webnovel

Chapter 43

Palabas na ng ospital si Carlo, sasakay na dapat siya sa kanyang sasakyan ng mapansin ang isang van na nakaparada sa 'di kalayuan. May bumabang dalawang lalake mula sa sasakyan at pupasok sa loob ng ospital. Sundalo siya at halos alam na niya ang lahat ng klase ng mukha na alam niyang hindi gagawa ng mabuti kaya sinundan niya ang mga lalaki. Halatang may hinahanap ang mga ito. Napanggap pa na pasyente ang mga ito at nagtanong ng doktor na pwedeng tumingin sa kanila. Patuloy na nag-ikot ang dalawang lalake sa loob ng ospital at ng makita ang hinahanap ay lumabas na. Kumunot ang noo niya kaya tiningnan niya ang huling kwarto kung saan huling tumingin ang dalawa.

"Bakit ang tagal n'yong bumalik?" Tanong ni Jake sa bagong dating na sila Rhian at Lexi. "Masyado po kasing in demand ang girlfriend mo. Galing kaming ER, may for blood extraction eh hindi nila makuhanan kaya tinawag si Ate Lexi." Sagot ni Rhian. "Siyempre, may bagong admirer. Ang gwapo at ang macho, Kuya. Sundalo pa." Patuloy ni Rhian. Umikot ang mata ni Lexi. Alam niya na gusto lang inisin ni Rhian ang kapatid. Tumingin si Jake ng seryoso kay Lexi. "Mas gwapo ka at mas sexy." Nakangiting sabi ni Lexi. "So, meron nga?" Inis na tanong ni Jake. "Haha, got you, Kuya! Joke lang!" Sabi ni Rhian na binawi na ang sinabi dahil kita niya na galit na ang kuya n'ya.

"Hi!" Lahat sila ay napatingin sa may pintuan ng marinig ang boses ng isang lalaki. "Speaking of the devil, the devil is here." Sabi ni Rhian. "Hi, may problema ba sa lolo mo?" Tanong ni Lexi. "Ah, wala naman. Ahm, alam ko na wala akong karapatan na makialam pero pwede ko ba kayong makausap?" Sabi ni Carlo at nagkatinginan ang apat. "Ah, sure, upo ka." Aya ni Lexi. Umupo ang dalawang binata sa sopa na nakatabi sa dalawang dalaga. "Carlo, siya nga pala si Rhian, si Anthony, at si Jake." Pagpapakilala ni Lexi sa tatlo. "Kayo bang apat ang Director ng hospital?" Tanong ni Carlo na kinangiti ni Lexi at Rhian samantalang seryoso ang mga mukha nila Jake at Anthony. "Hindi, si Jake ang OIC, personal secretary niya ako." Sabi ni Lexi na biglang dinugtungan ni Jake. "At boyfriend niya." Sabi ni Jake na kinangiti ni Carlo. "Si Anthony naman ay kaibigan niya at itong si Rhian..." Sabi ni Lexi na dinugtungan din ni Anthony. "At girlfriend ko." Sabi ni Anthony na kinaikot ng mga mata nila Lexi at Rhian at kinangiti ulit ni Carlo. "Si Rhian ang VP ng ospital." Patuloy ni Lexi. "Mga bigatin pala ang mga kaharap ko." Biro ni Carlo dahil ramdam niya ang tensyon mula sa dalawang lalaki pero mas higit kay Jake. "Hindi naman siguro iyan ang ipinunta mo dito." Seryosong sabi ni Jake. "Well, nakita ko na madami kayong CCTV sa ospital. Mas mapapaliwanag ko kung bakit ko kayo gustong makausap kung titingnan muna natin ang video recording mula sa mga iyon. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Anthony kaya kinuwento ni Carlo ang nakita niya.

Habang kinukwento ni Carlo ang dalawang lalaki ay hindi maiwasan ni Lexi ang hindi makaramdam ng takot. Inakbayan siya ni Jake ng makitang namumutla ang mukha niya. Kahit alam ni Rhian na hindi siya ang puntirya ng dalawang lalake ay nakaramdam din siya ng takot para sa kaibigan. "Sundalo ako kaya kung meron man akong maitutulong ay willing akong gawin ang lahat." Sabi ni Carlo na nakatingin kay Lexi. Ayaw man ni Jake ang sinabi ni Carlo pero kailangan nga nila ang tulong nito para maprotektahan si Lexi. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na ikwento kay Carlo ang lahat ng nangyari sa pagitan nila at kay Brix mula sa bar ni Phil hanggang sa mga bulaklak na may chloroform.

"Sana ay mali ako at magkaiba tayo ng taong pinag-uusapan." Sabi ni Carlo matapos madinig ang kwento ni Jake. Kinuha niya ang cellphone at ipinakita ang picture ni Brix. "Siya nga." Sabi ni Jake. Naikuyom ni Carlo ang kamao niya ng madinig ang sabi ni Jake. "Kailangan mong sumama sa akin sa safe house. HIndi biro si Brix Tuazon. Gagawin niya ang lahat para makuha ka kahit pumatay pa siya ng mga inosenteng tao." Sabi ni Carlo na nagpanginig ng katawan ni Lexi. Pati sila Jake, Rhian, at Anthony ay hindi makapaniwala sa nadinig. "Pwede mo bang elaborate ang sinasabi mo, Carlo." Sabi ni Lexi sa nanginginig na boses.

"Brix Tuazon, lahat ng illegal na gawain ay alam niya, illegal drug trade, human trafficking, murder, corruption, domestic violence, name it, and he had done it." Sabi ni Carlo na lalong nagpakaba sa apat. "Pero bakit malaya pa siya?" Tanong ni Anthony. "Dahil malakas ang connection niya. Kami na ang humahawak sa surveillance niya dahil walang magawa ang mga pulis." Patuloy ni Carlo. "Kaya mas mabuti na sa safehouse ka muna magstay habang hindi pa kami nakakakuha ng sapat na ebidensya na magdidiin sa kanya." Sabi ni Carlo. Tatanggi sana si Jake pero nagsalita ulit si Carlo. "At kasama ka din dahil nabanggit mo na nag-abot kayong dalawa sa isang bar. Mapagtanim ng sama ng loob si Brix at hindi natin masisigurado kung sino talaga sa inyong dalawa ang pakay niya." Patuloy ni Carlo. "Pero paano sila?" Tanong ni Lexi na nakatingin kay Rhian at Anthony. "Don't worry, maglalagay ako ng mga tao ko dito para maprotektahan sila." Sabi ni Carlo. "Si Tatay, si Nanay, si Tito at Tita?" Hindi na napigil ni Lexi ang pag-iyak dahil sa takot hindi lang para sa sarili kungdi para sa mga mahal sa buhay. Niyakap siya ni Jake. Naiyak na din si Rhian kaya niyakap din siya ni Anthony. "Huwag kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para protektahan sila. Ang mahalaga ngayon ay mailayo ko kayong dalawa dito." Sabi ni Carlo.