1 Prologue

Gusto ko siya. Matagal na.

Oo, magkakilala kami.

Iyon bang, Hindi magkaibigan o kahit close manlang.

Basta MAGKAKILALA lang kami.

Alam niya ang first name ko, samantalang ako bukod pa sa full name niya

halos lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko.

Until one day, may isang Diary─ este magic diary

ang dumating sa buhay ko.

Isang Diary na kung ano ang gusto kong mangyari in the future (sa larangan ng pag-ibig),

isulat ko lang dito at ito ay magkakatotoo.

Cool, right?

Lahat ng gusto kong mangyari sa'min ni Crush, sinulat ko dito.

Nagkatotoo naman ang lahat ng yun.

Nag-improve kami hanggang sa isang araw,

nagising nalang ako na hindi ko na pala sya crush.

MAHAL ko na sya.

"I love you..."

Sobrang saya ko nang sabihin nya ang mga salitang iyan.

Pero kalahati ng pagkatao ko, nasasaktan.

Alam kong nasabi nya lang ang mga salitang iyon dahil sa magic diary.

Dahil sa magic diary,

ang dating kami na "magkakilala lang" ay naging super close to the point

na nagpapalitan na kami ng sweet actions sa isa't-isa.

Alam kong hindi mangyayari ang lahat ng yun kung wala ang magic diary.

What would I do?

Magpaka-selfish at mamuhay na mahal namin ang isa't-isa

pero alam ko namang hindi yun totoo:

na puro magic lang ang lahat.

or

accept the reality that behind those magic,

isa lang kaming "magkakilala"

Author's Note:

This one's dedicated to one of my best friends Arcel Paz. Ang babaeng mahal na mahal kong bullyhin, laitin at pagtripan. Kahit ikaw ang main target ng bully side ko, love na love kita. Alam mo yan. Saranghae, my loves!

avataravatar
Next chapter