webnovel

Chapter 40

Kinakabahan si Lexi, nasa daan na sila sakay ng kotse ni Jake papunta sa bahay nila. Madalang magalit ang kanyang ama pero kapag nagalit naman ito ay magtago ka na sa pinanggalingan mo. Bumuntong hininga ang dalaga at nadinig ni Jake iyon. "Ang lalim naman ng pinanggalingan nun." Nakangiting sabi ni Jake. Hinawakan ni Jake ang kamay ni Lexi. "Huwag kang mag-alala, ipapaliwanag ko kay tito ang lahat." Sabi ni Jake pagkatapos ay hinalikan ang kamay ni Lexi.

Dumating na sila sa bahay. Nagmano ang dalawa sa dalawang matanda. Ramdam ni Lexi ang pananahimik ng ama. "Mabuti pa ay kumain muna tayo ng hapunan." Sabi ni Tessie kaya nagpunta silang apat sa kusina at umupo habang nilalagay ni Tessie ang mga pagkain hinanda niya. "Huling hapunan ko na yata 'to ah." Bulong ni Jake sa sarili.

Nang matapos sila sa hapunan ay tinawag ni Ronnie si Jake sa labas. Susunod dapat si Lexi pero pinigilan siya ng ina. "Hayaan mo muna silang mag-usap." Sabi ni Tessie. Matapos ang halos kalahating oras ay tinapik siya ng ina. "Dalhan mo sila ng kape." Sabi ni Tessie. Nang lumabas si Lexi ay nakahinga siya ng maluwag ng makitang nagtatawanan ang dalawang lalake pero biglang naging seryoso ang mga mukha nito ng makita siyang palapit na naging dahilan para kumunot ang noo niya.

"Maupo ka anak." Sabi ni Ronnie. Tiningnan niya si Jake pero seryoso pa din ang mukha nito. "Anak..." Sa tono ng ama ay biglang kinabahan si Lexi. "Kailangan mong pakasalan si Jake." Nanlaki ang mga mata ni Lexi sa sinabi ng ama. "Pero, tay, walang nangyari sa amin. Lasing ako, oo, pero alam kong walang nangyari." Sabi ni Lexi. "Kailangan mong panagutan si Jake." Sabi ni Ronnie. "Ano po?" Gulat na tanong ni Lexi at tumingin kay Jake. Biglang tumawa ng malakas si Jake. "Tay, sorry, 'di ko na talaga kaya." Sabi ni Jake sa pagitan ng pagtawa. Tumawa na din ng malakas si Ronnie. "Ano'ng kalokohan 'to ha?" Inis na sabi ni Lexi at piningot ang tenga ni Jake. "Ah, ah, Tay oh." Sabi ni Jake na pilit na inaalis ang kamay ni Lexi sa tenga niya. Tawang-tawa pa din si Ronnie. "Kung nakita mo lang ang itsura mo kanina anak, matatawa ka din." Sabi ni Ronnie. "Ano ba kasing pumasok sa utak ninyong dalawa ang biniro n'yo ako ng ganoon." Tanong ni Lexi na binitawan na ang tenga ni Jake at umupo. "Ang sarap mo kasing lokohin." Sabi ni Jake. Kukurutin naman sana ni Lexi ang hita ng binata pero nahuli na nito ang kamay at mahigpit na hinawakan.

"Tay, sorry talaga, napadami lang talaga ang inom ko kagabi kaya hindi ko na kayo natawagan." Hinging paumanhin ni Lexi. "Okay na, anak, pinaliwanag na ni Jake ang lahat. Ang bilin ko lang sa'yo, 'wag kang iinom ng ganoon maliban kung ang kasama mo ay mga kaibigan mo o si Jake mismo. Delikado na ang panahon ngayon." Sabi ni Ronnie. "Opo, tay." Sagot ni Lexi. Matapos magkwentuhan pa ng ilang sandali ay nagpaalam na din si Jake para umuwi. Hinatid siya sa may gate ng dalaga.

"Ingat ka." Bilin ni Lexi habang nakayakap kay Jake. "Wala bang goodbye kiss?" Tanong ni Jake na inilapit ang mukha sa dalaga. Binigyan ng isang mabilis na halik ni Lexi ang binata sa labi. "Naman!" Protesta ni Jake. "Sige na, uwi na." Nakangiting sabi ni Lexi. Walang nagawa si Jake kungdi bitiwan ang dalaga bago sumakay sa kotse. "May utang ka sa akin ha?" Sabi ni Jake. "Opo na, ingat ka." Sabi ni Lexi. "Okay, bukas na lang ng umaga." Sabi ni Jake at tuluyan ng umalis.

Isasarado na dapat ni Lexi ang gate ng may pumaradang kotse sa harap ng bahay nila. "Hi, babe!" Sabi ni Brix na ibinaba ang salamin ng kotse. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lexi dahil ibang Brix ang kaharap niya ngayon. Gwapo ang binata, amin ni Lexi sa sarili pero iba ang aura ni Brix ngayon, akala mo sanggano sa kalye. "Paanong..." Sabi ni Lexi pero hindi pa man siya tapos sa tanong niya ay sumagot na ang binata. "Kapag may gusto ako, gagawin ko ang lahat para malaman ang tungkol dito. I have my ways, babe." Sabi ni Brix. "Well, Mr. Tuazon, gabi na at kailangan ko pang gumising ng maaga kaya kung pwede lang ay umalis ka na." Kinakabahan pero mataray na sabi ni Lexi. Tumawa si Brix. "Masarap bang humalik si Jake? Masarap din ba siyang kasama sa kama?" Nakangising tanong ni Brix na kinainit ng ulo ni Lexi. "Wala akong panahon sa mga taong bastos na kagaya mo." Galit na sabi ni Lexi at tinalikuran na si Brix. Nadinig pa niya ang malademonyong tawa nito kaya nagmamadali siyang pumasok sa bahay.

Hindi agad nakatulog si Lexi. Pasalamat na lang siya at hindi nadinig ng mga magulang niya ang pag-uusap nila ni Brix. "Bakit bigla akong natakot sa kanya?" Tanong ni Lexi sa sarili. Habang nag-iisip ay biglang tumunog ang phone niya. Unknown number ang lumabas sa screen niya kaya kumunot ang noo ng dalaga. "Hello?" Sabi niya sa kabilang linya. "Babe..." Sabi ni Brix. Biglang pinidot ni Lexi ang end call. Muling tumunog ang phone niya pero si Brix pa din ang caller kaya hinayaan na lang niya na tumunog ng tumunog ito hanggang sa nagsawa na din ito sa kaka-ring. Message tone naman niya ang tumunog. "Babe, magiging akin ka din." Text ni Brix. Kinalibutan si Lexi sa nabasa. Binura niya agad ito at nilagay sa block list ang number.

Naihagis ni Brix ang phone niya ng hindi na niya macontact ang number ni Lexi. Nagulat ang mga kasama niya sa bahay. "Boss, easy lang." Sabi ni Brandon. "Pakipot 'tong babaeng 'to eh." Inis na sabi ni Brix. "Ano'ng gusto mo, boss? Isang salita mo lang mapapasayo na agad 'yung babae." Sabi ng isa sa mga ka-pat session niya. Ngumisi si Brix. "Malapit na, mas nagiging excited ako pagpalaban ang babae." Sabi ni Brix. Ngumisi naman ang mga kasama niya. Pinagpatuloy nila ang ginagawa hanggang sa maging high silang lahat.