webnovel

D. School

Tunay na katalinuhan,isang bagay na maraming nakakaalam ngunit kaunit lang ang nagagawa itong makamtam.Anu nga ba ang tunay na katalinuhan.Nakukuha ba ito?Namamana?O ito ba ay mahalaga? Ang totoo,lahat tayo ay mayroon nito pero minsan hindi natin ito ginagamit.Isa itong kaalaman na nagagamit mo lang sa oras na nagumpisa kanang gumawa ng sa tingin mong tama sapagkat minsan,hindi lahat ng mabuti ay tama at ang masama ay hindi laging mali.Kapag natutunan mo nang malaman ito,saka mo makakamtan ang tunay na katalinuhan. Ito ay kwento tungkol sa grupo ng mga studyanteng planong baguhin ang mundo nila gamit ang kanilang kakayahan at ang isang gurong susubukang magsimula ng pagbabago. Ito ay isang kwento na hindi maiintindihan ng simpleng kaisipan at ng mga taong walang planong baguhin ang kanilang nakasanayan.

ProffesorNoodles · Urban
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 2:What is an Idiot and What is a Genuis?

Mula sa dismayadong grupo nila sa bangkong iyon ay maririnig ang yapak ng mga paa ng isang babaeng nakasuot ng uniforn na pang opisyal na may presensya ng isang seryoso,kalmado at srikto ngunit napakagandang opisyal ng skwelahan.Siya ay masasabing kabigha-bighani sa kaniyang mapupungay na mata at mapupulang labi na may napakakaakit-akit na katawan.Diretsong naglalakad papunta sa kanila at titigil sa mismong harap nila.Mapapatingin silang apat sa kaniya at mapapatingin sila sa kaniya mula ulo hanggang paa.

"Napakaganda"natulalang sabi ni Cyrus na mapapalaki pa ang mata sa nakitang opisyal ngunit ibabaling niya ang kaniyang tingin upang maiwasan ang pagkabighani at bumalik sa katinuan.

"Wow"sabi ni Alyssa sa kaniyang isip na mapapangiti na mapapalagok pa ngunit hindi niya ipapahalata ang reaksyon niya sa iba.

"Dyosa...na maldita"sabi ni Pauline sa isip niya nang saglit na pinagmasdan ang babaeng opisyal ngunit mapapansin niya ang nabighaning mukha ng binatang nasa harap niya na nakaupo rin sa bangko na magbibigay sa kaniya ng inis sapagkat may interes siya sa lalakeng iyon..."mas maganda paden ako sa kanya"sabi niya sa isip niya na tumingin ulit sa babae na may inis ngunit hindi niya pinakita ang reaksyon niya at ngumiti nalang sa nakita.

Ilang saglit pa ay magsasalita na siya sa mga oras na babasahin niya na ang isang skyblue na notebook na may listahan sa kaniyang kamay.

"Hello.Im the Guidance Councelor and my name is Sarah Poblacion.Kung sino man sa inyo ang nasa listahan ay maaring tumayo at sumunod saken..."sabi niya sa isang cute at napakabinibining tono na pinakinggan naman nilang apat.

"Pauline Vinta"sabi ni mamsarah na magpapatayo kay pauline sa upuan.

"Alyssa Puerto" sabi ni mam sarah na magpapatayo din kay alyssa.

"Cyrus Alcala"sabi ni mam sarah na magpapatayo din kay Cyrus.

"Leopoldo Ariano"sabi ni mam sarah na magpapatayo sa lalaking may dalang gitara sa kaniyang likod.Sa mga oras na nabanggit iyon ni sarah ay mapapatingin si Pauline kay Leopoldo na may ngiti ng malaman ang pangalan nito.

"Please follow me"nakangiting sabi ni mam sarah na nagumpisang maglakad sa direksyong sinundan din nilang apat.

Sa kanilang paglalalakad ay mapapadaan sila sa mga rooms na kung saan makakakita sila ng mga hightech na gamit kagaya ng set ng personal computers at mga projectors at halos lahat ng rooms ay puro white board ang nasa pader at wala na ng mga lumang board na ginagamit sa mga pampublikong iskwelahan.Lahat din ng mga upuan ay gawa sa plastic na desk at bakal na pagupuan nito.Maganda at kakagilas na tignan ang iskwelahang ito.

"Lupet"sabi ni Cyrus habang tumitingin.

"Wow"sabi ni Allysa na mahinahon lang na hindi nagpakita ng halatang reaksyon sa mukha.

"Public school ba talaga to?"sabi ni Pauline na tumingitin lang sa palagid ngunit diretso parin ang kaniyang ulo na lumalakad ng ekegante.

Si Leopoldo naman ay normal lang at naglalakad na parang walang pakeelam sa mga nadadaanang bagay.

Medyo malayo ang kanilang nilakad hanggang sa tumigil na sila sa isang room na mayroon ng mga studyante na nasa sampung katao.

Papasok sila sa silid na iyon at hahanap ng nga bakanteng upuan.Sa room na iyon ay may kakaibang pwesto sa mga upuan sapagkat hindi ito magkakadikit-dikit at halos wala nang daanan sa gitna.Mayroong limang lalakeng studyante sa likurang parte ng room.Kahit na wala silang katabi at wala ring nakaupo sa mga mas harap na upuan ay doon parin sila umupo.Matitipuno sila at masasabing may malakas na pangangatawan ngunit apat sa kanila ay masasabi kong sakto lang ang itsura maliban sa lalakeng nasa dulo.Gwapo siya at may malakas na dating ngunit tahimik siya hindi kagaya ng iba na naguusap at nagtatawanan sa hindi malamang dahilan.

"Bakit ang tahimik mo dian Paul?"sabi ng isa sa kanilang apat na nasa tabi lang ni Paul ,ang sinasabi ko na tahimik sa dulo na lalake.

"Kasi gusto ko ng katahimikan"sabi ni Paul sa tahimik na paraan na ikinainis ng kasama niya ngunit hindi niya nalang pinalaki pa.

"Hayaan mo siya sa buhay niya trex"sabi ng lalaking nasa tabi ni trex na masasabing may pinakamalaking katawan sa kanila at maituturing din na pinakamalaki ang katawan sa kanila.

Matapos noon ay nagtawanan sila ulit.Mapapatigil nalang sila ng makita ang kaakit akit na sina Pauline at Allysa na papasok sa pintuan ng room.Nang makita nila ito ay bigla nalang bumagal ang kanilang mundo at nanahikik silang lima sa likuran na para bang nakakakita ng dalawang anghel sa room.

"Pree"sabi ng isa sa pinakagilid sa kabila na hindi upuan ni Paul hababg tinatapik tapik ang katabi na may nabighaning itsura sa nakitang anghel.

"Oo pre,nakikiitako din"sabi ng katabi niya.

"Ok uunahan konna kayo,akin yung huli"sabi ng lalake na nasa gitna na nagagandahan sa kaniyang nakita.

"Akin yung nauna"sabi ni trex.

"Makaangkin kayo,akala niyo naman papatulan ng mga yan yung mga mukha niyo."sabi ni Paul na hindi pa tumitingin ngunit ng lumingon na siya ay makikita niya rin ang kabigha-bighani nilang mga itsura ngunit mas mapapatitig siya kay Allysa na maalala ang litrato ng isang babaeng may mga benda sa kamao at halatang nanggaling sa isang suntukan na ikakagulat niya talaga at ikakasaya.Ngingiti siya at mapapansin ng nga kasama niya.Nakatitig patin siya hanggang sa umupo ito at mapapansin siya ng mga barkada niya sa kaniyang hindi maitagong ngiti sa mukha.Ilang saglit pa ay mapapatingin siya sa apat niyang katabi na malesyosong nakatingi n sa kaniya na parang alam nilang may gusto si Paul sa isang babae sa dalawang dumaan.

"Yieee"sabi ng magkambal na magkatabi isang gilid ng nasa gitnang lalake.

"Oreo,Presto,kuha nio ba yung ngiting yun?"nakangiting sabi ng lalakeng nasa gitna habang nakaopen na camera ng cellphone nila Oreo at Presto na mukhang nakuhan na ng litrato si Paul na nakangiti.

"Kuha namin Ray"sabi ni Oreo na nasa dulo habang si Presto ang katabi ni Ray.

"Mukhang isa sa dalawang babae dun yun."sabi ni Trex na may chismosang itsura.

"Yung babaeng nagpangiti din sa kaniya last year"sabi ni Ray.

"Anu na namang tinutukoy niyo?...mga bano"sabi ni Paul na ibinaling na ang tingin at hindi na nagsalita pa ngunit sumilip pa ng kaunti kay Pauline.

Napansin ito ni Ray at Trex na magpapatawa sa kanila e.

"Kunyaru di alam e... tapos sisilip pa"sabi ni Trex.

"Hahaha oo nga"sabi ni Ray.

Sa pinakagilid naman sa ikalawang row sa apat na row ay isang lalakeng may salamin na mukhang matalino sapagkat mayroon siyang presensya ng isang studyanye batak sa pagbabasa ng libro.Sakto lang ang mukha niya at napakapayat ng kaniyang katawan.Wala rin siyang katabi ngunit bigla nalang ay tatabihan siya ni Allysa at uupo sa mismong tabi niya.Normal lang ang reaksyon ng mukha nuya ngunit halatang hindi niya tanggap ang pagupo ni Allysa sa tabi niya.

"Trip neto?"sabi niya sa kaniyang isip habang diretso ang tingin at hindi namamansin.

"Napakarami ng upuan pero dito mo pa naisipang umupo?"tanong ng lakake na diretso padin ang tingin.

"Napakarami ng upuan pero dito ko rin lang gustong umupo."sagot ni Allysa na may nakangiting mukha.

"Tsk"sabi niya .

Tinitignan siya ni Allysa na para bang kilala niya na ito dati pero hindi siya kilala nito.Ngumitingiti siya sa mga panahong iyon.

Sa unang row naman ay puro babae sa isang gilid na may isang upuan na pagitan sa isat-isa.Sila ay sakto lang ang itsura ngunit sobrang arte ng kanilang mga damit.Sila ay tatlong babae na masasabing pabonggahan sa itsura at masasabi ko ring mayaman sa kanilang mga gamit.Magkakaibigan sila na may kakaibang kaartehan sa itsura at pati na rin sa ugaling pinapakita nila.

"Trixie ang ganda nung nauna no."sabi nung nasa dulo sa tabi niya.

"Sakto lang,..Cute din naman yung pangalawa Shane."sabi ni Trixie.

"Mukhang maglalaban yung dalawang yun para sa muse ng section natin"sabi ni Shane.

"Ha...Ha..ha"sabi ng isa pa sa tabi ni Shane na ikinagulat nila dahil sa bigla niyang sabat sa usapan.

"Alam naman naten na halatang ako magiging muse dito."sabi niya na ikinasagwa ng usapan.

"Kapal"sabi sa isipan ni Shane na may pagkadismaya sa mukha niya.

"Muse sa empyerno Alliah pwede pa"sabi ni Trixie na nasasagwaan sa sinabi ni Alliah.

Tapos babagal ang mundo nila sa pagdating naman ni Cyrus.Mapapatingin sila sa kaniyang matipunong katawan at kaakit akit na mukha.Maglalakad siya papunta sa direksyon kung nasaan sila Alliah at sa oras kung kailan nasa harap na siya ni alliah ay titigil ito at magsasalita.Mapapaisip na sina Alliah ng mga bagay na maganda habang nakatingin sa mukha niyang kaakit-akit at maiisip na amy gusto agad si Cyrus sa kaniya nang tumigil ito sa harap niya at paunti-unting nilapit ang mukha niya kay Alliah at nagsalita.

"Kung tama ang pagkakarinig ko,sabi mo halatang ikaw magiging muse dito..."pabulong na sabi ni Cyrus habang nakatitig kay Alliah na kinakikilig ni Alliah at ikinabigla ng mga kasama niya.

Kinikilig na sila ng bigla nalang...

"Mamamatay muna ako bago mangyari yun"sabi ni Cyrus na umalis na agad sa kanilang harapan at saka siya umupo sa gitna ng second row na kung saan nasa gilid niya ang isang lalake at babae na hindi naman mukhang magshota at mas magandang sabihin na magkaibigan lang sila.

"Uy alam mo ba..."sabi ng babae na tumapik pa sa katabi niyang lalake ngunit hindi niya ito natapos dahil babarahin siya neto.

"Hindi ko alam"sabi ng lalake na kalmado ang mukha na nangaasar na walang pake sa babae.Kahit sinabi niya na ito ay itutuloy paden ng babae ang pagsasalita.

"Yung guard na nasa gate kanina..."sabi ng babae na hindi naman interesado ang lalake.

"Tapos"sabi ng lalake at tuloy paden sa pagsasalita ang babae.

"Nilagyan ko bato bag niya habang kinakausap mo siya hahaha"sabi ng babae.

"Hahahahakdog"sabi ng lalake na ikinabwisit ng babae.

"Bwisit ka talaga ward"sabi ng babae na naiinis paden tapos hinampas siya sa braso niya.

"Aray...Ganyan ka lhea palage.Pag napipikon nananakit."sabi ni ward habang hinahaplos ang nananakit niyang braso.Malakas kasi talaga ang hampas ni Lhea.

"Prank na yun sayo.Simpleng bagay napaka oa mo tumawa.Wala pa nga yan sa ginawa ko e"sabi ni ward na may ngiti sa mukha.

"Anu ba ginawa mo?"sabi ni Lhea na nagtataka.

"Nilagyan ko din yung bag niya ng tae ng aso hahahah."sabi ni Ward na tinawanan din ni Lhea.

"Haahha bwisit ka"sabi ni Lhea.

Ilang saglit pa ay napansin nila na parang wala si Leopoldo at hindi siya sumabay na pumasok.

"Ang alam ko apat kami a"sabi ni Cyrus na nagtataka.

"Nasaan siya?"tanong ni Pauline sa kaniyang sarili.

"Teka diba apat sila?sabi ni Ray na ipinagtaka din ng mga katabi niya pero di nila pansin na nasa tabi na pala nila Oreo at Presto si Leopoldo.

"Oo nga apat kami"mahinahon na sabi ni Leopoldo sa likod.

"Tang...!"sabi ni Ray na nagulat kagaya nila.

Silang lahat ay nabigla sa biglang pagsasalita ni Leopoldo sa likod na napatingin sioang lahat sa kanila.

"Wow"gulat na sabi ni Allysa ng makita siya sa likod.

"Paano ka napunta diyan?"tanong ni Cyrus na gulat paden sa nangyari.

"Pinto sa likod"sabi niya na kalmado at nagpalinaw sa lahat dahil nakalimutan nilang may isa pa palang pintuan.

Lahat sila ay nalinawan maliban kay Paul na nagtataka at parang alam kung anu ang nangyari.

Ilang saglit pa ay darating na ang kanilang adviser.Isa siyang titser na nagmamasid kanila Allysa,Cyrus,Pauline at Leopoldo noong naroon palamang sila sa harap ng exam room.

Dala niya ang kaniyang tungkod ngunti hawak niya ito na parang isang espado at pamalo.Napakaangas ng kaniyang pagdating at nagmukha siyang astig sa kanila.

Ilang saglit pa ay magsasalita siya habang nakaupo sa lamesa na nasa harap ng room sa gitna ng board.

"Hello.Ako nga pala si Gregory Alfonso Ginebra Jr. at ako ang magiging adviser niyo for the whole year.Ang isang bagay na pinakagusto ko ay mga bobo kaya...gustong gusto ko kayo."sabi ni Gregorio nakangiti ngunit ikinainis nila ito.

"So sinasabi mo na bobo kami?"tanong ni Allysa sa kaniya.

"Eksakto"nakangiting sagot ni Gregorio.

"Paano mo nasabing bobo kami?"Tanong ni ward na may inis sa tono.

"Paano mo nasabing hindi ka bobo?"kampanteng tanong ni Gregorio sa kanya ngunit tinutukoy niya ay silang lahat.

"Sige bibigyan kita ng pagkakataong patunayan na hindi ka bobo.Lahat kayo.Kapag nakapagbigay kayo ng rason kung bakit hindi kayo bobo,makakaalis na kayo at gagawin kong 100 ang grade niyo sa first quarter ng bawat subject na hawak ko sa inyo"sabi niya na nakangiti pa sa kanilang harapan.Sa sinabi niyang iyon ay ginanahan sila na kalabanin si Sir Gregorio.

"Mukhang binabastos tayo neto a"sabi ni Ray na naiinis na.

"Relax"sabi ni Paul na nakikinig kay sir.

"So anung gagawin namen?"tanong ni Allysa.

"Simple lang.Sagutin niyo ang tanong.Anu ang bobo at anu ang matalino?Tapos patunayan niyo na hindi kayo bobo."tanong ni Gregorio na kampanteng bobo sila.

Mananahimik silang lahat tapos maguumpisang sasagot.

"Ang bobo ...walang alam.Ang matalino ....maraming alam"sagot ni ward.

"Oo ganun"sabi ni Lhea sabay fistbump.

"So paanong hindi kayo bobo?"tanong ni Sir Gregorio.

"Dahil may alam din kami.Alam ko sagot sa tanong mo."sabi ni ward.

"So matalino kana?"tanong ni sir Gregorio sa kaniya.

"Sa tingin ko"sagot ni Ward.

"Labas na!"kalmadong sagot ni Sir Gregorio.

"Bakit?"tanung ni ward.

"Kung matalino kana,hindi na kita kailangang turuan pa."sabi ni sir Gregorio na nagpatahimik sa kaniya.Hindi siya tumayo dahil alam niyang mapapahiya lang siya.

Mananahimik ang lahat.

"Bobo ako."sabi ni Cyrus na nadinig ng lahat.

Napangiti si sir Gregorio sa sinabi niyang iyon.

"Bakit ka bobo?"tanong niya.

"Bakit pa ko magaaral kung matalino na ko."pangiting sabi ni Cyrus na ikinatuwa din ng iba.

"Nice bata."sabi ni sir Gregorio.

"Bobo din ako"sabi ni Pauline.

"Bakit naman?"tanong ni sir Gregorio.

"Dahil wala pakong alam sa mundo at gusto ko pang matuto para maging matalino"sagot ni Pauline na may ngiti.

Tatango lang si sir Gregorio at matutuwa sa sagot niya.

Maguusap ang lahat at maiisip nila na bobo pala talaga sila.

"Tama si sir,bobo nga ko"sabi ni Ward.

"Ako din"sabi ni Lhea.

"Wow"sabi nalang ni Allysa.

"Bobo pa tayo kambal"sabi ni Oreo.

"Oo nga"sabi din ni Presto.

"Hahahah"sabay nilang tawa na dalawa.

"Diko naisip yun a hahaha"sabi ni Ray.

"Bobo kapa kasi"sabi ni trex.

"Hahaha"sabi ni Paul.

Tapos ilang saglit pa ay magsasalita si Leopoldo.

"Mukhang magiging bobo muna ko sa ngayon."sabi niya na may ngiti sa mukha.

Tatahimik ang buong klase sa oras na pinalo ni sir Gregorio ang mesa at saka siya nagsalita.

"Ang nga tao na nagiisip na bobo sila,sila talaga ying matatalino sapagkat alam nila na bobo sila,kulang pa ang kaalaman at nagpapaatuloy sa pagaaral.Sa kabilang banda,yung mga taong iniisip na matalino na sila ay ang nga tunay na bobo sapagkat tumigil na sila sa pagaaral dahil ang alam nila ay matalino na sila at hindi na nila kailangan matuto pa.Kaya gusto ko na bobo kayo palage..Maliwanag."Sabi ni sir Gregorio.

"Yes sir"sabi nilang lahat na may ngiti sa kanilang mukha.

"Ok,yun lang sa ngayon..class dismissed."sabi ni sir Gregorio at natapos na nga ang unang klase.Nagpatuloy sila sa ibang klase at natapos ang araw na may naitanim na kaisipan sa kanilang lahat at ito ay ang aral na ang pagiisip na isa kang bobo ,ay ang pinakamagandang paraan para maging matalino.