webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Special Chapter 1.0

"Naintindihan nyo ba class?.." anunsyo samin ng aming guro. Malapit ng mag-alas nuwebe at oras na iyon para sa aming recess.

"Yes ma'am!.." sabay sabay naming lahat. Niligpit nya ang mga gamit nya na nakalagay sa mesa. Tinanggal ang manila papae na nakadikit sa board bago sya nagpaalam na.

Gutom ako dahil hindi ako kumain ng almusal kanina. Nagmamadali naman kasi si ate. May exam daw sila ngayon. Kaya no choice ako. Di naman nya kasi ako ginising. Kakapanood ko ng cartoons. Mahirap na sakin ang magising ng maaga.

"Boy, tara na.." tawag sakin ni Ryan. Nauna nang nagsilabasan ang iba. Bumili ng makakain sa may canteen. Sinadya kong magpahuli para sa isang dahilan. Alam mo kung ano yun?. May natitipuan kasi akong kaklase namin. Hindi ko naman masabi agad dahil mahiyain nga ako. Kumbaga, torpe sa madaling salita at mas malinaw pa sa tubig dagat.

"Mamaya.. iligpit ko lang to.." pagpapanggap ko. Kunyaring kinuha ang notebook na may mukha ni Rukawa doon saka isinilid sa loob ng bag. Pati sana yung librong nasa armrest nang pigilan ni Ryan ang aking braso.

"Anu ba boy? Wala namang kukuha dyan.. gutom na ako.."

"Ilalagay--..." di ko na natapos ang sasabihin ng kaladkarin na nya ako palabas ng room. Susmaryosep!. Di ko pa naman naisarado yung bag ko. Tsaka, andun pa yung baon ko.

"Teka tol. Di ko dala pera ko.." palusot ko pero di nya ako pinakinggan. Imbes, hinila nya na talaga ako sa loob ng maingay na canteen.

"Ako nang bahala sa'yo.." anya sabay order ng aming lugar. May kasama iyong nilagang itlog. Maging ako ay natakam ng ilapag sa aming mesa ang umuusok pang lugaw.

"Kanina ka pa balisa boy.. may problema ka ba?. Gusto mong samahan kita sa cr.." agad kong sinarado ang kanyang bibig dahil nasa loob kami ng canteen at nakakasuyang pakinggan ang bagay na ganun pag kumakain ka.

"Wala akong problema.. baka ikaw.."

Nginisihan nya ako. "Anong ako?. Wag mo ngang iligaw ang usapan. Meron noh?.." sinipa pa ako sa ilalim ng mesa. Mabuti at di sa gitna. Susmaryosep!

Umiling ako saka sumubo muli ng lugaw. "Ano nga kasi?. sige ka!. Pag di mo sinabi.. sasabihin ko sa lahat dito na may gusto ka kay Bamby.."

Napigil sa ere ang aking huling subo. Nakayuko ako para diretso sana ang subo pero sa narinig mukhang hindi nainitan man lang ang tyan ko. Kumalam pa ito ng napakalakas, dahilan para lumingon sa gawi namin si Winly. Barkada ni Bamby!

Susmaryosep Jaden!!

"Anong sinabi mo!?.." kumakalabog na ang puso ko sa kaba. Natatakot sa huli nyang banta. Gagawin nya ba talaag iyon?. Teka!. Paano nya naman nalaman?.!

Tumataas baba ang dalawa nyang kilay ng mag-angat ako ng tingin sa kanya. Salubong ang kilay sa pagtataka. "Relax boy!!.. hahahaha.." nagagawa nya pang tumawa. Susmaryosep!. Sya kaya nasa posisyon ko!.

Pinanood ko lang syang pagtawanan ako. Iiling tapos tatanguan ako na parang humithit ng pinagbabawal na gamot. Baliw na yata!

"Wag ka ng magtanong pa.. halata kaya kita.. hahaha.." lalong nagsalubong ang makakapal kong kilay sa patuloy nitong pang-aasar.

Kailan nya rin kaya nalaman?. Paano nya nalaman?. Tsaka, ganun ba talaga ako kahalata?. Seryoso ba sy o pinagtritripan na naman nya ako?.Ang daming tumatakbo skaing isipan ngunit ni isa noon ay hindi lumabas dahil mabubuking lang ako kung itatanong ko ang mga iyon.

"Joyce, saan na si Bamby?. Jusko!. ang prinsesang iyon.. lagi nalang lutang.." dinig ko pang asik nitong si Winly sa kaharap na si Joyce.

"Gurl, iniwan ko sya sa room.. wait lang. balikan ko.." binuksan ni Winly ng napakalakas ang pamaypay nya saka buong pwersang pinaypayan ang sarili kahit may electric fan naman.sa taas nya. Di ko na ulit sya pinansin at ibinaling nalang muli kay Ryan ang paningin. Noon ko lang natanto na nakatitig pala sakin ang loko. Suot pa ang nakakalokong ngisi nito. "Bakit?.." I asked curiously.

"Sabihin mong di mo sya gusto?. Ipapaalam ko talaga sa lahat.."

"Tsk.. bat ba ang ingay mo?.." kulang nalang paikutan ko sya ng mata. Humagalpak ito ng tawa. Tapos na kaming kumain at pabalik na kami ng room. Hinila ko na. Baka, totohannin pa ang biro nya eh. Mahirap na!.

"Sabihin mo muna sakin. Gusto mo sya noh?.." pangungulit nya. Huminto pa kami sa gitnang daan patungong room para lang sabihin nya yun.

Luminga ako. Clear. Walang taong malapit samin. Humugot ako ng malalim na hininga bago namaywang. Kinakabahan talaga ako! Susmaryosep!!

"Fine.. oo na. Gusto ko sya.." mahina ko itong sinabi pero pakiramdam ko, dinig ng buong campus. Sikreto ko to na nabunyag. At sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako nagsabi ng totoo sa mga kaibigan ko. Ewan ko. Torpe nga talaga ako. Tulad ng kanilang bansag. Ayoko mang aminin. Pero sa pagdaan ng mga araw. Ramdam kong, totoo nga. Di lang ako torpe kundi napakalaki ko pang torpe.

"Anong balak mo ngayon?. sasabihin mo ba sa kanya?.." Mabilis akong umiling.

"Hindi ko alam. nahihiya ako.." totoong wala akong lakas ng loob na umamin sa harapan nya. Baka mautal lang ako o kumaripas ng takbo palayo sa kanya. Torpe nga ako diba?.

Pinanood nya ako ng bahagya bago nilapitan at inakbayan. "Tara na. Akong bahala.."

Habang naglalakad. Sinabi nya sakin ang kanyang plano. Papalabasin raw naming si Ryan ang may gusto sa kanya na ang totoo naman ay ako. Susmaryosep! Iniisip ko palang, parang mamamatay na ako sa kaba.

"Ano deal?.." tanong nya sakin. Tumango nalang ako. Wala akong masabi sa lakas ng pintig ng aking puso. Nakakabingi ito!

Sa bawat room na nilalampasan namin ay para itong may tunog ng piano. Habang papalapit kami, unti unting lumalakas ang tibok ng aking puso. Siguro kung may asthma ako neto. Baka nasa clinic na ako.

Mula sa malayo. Tanaw ko ang kalahati ng kanyang mukha. "Nasa pintuan sya boy.. mukhang hinihintay ka.. hahaha.." sa kaba ko. Siniko ko na lamang sya sa tagiliran nya. Umaray naman ito. Ginulo nya ang buhok ko. "Ikaw ang magsasabi ng, 'Bamby, may sasabihin lang kami', boy naririnig mo ba ako?." niyugyog nya ako. Nakatanaw kasi ako sa gawi nya. Kahit ilang kilometro pa ang layo nya. Ang ganda nya pa rin.

Kinutusan pa ako. Doon lang din ako nabuhayan.

Hanggang sa may room. Nagjoke pa sya dahilan para matawa ako kahit sobrang kaba na.

"Ready?.." siko nya. Huminto kami sa mismong harapan nya. Noong una, di nya kami tinapunan ng tingin pero ng di kami umalis sa harapan nya. Nagtaka sya siguro. Doon!. Susmaryosep!! Pati ang mga mata nyang agad dumapo sakin. Ang ganda! Bagay na bagay sa maliit at cute nyang mukha. Chinita!

Kunyaring naglinis ng lalamunan si Ryan bago ko ginawa ang plano. "Bamby, may sasabihin lang kami.." Susmaryosep boy!! Kaya mo yan! Wag kang mahimatay!

Nagbuga ako ng hangin sa aking isip sa tindi ng kaba.

"Bakit?.." medyo suplada nyang sagot. Tumaas pa ang pino ngunit makurba nyang kilay. Ang cute mo!

"Si Ryan... gusto ka raw nya..." di ko alam kung bakit ako natawa. Siguro para pagtakpan ang totoong nararamdaman ko nang makita ang reaksyon nya. Nagulat talaga sya at parang binuhusan ng malamig na tubig. Si Ryan yun ha?. Ako kaya, ganun din ba ang magiging reaksyon nya?.

Kung di pa ako hinila ni Ryan paalis sa harapan nya. Paniguradong, tatakbo na talaga ako. Diretsong uwi dahil sa hiya. Kahit di naman ako ang umamin, pakiramdam ko. Ako na talaga iyon. Ibang pangalan lang ang ginamit ko. Tsk! Torpedo ka talaga Jaden!

Ang akala ko. Ako itong patay na patay sa kanya. Iyon pala. Pareho kaming dalawa. And I'm so damn lucky dahil she crushed me back!

Hello guys!! This chapter is my gift to y'all. Alam ko kasing marami ang nabitin o nakulangan sa inyo kaya eto ang naisip ko. Hindi ko na kasi pwedeng pahabain pa yung kila Jaden at Bamby. Sinusungitan na kasi ako ni Lance. Ang tagal raw ng lablyp nya. Nababagot na raw sya.. Hahaha.. Hope you liked it! Please keep supporting my next story. Thank you! Godbless!

Chixemocreators' thoughts