webnovel

Chapter 2

"Maxx!!! HUY GISING MAXXXX!!!!!"

LITERAL NA TANGINA TALAGA OH

"ANO BA?!" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sobrang inis ko kasi naman kelangan ba talagang sumigaw kapag mang gigisng tsaka wala naman akong gagawin e

"Maxx naman eh! Sige na tulungan mo na ako!"

"Hoy Beatrice para sabihin ko sayo di ako manloloko naiintindihan mo ba yon? At isa pa sa tingin mo tutulungan talaga kita e sa ginawa mo palang gusto na kitang sipain palabas ng buhay ko!!" gigil na bulyaw ko kay Bea habang naglalakad papuntang cr para magtoothbrush

Alam nyo bang isang linggo na akong kinukulit nitong si Bea para dyan sa katarantaduhan nya bwiset at isang linggo narin akong nagtatago sakanya!! Sino ba kasi nagpapasok dito?!

"Maxx sige naaa" pa beautiful beautiful eyes pa ang loka jusko nakakaloka talaga ang simula ng araw kong ito!

"Ano ba mapapala ko dyan sa bwiset na kalokohan mong yan ha? Yayaman ba ako dy--"

"Yes, i'll pay you 10,000 every tears na papatak sa mga mata ni Jiovanne Alfonso"

10,000 wow not bad para sa isang dukhang katulad ko!!

"E putris naman Bea bat di mo agad sinabi? Lumayas ka na sa kwarto ko dahil maliligo na ako. Antayin mo ako sa baba gora na tayo sa mission nating yan" ngitian ko pa sya na parang inaassure ko na gagawin talaga namin yung kagaguhan nyang yon.

-

"Kamusta naman kayo dyan nila Tita Ces?"

"We're all good. Wow, it's been a long time since the last time we've talked huh?"

SOFIA MAURICE AISHI

She's half japanese, pinsan ko sya yes. Magkapatid ang mama ko at mommy nya. Mayaman sila pero kami well, yayaman palang :') Sya ay isang sikat na modelo sa Japan. Kilalang kilala sya sa Japan di lamang dahil sa pagiging modelo nya, magaling rin syang kumanta.

Di tulad ko poor na nga kulelat pa sa lahat hmp

"Oo nga Fia e but can I ask a favor?" Eto naaaaa!!!!!

" Yea sure anything, ano ba yon?"

GAGAWIN KO BA TALAGA TO?! FINAL NATO?!

10k yan girl okay? WOOOHHHHHHH

"Can I use your pictures para sa gagawin naming new facebook account? I promise you di naman maaapektuhan ang buhay mo hehehe minsan lang hihingi kami ng pics or vids sayo kung sakali hehehe" medyo nahihiyang sabi ko pa at bago ko po napaliwanag ang lahat lahat juskooo napapayag rin!!

"I'll send some of my pictures that you can use as the profile picture."

"Thanks Fia!!! SALAMATTTTT!!!"

"Welcome Maxx, anytime"

After ng pagsave ng lahat ng dapat isave, gumawa kami ng account na magagamit namin para paikutin si Jio.

AY WOW FIRST NAME BASIS CLOSE NA KAMI? HAHAHA

Di naman pala mahirap hanapin yung fb name nung Jio na yon.

Jio Alfonso

Add Friend

After ko maiadd pinatay ko na kaagad yung laptop!!

DI KO KAYANIN GIRL!! GINAGAWA KO BA TALAGA TO??

Wait... iaccept nya kaya?