webnovel

Panimula ng isang kisap

"Ang init, makapagkape nga" bulong ng isang babae habang naglalakad papunta sa isang coffee shop para bumili ng kape. Pagkaorder, nagring ang phone, kaso biglang namatay. "Huuu, lowbat na naman phone ko, naku naku" naiinis na bulong nito sa sarili. Nilabas ang powerbank, ngunit wala palang charge. "Hay naku! talaga naman, san na ba yung outlet dito, ayun" sabay saksak ng charger sa outlet. Habang nagchacharge, binuhay niya ang cellphone para macheck ang mga message, kaso sunod sunod ang mga text, at Email na tumambad sa kanya. Napatigil, napatingala, at buntong hiningang napabulong, "Kaya ko pa ba? Gusto ko pa ba 'to, pagod na ako. Rest day ko pero eto nagtatrabaho pa din ako".

Habang sumasagot sa mga message sa kanya, may hindi kilalang number ang tumawag. Sinagot niya ito, at habang hawak ang phone biglang may malakas na kuryente ang dumaloy mula sa phone patungo sa kanyang kamay na dahilan ng paghagis ng cellphone niya. Pinulot niya ang kanyang cellphone, at nagtatakang hindi ito nasira sa kabila ng lakas ng dumaloy na kuryente. Tiningnan niya ang charger at nagulat na lang syang sunog na sunog ito.

Nagring ang phone, tumatawag ulit ang hindi kilalang number. Sinagot niya ito, "Hello, Jiwu tulong, please, tulungan mo ko. May humahabol sa akin", sambit ng boses ng isang babae.

"Hello sorry, wrong number, hindi ako si Jiwu ".

"Wait, wag mo ibaba please, ako si Aki, natatakot ako, may humahabol sakin, tulungan mo ko please"

"Ako si Aya. Bakit ka hinahabol?"

"Hindi ko din alam, may bigla na lang sumunod sa akin habang palabas ako ng shop ko, nasa isang coffee shop ako ngayon, nagtatago ako sa cr. CCU ang pangalan ng coffee shop, nasa 27th street, CGB, Giugat ito. Check mo na lang sa map, please".

"Ah sandali, kalma ka lang, iopen ko lang yung map". Inenter ni Aya ang location, at nagulat sya sa kanyang nakita. "Aki, sandali, bakit lumalabas sa mapa na nandito ka din sa lugar kung nasan ako".

"Ha, parehong lugar?, ayos pala Aya, may nakikita ka bang mga tao jan? mga nakaitim na may hood ang suot?

Tumingin sa labas, "Walang tao sa labas Aki, walang mga taong nakahood na itim."

"Ha? Paanong wala? umuulan pa ba sa labas?"

"Aki, sobrang init ngayon. Sigurado ka ba sa lugar na kung nasaan ka?"

"OO Aya, palage akong nandito sa shop na ito. Hindi kaya mali inenter mo?"

"Tama yun, gaya ng sinabe mo, sandali, sisilipin kita dyan sa cr."

Pumunta ng CR si Aya para silipin kung naroon nga si Aki. Ngunit pagbukas niya ng pinto, nagulat sya na wala namang tao.

"Aki, nasaan ka? wala ka naman sa cr." Napatigil si Aya ng biglang may maramdamang parang kuryenteng dumaan sa kanya.

"Aya, tumakbo na ako palabas, hindi kita napansin, pumasok kasi sila sa loob."

"Hindi naman kita napansing tumakbo Aki, mag ingat ka Aki. Tumakbo ka ng mabilis, tawagan mo ako pag safe ka na. "

"OO Aya, salamat sa pagsama sakin kahit sa phone lang, naibsan yung takot ko. Sige, tatawagan ko na yung tamang number ng boyfriend ko. Salamat ulit."

"Ok Aki, bye."

Pareho silang nagbaba ng tawag. Niredial ni Aki ang number ni Jiwu, at nagulat sya na parehong number ang lumabas. Sinagot ang kanyang tawag.

"Hello, Aya? ikaw ba yan?"

"Aki, si Jiwu 'to, sino si Aya?"

"Jiwu? ikaw na yan? dinial ko yung number mo kanina, kaso babae ang sumagot, Aya ang name niya, pwede mo ba ko sunduin? imemessage ko kung nasaan ako."

"Ah sige Aki, kukuha lang ako ng payong, wait mo ko dyan."

Binaba nila pareho ang tawag.

Nagtataka si Aki, at Napabulong " Paano kayang nangyari lahat ng iyon, at sabi ni Aya, mainit daw, eh sobrang lakas ng ulan. Mas napag isip ako sa nangyaring tawag, kaysa sa mga humahabol sa akin, ano kayang nangyari."