webnovel

Death University [BOOK 1]

Si Hayden Zyrienne Reduxes ay isang babae na naniniwala na walang magbabago sa kanya at hindi niya matatakasan ang madilim na mundo kung saan nakasanayan niya. Atensyon sa pamilya ang gusto niya kaso hindi sa kanya naibigay dahil sinisi siya ng mga magulang niya sa pagkawala ng kapatid niya. Not until, na mapunta siya o pumasok siya sa school na tinatawag na Death University. Sa pagpasok niya dito ay makakaharap niya ang bagong pagsubok na kung saan kailangan ang katatagan. Magagawa niya ba ang katatagan kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya?

missHYchii · History
Not enough ratings
14 Chs

Kabanata 1

(Hayden Zyrienne's POV)

Another boring night. As usual I need to be ready. Because today is the first day of school. Panibagong yugto ng buhay na kung saan kailangan mo harapin ang bagong oras ng klase.

3pm hanggang 10pm ng gabi ang klase namin.  Doon lang pinapasukan kong paaralan ang may ganyang class hours. Parang mga pokpok kasi tulog sa umaga at gising sa gabi. Kasi naman napapa-isip ako na nakakasawa na 'yung palaging umaga ang klase. Tsaka ako 'yung tipong tao na hindi nagigising ng maaga kahit na may alarm clock o kahit ano pa 'yan. Tulog mantika kumbaga.

Why do I need to be early in the school? I'm not the type of student that so called 'sipsip.' Tsaka mabobored lang ako doon. Kung pwede lang hindi mag-aral ay gagawin ko na pero sayang ang future ko pagnagkataon.

Crissa calling...

Tinatamad kong sinagot ang tawag ni kulera. Alam naman nila na tinatamad akong sumagot ng tawag 'di ba pag ganito kaaga, hindi pa ako nakapag-stretch. So why would they bother?

"Hello, Crissa." Matamlay kong sagot. Kung nasa harapan ko lang yata siya, siguro nasapak na niya ako. It's her fault naman. Tawag-tawag pa siya sa'kin ng maaga.

["Hoy babae! Wala ka bang balak na pumasok?!"]

Bumangad niya sa'kin nang sinagot ko ang tawag niya. Medyo nilayo ko muna ang phone ko sa tenga ko baka kasi masira ang eardrums ko.

Tiningnan ko muna kung ano na ba ang oras ngayon kung bakit nambubulabog 'tong kulerang 'to.

Tang-ina 2 pm pa lang nambubulabog na agad tung lukaret na 'to. Excited yata ang lukaret sa mga lalaki.

Actually, alam ko na ganun siya.  As usual kada bagong pasukan, ganyan n'yan, kaya hindi na 'ko magugulat. Para sa'kin, hindi nakakatulong ang mga lalaki. Panira lang sila sa buhay ko. Katulad sa nangyari sa kilala kong tao. Ayaw ko munang i-share 'yun. Basta 'yun, ayaw ko sa mga lalaki.

"Anong walang balak pumasok? Hoy, FYI kulera, never pa akong umabsent since pre-school except lang sa nagkasakit ako at tsaka 2 am pa."

["Oo na always perfect attendance ka na. Anyway, papasok ka ba o hindi? At mabuti na 'yung maaga tayo para alam na."]

"Bahala ka. Basta papasok ako."

Pinatay ko ang tawag baka mangungulit na naman. Bumaba na 'ko sa kama at nag-stretch ng kunti.

I used to be like this or I was born to be like this.

Pumasok na ako sa banyo at ginagawa ko na ang morning rituals ko. Habang naliligo ako ay napapa-isip ako na magkwento muna tungkol sa buhay ko kahit konti.

Sa aming pamilya, ako ang bunso. May kapatid akong babae pero hindi ko alam kung na saan na siya, wala na nga akong balita sa kaniya. Ilang years na naming siyang hinahanap pero no signs pa rin. Busy naman ang magulang ko sa company nila at palagi naman.

Alam niyo ba kung bakit ako na lang mag-isa sa bahay? Kasi ayaw nila akong makita. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit nawawala si ate hanggang ngayon. Napapa-isip ako kung bakit ako raw ang dahilan ng pagkawala ni ate. Bakit? Ano ba ang ginawa ko? Hindi ko maalala.

Umiling-iling ako dahil ayokong bumalik ulit sa isipan ko ang mga pangyayaring iyon. Natapos na ako sa pagligo.

Nagbihis na ako ng school uniform. Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at tsaka naisipan ko nang bumaba. Nasa hagdan palang ako ay naaamoy ko na ang paboritong kong ulam at iyon ay ang Pakbet. Lalo na ang sitaw.

Kaya dali-dali akong bumaba para makakaain na.

"Hayden, kumain ka na." sabi ni yaya Mariel sa akin.

Nakahanda sa hapag-kainan ang paborito kong ulam at inihanda niya na rin ang kanin kaya napangiti naman ako.

Si yaya Mariel na lang ang kasama ko rito sa bahay at tinuturing ko na siyang parang pangalawa kong ina kasi lagi siyang nasa tabi ko kahit na hindi kami blood related. Siya na ang nag-alaga sa akin simula pagkabata. Kasi nga ayaw sa'kin ng mga magulang ko. Kung ayaw nila sa'kin ay wala akong paki-alam kasi nandito si yaya Mariel na mahal na mahal ako.

"Amoy pa lang natatakam na ako."

Umupo ako sa hapag kainan. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Mabuti naman ay may napapatawa akong tao. Lalo na't si yaya Mariel 'yun.

Nakahanda na ang almusal ko at nagsimula na akong kumain ng nakatungo. Habang kumakain ako, napatigil ako ng kain at inangat ang ulo ko para tingnan si yaya ng ilang segundo at tumingin rin si yaya sa'kin na may halong pag-alala.

"There's something bothering you, yaya Mariel? Halika ka na, sabay na po tayong kumain."

Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain at nagsalita siya kaya napatigil naman ako saglit at tiningnan siya ulit.

"Hayden. Sigurado ka ba na kaya mong ganitong oras ang klase niyo?" alala niyang tanong sa'kin.

Akala ko kung ano na. Nag-alala pala siya sa akin. Kahit pala hindi kami magkadugo may pakialam pala siya sa'kin.

Ningitian ko muna siya bago sumagot

"Oo naman. Wala naman mangyayaring masama sa'kin. Besides do you think it's interesting?"

Hindi sumagot si yaya siguro until now, nag-aalala pa rin siya sa'kin kasi pinakita ko sa kanya na ayos lang sa'kin pero hindi ko rin naman siyang masisisi. Siya lang kasi ang nag-aalaga sa'kin. Ilang minuto ang nakalipas at natapos na rin ako sa hapag.

Tumayo ako saka nagpaalam na kay yaya para pumasok. Tumango siya at sinabing mag-ingat ako. Napailing na lang ako sa bilin niya.

Sumakay ako sa school bus na dumaan sa harapan ko. Nang nakasakay na 'ko ay sa likod ako umupo since hindi ako mahilig makisalamuha sa ibang tao. Actually, hindi ko pa nakita ang school. Si Micca kasi ang nag-enroll sa'kin, kaibigan ko na uhaw sa mga feeling gwapong lalaki. Kaya napa-isip naman ako kung ano kaya ang itsura ng school at kung bakit 3 pm-10 pm ang klase?

Napatingin ako sa unahan na may dalawang babae na nag-uusap. Lovelife siguro ang topic nito or mga feeling gwapo. Base sa tingin ko pero parang ganun na nga siguro.

"Nakakaexcite pumasok ngayon!" sabi ng babaeng mataas ang buhok habang nagsusuklay.

"Bakit naman?" tanong ng babae na maliit ang buhok habang tumitingin sa salamin.

"Kasi girl. May gwapo tayong mga classmate, nakakaexcite 'di ba?"

Kinilig pa talaga sila at tumili. Tama nga ang hula ko. Kaya pala ang ganda ng pagkakaayos nila at dinaig pa ang mga artista. Sabagay ako lang naman ang hindi marunong mag-ayos.

"Talaga ghurl?" Sabi ng kasama niya na parang naeexcite na rin.

Mga kabataan talaga ngayon puro pag-ibig na. Ang bitter ko naman pakinggan pero parang ganun na nga. Basta aral muna. Ika nga nila. 'Study first before you enter the kingdom of love'.

Ako lang yata ang naniniwala sa kasabihan na 'yan. Nilalamon na kasi ang ibang mga kabataan sa pag-ibig.

Hindi ko man lang napansin na nasa harapan na pala ako ng school which means Death University, pangalan palang halatang interesting na. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking paaralan. Sa palabas lang kasi ako nakakakita ng ganitong school. Ang ganda pala at ang dami rin pa lang mga students. Lumakad ako papasok. Napansin ko na medyo marami na ang mga tao.

Tumingin ako sa phone. It's 3:30 pm na.

Taena late na ako.

I need to run fast.

Tumakbo ako ng mabilis, malalate na kasi ako. Dahil sa pagtakbo ko, hindi ko na rin napansin na may tumakbo rin pala palapit sa'kin.

Tang*na.

Ang sakit ng balikat ko. Hindi ba niya napansin na nagmamadali ako? Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang pagtakbo.

"Hey, miss frog!" sigaw ng isang lalaki.

Taena. Kailan pa ako naging palaka? Ang sarap patulan kaso malalate na ako. Humanda lang talaga 'yun sa'kin pag-nakita ko 'yun.

Humanda ka hinayupak dahil ako ang kinalaban mo. May araw din 'yun sa'kin.

(Crissa Marie's POV)

May pumasok na isang lalaking matangkad, akala ko si Hayden. Si Hayden kasi matangkad at parang lalaki. Nasa'n na kaya yung babaita na 'yun? Sinabi ko naman sa kanya kanina na malalate siya pero binabaan lang niya ako ng tawag. Kung sabagay ganun naman talaga siya. Hindi nga umaabsent pero lagi namang late. May pagka-lukaret din

'yung babae na 'yun.

May pumasok na prof sa room namin at ipinakilala niya sa amin ang sarili niya. "Okay introduce-"

Naputol ang sasabihin ng prof namin nang pumasok si Hayden habang hingal na hingal. Ano na naman bang ginawa niya? Kung bakit hingal na hingal siya? Alam niyo ba kung ano ang mahirap sa kanya? Ang magsalita ng salitang 'sorry'.

Tiningnan niya lang ang prof namin sa harapan.

"Pwede pa ba akong pumasok?" walang gana niyang tanong.

"Yes, miss. Take your seat." sagot ng prof namin.

Dumiretso na siyang pumasok at lumapit sa kinaroroon namin at umupo sa isang vacant seat. Dito kami sa likod nakaupo, hindi kasi kami 'yung tipong na tao na sipsip sa teacher.

Mabuti na lang at mabait ang prof. namin. Ganyan talaga 'yang si Hayden walang galang. Pero mabait 'yan sa kaibigan. Nahihiya niya lang ipakita pero nafefeel ko. Hindi pa rin siya nagbago laging late pa rin. Kaya napa-iling naman ako.

Sabi nga nila, 'people change' pero sa kaso ni Hayden ay malabo.

Napatingin naman ako sa mga classmate ko. Sana wala akong kaklase na maaarte para hindi ko masungal-ngal.

"Okay class, please introduce yourself." sabi ng prof ko at nagsimula ang iba na magreklamo.

Kasi bakit pa daw kailangan pang magintroduce-introduce dahil makilala rin naman din daw naming ang isa't-isa.

Ano pa ba ang ini-expect niyo kada first day of school? Tsaka 'yung 'please introduce yourself' ay parang tradisyon na 'yan kada first day of school. Ano pa bang bago?

"Bakit kailangan pang magpapakilala? Hindi naman tayo elementary. Grade 10 na nga tayo and I'm not interested in stupid people." panay bulong habang nagrereklamo.

Bakit ayaw niyang sabihin nang malakas para marinig din nang prof?

"Anong gusto niyo? Gawing sayaw ang pag-iintroduce niyo o kakantahin? Panay reklamo niyo. Parang hanggang ngayon mukhang bago pa rin sa inyo 'to. Pahiya-hiya pero pag nagtagal ang kakapal na ng mga mukha."

Natahimik kaming lahat ng nagsalita ang prof namin.

Ilang minuto pa ay nagsimula na silang nagpakilala at isa doon ang isang lalaki na nakaagaw ng atensyon ko. Ang gwapo niya at parang may kamukha siya? Sino nga 'yun?

(Hayden Zyrienne's POV)

May introduce-introduce pang nalalaman. Kailangan pa ba 'yan?

Si Micca na nga pala ang magpakilala, ang friend ko na uhaw sa lalaki.

Nagsigawan ang mga kaklase kong lalaki na dinaig pa nila ang nanalo sa lotto. Mga siraulo.

"Hi everyone my name is Micca Catlyen Lim. I hope we can be friends." sabi niya at ngumiti pa. Dinaig pa ang nagcommercial sa close-up sa sobrang ngiti niya.

Maganda rin naman si Micca kaya maraming nagkaka-interest sa kanya na mga lalaki.

Pagkatapos niyang magpakilala ay umupo na siya at si Kathleen naman ang tumayo. Kaibigan kong ubod ng sungit. Parang may regla lagi sa sobrang sungit. Should I proud of her? Parang namana niya rin sa'kin ang kasungitan.

"I am Kathleen Rosey Yesha that's all." ikli niyang sabi.

Kung sabagay, nakakapagod talaga magsalita ng mahaba. Hindi mo naman kailangan magsalita ng mahaba kapag nagpakilala ka, 'di ba? Kasi 'hindi naman 'yun required. Tumayo na si Jeseryll at pumunta na sa harapan.

"Hi everyone my name is Jeseryll Kashieca Flores, you can call me Jeseryll. Nice to meet you." *wink* ngumiti pa at nagbow.

Naghiyawan naman ang mga kaklase kong mga lalaki. Mga jerk.

Si Crissa na pala then ako ang sunod. Ang babaeng hilig mambulabog sa 'kin.

"Hi my name is Crissa Marie Imperial. Nice to meet you all."

Pagkatapos niyang magpakilala ay may narinig pa akong sumipol.

Ang babastos. Kinuha ko ang notebook ko at pumunit ako ng isang page at ginawang bola para itapon sa katabi ng lalaking sumipol at saktong natamaan siya at hindi niya 'ko nakita, 'yung lalaking sumipol ang sinisisi niya.

Tumayo ako sa harap at tumingin sa kanilang lahat. Napako naman ang atensyon ko sa lalaking nakaupo sa likod. Tumingin siya sa'kin habang nakangisi.

Akala niya ikagwagwapo niya nyan?