webnovel

Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi

"Hulaan mo sino ako." sabi niya mula sa madilim na bahagi sa hagdan. ... "Hahaha. Just guess maybe you can get it right." ... "Anu ako ulol buti kung nasa laro ako sa tv at may premyo baka hulaan ko pa kahit na Hindi naman ako kalahi ng mga mangkukulam o manghuhula siguro." Sabi ko sa isip ko na medyu malakas kasi mukang narinig nya. "Hmmm if you want a reward I could grant you one wish." ... Pointed nose, masculine jaw line dark brown eyes silver hair na bagay naman sa kanya. Ngayun na umalis sya mula sa madilim na bahagi ng hagdan at naglakad palapit sa akin. Makikita Ang tunay nyang kagwapuhan. Di kagaya kahapon yung aura nya. Mas bagay ang sa ngayun hindi Yung ... "Bitiwan mo nga ako." Sabi ko dahil kinuha niya ang kamay ko at tinitigan ako. Di naman siya nagsalita pero hawak niya parin ang braso ko. "Let's eat." "Ayaw ko sumama sayo. Aalis nga ako dito taz dadalhin mo pa ako pabalik..." Sabi ko dahil hinihila nya ako papunta sa malapit na pinto ng floor na eto. Tinignan nya ako ulit ng seryuso kaya tumingin din ako sa mata nya ng seryuso ano akala nya matatalo nya ako sa walang pikitan ng mata. Hmp... Ng bigla nya akong kinarga sa balikat nya na parang sako ng bigas!!!! ... Ohmygassssss antigasssss... "Will you stop struggling. I'll kiss you if you don't stop." Syempre dahil nga matigas...Ang init na ng mukha ko... matigas ang ulo ko... Ahem... Bat ba nag iinit mukha ko sa... Matigas ... Ahem... anubayan!!! Sobrang pula ko na siguro. Ah basta di ako nakinig sa kanya at nagpumiglas parin. "Titigil ka o titigil ka?" "No!!! just let me go!!!! Ibaba mo ako!!!!" Tumigil sya sa paglakad pero segi parin ako sa paghampas sa likod nya "Or do you prefer na dalhin kita sa kwarto ko at kakainin na lang kita."...

TanzKaizen24 · General
Not enough ratings
36 Chs

Chapter 24 Unexpected

"Happy birthday! Go to the tallest building near you. I have a surprise for you. ASAP"

'Hahaha imposible naman na sa kanya to galing. Tsaka pinakamataas na building malapit sakin ay ang Moonlight tower! Kahit mayaman ako wala naman akong access dun!'

Birthday niya kaya hindi siya papayag na ma prank ng kung sino. Mataas ang Moonlight tower at sa pagkakaalam niya restricted area ito. Ayaw niya pumunta doon sa Moonlight pero hindi niya alam nagda drive na siya papunta doon. Sa isang puno masayang sinundan ni Sinco si Wei. 'Mabuti naman at naisipan niya ng umuwi. Delikado kaya ang Ton Track dahil maliban sa isa itong race track isa din itong lugar kung saan nagpapalitan ng mga tago at bagong gawang armas.' Buti na lang sa araw na iyon ay walang ibang kaganapan.

"Paano naman kaya niya malalaman na birthday ko? Tsaka nagbi birthday din ba sila sa Yfel? Aist.. Teka bakit nandito ako sa tapat ng Moonlight?!!!" Hindi naman mapakali ang babae sa loob ng sasakyan niya. Kinakain na siya ng curiosity niya kaya pilit ang mga hakbang niya patungo sa lugar. 'Bakit walang mga guards? Ganun na ba ako kaganda at di nila kinaya ang awra ko!!! Hahaha kung ganun... makapasok na nga ng malaman ko kung sino yung may surprise.'

"Tao po? Hindi po ako manlilimos... punta lang po ako sa itaas ng building may titignan lang po. Salamat po." pagpapaliwanag niya habang naglalakad ng hagdan. "Hindi rin po ako magnanakaw at lalong hindi po ako masamang tao. Ang kasalanan ko lang po ay pinanganak po ako na sobrang ganda."

"Fried rice, steak, carbonara, croquettes, siomai, dumplings, ramen, lime juice, chocolate smoothie mango icecream at kung ano anu pa!!! Waaaa!!! Heaven!!!" tumakbo na siya ng mabilis hindi niya naramdaman ang pagod sa pagakyat ng hagdan.

'May elevator naman ah, bakit ba mahilig si Lady Wei na pahirapan ang sarili niya? Teka ano ba itong nararamdaman ko... Hindi naman pwede to!!! Hahaha niloloko ko lang sarili ko.' si Sinco na hindi mapakali.

Habang mabilis ang lakad ni Wei papuntang rooftop. Busy naman sa pagluluto at sa paghahanda ang isang tao. 'Im sure she'll be hungry when she arrives here.'

Ang rooftop ay puno ng mga sari saring petals ng bulaklak na nakakalat. Merong malaking mesa sa gitna pagkatapos ay may isang lalaki na naggri grill ng karne. 'Hmmm nakakagutom naman.'

"Para ba sakin lahat yan? Tsaka paano mo napapayag ang may-ari ng building na to na maghanda dito sa taas?"

"Let's eat first I know you're hungry."

"Ok sabi mo eh! Walang hiya hiya sa taong gutom." kumain na nga silang dalawa ng mabusog na silang pareho ay may inabot na regalo ang lalaki kay Wei.

"Here's my gift. Do you like my surprise?" kinakabahang tanong nito.

"Ok na tong surprise mo sakin di na kailangan ng gift pero binigay mo na eh. Walang bawian." nakangiting sagot naman ni Wei. Kanina pa ring ng ring ang phone ni Wei, pero dahil kumakain siya eh walang makakaistorbo sa kanya at sa pagkain. "Salamat talaga sa handa mo King... nag abala ka pa, para lang sa akin. Tsaka wag na tayo magtagal dito baka pagalitan tayo ng may ari." nag-alalang si Wei.

"Don't worry... no one will get mad."

"Bakit naman King?" nakasimangot na si Wei dahil sa sagot nito.

"I own this building so no one will get mad. You don't have to worry. Besides I just wanna treat you to a dinner prepared by me. I know you're family is waiting for you, you can answer their call now. I can also drive you there." nakangiting si Sebastien. Tuloy pa rin siya sa pagpapakita ng effort na may gusto siya kay Wei. Ngumiti na lang si Wei sa kanya. Sobra ang pasasalamat niya kay Sebastien sa inihanda nitong surprise. Lahat ng mga paboritong pagkain niya ay nakahanda tsaka napansin niya din na sobra ang effort nito.

"Hello Kuya Rhino, pauwi na po ako may dinaanan lang na isang mahalagang kaibigan." mahinang boses ni Wei habang nakikipag-usap sa phone. 'Sayang may asawa na ako kaya di na ako pwede lumandi sa iba. Buti naalala ko pa!'

"Sobrang madaming salamat talaga King!!! Mauna na ako at baka kung ano pa gawin ni Kuya Rhino." natatawa niyang sabi.

"Let me drive you home." he offers

"Hihi my dala akong kotse, regalo ng pinsan ko.

Salamat King." sabi niya tapos ng bow at umalis.

Nang makalabas na siya ng building ay dali dali siyang nagmaneho pauwi. Medyo disappointed siya dahil kahit papaano ay nag expect siya na sana si Orion ang nagsurprise sa kanya doon. Tumawa na lang siya ng mapait sa loob ng sasakyan. Malakas na tawa pero may tumulong luha sa mata nito. 'Ano ba yan!!! Ke bago bago ng sasakyan may alikabok na!!! Balik na sa dati ang utang ni Shimmy!!!' Ayaw niya aminin sa sarili na malungkot siya, ng nasa intersection na siya papunta sa kanila at sa isang public beach ay hindi na lang siya tumuloy pauwi sa kanila.

"Kuya Rhino, wala akong gusto ngayong birthday ko, pero ang wish ko lang hayaan niyo muna ako magsaya sa labas. Gusto ko pa mag enjoy kaya di ako uuwi. -Love Baby Wei." yan ang message niya kay Sebastien para wag siya nitong hanapin bahala na ang iba.

Ng makarating sa beach si Wei ay umupo siya sa buhangin. Mas lalong tumindi ang pagtulo ng luha niya, dahil naalala niya na sa dalampasigan sila unang nagkita. Isa pa sino ba ang hindi malulungkot sarili mong asawa hindi alam ang kaarawan mo. 'Lin...tek... na luha... naman to... oh ayaw tumigil!!! Sino ba naman ako para sa kanya.' Pero imbes na humagulhol sa iyak ay tinatawa niya ito ng malakas. Ayaw niya umiyak pero ayaw tumigil ng luha niya.

Hahaha! Ha! Hahaha!

Napatingin na lang siya sa bilog na buwan habang hinahayaan ang mga luhang tumutulo. Umiiyak siya ng walang tunog kaya walang nakakapansin sa kanya. Sa di kalayuan nagtataka naman si Sinco sa ginagawa ni Wei. 'Ano kaya nangyayari kay Lady Wei... Bakit tatawa ito tapos bigla ulit tatahimik. Ano ba ang nakakatawa sa buwan?' Bigla lang kasi ito tatawa habang nakatingin sa buwan tapos pag nakayuko tatahimik tas paulit-ulit niya iyong gagawin.

Malapit na matapos ang gabi at patapos na din ang birthday ni Wei. 'Wala na talaga pag-asa Wei!!! Iiyak mo na ang lahat ng yan sa isang sigaw!' Kaya humagulhol na siya ng tudo.

"Why are you crying?" nagtatakang tanong ni Orion at niyakap niya nito agad ang dalaga. Hindi niya mayakap ng mahigpit si Wei dahil may hawak ang isa niyang kamay. Ng marinig naman ni Sinco ang boses ng Master niya ay agad siyang lumayo ng sobrang layo. 'Hindi nga ako nagkamali sa naramdaman ko kanina!'

Nagulat si Wei sa boses na narinig kaya mas linakasan niya ang iyak at hinigpitan ang pagkakayakap dito. "B-b-bakit ka nandito?"

"Happy birthday. Pwede ba naman na kalimutan ko ang kaarawan ng asawa ko?" pagbati ni Orion sabay halik sa ulo ni Wei. "Sorry na huli ako, heto lang ang regalo ko sayo. I know kaya mo naman bilhin ang kahit na ano na pwede e regalo sayo kaya ito na lang ibibigay ko sayo." mahina na may konting lambing na pagkakasabi nito.

Mabilis naman na lumayo si Wei sa lalaki at ng makita ang hawak nito ay agad niya itong kinuha. Kanina niya pa naaamoy iyon pero di ma register sa utak niya kasi akala niya pinaglalaruan siya ng ilong niya. Kinuha niya agad ang box.

"Silvanas!!!" Napalitan agad ng saya ang kanina lang na lungkot niya. Sa sobrang saya humalik siya sa pisnge ni Orion. Nginitian siya nito ng nakakaloko habang tinuturo ang mga labi nito. Wei giggles sa panunukso ni Orion sa kanya. 'Kulang itong box ng silvanas para sa mga labi ko!' Inamoy niya ang silvanas tsaka kinain ito. Nagulat siya sa kakaibang sarap nito, hindi ito gaya ng mga nakain niyang silvanas dati. Kaya napatigil siya sa pagsubo.

"Is there a problem? Hindi mo ba nagustuhan ang lasa?" nagaalalang tanong ni Orion.

"Nothing! Mas gusto ko ang lasa neto! Where is that great legendary chef that made this?! Orion sabihin mo ng mahalikan ko siya!!! Waaaaaa!!! Ang sarap nito!" maligayang pagkasabi ni Wei habang parang nag stars ang mga mata niya. 'Ahh... Kung asawa lang ako ng nagluto nito baka araw gabi hindi ko siya pagpapahingahin...' natigil siya sa iniisip ng bigla siyang halikan ni Orion sa mga labi.

"Oy! masama magnakaw!" nakasimangot na sabi ni Wei.

"Wala akong ninakaw... sabi mo hahalikan mo ang nagluto niyan. Hindi mo naman ako hinalikan kaya ako nalang ang humalik." nakangiting bulong nito kay Wei.