webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · Fantasy
Not enough ratings
125 Chs

Chapter 2: Council

Chapter 2: Council

Pagkapasok nina Jane at Blana sa classroom. nagkataong tamang-tama lang ang kanilang pagdating dahil wala pa ang kanilang Adviser.

"nice one, sakto lang pagdating natin."

Nagtungo na si Jane sa silya nito na nasa likod lang ng upuan ni Blana.

"sino kaya makakatabi ko?. Tutal pareho tayong walang katabi kahapon. sure ako meron na sa ngayun. Naway Hot or Cute ang magiging katabi ko. hi hi hi".

Nag iimagine naman si Jane sa sinumang makakatabi nito.

"basta ako, ok na saken basta tahimik at hndi breezy boy. Ayaw ko ng mga ganung uri ng lalake ---mga pak-boi. Sigh!!". Nagsalumbaba nalang si Blana sa desk nito.

"uyyy masyado ka namang ---bes, di naman ganun lahat ng mga lalake---- pero may point ka. Ok na maging bolero wag lang yung ----biglang ibang patutunguhan ng usapan. ha ha ha. I wan't someone mature, more on the silent side, nerdy, smells nice, look at me sometimes, may pagka shy, may confidence, at yung ugali hindi poser. ha ha ha".

May pumasok sa pintuan at parang sakto-sakto lang din ang dating nito simula nung dumating sina Jane. Nabaling naman agad ang mga mata ni Jane sa lalakeng nakatayo sa mismong pintuan. (with special background sparklings and flowers)

"hey, kilala nyu ba sya?".

Tanung ng babae na nasa likod ni Jane.

.

.

.

.

Ping!! 

"ahhhhm, teka!. sya yung nakasalubong natin sa hallway. Diba bes?".

Turo naman agad ni Jane. Na parang nagising sa isang magandang panaginip. 

(ba't my blush)

Habang pinaguusapan nila ang bagong dating na si Chris. Eh agad namang may humarang sa daan nito papasok sa classroom.

.

.

Kumbaga umagaw sa spotlight. (ayan na guys bully time)

"ahem. Mukhang nawawala ka ata at hindi mo alam kung saan ka papasok."

*Box: giant bully 5'8", same age----- spiky hairdo black, brown eyes, Semi fatty may pagka korean ang mukha*

Sabi ng humarang kay Chris. Isang matangkad na lalake na may black na gloves sa kanang kamay nito.

"ahhm? ---- pano mo nasabing nawawala ako eh, dito ako sa section5. At nakalagay narin sa----".

.

.

.

.

"hndi ka bagay dito at isa pa, ibang kulay yang suot mong uniform na blacksleeve. Mukhang masyadong cheap yan. ha ha ha".

Sambat nito kay Chris.

Nagtawanan din ang ilang mga studyante sa classroom. Tutal ang bilang ng mga babae ay 20 habang 12 ang boys.

"cheap?, ahm----pero wala naman yun sa rules ah".

Ngumiti lang si Chris na tila kinakabahan ito sa maaaring mangyari. (facial acting)

Tumayo si Blana at tila gusto nitong pagsabihan ang lalakeng iyon. (Brave)

'this is bullying, hndi ko maiwasang Hindi mag-init ng ulo dahil sa asal ng lokong iyon!!'.

Lalapit na sana si Blana ng bigla syang pinigilan ng kamay ng isang lalake.

"ssshhh, wag kang lalapit kay Box, kahit babae ka hndi ka nyan papakinggan sa ano mang sasabihin mo. O baka gawan ka pa nyan ng masama. At isa pa isa syang Advance Level 2".

Sabi ng lalake na may bangs.

"tama sya bes, hintayin nalang natin si Mr. Adonis. Iba talaga mapunta sa isang Assassin school, at isa pa Advance Stage level 1 lang tayo."

huminga nalang si Jane ng malalim at tumingin sa pintuan kung saan naroon si Chris.

"ganito nalang, magiging alagad kita. At susunod ka sa bawat i-uutos ko.----simula ngayon. At maaari na kitang papasukin sa loob".

May puting Spark na umiikot sa palibot ni Box hndi ito kasing kinang na tulad kay Chris (ng gabing iyon).

-----

Sa simula palang ng pagdating nila Jane sa classroom ay hndi nila alam na pinapanood sila ng mga guro sa meeting room kasama ang hidden at student council.

Naroon sa room si Mr.Adonis at ilan pang mga Instructors ng Grade10.

"Adonis, mukhang may mga Card Holders kang student ah. He he he. at hndi nila maiwasang mang bully sa ikalawang araw palang ng pasukan."

Sabi ng Babaeng naka itim na office suit.

"pero hndi ko inakalang, may studyante kang lampa. Adonis, gudluck pagdating sa araw ng Card duels. Ha ha ha".

Sabi naman ng isang lalake na may leather gloves sa magkabilang kamay.

.

.

.

.

Tahimik lang ang mga nasa gilid ng room na mga officers ng Student council.

'tsk, wala kayung alam sa tunay na pagkatao ni Chris.'

Ngumiti lang si Ruby. At nahalata naman ito ng principal na nasa dilim na parte ng room. At ganun ding napansin ito ni Adonis, ang pagbago ng expression sa mukha ni Ruby ay may nagbibigay dahilan na hindi basta basta si Chris.

(ang taong sanay ng makakita ng ginto ay hndi na magkakainteres pa dito, pero pag ito ay ngumiti sa isang bagay----well your curiosity strikes)

'kilala nya kaya ang lalaking iyon, na nag ngangalang Chris---'.

Napaisip si Adonis at tumingin ulit sa monitor.

-----

Nang masabi ni Box ang kundisyon nya para mapapasok si Chris sa classroom, ay bigla nalang natawa si Chris.

"ah yun lang pala eh. He he.----"

sabi nya kay Box. Habang napapikit ito saglit.

Madaming bulungan at usapan naman ang maririnig sa classroom.

"ibig sabihin nyan payag ka na. ha ha ha ang una kong utos ay-----".

Natigil si Box ng mapansin nyang wala na ito sa harap nya.

Natahimik naman ang lahat ng mapansin nilang hinayaan lang ni Box na pumasok sa pintuan si Chris.

"hoy sino may sabing pumasok ka!!!?".

Hahatakin sana nito ang kwelyo ng sleeve ni Chris.

"huh?, wala ba nagsabing pumasok na ako?".

Tila clueless lang si Chris. O sadyang ginagalit lang nya si Box.

Kaso masyadong mabilis lang umilag si Chris kahit patawa lang ang mga galawan nito.

'bat hndi ko sya mahuli-huli'.

Halos mamula na ang mukha ni Box sa kahihiyan.

Natawa naman ang mga nasa classroom dahil sa pag iwas ni Chris sa mga bantang kapit at paghuli ni Box sa kanya.

"awtsu. Diba sabi mo cheap ang suot ko. Bat ngayun gusto mong hawakan?, pwede naman nating pag-usapan ng maayos kung gusto mo ang damit ko eh."

Ngumiti si Chris na parang nangpipikon.

"mukhang gusto mo talaga masaktan bata!!".

Sumeryoso na si Box at tila plano nitong gamitan ng Close combat si Chris.

Sumanib ang Spark nito sa kanang kamay.

Napansin ito ng lahat at kinabahan sila sa maaaring mangyari kay Chris.

"mukhang may mapupunta na sa nurse clinic. Kawawa naman sya".

Sabi ng lalakeng may bangs na nasa tabi nila Jane at Blana.

.

.

.

.

.

.

"ba't ba kasi may mga ganyang uri ng baboyramo sa classroom natin?!".

Sabi ni Jane at sakto namang natahimik ang lahat ng marinig nila ito..

.

.

.

.

.

Napalingon si Box sa kinaroroonan nina Jane at Blana.

"paki-ulit-mo-nga ----ang sinabi mo----!".

Tila mas lalo na itong nagalit dahil sa marinig nya mula kay Jane.

.

.

.

.

.

"oooops, sorry mukhang totoo nga. Baboyramo ka hmmmfp".

Matapang namang sagot ni Jane.

May Pinkish Spark naman ang Pumaikot kay Jane. At mukhang handa ito sa anong mangyayari.

Patakbong nagtungo si Box sa kinalulugaran nina Jane para gawan ito ng masama.

Humarang si Bangs boy para pigilan si Box. At lumabas ang Spark nitong Bluish at sumanib sa magkabilang palad.

"pag humarang ka ibig sbihin nyan kalaban din kita!!".

Nag iinit na ulong sabi ni Box kay bangs boy.

Uminit at umusok ang kanang kamao ni Box. At mukhang naipon na nito ang energy para sa isang malakas na atake.

Whammmm!!

Sinipa nya ng mabilis, sa tagiliran ni Bangsboy. Kahit masangga man nya ang sipa ni Box ay tumilapon parin sya pagilid at napa upo sa sahig.

.

.

.

.

.

'masyadong mainitin ang ulo nya, wala akong magagawa---- at ang lakas nyang sumipa'.

Inis at galit na tumingin si bangs boy kay Box na naglakad palapit kay Jane at Blana.

"bes, panu yan. Mukhang walang gentle-gentle-man dito maliban kay bangs." bulong na sabi ni Blana kay Jane.

"dibale blackbelter ako bes. Malakas syang sumipa pero mabagal parin syang gumalaw."

Pero sa totoo kinakabahan din talaga si Jane.

Ilang hakbang nalang ang layo ni Box kay Jane. Sumanib ang spark nya sa kanang binti At inunahan nya si Box ng isang mabilis na sipa sa sentido nito.

Whhhhhhhaaaaaabbb!!

Tinamaan si Box pero tumabingi lang konti----na tila wala lang, ang sipang iyon ni Jane. Sa tangkad pa ba namang 5'9" ni Box buti naabot pa ng jump kick ni Jane.

"tsk!! Masakit yun ah!!!!".

May konting dugo sa parteng sentido na nasipa ni Jane kay Box.

Susuntukin na nya si Jane ng biglang.

"ha ha ha ha. Brad diba bawal bading sa loob ng classroom. Sa labas ka nalang kaya manakit ng babae wag dito".

Malakas na sabi ni Chris, na kasalukuyang nasa likod ni Jane.

"eehhh!!!".

Napa-nganga silang lahat sa lakas-loob na pagkakasabi ni Chris.

'sadyang Weird ang kaklase kong ito. He he he'.

Nakatayo na si bangsboy at tila hula nya na may tinatagong alas si Chris para itapat kay Box.

Ngunit. 

.

.

.

.

Hndi na napansin ni Chris ang papalapit na suntok mula sa kanyang kanang tagiliran.

'mabilis sya----oh well.'

Sa konting sandaling iyon ay nag-iba ang Aura ni Chris,

.

.

.

.

at tila ito ang intent ng isang sanay na kumitil ng buhay ng walang takot.

Hinayaan nalang ni Chris ang pagtama ng suntok ni Box sa kanyang tagiliran. At naka abang ang itim na usok sa kanang palad nito. Hndi man kapansinpansin ay agad itong nawala----

.

.

.

.

"class return to your seats."

.

.

.

Natigil ulit si Box sa kanyang suntok. at tila nakaramdam sya ng kaba ng marinig ang boses na iyon.

Dumating si Mr. Adonis sa tamang oras. At kalmado lang ito at walang pake sa kaguluhan.

Nakatayo si Chris sa tabi ni Jane. At tila walang nakapansin sa Aura nya dahil agad din nyang itinago ito ng maramdaman nya ang Qi ni Mr. Adonis na papasok sa room.

"hi, ako nga pala si Chris Hernandez."

Unang nagpakilala si Chris sa buong klase. At nagparamdam ng konting killing intent kay Box.

'tang-ina, mukhang hndi sya lampa sa inaakala ko.'

Umiwas agad ng tingin si Box ng mag-iba ang ngiti ni Chris sa kanya. (the grin of Death)

Base sa titig ni Chris kay Box ay tila handa itong pumatay ano mang oras.

Nagpakilala na rin ang ilan pang mga students na absent at hndi nakapag pakilala nung unang araw ng pasukan.

Naupo na si Chris sa bakanteng upuan sa tabi ni Jane. At natahimik ito na tila ang lalim ng iniisip.

'weird nitong nerdy glasses na nag ngangalang Chris, minsan Joker, pero ngayun parang normal, tapos magsesryoso sigh!!! '.

Napaisip si Jane.

Biglang nagkatitigan sina Jane at Blana, tila nagkataong pareho ang iniisip nila.

'another variable on the equation----. Pero bakit naka focus si Ms.Ruby sa kanya?'.

Lumingon lang saglit si Mr.Adonis kay Chris at Box.

-----

Hidden student council room.

Tahimik at naka Meditation posture sa sofa si Ruby, hawak ang (red rose) katana nito habang nakapikit. may Ruby Spark na umiikot sa palibot nya.

"hey ma'am, mukhang hanggang ngayun iniisip mo parin yung new transfery sa section5, hndi ka tuloy maka focus sa pag-cultivate mo".

Lumapit ang naka Red PE uniform na babae.

*Hannah Santiago, may short hair, 5'2". Masasabing medyo payat sya, pero may sariling kagandahan sa mukha at kutis na maputi at katawang pang model.*

"Hannah, ako lang ang mas nakakakilala sa kanya. Pero hndi na talaga sya tulad ng dating nakilala ko."

Napatingin ito kay Hannah na umupo sa kabilang dako ng sofa.

"ohhh, mukhang i sense Love lust in you ma'am. He he he-----".

Napakagat labi si Hannah.

Ting!!!

Ipinasilip ni Ruby ang konting parte ng talim ng kanyang katana na nakalagay sa isang pulang scabbard. Nagbabanta na manahimik nalang si Hannah. (or else).

"oooops, sorry ma'am, di na mauulit."

Itinikom nya ang kanyang bibig ng makita nya ang red glim mula sa konting talim na iyon.

.

.

.

.

.

Tac tac tac tac tac tac

May dumating mula sa pintuan.

*Vera Mae Simion, inkyblack long hair, may tangkad na 5'4", sabihin nalang natin na tila dyosang malamig. Pero hot sya kung ibabase sa katawan at hitsura. (parang KPOP dancer na may malamig na expression) Goddess of attraction *

"Natapos ko na yung ipinapagawa mo ma'am, sumangayon naman ang student council ng St. Hans school".

Naupo ito sa isang silya. Naka student Uniform ito na tulad ng suot nila Jane. At may dalawang long knifes sa magkabilang tagilirang parte ng bewang.

Basat isa sa kanila ay may GoldenRing at magkakaiba ang mga details at style ng mga ito. (malalaman din ang gamit ng mga yan sa susunod na mga chapters)

"so napatahimik mo yung loko?, he he job welldone sis. Kailan ko kaya mararanasang pumatay ng Manyak?". Tila gusto ni Hannah ang trabaho ni Vera.

"may roles kayu. At yun lang ang gagawin nyo. Pagka graduate natin sure ako malalaman nyu rin na mas delikado ang buhay sa labas kesa sa loob ng skwelahan".

Naipikit ulit ni Ruby ang kanyang mga mata at nanahimik naman sina Vera at Hannah.

-----

Sa principal office.

"---Approved, natapos na ni Vera ang mission nya. At sang-ayon ang St. Hans. Sa pagpatay kay Carlo-theRapist."

Yumuko ang babaeng naka itim na black suit.

Nakatalikod ang upuan ng principal at nakaharap ito sa bintana.

"tungkol naman dun sa sinabi kong student natin. Meron na bang balita sa kanya?".

Nanatili itong nakatalikod.

Naglabas ng isang folder at isang envelope ang babae.

"nalaman ko sir na normal syang pinalaki ng ina nya, at nagkataong namatay ang ina nya sa edad na 10. At kinupkop sya ng tiyuhin nya na nasa bayan na pinagmulan ng Ama nito. At lumaking nasanay mag-isa at hndi lumalabas ng bahay at ang tanging libangan ay magbasa ng libro. Yun lang at ang ilan ay nasa loob ng folder. At ang copy ng kanyang Birth certificate at ilan pang Grade Cards since elementary. At kasalukuyang pisikal cultivator sya na nasa Entry Stage lvl5".

"sige. Makakaalis kana Clarise".

Agad ding tumalikod si Clarise at lumabas ng pinto.

'Chris--- mukhang nagustuhan ka ng aming Ruby. Ano pa ang mga tago mong sikreto?'.

Humarap ng pagkakaupo ang principal sa folder at agad nyang kinuha ang litarto ni Chris.

Gray haired, age 28, brown eyes (corneas), height 6'2".

*Karagdagang explanation tungkol sa mundong kinagagalawan nila. 

Ang mundo nila ay 10,000x bigger sa earth natin. Kaya gudluck sakin sa pag lalagay ng mga lugar na maaaring ikasakit din ng ulo natin dahil sa lawak ng mga ito, ha ha ha*