webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 67: Sad reality

Kung noon, sya ang unang kakawit sakin. Ngayon, ako naman. Bumaligtad na kasi ang mundo namin. Noon sya yung masaya, nakangiti lagi. Konting kibot, hahalakhak. Pero ngayon, laging kunot ang noo. Seryoso ang mukha at laging may luha sa kanyang mata.

Nakakaawa.

"Anong nangyari sa pisngi mo?.."

Nginitian nya lang ako.

"Sinampal, sinapak, sinuntok?.. ano?.." tanong ko. Akay pa rin sya papuntang clinic.

Mga ngiti. Yan ang tanging sagot nya sakin. Daig pa nya napipi. Damn!. Anong ginawa ko at di ko napansin yun sa kanya?..

Mabuti nalang at nasa harapan na kami ng clinic dahil muntik pa kaming matumba. Natisod ako bigla dahil sa dalawang matang kanina pa nakamasid sakin. Hell shit!.. Sabi ng huwag akong lapitan e, Ang tigas talaga ng ulo ng loko.

"Oh, anong nangyari sa'yo hija?.." tanong ni Nurse Jen. "Upo ka dito.. gagamutin kita.." umupo sya sa isang upuan na parang higaan.

Kalahating minuto nya nilinis ang mga sugat ni Joyce. May mga pasa Ito sa braso at binti. "Okay na.. tsaka. eto inumin mo ito bago kumain para di kumirot yang pasa mo ha.."

"Salamat po Nurse Jen."

"Walang anuman. Ingat ka." inakay ko muli sya palabas ng clinic.

"Sa canteen muna tayo. Gutom na ako e.."

"Sige.." medyo masigla na nyang sagot.

Hanggang canteen, nakasunod pa rin sya. Wala ba syang pasok?. Suskupo Ace!..

Pinaupo ko muna sya bago ako umorder. "Dalawang rice with chicken. Dalawang burger. Dalawang large fries at dalawa ring orange juice.. thank you.."

"Bamby.." Ang kulit mo Ace.

Hell shit!..

"Ace.. not now.." Hindi ko sya nilingon. Sa cashier lang ang aking paningin.

"Mag-usap naman tayo."

"We are already talking Ace.." sarkastiko ang aking himig. Di ko rin maiwasang irapan sya patalikod.

"Sorry kahapon. Nag-init lang talaga ulo ko."

"What's done was done Ace.."

"But Bamby?."

"Bigyan mo muna ako ng space please..." buntong hininga ko.

"Okay. I'll wait. Bye for now Bamby.." pumikit ako sa kawalan. Paano ba aayusin ang isang gusot ng wala nang isa pang gusot?. Ang hirap naman. Magiging okay nga kami ni Joyce tapos heto naman kami ni Ace. Suskupo!.. Help me please Lord. I need your guidance.

"Bakit hindi maipinta mukha nun?.." gulat ako ng bumalik sa aming mesa. Bigla kasi syang nagtanong. Good signs. Bumabalik na sya sa dati. Nginuso nya si Ace sa labas. Nakatungo itong maglakad. Sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Mukhang malaki ang problema nya.

"Hindi ko alam.."

"Bamby..." tawag nya sakin. Namiis kong marinig ang aking pangalan mula sa kanyang bibig.

"Hmm?.."

"I'm sorry... hindi ko sinasadya.." nilagay ko ang kutsara sa kanyang pinggan.

"Noong una, gusto ko naman talagang sabihin sa'yo ang lahat. Pero wala akong nagawa dahil inipit nya ako.. tinakot na palalayasin sa bahay nila. Wala rin akong choice kundi sundin nalang ang gusto nya dahil wala na akong matakbuhan pa na iba.. Natakot ako Bamby.."

"Alam mo rin bang galit na galit ako sayo noon?.."

"Alam ko. Sinong di magagalit sa ginawa ko?. Ako nga e, galit mismo sa sarili ko dahil wala akong magawa para lumaban.. saan ako titira kung di ko sya susundin?.. Naghiwalay sila mama, months ago. Naiwan akong luhaan. Iniwan nila akong mag-isa.. di ko masabi sa'yo noon dahil ayokong sirain ang kasiyahan mo.."

Goodness!.. there you heard it?. What you sayin' Bamby?. You can judge now?..

Natahimik ako. Tama nga si Mama. Wala syang choice kaya nagawa nya yun. Sa mundo pa naman ngayon, Kung wala ka na talagang makapitan. Kakapit ka nalang sa patalim. Kahit ayaw mo pa. Kahit labag pa sa kalooban mo. Gagawin mo nalang. Ganun kasakit ang reyalidad.