ng isang babae. (Nana)

Ang ikinamatay ng ka-grupo ni Chris ay ang pag ambush mula sa ibang grupong katulad nila at kasunod ng isang kalagim lagim na bakbakan laban sa mga----(secret for now)

Ang Blood Rose ay ibinigay na tanging sandata ni Chris, para kay Ruby ng makabalik ito galing sa labas ng forbidden wall. At sa mga sandaling iyon umalis ito pagkatapos ng burol ni Anna. At pinalitan ng pangalan ang sandatang iyon bilang "Red Rose".

End short story:****-----

Naintindihan na nina Vera kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Chris, at ang pagkakaibigan nila ni Ruby.

"so, Ma'am, mas experienced sya sayu sa laban. At mas madami na syang napatay kesa nung mag-umpisa kang Advance staged Assassin? ".

Hindi maiwasan ni Hannah ang magtanong.

"sa ngayun, sasabihin ko na sa inyo na ang ranking sa Stage board ay pawang pang Normal at Intermediate lang. Dahil para sa katulad ni Chris. playground lang ito sa kanya pagdating sa strategy".

Tumayo na si Ruby at naglakad.

'dahil si Chris ay isang Silent Assassin----maske isang Grandmaster ay madali nyang patayin gamit ang kakaibang lason---- na hanggang ss ngayon ay hindi ko alam kung paano nya ito ginagawa'.

*well spoken, wala ring silbi ang Stage at level kung hindi naman alam lumaban sa tamang paraan ang isang Cultivator. Isama mo na mga Cultivation techniques na may lihim at naglalaman ng mysteries. *

Natauhan naman ang dalawa at agad sinundan si Ruby sa likod nito.

'hmmfp, ok lang na may malaman ka. Pinili ko at inimbento ko lang ang mga parte sa kwento kung saan hndi mo makikila ng tunay, kung sino talaga si Chris---- at lalong lalo na sa nag-iisa nyang pamilya, ang kanyang tito'.

Napalingon saglit sa gilid si Ruby habang naglalakad.

.

.

.

May nakarinig sa kwento ni Ruby at ito ay walang iba kundi si Ms. Jenny Last. Nakatayo ito sa bandang likod ng snack dispenser.

'woah, new information. Sakto lang ang pagkwento mo Ms. Ruby. Pero mukhang ipinahalata mo saken ang ilan sa mga dapat kong malaman. Hmmmfp.'

Kumagat ito sa dulo ng isang chocolate bar.

-----

Pagsapit ng Gabi, lahat ay nasa tents at kakatapos nilang kumain, at tanging ginagawa ng karamihan ay ang maagang matulog, makipag kwentuhan, board games, reading wattpad, tunga-nga etc etc.

Si Ms. Jenny ay lumabas na may dalang payong. papunta sya sa kanyang kotse

.

.

.

Ng biglang may napansin syang lalake at nakatayo ito sa pagitan nila ng kanyang kotse.

"ahm, diba dapat nasa tents na kayo sa ganitong oras----".

Habang dahan dahan ang kanyang mga hakbang. ay nakita nya na hindi uniform ng kanilang school ang suot ng lalaking iyon. At basang basa ito sa ulan.

'killing aura!? '

"Ms. Jenny, kung ako sa iyo, hindi ko na itutuloy ang pagbibigay ng information na nalaman ko."

Tumalikod ito paharap kay Ms. Jenny.

May takip na blackmask sa baba ng mukha nito. May hawak na chained combat knife sa kanang kamay. At itim na spiky hair. At may tangkad na 5'8".

'isa syang Epic:lvl 3Assassin, mukhang may bantay si Ms. Ruby sa ngayon'.

Ngumiti si Ms. Jenny.

"ahm. Ganun ba sige naiintindihan ko pero----".

Slash!. Slash!

May dalawang katana ang sumaksak sa likod ng lalakeng iyon. At may acid na tila tumutunaw sa mismong parte ng sugat ng lakake.

"---m-mga Epic:Lvl 3.----Vendettas!!".

Nanghihinang banggit ng lalakeng iyon. At unti unting nawalan ng buhay ang lalake.

Dalawang babae na naka gothic outfit, at may whitemask sa mukha nila.

Napatumba nila ang lalake at isinakay sa likod ng kotse ni Ms. Jenny.

"ipinadala kami ni Sir Johnny, Jenny swerte ka sa ngayon at napadating kami sa oras. Mas mababa ka pa naman ng isang level sa kanya"

Sabi ng isang babaeng may blue shorthair.

Pumasok naman si Jenny sa kotse at sumunod ang dalawa. Pumasok sila sa pintuan sa backseat.

"oo na! salamat na! Pero ang hindi ko alam ay bakit ganun kaseryoso si Ruby sa pagbabantay sa information lalo na pag tungkol ito kay Chris."

Pinaandar ang kotse at umabante ito sa kasagsagan ng tag-ulan.

"siguro may malalim na background ang batang iyon. At gusto itong protektahan ni Ruby."

Sabi ng naka purple shorthair na babae.

"nasabi nga ni Boss kay Sir Johnny na may hidden background si Chris. Napansin na rin nito na forged lahat ng papers at mga documents tungkol sa nakaraan nya, maliban sa pangalan nya".

Dugtong naman ng babaeng blue short hair.

-----

Sumunod na araw, hindi tumila ang ulan at sina Jane at Blana ay nasa Hot Springs.

"Napansin mo parang hindi lang weird si Chris, mysterious din sya. Akalain mo yun---- kababata nya palang kaibigan si Ms. Ruby, at kaya pala malapit ito sa kanya".

Tila napakalayo naman ang tingin ni Blana at napansin bigla si Jane na tahimik.

Si Jane naman ay tila malalim na ang iniisip simula ng malaman nila kay Chris na kababata nito si Ruby.

.

.

.

"huy. Mag salita ka naman kahapon ka pa bes."

Napansin ito ni Blana.

Iilan lang silang mga babae sa hot springs, ang hindi nila alam

.

.

.

Na isa sa mga kasama nilang nakababad sa hotsprings ay si Ruby. Kasama nito sina Hannah at Vera.

'Sigh. Kung si Ma'am Ruby at Chris ang magkaharap sa isang duel. Sinu naman kaya ang mananalo?'.

Nag iimagine naman si Hannah.

Si Ruby naman ay tila maybahid ng galit sa hitsura nito. Dahil nakameditate posture sya. At ikinalat sa 40meter mark radius ang kanyang Spark pulse.

'mukhang gusto nila makialam sa sikreto ni Chris. Hmmmfp at kailangan pa talaga nilang harapin si #13'.

Nalaman nya na wala na si #13

(ito yung may mask na lalake na humarang kay Ms. Jenny) sa parking area.

Lumingon si Ruby kay Vera.

"Vera, naalala ko----, yung tungkol sa lalaking nakasabay mo maghotspring. Nahanap mo na ba?".

Habang napahawak ito sa sariling dibdib.

*those h-hands!!! ----those h-ha-hands!!*

Tila nakaramdam ng lamig sa buong katawan si Vera ng marinig nya ang tanong ni Ruby.

"ah eh, hindi ko sya mahanap---- hahayaan ko nalang sya sa ngayon".

Kinabahan sya na baka idiin pa ni Ruby at malaman nitong si Chris pala ang naka silip sa kanyang katawan.

"ganun ba? Sige---- mukhang bukas na uumpisahan ang competion dahil pa konti-konti nalang ang pag ulan".

Tumayo si Ruby at nag twalya.

*Vendetta, mga organization yan at parang mga miyembro ng mga sects or underground groups ---parang ganun. Basta explain ko next time kapag may action na at patayan*