webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 7: Her smile

Alas kwatro ng madaling araw. Bigla akong nagising. Pakiramdam ko. Nanaginip ako pero di ko na matandaan. Hinanap ko si ate. Andun sya sa may sofa. Nakahiga ang kalahati ng kanyang katawan subalit ang paa'y nasa sahig. Ang hirap ng ganung posisyon. Paniguradong masakit likod nito mamaya. Tahimik kong inalis ang kumot saking paa, maging ang paghila ko sa may stand ng dextrose ay dahan dahan. Naglakad ako papunta sa gawi nya.

"Sigurado akong masakit likod mo neto.." bulong ko sa sarili habang nilalagay ang kumot sa kanya. Mapait akong ngumiti saka naglakad papasok ng banyo.

Ano kayang ginawa ni Bamby kahapon?. Bakit di na nya ako pinuntahan?. Aware ako sa mga ginawa ko noong nakaraang araw. Masyado nga iyon. Sumobra ka nga Jaden. Ngayon ko lang natanto gayong tapos ko ng ginawa. Nasa huli pala talaga lagi ang pagsisisi. Sana, hindi nya ako sukuan. Sana, di nya rin ako iwan. I wish that she'll still hold on to me. Not leaving me even if I'm this naive. Takot ako mamaya pagkasikat ng araw. Baka di na nya ako puntahan o dalawin man lang. Kapag nangyari iyon. Laking talo ko. Higit pa sa loto.

Naglakad ako't lumapit sa may bintana. Mahina ang hilik ni ate na pati ang tunog ng tsinelas ko ay aking naririnig sa sobrang tahimik. Hinawi ko ang medyo kulay abo at mahabang kurtina. May tali sa gilid nito kaya itinali ko na rin. Noong matapos kong ayusin ang kurtina. Tumambad sakin ang madilim pang kapaliguran. May mga bituin pa sa kalangitan. Iilang ilaw sa kabahayan. Maging ang buwan ay buo rin. Kumikislap sila na parang mga bombilya. Tiningala ko sila at kinausap na para bang ibibigay nila sakin ang sagot na gusto kong marinig. "Bakit sya pa ang nakalimutan ko?.."

Bakit sa dami ng tao sa buhay ko, sya pa ang nawala sa alaala ko?.

"Hindi mo sya nakalimutan. andyan pa rin sya sa puso mo.. kailangan mo lang itong hanapin.." bigla ay narinig kong sagot sakin ni ate. Noong lumingon ako sa kanya. Tulog naman sya. Di kaya nagsleep talking, o baka naman, di talaga sya tulog?. Nagpapanggap lang?.

"Ate?.." nagtataka kong tanong dito. Hindi sya gumalaw o umungol man lang. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa mata nyang nakapikit. Ganun pa rin ang ayos nya. Hindi nagbabago. Kahit ang kanyang hininga'y mahinahon pa rin. Tulog nga talaga sya.

Hinayaan ko na lamang sya para makapagpahinga pa ng husto. Pagod sya at tulog nga ang kailangan nya. Di nya man sabihin saking napapagod na sya. Ramdam ko iyon.

Bumalik muli ako ng higaan at muling natulog. Hindi na nawala sakin ang imahe ni Bamby. Sya na ang tumatakbo sa isip ko simula pa kahapon.

"Masaya akong bumalik ka.." dinig kong bulong ni ate sa di kalayuan. I wonder kung sinong kausap nya.

"Hehe.. opo ate. Pasensya na. sinamahan ko si kuya kahapon kaya di na ako nakabalik dito.." biglang may nagliwanag saking mundo ng marinig ang boses na yun. Bumalik nga sya!. Bamby! Gusto kong tumalon sa kama papunta sa kanya para bigyan sya ng mahigpit na yakap. Gusto kong tumakbo papunta sa kanyang bisig pero susmaryosep! Nahihiya ako. Naduduwag ako. Puro lunok nalang ang nagagawa ko sa pagpipigil ng totoong nararamdaman ko.

"Mabuti.. alam mo.bang hinanap ka nya?.." kumalabog ang puso ko sa rebelasyon ni ate. Susmaryosep!!

Wala akong narinig na naging tugon nya. Siguro nagtaka o nag-isip sya kung bakit ko sya hinanap. Excited akong marinig ang maging sagot nya pero... wala. Wala talaga. Dismayado akong huminga ng lihim sa ilalim ng aking pagkakahiga.

Siguro nga. Nasaktan ko sya ng higit pa sa iniisip ko. Di nya nasagot si ate eh. Malamang, hirap syang kumpirmahin kung natuwa ba sya o hinde.

Kailangan ko talagang humingi sa kanya ng tawad kahit di nya ako kausapin. Bigyan nya lang ako ng tamang oras para makapaghanda. Wala pa akong lakas para salubungin ang ngiti nya.

Nakatagilid akong nakahiga. Nakapikit pero hindi naman totoong tulog. Naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko. Alam kong sya iyon dahil sa gamit nyang pabango. Naaadik ako. "Hinanap mo ba talaga ako?.." isang haplos ang iginawad nya saking likod na nakapagpatayo sa lahat ng natutulog kong balahibo.

Hindi lang isa ang binigay nya kundi marami pa. Lumipat sa braso ko saka huli saking ulo. "Natutuwa ako dahil hinahanap mo na ako.."maging ako ay natuwa sa sinabi nya. Malaking bagay pala iyon sa kanya. Lihim akong ngumiti. Segundo lamang. Baka makita nila. At aaminin ko ring. Higit rin ang dulot ng prensya nya sa akin. My heart's jumpiing with joy. Celebrating her presence.

Iyon lamang at umalis na sya. Gabi ay nakangiti akong kumain kahit walang lasa ang pagkain. "Mukhang masarap tulog mo ha?.." tukso sakin ni ate. Nginisihan ko lamang sya saka inalok ang pagkain na nasa aking harapan. Umiling sya't ipinakita rin ang pagkaing nasa kandungan nya. Binili nya ata.

"Bilisan mo nang magpagaling para mas lalo kang kiligin.." kindat nya pa sakin bago nagpatuloy sa pagkain.

Di ba dapat ako ang nagpapakilig?. Bat baliktad ata sinabi nya?.

Alas dos ng hapon ay naalimpungatan ako sa langitngit ng pintuan. Idinilat ko ng mabagal ang aking mata. At tumama agad sa likod ng isang pinong babae. Mahaba ang buhok. Suot ang shorts na maiksi at maluwag na damit. Alam kong sya to!. I felt it!

Isang ngiti agad ang iginawad nya sakin nang magtama ang aming mata. Her genuine smile that makes my heart flutter. Imbes magsalita sya. Mas pinili nyang kawayan ako habang suot ang magandang ngiti. Lumitaw ang nagtatago nyang dimple. Lumiit ang maliit nyang baba na mas lalong bumagay sa kanyang magandang mukha.

Isang maliit na tango at totoong ngiti ang iginanti ko sa kanya. This is how you should do Jaden. Be kind always.

"Gutom ka na ba?. May dala akong pagkain.." tapos itinaas nya yung dalang basket. Hindi ko iyon napansin kanina. Masyado akong nasilaw sa suot nyang ngiti.

Sabay kaming kumain. Hindi kami nag-usap pero atleast may improvement. Di ko na sya pinalabas o sinigawan. Normal lang ang lahat samin. Pero itong puso at isip ko. Kanina pa ako binabaliw kakaisip sa kanya.

Sana. Sa tamang panahon. Bumalik na ang alaala ko. Kasama sya

Pambawi sa di ko pag-update kahapon. Enjoy!! ??

Chixemocreators' thoughts