webnovel

UNO

February 04, 2014

DEAR AUGUST,

     It's Sunday in the morning 600Hours when I wake up. Wala naman akong pasok but I choose to wake up early para lang masulat to. Nakatungnga pa nga ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

Maulan naman ngayon pero lagatak pa rin ang pawis ko. Nakaharap ako sa isang pirasong papel habang hawak hawak ang ballpen kong nilaan ko pa talaga ang tinta para sayo.

Iniisip ko kung ano nga ba ang mga dapat na sabihin. Bukas na kasi ang huling araw na titignan kita mula sa malayo. Bukas na din ang huling araw na magkakagusto ako sayo at syempre bukas na rin ang araw para mas mag focus ako sa sarili ko at hindi sayo.

Year 2013, month of June, date 07 exactly 7:45 am noong pinakilala ka samin ng advisory teacher natin. You're standing in the front while wearing your sweetest smile. I didn't expect na may hahabol pang transfer student that month since strict ang school natin sa mga taong pahabol – or shall I say mga late enrollees.

You introduced yourself to us and aminado akong nagagandahan ako sayo. I actually asked my best buds kung nagagandahan ba sila sayo but they just answered me with NO.

Average ka lang daw for them but for me? No, you are the one who made this rapid heartbeat. Ang heartbeat na makakapatay na nga ata sakin. HAHAHA

Lalaki ako and I admit isa akong malaking torpe. Hindi ako sanay na mag confess or anything. I am that someone who actually cared about himself, in other words I am selfish. Yes, I am Selfish but honest. I don't lie no choice din naman ako. Para akong may Pinocchio Syndrome, nangangati ang batok ko whenever I lie that's why hindi ako makalusot sa mga taong kilalang kilala ako. Because of that I did everything in my power to avoid you, baka kasi mamaya mag tanong sila at mag hinala pa.

Pero behind doing those things,parang nawala lang din because the universe made a way para makasama kita.

One day, na discover nilang maganda ang boses mo. Timing din naman na naghahanap ng temporary vocalist ang school band natin at doon kita nakasama ng matagal. Nalaman kong magaling ka pala sa harp, piano, violin halos lahat but except guitar. Sa lahat ng nabangit na instruments sa guitar ako mas magaling isang bagay na opposite sa ating dalawa. You loved Violin while ako hate na hate ko naman. Totally different but still nagkakasundo din naman tayo sa ilang bagay.

Sa mga araw na lumipas, nagiging clear na sa akin lahat. I LIKE YOU.

Yes, I really really do. How? Dahil genuine ka at masyadong innocent. I secretly watching you from your side hindi ko lang alam kung nahahalata mo ba o hindi. Sinusundan kita pauwi para lang masure kong safe ka at syempre nag iiwan ako ng foods sa mesa mo every break time at lunch break pero nalaman kong tinatapon mo lang pala ang mga binibigay ko sayo. Takot ka raw kasing magayuma HAHAHA. Hey... hindi ako nang gagayuma, actually parang ikaw nga ang nanggayuma sakin.

Alam mo sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko. Bakit? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit nagkagusto ako sayo. Madaming hot chics sa school natin pero ikaw na isang ordinary student lang ang nakabihag sa puso ko. Wala din akong magagawa, yes I have my mind, my heart and syempre the sanity but the only thing that I don't have is this heart beat. Ang utak ko kaya kong kontrolin syempre pati na rinang  katinuan ko kaya kong kontrolin but this heart beat hindi. Kahit siguro hindi ako huminga ng fifty years tumitibok pa rin siya., in a case na hindi ako mamamatay na walang hangin. Ewan ko ba. Pero wala naman akong ibang choice kundi ang tanggapin na may taong nakakuha ng atensyon ko at ikaw yon.

Sorry, nagiging emosyonal lang ako sa papel not in person. Alam ng lahat na wala akong emosyon. Inaakala niyo na ako ang pinakakalmado sa ating lahat but to tell you, whenever you were there I am very very nervous inside, hindi ko lang pinapahalata. Ito na lang kasi meron ako, ang pride ko. Ayaw kong umamin that's why I am ranting here all by myself. And ngayon na realized ko na ang pag rarant ko sa mga papel ay isang kalokohan. Isang malaking pag sasayang ng oras ang nagawa ko. Dapat pala gumawa na ako ng paraan para mapansin mo ako, makita mo ako at syempre ang maramdaman ako.

Yes, tama. Nahuli ako.

Kasi may nauna na.

Kagaya ko rin siya. He's one of the top student in the campus but just the second one dahil ako ang first. While pini pursue ka niya nakikita ko ang saya sa mga mata mo. Habang nasa band house tayo at nagpapatugtog habang ikaw kumakanta, nasa kaniya lang ang mga tingin mo. Pagkatapos naman ng ilang kanta dumidiretso ka lang baba ng mini stage and pagkatapos kaunting good bye samin ayon diretso alis kasama siya.

Halimbawa kaniyang umaga. Muntikan na kita sagutin ng wala sa sarili. Nagalit ka sakin kasi hindi kita pinayagang umalis. Yes, hindi ako pumayag dahil may rason. Malapit na ang contest pero pinipilit mo paring sumama sa kaniya. Gaya ng lagi kong ginagawa nagpapaubaya ako lagi kasi naiisip ko yung mga ngiti mo na ayaw kong mapalitan ng mga luha.

Nakakatawa.

Napatanong ako sa sarili ko. Bakit ba naiinis ako? Eh kung iisiping mabuti kasalanan ko naman kung bakit parang unti unti kang nagbabago. Kasalanan ko naman kung bakit unti unti ka nang lumalayo. Kasalanan ko naman kung bakit parang iba na nag tingin mo sakin. Kasalanan ko naman kung bakit ang dating tayo...ay parang wala na sayo.

Ngaayon, kung nahuhulaan mo kung anong ginagawa ko. Well, I am checking your IG and facebook accounts. Hula ko kasi mag seset ka na ng relationship status with him. Mas mabuti na ako mismo ang makakita kesa naman sa iba ko pa malaman mas masakit pa ata ang ganinong scenario.

Nakakapanghinayang lang isipin. Parang sa ating dalawa ako yung nag eeffort ng sobra pero to tell you It's all right, I won't mind. Sabi ng mama ko "Kahit sino sa dalawang couple ang magbigay ng love walang magiging problema. As long as pariho kayong inlove sa isa't isa, dahil ang love is all about sacrificing and giving each other's back." Pero parang ako pa ata ang masasabihing hindi totoo ang mga sinabi niya.

Actually writing this letter for you is just leisure. Nai-stress ako sayo, naiinis ako sa sarili ko. I keep asking myself why I let this things happen in fact parang isa nga atang advantage sakin ang pagiging ban mate natin but ako pala talaga ang may problema. Isa akong tanga at wala man lang nagawa para sayo.

Malakas ako mang rant pero sa papel lang naman. Malakas ako umamin pero hanggang sa tinta lang naman. Malakas ang loob ko kung ako lang mag isa but in front of you para akong uod na nauutal inside. I can't stick my eyes on you. May tamang nagcross ang tingin natin pero ako lang talaga ang umiiwas.

Why?

Kasi hindi ko kaya. I can't. Isa nga akong torpe at masasabing walang lakas na lalaki. Hindi kasi ako sporty siguro dahil doon kaya takot ako.

Now, 4 February  2014. Malapit na mag end ang school year. Nakakabitter lang, masaya ka kasi kahapon. Selos lang to kasi I am hoping na mas sasaya ka pa sa piling ko. Hindi naman tayo, walang tayo pero nasasaktan ako. Dahil sa nararamdam ko hindi ko na kaya na masaktan ulit. So, I decided to write this letter for you. I think this is my last chance to say how much I adore and love you. Hindi ko sigurado kung puppy love lang ba ito kasi real talk nakakaulol na.

So, here I am saying. I love you August. Why August? Kasi sa buwang yan kita unang minahal. In that month din ako nagsimulang magustuhan ka. I keep calling you August kasi naman ano bang meaning ng august? It's Augustus in Latin and it means "the vulnerable one" or "the great one"  parang totoo nga the great ka nga.

For last I just wanted to say I like you.. nah hindi I'm into you po. Itatago ko lang since meron ka ng ibang gusto. Wala naman akong magagawa. Hindi ko rin kayang gumawa ng kalokohan para mag break kayo. Hindi ko gawain yun, but for atleast masaya naman ako para sa inyong dalawa.

I hope someday makilala ko rin yung para sakin. Pwedi din namang ikaw lang din HAHAHA. So, ayon nga. Walang makakaalam na gusto kita kasi itong sulat na 'to, itatago ko lang din naman storage room. Mas mabuti nga yung walang makaalam, baka kasi makarating pa sayo. Ayaw kong mag mukhang sick boy sayo.

Anyways, I hope maging masaya ka yun lang ang gusto ko. Alam kong pag lipas ng panahon, mamawala rin to. Siguro pag mabasa 'to ng taong ako sa hinaharap, baka tatawanan niya lang ako. Hindi ko maimagine ang magiging reaksyon ng ko sa panahon na yun. Sure akong matured na ako by that time at baka sabihin niyang baliw pala ako dati but still that person in the future is me and the person in the past is still me.

Parihong ako kaya hindi ako mahihiyang gumawa ako ng ganitong letter para sa taong once ko na ring ginusto. 

Sa huli, sana hindi ka magsisi sa pinili mo. Kung hindi mo na makayanan pwedi ka namang lumayo basta't ipangako mong aalagaan mo ang sarili mo.

                                                . K.