webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 80: One hour

Hours later. We attended the mass. With Joyce. Sa Divine Chapel dito lang sa subdivision. Malapit nang matapos ang misa ng kalabitin ako ni kuya Lance. Sya ang nasa kaliwang gilid ko. Tapos sa kanan ko ay si Joyce tapos si Mama then kuya Mark.

"Anong gift mo kay kuya?." bulong nya sakin. Nakatayo na kami para sa huling parte ng misa. Hinayaan ko munang tuluyan matapos saka sya sinagot. Nagmano muna ako kay Mama bago bumaling na sa kanya. Nakayuko na ito at inaayos ang maayos naman nyang buhok. Pagwapo lang. Suskupo!..

"Wala pa eh. kkaw?. May gift ka na?.." nag-angat sya ng tingin. Pinasadahan nya pa ulit ng kamay ang kanyang buhok. Feeling talaga neto!. Sino kayang pinopormahan nya dito e simbahan ito?. Talaga naman!.

Tinuro nito ang kanyang palapulsuhan.

"What?!.." Hindi ko makuha sinasabi nya. Ampusa!. Bat di nalang kasi sabihin.

"A watch.." anya. Saka tinalikuran ako. Pumunta sa isang kaibigan na naispatan nya.

Si kuya naman, nakikipagtawanan na sa ibang kakilala. Kaming tatlo, naupong muli. Lumuhod muli si Mama. Habang kami ni Joyce ay nakaupo lang.

"Mall tayo mamaya ah.." bulong ko sa kanya.

"Bakit?.."

"Bili lang ako ng gift ni kuya. Mapilit e.." buntong hininga ko.

"O e bat mukhang ayaw mo?.." nagtataka sya sakin.

"Tsk. Hindi naman sa ayaw. Nagtitipid kasi ako e..."

"Loko. Kuya mo yun. Kaya kahit gumastos ka pa ng malaki. Dapat lang may regalo ka sa kanya.."

"Yun nga e. Ayokong gumastos ng malaki. haha.."

"Kuripot mo talaga.. gumastos ka rin kahit minsan lang. Hindi yung puro ipon.."

"May pinag-iipon nga kasi ako."

"E di mag-iipon ka ulit after. Alam mo, habang andyan ang taong mahalaga sa'yo. Pahalagahan mo. Para wag mong pagsisihan sa huli kapag wala na ito.."

"Ang lalim mo naman. Gift lang sinasabi ko e.." nguso ko sa kanya.

"Hahaha..Alam mo kasi, ngayon ko lang narealize ang mga bagay na nawala sa akin." parang piniga ang puso ko sa kanyang sinambit. Mababasa sa kanyang mata ang lungkot, sakit at panghihinayang. Hindi na ako magtataka pa. May pinagdadaanan pala sya ngayon. Sana maging okay na rin sya sa lalong madaling panahon.

"Everything wil be okay. Okay?. Just trust Him. Wag kang manghinayang sa mga bagay na wala na sa'yo. Malay mo, may parating na bago na mas malaki pa sa nawala sa'yo.."

Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga sinabi ko. Nagtaka nalang ako na lumabas na ito sa bibig ko. Ganun pala no. Kapag yung taong kausap mo ay may malalim na pinagdadaanan, mararamdaman mo nalang.

Yumuko sya bago nagsalita. "Sana nga.." malungkot nyang ngiti sakin.

"Claim it Joyce. Soon you'll have it.."

"Salamat talaga. Hindi ko na alam ang gagawin kung nasa malayo ka na.."

"Eh. Basta. Hanggat andito pa ako. Mag-enjoy nalang tayo ha.. Saka ka na mamroblema. Akong bahala sa'yo.. Okay?.."

Matagal syang tumitig sakin bago tumango.

Matapos magdasal ni Mama, naupo muli sya. Kaya kinalabit ko ito sa pagitan namin ni Joyce.

"Ma.."

"Hmm?.." habang binubuksan ang kanyang bag.

"Punta kaming mall. Pwede?.."

"With?.." tinaasan nya ako ng kilay. Nasa loob pa rin ng bag ang tingin.

"Joyce po.. Bili akong gift para kay kuya.." tinignan nya si Joyce.

"May pera ka?.."

"Yes po.." nilabas ko ang isang libo at pinakita sa kanya.

"Idagdag mo na to." sabay abot ng maliit na brown envelope.. Yahoo!.. Amen!. Save my money. Yeah baby Jaden!. Oh damn!. Kagat labi kong kinuha ang inabot nya dahil sa gustong isigaw ng aking isip. Pusa ka rin Bamby!.. Hehe..

"Ang dami nito Ma.." sampung libo dude!.

"Pinapabigay ng papa mo yan sa'yo. It's yours. Bahala ka kung saan mo ibibili." Holy cow!. Really.. Mukhang makakabili na rin ako ng cellphone ko. At matetext sya. Damn your assuming heart again Bamby!..

"Thank you Ma.." tumayo ako't niyakap sya..

"You only have 30 minutes Bamby.." mabilis akong kumalas ng yakap sa kanya.

"A what Ma?.. 30 minutes?. Suskupo!. Baka hindi pa kami nakakarating. Uuwi na rin kami kaagad dahil sa oras. Ganun po ba?.." humalakhak sya. Namaywang ako sa harap nya. Magbibigay na nga lang ng oras ko. Kaunti pa. Ang unfair lang.

"One hour..is okay.."

"Pero Ma?.."

"One hour Bamby.." pinandilatan nya ako. Great. Really great.

"Paano kami makakapili kung isang oras lang?."

"Ang dami mong reklamo?. Isang oras o wag ng pumunta?.." taray nya. Yeah right!.. Nagtaray na sya. No choice but to choose to shop in just an hour. Grabe!. Hindi naman ako si Superman para mabilis bumili. Suskupo!.. Umoo ka nalang Bamby para mabilis.

"Okay po. One ho--ur.." sinadya kong pahabain ang huling salita ko. Para dagdagan nya pero tinalikuran nya na ako saka kinausap ang kumpulan ng mga kapatid ko.

Haist!. Whatever Bamby. You go now. Para mabilis kang makabalik.