webnovel

DARKEST STAR

Prologue : "I hate you! Pwede bang wag mo na akong pakielaman!" "Stop the car!" "Bitiwan mo nga ako, ano ba!" Everything went black all of a sudden. Walang may alam kung anong nangyare, walang may alam kung nasaan sila noong kaganapang iyon. Walang may ideya, walang may malay, wala kahit ano. Lahat ng sigaw, lahat ng boses, nagpapaulit-ulit na tila ba isang sirang plaka. She woke up, she saw a white ceiling. Nang mailibot nya ang paningin ay wala syang ibang nakita kundi ang mga gamit sa loob ng kwarto na kinaroroonan nya. Nasaan sya? Ano ang nangyare? She's so clueless. Wala syang maalala kahit isa. Sinubukan nyang alalahanin ang lahat. Wala. Wala syang maalala kahit isa. She looked around the room and realized na kwarto nya pala ang lugar na kinaroroonan nya. Humiga syang muli. Isang panaginip. Panaginip na tila ba nangyare sa totoong buhay. °°°°°°

urbbkaet · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 03 : Acting

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula noong naging Personal Assistant si Gemma ng isang sikat na aktor na si Theoden Valenciaga Arceo. Ilang araw na rin siyang kasama ni Theoden sa mga shoots nito at siya naman ay ginagawa nang daily routine ang mga ginagawa niya kapag nasa trabaho.

"Oh eto na!" inilapag ni Gemma ang isang makapal na plastic envelope na naglalaman ng mga scripts. Kasalukuyan siyang nasa bahay ni Theoden. May isang araw kasing pahinga ang aktor at kailangan din nitong gamitin ang araw na iyon para magkabisado ng linya nito sa scripts.

"Isang eksena lang muna ang kakabisaduhin ko." sabi nk Theoden na malamig parin ang boses. Tumango na lamang si Gemma at naupo sa sofa tsaka nagcellphone.

"Magkabisado ka lang muna diyan." sabi niya dito habang nakatingin sa cellphone.

Hindi naman sumagot si Theoden at nagsimula nang kunin ang mga papel sa envelope na naglalaman ng scripts nito. Tahimik lamang itong nagkabisa ng mga linya nito kaya nabalot ng katahimikan ang buong bahay.

Palihim na tinignan ni Gemma ang binata. Seryoso lang itong nagbabasa kaya naman ayaw niyang gumawa ng bagay na ikadidistract nito. Muling tinuon ni Gemma ang paningin sa kaniyang cellphone. Ilang sandali pa ay napaisip siya at napatingin kay Theoden.

"Pwede ba akong magtanong ng opinyon mo?" tanong niya sa binata na ngayon ay nagbabasa pa rin. Tinanguan siya nito nang hindi inaalis ang tingin sa script. "Kung may panaginip ka na paulit-ulit mong napapanaginipan tapos iisang eksena lang yung ganap. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin non?"

Nakita niyang natigilan si Theoden tsaka napatingin sa kaniya sandali at ilang minuto ang lumipas bago ito nagkibit balikat sa kaniya. "Ewan."

Ganoon na lang ang pag-irap niya rito dahil sa naging sagot nito. Ang tagal sumagot, di naman pala maayos ang sagot. Binalik na lamang ni Gemma ang atensyon sa pagscroll sa internet.

"Argh." nilapag ni Theoden ang script tsaka tumingin sa kaniya, "Kailangan ko ng tulong mo."

Napatingin siya dito, hindi naman ito mukhang nagmamakaawa at hindi rin naman ito mukhang namimilit. Malamig pa rin, walang emosyon.

"Ano namang maitutulong ko ha?" tanong niya.

"Ipagtimpla mo ako ng kape." sabi nito bago sinandal ang ulo sa sofa.

Napataas ang kilay ni Gemma sa utos ni Theoden. Ang kapal ng mukha, kung utusan siya ay parang katulong siya nito sa bahay. Pero hindi na lamang siya nagreklamo dito at tumayo para pumunta sa kusina. Matapos niyang pagtimplahan ng kape si Theoden ay naupo na siyang muli sa sofa.

"Maya-maya uuwi na ako, bukas may schedule ka pa kaya magpahinga ka." bilin niya dito.

Tila ba nag-aalinlangan itong tumingin sa kaniya. Hindi niya alam kung may gusto ba itong sabihin o ano.

"Ayos ka lang?" tanong niya dito.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at bumalik sa malamig na itsura. "Mamaya ka na umuwi."

"Bakit?"

Inilapag nito ang script, "Tutulungan mo ako, hindi ako makapag-concentrate kaya kailangan ko ng tulong mo."

"Ano namang gagawin ko?" tinaasan niya ito ng kilay.

"Ikaw ang magbabasa ng lines ni Anika." sagot nito.

"Ano?! Hindi ako marunong umacting!" sabi niya.

Nagkibit-balikat ito, "Hindi mo naman gagayahin ang acting niya, magbabasa ka lang."

At wala na nga siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito. Kinuha niya ang script at umupo habang nakatayo naman ito sa harapan niya.

"Game na." sabi niya tsaka pinalambot ang boses at binasa ang nasa script, "Hindi ka ba napapagod? Sobrang dami nang nangyayare sa buhay natin, gusto ko nang bumitaw.."

Doon niya nakita ang pagbabago ng emosyon nj Theoden at bigla nalang itong lumuhod sa harap niya para maging magkatapat sila, tinitigan siya nito sa mata, "Susuko? Bakit tayo susuko? Bakit ka bibitaw?"

Tinitigan niya lang ito. Kung may ibang makakakita sa kanila ay iisipin na sila ang nasa totoong sitwasyon na nakaayon sa script. Magaling nga umarte ang lalaki.

"Focus. Sabihin mo ang sunod na linya." natauhan si Gemma nang biglang lumamig muli ang boses nito.

"Ha? U-Uhm," tumingin siya sa script. "S-Susuko lang ako para sa ating dalawa.."

Muling bumalik ang emosyon nito, nagulat siya nang bigla siyang hawakan ni Theoden sa magkabilang pisngi, "Pero mahal kita. Mahal na mahal.."

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba nang banggitin ni Theoden ang linyang iyon. Tila ba bumilis ang tibok ng puso niya at nanlamig ang mga kamay niya. Hindi na niya namalayan na tumitig na siya sa mga mata ni Theoden. Nakatitig din ito sa kaniya na parang nadala na din sa titig niya.

"A-Ako ba.. mahal mo pa?" hindi niya alam kung kasama ba iyon sa script pero sinabi iyon sa kaniya ni Theoden nang may kakaibang tono.

"H-Ha?" wala sa sariling sabi niya.

Napangisi si Theoden. First time niyang makita itong ngumisi. Walang salita na lumayo ito at kinuha ang script sa kamay niya tsaka naglakad paalis. "Umuwi ka na. May schedule pa tayo bukas."

Naiwan siyang tulala. Ilang minuto ang lumipas bago siya nabalik sa katinuan at agad na tumayo para kunin ang bag niya.

"M-Mauuna na ako." paalam niya bago naglakad paalis ng bahay.

Hindi niya alam kung bakit ganoon ang eksenang naganap. Hindi siya marunong umacting at hindi niya alam kung acting ba ang ginawa ni Theoden o parte iyon ng pantitrip nito sa kaniya. Hindi din niya maintindihan kung bakit bigla na lamang siya nitong pinagtripan. He is so freaking weird.

"Kamusta naman ang trabaho mo? Nakakapagod ano?" tanong ni Alys habang kumakain ng chicharong bulaklak. Nasa bahay niya ngayon ang kaibigan. Dumalaw ito dahil malapit sa bahay niya ang pinuntahan nitong shop.

"Oo." sagot niya. "Ang hirap pala ng trabaho mo dati ano."

"Sobra. Pero wala namang trabahong madali e. Kailangan mo lang talagang magtiyaga. Atsaka mabait naman yata ang mga nakakasama mo sa trabaho."

"Oo, mabait. Atsaka hindi naman pala ganon kahirap pagsisilbihan si Theoden."

Napatingin si Alys sa kaniya, "Si Theoden Arceo ang hinahandle mo?"

"Oo, hindi mo pa ba alam? Akala ko sinabi na sa iyo ni Vernon."

"Hindi pa niya nababanggit. Alam mo ang swerte mo ha. Balita ko mapili sa taong makakasama si Theoden. Buti tinanggap ka." natatawang kwento ng kaibigan. "Sabi ni Vernon, sa kanilang tatlo nila Felix, si Theoden daw palagi ang madaming projects kahit noon pa man."

Namuo ang mga tanong sa utak ni Gemma. Curious siya sa kung anong mga issue sa buhay ng isang Theoden Arceo.

"May tanong ako. Magaling ba talaga sa arts si Theoden?" tanong niya kay Alys.

Tumango ang kaibigan, "Oo naman. Ang sabi nila, noong bata daw si Theoden eh mahilig na daw siya sumali sa mga drawing contest."

Napatango siya, kaya pala madaming mga drawing sa wall ng bahay nito. Madaming kinwento si Alys sa kaniya. Bago kasi niya maging kaibigan si Alys ay mas nauna nitong nakilala si Vernon. Alys is her bestfriend simula noong nangarap siyang maging artista. Nakilala kasi niya ito sa isang workshop kung saan siya nagbalak pumasok noon.

"Bakit parang ang weird ni Theoden?" sabi niya. "Hindi mo ba napapansin? Masyado siyang obsessed sa black. Lahat ata ng gamit niya, black and white lang ang kulay. Isn't that weird?"

Napatingin sakaniya muli si Alys tsaka nagkibit-balikat, "Malay mo ganon nga. He's obsessed with that color. Atsaka di mo ba alam? Dahil sa pagiging obsessed niya sa itim ay tinawag na siyang "darkest star" sa showbiz? Nakakatawa pero ayon ang bansag sakaniya ng nakararami. Darkest Star daw kasi sikat si Theoden Arceo at madalas itong nakaitim."

Napairap nalang si Gemma sa nalaman. Kahit kailan talaga ay ang daming alam ng mga tao sa mundo ng showbiz. Mga pauso.

"But be careful, Gems." sabi ni Alys kaya napatingin siya dito, "Ang balita ko ay madaming nahuhulog sa kaniya kaya ngayon ay wala siyang matinong P.A."

"Nah, hindi naman ako interesadong mahulog sa kaniya."

"Wag kang magsalita ng tapos. Malay mo sa huli, mahulog ka pala." asar nito sa kaniya.

"Never."

"Sus! Maniwala ako." sabi nito.

"Hindi talaga. Never akong nakaramdam ng kakaiba doon." kahit na alam niya sa sarili niyang kanina lang ay bumilis ang tibok ng puso niya dahil dito.

°°°