webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 95: Little secret

Tumakbo ako papasok ng bahay nung hindi ko na matanaw ang kotseng sinasakyan nila. Kinuha ang gift at umakyat patungong kwarto. Ano kayang laman nito?. Umupo ako sa aking kama habang pinupunit ang papel na nagiging harang para makita ko kung anong laman sa likod nito. Hindi pa nangalahati ay may hula na ako kung ano. Sa size palang ng box na rectangular square. Alam ko na. Isang cellphone ang regalo nya. Damn!. Mukhang mamahalin pa dahil sa brand nito. iPhone dude!.

Bakit kaya mamahalin pa binigay nya?. Okay lang naman kahit Android phone . Gumastos pa sya. Nilagay ko ang battery at binuhay Ito. Habang hinihintay ang pagbukas nito. Hinanap ko yung sinasabi nyang letter. Nasa loob pala ng box. Stationary pa ginamit. Nilapag ko ang cellphone at binasa.

"Dear Bamby, siguro sa oras na ito nasa airport na kami. haha.."

"Gago. Ang sabi nya, bukas pa ng hapon ang alis nila. Bakit naiba dito?.." di ko maiwasang murahin ang kanyang sulat kamay. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

"Nagtataka ka siguro noh?.. hahahaha.. Yeah I lied. Sorry bout that. Ayaw lang kitang makitang malungkot kapag andyan ako sa tabi mo. Gusto ko yung ngiti mo. Yun ang nagbibigay ng lakas sakin para umalis. Not I mean, iwan ka, Kung may choice nga lang ako, hindi ako sasama sa kanya eh. As if may magagawa naman ako kung tatanggi ako kay kuya eh sya yung nagpapaaral sakin. Kaya sinabihan ko sya na sabihing bukas pa ang alis natin dahil baka malungkot ka. Umiyak ka. Ayokong makitang umiiyak ka eh. Parang ako ang nasasakatan sa bawat patak ng iyong luha. Kaya don't cry, okay?. kilala pa naman kita. Baka umiiyak ka na ngayon. Tumulo pa sipon mo...hahaha peace.. love you."

"Gago ka talaga Ace.." sambit ko sa kaabnormalan ng sulat nya.

"Eto pa. Diba tinanong mo ako one time kung may babae ba akong gusto?. Kasi ang sabi mo wala kang narinig na nagustuhan ko diba?. Tinukso mo pa nga akong bakla noon grabe ka talaga sakin. So judgemental. hahaha.. Kung alam mo lang Bamby. Kaya mo ata natanong ito dahil nacurious ka. Hahaha.. But then, anong sinagot ko sa'yo?.. " tanong nya sakin gamit ang sulat. Na sinagot ko naman. Parang nasa harap ko lang sya. Nakikita ang hindi kumukupas nyang ngiti. "Malalaman mo kapag binigyan ko sya ng cell---!.Oh my God!...." natakpan ko agad ang aking bibig dahil sa nalaman. Di ko mapigilang umiyak.

Damn you Ace!. Bakit?. Bakit ako pa?..

"Alam mo na ang sagot dun diba. hehehe.. Oo, Bamby. Gusto kita. Matagal na. Pero dahil magbestfriend tayo. Ayokong layuan mo ako dahil lang sa nararamdaman ko para sa'yo. Kaya itinago ko sya para hindi ka mawala sa akin. Kaya kahit masakit. Kahit masakit ang makitang kang masaya sa iba. Hinayaan na kita dahil alam kong mas sasaya ka sa kanya kaysa sa akin."

Hell shit!. Is this farewell letter Ace?. Ang oa mo ha!..

"Ace naman eh.." punas ko sa luhang ayaw paawat sa pag-agos. Kaya ba, hindi ka nagpakita sa canteen at sa math park dahil nasasaktan na kita?. Oh Damn!. Bakit hindi mo sinabi kanina?. Bakit Ace?..

"Stop asking. I know you.. Hindi ako nagpakita sa'yo sa school dahil baka magbago lang ang isip kong umalis. Yun ang pinakaayaw kong mangyari. Alam ko sa sarili ko na hindi kita kayang iwan. Kaya nga ako umuwi mula Australia eh. Para makasama ka. Para makita ka. Para sa ngiti mong kayganda. Na parang dyamante kung kuminang. Pero sadyang ayaw nga talaga ng tadhana sating dalawa. Dahil pilit tayong nilalayo sa isa't isa.. Ganunpaman, masaya ako dahil hanggang ngayon magbestfriend pa rin tayo. Sinabi ko lang na gusto kita para malaman mo. Ayokong mag-assume dahil alam ko naman na may iba nang nagmamaya-ari ng iyong puso. Wala na akong laban kahit makipaglaban pa ako. Dahil sa kanya palang talo na ako. Kaya hiling ko, sa pag-amin kong ito. Kahit kaibigan lang Bamby, kuntento na ako. Ikaw lang, sapat na.. hanggang dito nalang. mukhang mahaba haba na eh. ang dami mo ng tissue na nagamit.. Wala pa naman ako dyan para punasan yang luha mo. hahaha.. Take good care yourself okay?. Love you bestfriend.. Can I still be?. Call me if you say yes.. Your bestfriend. Ace Agatep. Double A for short. Bye.."

Nanginig ang kamay kong kinapa ang cellphone saka hinanap ang numero nya dito. Nafeel kong sinave nya sa cellphone ang kanyang number eh. Sya pa.

Isang ring lang, sinagot na nya. "Hahaha.. thank you.." halakhak nya ang bumungad sakin. Habang tumatawa sya, ako naman ang lumuluha para sa kanya.

"Ace..." tanging pangalan nya lang ang nasambit ko. Sa dami ng nasa isip ko, Yun lang ang kaya kong sabihin.

"Thank you Bamby. Ito lang ang hinihintay ko.."

"Bakit Ace?. Pwede bang wag mo ng uulitin yun?.." tinawanan nya na naman ako. Sarap nyang batuhin ng bato para pigilan sa kanyang pagtawa. Umiiyak na nga ako dito eh.

"Hindi na talaga mauulit yun. Bestfriend kita eh.."

"Ang sama mo talaga.." sabay punas ng luha saking mata.

"Hahaha.. I know. Mamimiss kita Bamby. Sana nagustuhan mo yung gift ko.. I have to go now. Paboard na kami. Bye Bamby..."

"Bye Ace.." paalam ko pero binabaan nya na ako ng telepeono.

Alam ko kahit tumatawa sya. Nasasaktan ko pa rin sya. Anong magagawa ko kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya?. Wala akong kapangyarihan para diktahan ang puso ko sa kung sinong gugustuhin nya. Kung pwede ko lang pagsabayin ang magmahal ng dalawa. Siguro matagal ko ng ginawa. Pero hindi ko kayang gawin yun sa kanya. Di ko sya kayang saktan. Pero unfortunately, nasaktan ko na sya. Oo. Alam ko ang pakiramdam na hindi ka gusto ng taong gusto mo. Mahirap umasa. Mas lalong mahirap maghintay. Kung may mahika lang ako na pwedeng gamitin para mawala ang sakit na nararamdaman nya ngayon, hihilumin ko sya.

Mahirap kayang manakit ng damdamin ng ibang tao. Lalo na kung malapit pa sya sa'yo. Mahirap.