webnovel

Chapter 3 Please stop

Simula nang araw na hinalikan nya ako sinimulan ko nang lubayan sya. Pag dadalaw sila Vincent sa kwarto namin ay magbabasa ako sa kwarto ko at makikinig nang musika gamit ang pula kong headphone.

Minsan pa nga ay siya lang ang pupunta at magtatanong kung kasama ko ba si Marie o kung anu-ano pang walang kabuluhan bagay na palagi napupunta sa puntong pinagsasarhan ko sya nang pinto.

Hanggang isang araw, ang araw na pinakamagandang nangyari sa akin dahil magkakaroon nang group study kaming magbarkada kasama ang crush kong si Charles Rivera at ang maganda pa walang pangungulit na nangyari mula sa kumag mula umaga na si Lucas Ang lalaking may magandang pulang mata.

___

Sa kakalinis ko habang kumakanta nagsidatingan na ang aking barkada at ang huling pumasok sa kwarto namin ay ang lalaking napupusuan ko. Si Charles Rivera.

Tila nabuhayan bigla ang aking katawang lupa at nakangiting binalingan ang aking mga barkada hanggang sa nagkatinginan kami ng mga mata ni Charles na nagpainit sa aking pisngi. Hindi ko kinaya ang intensidad nang kanyang paninitig kaya't nagpabaling-baling ang aking tingin sa palagid habang kagat ko ang aking ibabang labi bago napatalikod dahil sa kahihiyan.

Napahawak ako sa aking pisngi habang nakatalikod sa kanilang gawi dahil sa pag-iinit nito.

Gusto kong lumingon, gustong-gusto ko na talaga pero di ko magawa. 'Nahuli na naman niya akong nakatitig. Nakakahiya'

Ilang beses kong binatukan ang sarili sa aking isipan dahil palagi nalang ako nitong nahuhuling nakatingin sa kanya tapos mamumula. Ilang lakad mula sa harapan ng kurtina ng aking kwarto napatigil ako sa paglalakad dahil ayaw gumalaw ng mga paa ko pahakbang.

Habang nagtataka bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko namalayan ko nalang bigla nang may mga brasong bumalot sa aking bewang at mahigpit akong hawak habang may labing nakadikit sa aking batok.

'No' pangamba at takot ang bumalot bigla sa aking katauhan na baka nakita kami ni Charles sa ganitong sitwasyon at iba ang isipin nito. 'Hindi maaari, kailangan kong humiwalay sa kumag na to'

nagpumiglas akong makahiwalay pero mas hinigpitan nito ang paghawak sa akin at dinala ako sa likod nga kurtinang humihiwalay sa sala at kwarto ko.

__

Sa aking likod, hindi ko nakita ang walang tinig na pagtumbahan nang aking mga barkada kasama ang lalaking aking napupusuan na tinapakan nang isang hindi imbitadong nilalang na naglakad patungo sa gawi kong nakatalikod.

----------Sa loob ng kwarto----------

"Stop, please stop. I don't like this. Please stop" Habang nagpupumiglas.

"I won't stop, until you submit yourself to me" ani nang tinig ng lalaki na kasalukuyang nakapatong sa katawan kong kasalukuyang nakahiga dahil itinulak ako nito bigla sa higaan matapos makapasok sa kwarto.

Mariing iniharap nya ang mukha ko sa kanyang nanggagalaiting tingin at madiing hinalikan ako sa labi habang hawak nya sa gilid nang aking ulo ang dalawa kong kamay na nakakuyom.

"Please stop, maawa ka"

Nahihirapan na akong makahinga sa tindi nang kanyang halik na mapagparusa kasama na ang panghihina sa kakulangan nang hangin at sobrang pagpupumiglas na walang pinatunguhan.

Nagpaiyak nalang ako at hinayaan syang gawin ang gusto nya. Tutal wala naman akong laban.

Kasabay ang walang tigil na pagtulo ng aking luha ang piping usal nang aking damdamin.

'Sana matapos na ito, sana mamatay nalang ako.'

Tumigil bigla si Lucas sa paghalik sa akin at pinakatitigan ako.

Matang namumula mula sa pag iyak, gusot na damit at buhag hag na buhok.

Ang aking mga mata'y nakatitig sa kisame pero halatang hindi doon nakafocus ang aking pananaw. Nakatulala lamang.

Bumangon si Lucas at hinatak ako para yakapin.

"Paumanhin mahal ko, magpahinga ka muna" matapos ay hinalikan ang aking noo at inihiga ng maayos, tumagilid ako patalikod sa kanyang tumabi sa aking paghiga nang tinakpan niya ang aking mga mata para maipikit ko ito kahit nakaluha pa rin.

Maya maya ay nagpaubaya ako sa dilim na siyang kinatatakutan ko dati na lumukob sa akin.

__