webnovel

Deathless Proposition

I am just an ordinary person with ordinary life and I never wish to have an extraodinary one, but because of that incident and that proposal, my life change and it wasn't as what you think, because it is a... Deathless Proposition

reintanabe · Fantasy
Not enough ratings
6 Chs

Immortale Proposto Tre

—————

- Buhay na Manika -

—————

PANIBAGONG Lunes na naman. Parang kailan lang yung lunes kung kailan naaksidente ang kaniyang kaibigang si Nick pero heto siya ngayon nasa harap ng gate ng kanilang paaralan— ang Saint Cataline, papasok siya na parang walang nangyari.

Nagpasimula na siyang maglakad papasok. Pansin din niya ang mga mata ng kababaihang nakasunod sa kaniyang bawat galaw at lakad. Hindi narin naman bago sa kaniya ang ganitong atensyong nakukuha pero hindi lamang niya ito binibigyang pansin, dahil para sa kaniya ang mga ganiyang babae'y pakawala lang. Hindi pormal.

"Good Morning, Angelo!" masayang bati sa kaniya ng mga kaklaseng babae ng makapasok siya sa kanilang silid-aralan.

Isang tipid na ngiti lang ang kaniyang isinukli sa kanila bago nagtungo sa upuan nito malapit sa may bintana't pangatlo sa pinakalikod.

Saglit lang din ang kaniyang paghihintay dahil agad din namang dumating ang kanilang guro sa Literatura.

"Magandang umaga sa inyo makukulit kong estudyante." bati ng guro sa kanila.

"Good Morning din po!" bati sa kaniya pabalik ng mga estudyante.

"Alam kong excited na kayo ngayon sa magiging lesson natin. Ang literatura patungkol sa Renaissance. But before anything else, who can tell me what is Renaissance?" tanong niya sa kanila.

Madami sa mga estudyante ang nagtaas ng kamay, halos lahat na yata maliban nga lang sa kaniya na tahimik lang na nakikinig sa guro't kaklase.

Alam na alam ni Angelo ang sagot sa kaniyang guro dahil sa kaniyang pagkagusto sa topikong ito subalit ay mas pinili nalang niya ang manahimik sa isang tabi't makinig nalang.

"Ma'am ako po! Ako po!" sigaw ng bibong si Chubby. Natawa na lamang si Gng. Rosalia pero siya din naman ang pinasagot.

"Ma'am yung Renaissance po... is the period of European history between the 14th and 17th centuries when there was a new interest in science and in ancient art and literature especially in Italy." sagot ni Chubby.

"Very good, Chubs. Anyone else? What is Renaissance?"

Marami rin sa iba pa niyang kaklase ang sumagot sa naging katanungan. At buhay na buhay ang lahat ngunit si Angelo ay inaantok na sa klase.

"Mr. Faminiano, stand up and answer what is Renaissance because it looks like you already know too much about our topic that you're not focusing on our lesson." striktang saad ng kaniyang guro sa kaniya.

Ayaw man niyang tumayo dahil sa tinatamad siya, wala siyang magawa kundi ang sundin ang utos ng guro't sagutin ang katanungan sa kaniya.

Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Renaissance." kaniyang panimula, "Is the transitional movement in Europe between medieval and modern times beginning in the 14th century in Italy, lasting into the 17th century, and marked by a humanistic revival of classical influence expressed in a flowering of the arts and literature and by the beginnings of modern science. The neoclassic style of architecture prevailing during the Renaissance. A movement or period of vigorous artistic and intellectual activity. Also simply known as—"

Eeennggkk.

Hindi na niya natuloy ang kaniyang sagot ng bigla na naman siyang nakarinig ng kalansing ng kadena. At isang napakatinis na sigaw.

Agad siyang napaupo at napatakip ng tenga habang humihiyaw sa sakit na nararamdaman.

Nagkakagulo narin ang kaniyang mga kaklase dahil sa kaniyang inaasta.

"Angelo, anong nangyayari sayo?!" puno ng pag-aalalang tanong ng guro.

"M-masakit! So-s-sobrang sakit! Aaarrgghh!" kaniyang impit.

Nahulog siya sa kaniyang pagkakaupo't napahiga sa sahig dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.

May lumalabas naring dugo sa kaniyang kamay na nagmula naman sa kaniyang tengang sumasakit.

"Di... di... di ko na k-kaya!"

Nagpabiling biling siya sa sahig habang nakatakip parin ang kaniyang kamay sa kaniyang tenga.

Nahihirapan narin siyang huminga dahil sa bilis ng pintig ng kaniyang puso. Pakiramdam din niya'y parang may pumipiga dito.

Eeenngkk.

Nandiyan na naman. Ang kalansing ng kadena.

Tumingala siya dahil sa tingin niya'y sa may uluhan nito nanggagaling ang tunog.

At hindi nga siya nagkamali dahil mula sa kaniyang ulo, nakita niya ang humahabang kadena patungo sa kaniya.

Natatakot siya sa hindi niya malamang dahilan.

Tiningnan niya ang kaniyang mga kaklase't guro na nasa kaniyang harapan. Nakita niyang bumubuka ang kanilang bibig na parang may sinasabi sa kaniya subalit ni isang salita'y wala siyang marinig.

Ipinikit niya ang kaniyang mata at muling binuksan ngunit laking gulat na lamang niya ng kaniyang mapagtantong wala na siya sa kanilang silid-aralan.

Nasa gitna siya ng isang napakalumang palasyo.

Puno ng kulay itim, puti at lila na rosas ang buong paligid, ngunit hindi lang ito ang talagang nakaagaw ng kaniyang pansin. Ang mga rosas ay nababahiran ng malansang dugo.

Nakakaamoy din siya ng masansang, parang may patay na hayop.

Iginalaw niya ang kaniyang kamay subalit laking gulat niya ng mapansing siya'y nakadipa't natatalian ng kadena ang kaniyang magkaparehong kamay at paa. Meron din sa kaniyang leeg.

"Pakawalan niyo ako!" sigaw nito ngunit isang alingawngaw lang ang kaniyang nakuhang sagot.

Ilang ulit pa siyang sumigaw ng tulong ngunit wala paring dumadating hanggang sa isang may ilaw na lumitaw sa may madilim na parte ng palasyo.

Nakatutok ito sa isang pinaghalong kulay tanso, pilak at gintong ataul.

Kasunod nun ay ang pagkarinig niya ng yapak.

Mula sa likod ng kabaong lumitaw ang isang babaeng nakasuot ng pinaghalong itim at pulang damit, maala manika ang mukha. May makinis at maporselanang kutis. Brownish at blondish na medyo kulot na buhok (gaya ng sa babaeng kaniyang nakita sa iskinita), maala mansanas na labi at maala rosas na pisngi. Ngunit ang mas nakakuha sa kaniyang atensyon ay ang kulay pula nitong mata.

"Ha sido un tiempo, Anghelo." sabi nung babaeng manika sa kaniya sabay bigay sa kaniya ng isang makahulugang ngiti.

"Sino ka?" nanginginig niyang tanong sa babae.

"Ha sido un tiempo, Anghelo." pag-uulit na naman ng babae sa kaniyang sinabi.

"Ano ba yang sinasabi mo! Hindi kita maintindihan!"

Isang mahinang tawa ang ang iginanti sa kaniya nung babae.

"Ha sido un tiempo, Anghelo." ulit na naman niya at naririndi narin siya sa pagiging paulit-ulit nito. Para talaga siyang manika na nagsasalita. At naglalakad.

Isang manikang binigyan ng buhay.

"Fuck you! Pakawalan mo ako!" pilit siyang kumakawala sa pagkakagapos pero sa bawat pilit niya siya naman tapos na paghigpit ng kadena sa kaniya.

"Ha sido un tiempo, Anghelo." sabi na naman nung babae. Naglakad ito tungo sa harap ng kabaong at tumalikod na kaniya. Dahan-dahan niyang inangat ang takip ng ataul at mas lalo pang bumulusok ang masangsang at nabubulok na laman.

Hindi niya makita ang laman ng kabaong dahil sa natatakpan ito ng babae.

"Sino ka ba?"

"Ha sido un tiempo, Anghelo." saad nung babae, "E' da un po di tempo che... Anghelo." dagdag niya, "Mi nombre es…. Grazziella." sabay alis niya sa harap ng kabaong.

Biglang napalaki ang mata ni Angelo ng mapagsino ang nasa loob ng kabaong.

"Hindi... hindi totoo yan... Nickel..." biglang tumulo ang kaniyang luha dahil sa nakikita.

Tiningnan niya ng masama yung babae ngunit isang ngiti lang ang kaniyang nakuha.

"HINDI TOTOO YAN!" sigaw niya sa babae ngunit sa isang iglap lang ay biglang naglahong parang usok ang babae.

"NASAAN KA?!" galit niyang sigaw.

"Anghelo..." saad ng tinig mula sa kaniyang likod.

Naramdaman niya tapos na may isang malamig na kamay ang lumingkis sa kaniyang katawan. Napakalamig gaya ng sa yelo. Parang kamay ng isang bangkay ang nakayakap sa kaniya.

"Anghelo..."

"Paanong—"

"Adiós, Anghelo..." saad nung babae kasabay ng pagkaramdam niya ng sakit sa may kaniyang dibdib.

Nakikita niya. Umaagos ang isang malansa at malapot na likido sa kaniyang dibdib. Nakikita niya ang kaniyang sariling dugo mula sa kaniyang dibdib na sinaksak nung babae.

"Adiós..." sabay unday ulit sa kaniya ng isa pang saksak.

"AAARRGGGHH!"

"HAAAA!" hingal ni Angelo sabay bangon nito sa kaniyang kama, "panibagong bangungot na naman! Tangina, tantanan niyo ako! Please lang shit!" napahilamos nalang siya ng kaniyang mukha.

Yung kaba niya, nandun parin. Yung pintig ng puso niya kasing bilis parin. Parang totoong nangyari. Hindi niya maisip na panaginip lang ang lahat pero nagpapasalamat siya't panaginip lang talaga.

"Tangina, ayoko na. Mababaliw na ako." sabi niya sabay tayo't papasok na sana sa banyo ngunit bigla siyang napatigil dahil sa isang tinig.

"Bakit ka mababaliw, Anghelo?" ani nung tinig.

Dahan-dahan niya itong nilingon at nakita niya mula sa bintana ng kaniyang kwarto ang isang babaeng nakasuot ng itim at pulang bistida na nakatingin sa kaniya.

"Ikaw?"

"Ako nga, Anghelo."