webnovel

DARKEST STAR

Prologue : "I hate you! Pwede bang wag mo na akong pakielaman!" "Stop the car!" "Bitiwan mo nga ako, ano ba!" Everything went black all of a sudden. Walang may alam kung anong nangyare, walang may alam kung nasaan sila noong kaganapang iyon. Walang may ideya, walang may malay, wala kahit ano. Lahat ng sigaw, lahat ng boses, nagpapaulit-ulit na tila ba isang sirang plaka. She woke up, she saw a white ceiling. Nang mailibot nya ang paningin ay wala syang ibang nakita kundi ang mga gamit sa loob ng kwarto na kinaroroonan nya. Nasaan sya? Ano ang nangyare? She's so clueless. Wala syang maalala kahit isa. Sinubukan nyang alalahanin ang lahat. Wala. Wala syang maalala kahit isa. She looked around the room and realized na kwarto nya pala ang lugar na kinaroroonan nya. Humiga syang muli. Isang panaginip. Panaginip na tila ba nangyare sa totoong buhay. °°°°°°

urbbkaet · Urban
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 01 : Apply

"I hate you!"

"Stop it!"

Isang malakas na boses ng binatilyo ang narinig ni Gemma. Tila ba nasa isang peligro ang eksena base sa boses na naririnig nya. Madilim. Wala syang maaninag na kahit ano, blanko. Boses lamang ang naririnig niya.

"Ano ba!"

"I SAID STOP THE–!!!"

Biglang naputol ang malakas na sigaw ng binatilyo at napalitan ng isang malakas na doraemon ringtone. Agad na napabalikwas ng bangon si Gemma, pawis na pawis, gulo-gulo ang buhok, at hinihingal. Kinapa niya ang kanyang dibdib. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang nangyayare sa kaniya. It was 3 years ago simula noong napanaginipan niya ang ganoong klase ng panaginip. Hindi man lang niya malaman kung ano ang ibig sabihin non, hindi niya manlang alam kung sino ang may-ari ng boses na iyon at kung anong eksena ang nangyayare. Paulit-ulit lang ang panaginip niya, pare-pareho ng ganap at eksena.

Agad na kinuha ni Gemma ang cellphone mula sa side table nang mapansin niyang nag-ring ito muli. Tumatawag pala ang kaibigan niyang si Alys.

"Hello?"

"Sa wakas at nagising ka na!" bungad ni Alys sa kabilang linya, bakas ang pagka-inip sa boses nito. "Kanina pa ako tumatawag sayo."

"Sorry, tulog na tulog kasi ako. Ano bang meron at napatawag ka?" tanong niya.

"Nakalimutan mo na? Hindi ba't mag-aapply ka ngayon sa Valenciaga Entertainment?" sabi ng kaibigan na ikinalaki ng mata niya.

"Hala! Oo nga pala! Nasaan ka na ba?!" napatingin siya sa orasan. 1:30PM na, 1:00pm ang usapan nila ng nasabing kompanya.

"Andito na ako sa bus terminal, bilisan mo nang kumilos! Gumayak ka na." sabi ni Alys.

Walang salita na binaba ni Gemma ang telepono at agad na kumuha ng maisusuot na damit tsaka dumiretso sa banyo. Kailangan na niyang magmadali. Ang Valenciaga Entertainment na lang ang kompanyang natitira sa pag-asa niya. Nais niya kasing mag-apply bilang isang personal assistant ng kung sino mang artista doon. Katunayan, gustong-gusto niya ding mag-artista ngunit hindi siya papalarin dahil hindi naman siya mayaman para ma-afford ang mga kailangan doon. Wala din siyang sapat na oras dahil bukod sa paghahanap niya ng trabaho sa ilang kompanya ay suma-sideline din siya sa isang coffee shop na pagmamay-ari ng Kuya ni Alys. Ulilang lubos na kasi si Gemma, namulat siya sa mundo nang hindi man lang nakikilala ang kaniyang ama habang ang kaniyang ina naman ay namatay tatlong taon na ang nakakaraan dahil sa sakit nito sa puso. Only child lamang siya at walang ibang matakbuhan dahil nasa probinsya ang mga kamag-anak ng kaniyang ina habang siya naman ay nasa Maynila. Her Mom died when she was 18. At ngayon, 21 years old na siya at mag-22 sa susunod na buwan ay sarili na lang niya ang kasama na makipagsapalaran sa buhay. Ang kaibigan niyang si Alys kasi ay may sarili nang pamilya, engaged na kasi ito sa nobyo nitong limang taon nang sumusuporta dito. Isa din kasing artista ang boyfriend nito. Mabuti na nga lang at tahimik ang buhay ng kaibigan niya kahit na sikat ang kasintahan nito. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

Nang matapos maligo si Gemma ay agad siyang nag-ayos. Hindi na din siya nag-abalang mag-make up dahil kulang na siya sa oras. Tanging face powder na lang ang nailagay niya at liptint na binigay lamang ni Alys sa kaniya. Nagmamadaling sinuklay niya ang kaniyang buhok at tumakbo para isuot ang kaniyang sapatos na babagay sa skirt niya at polo shirt na kulay dilaw.

"Awww!" malakas na hiyaw niya nang biglang tumama ang binti sa gilid ng isang cabinet. Napahawak siya sa kaliwang binti. Hindi niya maintindihan dahil kakaiba ang sakit nito. Mahina kasi ang binti niyang iyon sa hindi niya alam na dahilan.

Maluha-luhang tumayo siya at tinuloy ang pagsuot ng kaniyang sapatos tsaka tuluyan nang kinuha ang bag bago umalis ng bahay.

"Friend, grabe pala yung mga tao dito no? Masyadong sosyal, tignan mo naman ang buong paligid, para tayong nasa palasyo." pabulong-bulong na sabi ni Gemma sa kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa loob ng Valenciaga Entertainment. Naglalakad sila sa hallway para mahanap ang boyfriend ni Alys dahil ito ang maglalakad sa kaniya para matanggap sa trabaho. To tell you the story, Alys was Vernon's Personal Assistant. Doon nagkakilala ang dalawa at si Vernon din ang nagpasok kay Alys sa trabaho nito.

"Hon!" natigilan sa pagbulong si Gemma kay Alys nang biglang sumulpot mula sa kung saan si Vernon at agad na niyakap si Alys.

"Hi, Hon. Kamusta ang work? May appointment ka today?" tanong ni Alys kay Vernon.

Umiling ang nobyo nito na ngayon ay nakangiti na. "Wala, by the way, tara na? Hinihintay na ng Manager si Gemma."

Nagtanguhan sila at nagpasyang maglakad patungo sa elevator papunta sa opisina ng nasabing Manager.

Pagdating doon ay agad na pumasok si Vernon para sabihin na nasa building na siya bago siya pinapasok sa loob. Nakaupo sa isang swivel chair ang isang lalaking kalbo na naka-salamin. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

"You must be Gemma?" sabi nito. "Maupo ka."

Sinunod naman niya ang sinabi nito.

"Nabasa ko ang mga resume mo. You applied to other four companies pero tinanggihan ka and this company is your last choice. tama ba?" lingon nito sa kaniya na tinanguhan naman niya. "May experience kaba?"

"Opo, isang buwan akong nagtrabaho sa isang company before bilang P.A ng mga trainees pero naudlot noong nakahanap sila ng mas professional na tauhan." paliwanag ni Gemma.

The interview went very well and mukhang nakukumbinsi naman ang Manager sa mga paliwanag niya.

"Okay, bibigyan kita ng chance. If you really want to be a Personal Assistant ng mga artista ko, sige. Basta show me your skill." tumingin ito sa laptop nito. "I'll call you later, mga 7pm para masabi sayo kung sino ang hahawakan mong artista. Then, by tomorrow, babalik ka dito. Maliwanag?"

Matamis na ngumiti si Gemma sa Manager. Manager Ong pala ang pangalan nito. "Maraming salamat po! Makakaasa po kayo na hindi masasayang ang chance na binigay niyo sakin!" tumayo siya at nag-bow ng paulit ulit.

Nakangiti siyang lumabas ng opisina.

"Ano? Anong balita?" bungad ni Alys sa kaniya.

Hindi na napigilan ni Gemma ang tuwa at agad na niyakap ang kaibigan, "Aaaaaa! Tatawagan daw nila ako kung sinong artista ang hahawakan ko! Omg tanggap ako, Alys!!!"

Agad ding natuwa ang kaibigan niya sa balita kaya para silang timang na magkahawak ang dalawang kamay habang tumatalon-talon na parang bata.

Sobrang umaapaw ang saya na nararamdaman ni Gemma dahil may trabaho na siya sa wakas. At ang Valenciaga Entertainment pa! Sikat na sikat pa naman ang mga artista doon.

"Mukhang kilala ko na kung sino ang hahawakan mong artista." sumingit bigla si Vernon sa kanila sa kabila ng pagtalon-talon nilang magkaibigan.

"Huh? Sino?" napatingin sila pareho dito.

Nagkibit-balikat si Vernon at ngumiti, "I'm not sure pero malay mo. Alamin mo nalang mamaya. Goodluck."

"Oo na, tsk. Salamat din, kundi dahil sainyong dalawa baka wala akong trabaho ngayon." buong thankful na sabi ni Gemma sa dalawa.

"Wala iyon, Gems. Nga pala, okay lang ba kung mag-isa kana munang magcocommute? May kailangan kasi kaming puntahan ni Vernon, gusto makipagmeet up noong organizer namin para sa kasal." sabi ni Alys.

"Yes, sure sure! Walang problema. Atsaka sobra-sobra na yung abala ko sainyo, hmp bawi nalang ako kapag may sahod na ako!" sabi ni Gemma at nakipagbeso sa kaibigan.

"Wala iyon baliw, mag iingat ka ha?"

"Oo, kayo din!"

Naglakad na palabas ng building si Gemma at masayang nilakad ang daan papuntang bus stop. Hindi maalis sa mukha niya ang kaniyang ngiti na abot langit na ata. Masayang-masaya kasi siya dahil bukod sa may trabaho na siya ay natupad na din ang kagustuhan niyang magtrabaho sa isang sikat na kompanya. Dahil doon ay ililibre niya ang sarili niya.

Sa isang kanto ng City na iyon malapit sa mall ay may mga bilihan ng streetfoods. Dahil wala pa siyang budget para mag-mall ay doon muna siya sa streetfoods kakain.

"Ate magkano po ba ang fishball niyo?" tanong niya sa tindera na agad namang sinagot nito. Tumusok tusok na siya ng mga gusto niyang bilhin. Pagkatapos ay naglagay ng sauce bago nagbayad at nagsimulang maglakad muli habang kumakain.

Masaya siyang kumakain ng fishball nang makakain siya sili mula sa sauce na nilagay niya.

"Sh*t!" sambit niya nang maramdaman niya ang matinding anghang sa lalamunan niya. Natatarantang luminga-linga siya sa paligid at naghahanap ng mabibilhan ng palamig.

Sobrang anghang na ng ngala-ngala niya kaya agad na siyang tumakbo sa isang table na nasa gilid kung saan may mga kumakain na customer ng isang mamahaling restaurant at kinuha ang inumin na nandoon without asking sa kung sinong may ari nito.

"What the hell?!" malakas na sabi ng boses lalaki nang kunin niya ang inumin nito. Hindi na niya napansin iyon at inubos ang inumin. Babayaran na lang niya.

Nilapag niya ang baso sa table at hinihingal na tumingin sa lalaki. Nakababa ang mask nito at nakasuot ng sumbrero. Nakahoodie at naka-pants na kulay itim. Gwapo, maputi, matangos ang ilong, matangkad dahil nakatayo ito ngayon habang nakatingin sa kaniya. Pero malamig itong nakatitig sa kaniya.

*P-Pasensya na, sobrang anghang na kasi ng pagkain ko.." sabi niya tsaka kinuha ang wallet sa bag niya. Alam niyang nakakahiya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa lakas ng boses ng lalaki kanina. "Babayaran ko na lang-"

"Babayaran?!" binato nito ang resibo sa kaniya. "Sige bayaran mo!"

Ang sama ng ugali, juice lang naman ang ininom niya. Kinuha niya ang resibo at tinignan ang presyo ng inumin. Halos lumuwa ang mata niya sa presyo nito. Ang juice na parang hinaluan lang ng umuusok na ice tube at matamis na syrup, nasa 500 pesos na?!

Narinig niya ang pagbungisngis ng lalaki, "Ano? Alam mo bang badtrip ako ngayon? At ayoko sa lahat ay yung bastos kapag kumakain ako. Mas lalo mo kong binadtrip, babae."

Mukhang wala ito sa control sa sarili dahil bakas dito ang pagkawala sa mood. Napakagat sya ng ibabang labi hindi dahil natatakot siya sa lalaki, kundi dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng 500 pesos para lang ibayad sa juice nito.

"U-Uhm, pwede bang utang muna yung sa j-juice—"

"Theoden Arceo?!"

Agad silang napatingin pareho sa boses na iyon ng babae. May grupo ng mga babae na mukhang teenager pa dahil naka-school uniform pa ang iba dito. Nang makita nila ang lalaki ay agad na nagtilian ang mga ito kasabay ng panlalaki ng mata ng lalaking kaaway niya. Nang lingunin niya ang lalaki ay agad itong tumakbo papasok sa isang subdivision sa gilid ng kinakainan nito. Sinuot pa nito ang mask bago lumiko sa kung saan na sinundan naman ng grupo nung mga babae.

Napakunot-noo si Gemma. Anong meron doon? Bakit ganon nalang ang reaksyon ng mga babaeng iyon? Artista ba yung lalaking iyon? Wala na kasi siyang idea sa mga ganap sa mundo ng showbiz dahil bukod sa sira ang kaniyang tv ay hindi naman siya palabukas ng social media accounts niya.

Aalis na sana siya nang makita niya ang wallet at cellphone na nasa table ng lalaki kanina. Naiwan iyon ng lalaki dahil sa pagmamadali.

"Hala paano ko ito maibabalik sa kaniya?" kinuha niya ang wallet at cellphone bago lumingon sa subdivision na pinasukan ng lalaki. Nagdadalawang isip man siya pero binuksan niya ang wallet na iyon at tinignan ang id ng lalaki. Infairness, ang yaman. Mamahalin ang wallet at madaming cash si Kuya. Isang i.d lang ang nakita ni Gemma, voter's id lang.

"Theoden Valenciaga Arceo?" basa niya sa pangalan ng i.d na iyon. Kapaapilyedo nito ang kompanyang inapplyan niya. Binalik niya sa wallet ang i.d tsaka tumakbo papuntang subdivision na nilikuan ng lalaki kanina. Bahala na, hahanapin niya ang lalaki para maibalik ang gamit nito.

Tumatakbo siya nang may tumawag sa cellphone ng lalaki. Numero lang iyon kaya nagdadalawang-isip siya kung sasagutin niya o hindi. Wala naman sigurong masama kung sasagutin niya para masabi na rin niya na puntahan ang gamit ng lalaki para maibalik dito ng maayos.

"Hello-"

"Alam kong nakuha mo ang gamit ko, nakikita ko kung nasaan ka, nandito ako sa sulok ng poste, nagtatago. May kumpulan ng mga babae sa kabilang side. Bring me my phone and wallet nang walang nakakahalata sayo." and he ended the call.

Kunot-noong tumingin si Gemma sa phone ng lalaki. Huh! Napakademanding naman nito! Pasalamat nga ito at hindi niya naisipang kupitan ng kahit tatlong libo ang pera na nasa wallet nito. tsk. Nilibot ni Gemma ang paningin hanggang sa makita ang poste kung saan may isang maliit na pader. Tiyak niyang nandoon ang lalaki. Naglakad siya papunta doon habang tinitignan kung nakabantay ba ang mga babaeng humahabol dito kanina. Nang makalapit siya sa poste ay nagsalita na siya.

"Hoy lalaking ubod ng demanding!" sabi niya na medyo napalakas ang boses.

"Shh! Shut up." pabulong na sabi sita nito sa kaniya habang nakasilip. Medyo malayo kasi siya sa pinagtataguan nito. Binaba nito ang mask at tumingin ng matalim sa kaniya, "Give me my things."

"What's wrong with you? Bakit ka ba hinahabol ng mga babaeng yon?" tanong niya habang naka-cross arms pa.

Iritadong lumabas ng kaunti ang lalaki sa pinagtataguan nito. "Pwede ba akin na lang yang mga gamit ko at pwede ka nang umalis."

Lumapit ito sa kanya. Matangkad nga ito, hanggang baba lamang siya. "Akin na."

"Basta hindi mo na papabayaran sa akin ang 500 pesos mong gintong inumin?"

"Oo na, just give me my things bago pa bumalik yung mga babaeng iyon." sabi nito.

Inabot niya dito ang gamit at sakto namang narinig nila ang mga salita ng mga babae.

"Grabe ambilis naman niyang mawala."

"Bakit kaya siya tumakbo?"

"Ang pogi pogi niya pala sa personal!"

"Sayang, kung nakita ko yon ulit at nalapitan ko, hahalikan ko agad yon, grrr kagigil!"

Halos matawa si Gemma sa narinig niyang usapan ng mga teenagers na mukhang napagod na kakahabol sa lalaking kaharap niya at naglalakad na palabas ng subdivision which is yung way kung nasaan sila.

"Baka kasama niya yung babae kanina?"

"Sino kaya iyon?"

Tatawa pa sana siya nang bigla siyang hinila ng lalaki papunta sa pinagtataguan nito kanina at pinagsiksikan ang sarili nila doon. Nakasandal na siya sa pader habang nasa harap niya ang lalaki. Iniiwasan mang tumingin ni Gemma pero nang maramdaman niyang sobrang lapit na nila sa isa't isa ay tumingin siya dito.

Doon lamang niya nakita ng maayos ang mukha nito. Makinis. May scar ito sa gilid ng noo pero hindi naman halata masyado. Sa kabila ng suot nitong itim na hoodie,itim na pants, itim na cap, at itim na mask ay nakikita niya parin ang appeal nito. Palihim niyang pinilig ang ulo nang marealized niyang nakatitig na siya sa mata nito. Mata na may confusion, at malamig na titig sa kaniya.

Dahan-dahang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki at agad na umiwas ng tingin bago lumingon kung saan dumaan ang grupo ng mga babae. Mukhang nakalagpas na ang mga ito. Nang masigurong wala na ang mga iyon ay agad na umalis ang lalaki sa pinagtataguan nila at sinuot ng maayos ang mask at cap nito tsaka walang paalam na umalis ng lugar na iyon.

"Hoy! Wala ka manlang bang thank you ha?!" sigaw niya dito pero hindi na siya nito nilingon o pinansin.

Inis na binelatan niya ang likod ng lalaki tsaka padabog na umalis ng subdivision para umuwi. Wala na! Nasira na ang magandang mood niya dahil sa lalaking iyon.

••••