webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 72: Shooting Stars

Flashback 2.0

Gabi nang birthday ni Niko. Umakyat kami sa bubungan. Doon kami umupo kahit na ang iba ay nagkakantahan at nagsasayawan pa rin sa baba.

"Anong sinabi ni Niko sa'yo kanina?.." tanong nya patungkol sa ibinulong ng kanyang kapatid. Humingi sya ng regalo pero hindi ako nakapagdala dahil biglaan lang din akong sumama sa kanya. Sa sobrang saya kong umangkas sa kanyang motor. Nakalimutan ko na kung anong dahilan kung bakit ako sumama sa kanya. Mabuti nalang at nawala agad sa isip ng bata. Naguilty ako. Kaya kinaumagahan, pinuntahan ko ulit sya at binigyan ng bolang gusto nya. Gusto nya raw gayahin ang kuya nyang magaling maglaro ng basketball.

"Naisip kong bilhan nalang sya ng bola bukas.." nahihiya kong sambit. Kinuha nya yung flashlight sa kabinet na nasa loob ng kanyang kwarto bago umupo saking tabi. Pinailawan nya iyon. Pero pinatay rin agad. Bahagya pa akong umusog palayo sa kanya dahil pakiramdam ko. Napapaso na ako sa sobrang lapit nya. Kung kandila lang siguro ako. Kanina pa ako tunaw. Ganun ang epekto nya sakin. Nakakalusaw.

"Pati rin ba ako?.." nagulat talaga ako sa sinabi nya. Damn boy!. Seryoso ba sya?..

Natulala ako sa mukha nyang malaki ang ngiti. Nakaside view sya sakin pero kita ko kung paano nakaukit ang maganda nyang ngiti na naiilawan sa liwanag ng bilog na buwan. Sa langit na madilim sya nakatanaw. Ngunit ako, sa kalahati nyang mukha nakatingin. "Gu-gusto mo rin ba?.." uutal utal ko pang tanong.

My goodness Bamby!!..

Lumingon sya sakin ng nakangiti. "Oo naman.. Basta galing sa'yo.. lahat gusto ko.." ipinatong nya sa mga tuhod ang dalawa nyang braso at doon pinahinga ang baba habang nakatitig sakin.

My goodness!.. Anong ginagawa nya?. Mamamatay yata ako sa kilig ngayon.

Kyaaaa!..

"Birthday mo ba?.." Wala sa sarili kong bulong. Duon naman sya humagalpak ng todo. Sobra akong natigilan sa mata nyang biglang nawala. Mas gwapo sya kapag tumatawa. Gosh!. I love you!..

"Ahahahaha.. ikaw talaga.. ang cute cute mo.." umurong sya ng kaunti sakin bago ginulo ang aking buhok. "Joke ko lang.. hahaha.." dugtong nya.

Matapos nyang tumawa. Nilamon na kami ng nakakailang na katahimikan. Muntik na akong nabangi. Kundi lang sa videoke na maingay. Pakiramdam ko. Bingi na ako. Kanina pa ako tahimik. Marami kasing gumugulo saking isipan kaso wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya.

Sa haba ng dumaang katahimikan samin. Inabala ko nalang ang aking sarili sa mga talang kumikinang. Maghihintay nalang ako ng shooting star. Tutal andito naman kami sa may bubong. Abot kamay na namin pag ganun. Kating kati na akong magsalita. Magtanong o magsabi na may gusto ako sa kanya. Subalit, nauunahan pa rin ako takot at kaba.

"Bamby.." basag nya sa nagyelong pader samin.

"Hmmm?.." mahina kong tugon. Biglang kinabahan.

"May tanong sana ako.." anya. Lalo akong nilamon ng kaba. Suskupo!. ano kayang sasabihin nya?.

"Ano yun?.." sagot ko. Sabay pa kaming tumingin sa isa't isa. Kinabahan ako ng sobra. Hindi normal na kaba. Hindi normal na kilig. Basta kaba na di ko maipaliwanag.

"Naniniwala ka ba sa love at first hear?.." di ko agad naintindihan ang lahat ng sinabi nya. What? Love at first hear?. Seryoso ba sya?..

"May ganun ba?.." hindi makapaniwalang tanong ko. Parang ngayon ko lang narinig ang bagay na iyon. So rare. Tumango sya habang muling tiningala ang mga bituin. "Meron.. ako.." maikli nyang sagot.

"Ano?!.."

"Hindi ka maniniwala.. " iling nya. Kaya umiling din ako kahit hindi sya nakatingin sakin.. Hindi nga ako naniniwala.

"Hindi talaga.. ngayon ko lang kasi narinig iyon.."

"Sakin.. hindi na bago iyon.. sa ganoong lagay kasi ako nahulog sa isang tao.." nakagat ko ng mariin ang ilalim ng aking labi. May parte sakin na ayaw nang marinig ang kwento nya. Ngunit, lamang pa rin sakin ang gustong tapusin kung anuman ang sasabihin nya. Masaktan man ako. Okay lang. Marinig lang ang kwento nya.

"Noong bata ako.. may batang babae akong nakita... unang tanaw ko palang sa kanya, nakabusangot na... maganda sana sya kaso hindi ngumingiti.. ngunit nang kausapin nito ang kanyang kapatid..tumigil bigla ang paghinga ko. hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko.. di ko makuha kung bakit ako ganun tuwing nagsasalita sya.. parang musika ang kanyang tinig.. gustong gusto kong pakinggan..matagal bago ko napagtanto na.. gusto ko na pala sya.." hirap akong tumango sa kanya.

"Ang swerte naman nya kung ganun.. kakaiba mo sya nagustuhan.." may bahid na ng luha saking mata. Tumingala ako upang pigilang mahulog ito.

"Hmmm... gusto mo bang malaman kung sino sya?.." tanong nyang muli. Pinagpahinga ko ang aking baba sa mga braso kong nakapatong sa magkadikit kong tuhod.

Mukhang ayaw ko nang tapusin pa ang buo nyang kwento. Wala pa nga syang sinasabi. Naiiyak na ako. Ano nalang kung banggitin na nya ang pangalan ng babae?.. Tsk. Hirap nun. Double kill.

"Kahit wag na..Uy!. Shooting star!.. magwish tayo!..." tinuro ko yung bulalakaw na dumaan saka pinagdikit ang mga palad bago pikit matang humiling.

Hinihiling ko na sana ako yung babaeng tinutukoy nya. Sana, ako nalang ang gusto nya. Taimtim ko ito ibinulong.

"Anong hiniling mo?.." tanong nya sakin matapos kong humiling. Huminga ako ng maluwang. Tiningala ang kalangitan na puno ng mga tala bago sya sinagot. "Wish ko.. sana maging masaya tayo pareho.." nginitian ko sya kahit mahirap. "Ikaw?. Anong wish mo?.." balik tanong ko.

"Sana, magustuhan rin ako ng babaeng gusto ko.." malayo ang kanyang tingin.

Tumango tango ako sa kanya. Sana ako nalang yung wish nya. Sana hiniling nya ring maging kami nalang. Para matupad yung sinabi kong maging masaya kami pareho.

Huli ko nalang narinig yung babaeng gusto nya. Yung babaeng nasa kanyang kwento. Hinayaan nya muna akong umalis at bumalik bago nya inamin na ako nga iyon. Hay naku!. Kahit kailan talaga ang kabagalan nya.

Naglakbay muna ang bulalakaw bago nya kami hinayaang magtagpo. At maging masaya sa piling ng isa't isa.

Hindi ko aakalain na matutupad ng maaga ang aking hiling.

Kaya ngayon. Hihiling muli ako sa bulalakaw. Na sana, gumising na sya. Na sana, wala syang amnesia. At sana, gusto nya pa ring marinig ang boses ko. katulad nung dati..