webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 91: Dream come true

"Aray. masakit na pre.. ano ba!?." pinagsasapak nya sina Aron at ang iba pa nyang kaibigan. Tinatawanan lang nila ang ginagawa nya.

"Pakiulit nga yung sinabi mo dun sa chic kanina?. Taken na ako. Hanap ka nalang ng iba?. Tangina!. Ang gwapo mo pre...hahah-aray!.. hahaha.." mabilis tumakbo si Bryle palayo sa kanya. Nagdirty finger pa kay Jaden. Damn it!!. I should move. And get the hell out of here.. Hindi pa nawawala ang init saking psingi. Sabog na sabog ang puso kong nagwawala sa saya nito. Nagpaulit ulit saking pandinig ang sinabi nya dun sa babae na taken na raw sya at ako?. Fck!.. Really?..Ako ang tinutukoy nya kung bakit di na sya available.. Grabe!. Ilang minuto rin akong hindi nakalanghap ng normal na hangin dahil sa presensya nya. At take the note!. Yung yakap at haplos nya. Damn!. That was... ugh!. fiery hell.. down to mine..

"Mga gago kayo.." suway nya sa mga ito. Humagalpak lang sina Billy.at Ryan sa pagmumura nya.

Damn!. Di ko rin mapigilang magmura. Ang makita syang nagmumura ay parang isang anghel na namuhay sa nagliliyab na ilalim ng lupa. Muling lumipad at naging malaya.

Mabuti nalang at umalis na rin ang mga nagkumpulan sa paligid namin. Nagcongratulate sila samin kahit hindi naman kailangan. Goodness Bamby!. Go home now!. Kung marinig ng kuya mo yan?. Ano nalang?. War na naman kayo?. Kagat ang labing huminga ako ng malalim. Medyo may hangin na akong nalalanghap.

"Ayiee!. narinig mo yun gurl?. kayo na pala eh. Tas makadeny ka...ugh!. sarap tuloy guntingin yang buhok mo.." irap ni Winly sakin.

"Whatever Winly!.." nag-walk out ako sa harapan nya. Ang mga lalaki. Hayun sa gilid pa rin. Inaasar sya.

"Uy. Eto naman. di na mabiro. Karen. Sa math park.." hinabol nya ako hanggang room matapos iwan si Karen sa canteen.

"What?!.." pagtataray ko kay Winly na nakatayo sa gilid ko. Nagpapaypay. Nilabas ko ang panyo saka pinunasan ang aking noo. Pawisan sa mga nangyayari.

My God!. Totoo po ba yung narinig ko mula sa kanya?. Si Jaden Bautista?. Sinabi sa lahat na kami na. Parang hinidi parin ako makapaniwala sa iniisip ko. Paanong nangyaring ganun nalang bigla?. Suskupo Bamby!.

"Hot seat ba?..haha.. ganda mo kasi eh.." pang-aasar pa nya. Inikutan ko lang sya ng mata na binulungan lang ako ng 'ang arte'.

Suskupo!..

"Wag mo ng dagdagan.." hiling ko dito.

Kinindatan nya lang ako.

"Hindi ko naman dinagdagan ah. Gusto mo bawasan ko talaga yang buhok mo?.." ngising aso ng bakla. Binato ko sya ng panyo saka lumabas. Crazy!..

"Guys. we are free now. Pwede nang umuwi. May general meeting ang mga guro.." anunsyo ng class president namin. Sinalubong ako. Tinapik pa ang likod ko. Kaya napalingon ako sa kanya.

"What?."

"Congrats.. I heard.. my God gurl.. too lucky.." Anya saka ako nilayasan.

O. M. G.. Surely. Alam na ni kuya ang nangyari. Damn it!. Magwawala yun mamaya..

"Te san ka pupunta?.." hinabol ako ni Winly. Si Karen. Ewan ko kung saang lupalop sya.

"Bibili. Nagutom ako bigla..." noon ko lang narealize na gutom pala ako nung umupo ako't magpunas ng pawis kanina. Yung pawis ko, ang lapot. Parang dugo, na iisa lang ang tinitibok nito. Bawat pintig. Jaden. Bawat pilantik. Jaden. Bawat tibok. Jaden. Gosh!. You're not even obsessed Bamby huh?. Calm your mind and get your stomach first. You little freaking crazy..

"Kung ganun. Sama ako.." hinila na nya ang aking braso. Ngunit hindi sa canteen kami tumuloy kundi sa math park.

May ilang sementong upuan at lamesang may sulat ng graphic design. Yung about x and y?. That. May halaman sa gilid ng upuan. Bermuda grass na ang pumupuno sa bawat sulok.

"Winly, gutom na ako. Math park to hindi canteen---.."

"I know gurl.." sabay tulak nito sakin sa loob. Saka nilock ang pintuang bakal.

Shet!. Anong kakainin ko dito?. Di naman ako kabayo para kumain ng damo. Etong puso ko lang ang parang nakipagkarera sa kabayo. Ang bilis ng takbo.

"Hoy Winly!.." tawag ko sa likod nyang papasok na ng gym. Pakendeng kendeng pa. Damn ass!.. Tanaw ko ring andun na sina Karen at ang buong barkada ni Jaden na nag-aapiran.

"Bamby..." This. I knew it!.. Una palang alam ko ng may binabalak na sila samin. I knew it!.

Yeah right!.

Kahit sobra na ang aking kaba. Pinilit kong humarap sa gawi nya. Damn this feeling!. I feel like I'm floating!.

"Dito ka na muna. Makakalabas din tayo. Pagbigyan muna natin gusto nila." iminuwestra nya ang kaharap na upuan.

Kumurap kurap ako. Nag-iisip. Should I stay or seek some help?. Don't know what to do. Can't think straight. His eyes are hypnotizing me. Dictating what should I do..

Di ko namalayang nakaupo na ako sa kanyang harapan. Walang kamalay malay. Pareho lang kaming nakatitig sa mata ng isa't isa. Gosh!. Am I dreaming?.. Wake me up. Call my name baby and save me from the dark..

"Bamby.." there. He said it. Finally I woke up with his deep voice.

Kumurap ako at hinilamos ang mga palad sa mukha. Nahihiya sa kanya.

"Hahaha.. anong ginagawa mo?.." inilingan ko lamang ang kanyang katanungan. Ayokong makita nyang sobrang pula ng mukha ko kapag kaharap sya. Hell shit!.. I want to run. Away from him. Far away.. But No!. I won't do that. He's my Jaden and I don't want him to feel alone because I was too dumb to face him.

"Nahihiya ka na naman.." Anya. At ramdam kong tumabi na sya sakin. Ampusa!.. Breathe Bamby..

"Bamby... Yung tungkol kanina..." tawag nyang muli.

"Okay lang Jaden." putol ko sa sasabihin nya.

"Okay lang sa'yo yung sinabi ko?." nagugulat nyang tanong kaya napaangat ako ng tingin dito. Nakataas ang kanyang kilay.

"No. I mean--.." nag-isip ako ng maayos na paliwanag pero inunahan nya ako.

"Yeah. I'm sorry. I didn't mean to say that..." Anya. Ngayon. Bigla kong naramdaman na bumagsak ang balikat ko. Parang nadaganan ng mga semento.

"Yeah. I know right.." bulong nalang ito dahil nawalan ako ng lakas. Nagbaba ako ng tingin.

"No Bamby." hinawakan nya ang aking baba. Inangat para magpantay ang aming paningin.

"Ang gusto kong sabihin. Hindi ko sinasadyang sabihin yun sa lahat ng tao. Pero ... yung mga sinabi ko... totoo lahat ng yun... para sa'yo.." hinaplos nya ang pisngi ko ng dahan dahan.

"What should I do to keep you?.." Anya saka dinikit ang kanyang noo sa noo ko.

Gosh!. If this is a dream. Don't dare wake me up!.