webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 61: A big mess

"Anong ginawa nya?.." ani Jaden. Salubong na ang kilay. Hindi na nagugustuhan ang naririnig.

"Lyka,.." tawag nya sa pangalan ng kaklase ko. Yung matabang maikli ang buhok. Yung nag-umpisa ng gulo kanina.

"Anong alam mo?.."

"Wala akong alam.."

"Magsasalita ka ba o kailangan pa kitang pwesahin?.." madiing banta nito sa kanya.. Natahimik sya ng ilang segundo bago nagsalita.

"Pinakalat nya sa lahat na timer raw si Bamby.." Yun palang ang sinasabi nya pero nanlalamig na ako. I knew it!. Sabe na eh. Ang lakas talaga ng hinala ko. Walang mintis.

"Hala?!.."

"Huh!?.. grabe naman sya!.."

"Kawawa naman si Bamby.." dinig kong bulungan ng iba.

"Ano pa?.." si Ace pa rin.

"Na nilalandi raw ni Bamby si Jaden kahit sila na.."

"Damn!.." malutong na mura ni Ace. Sinipa pa ang upuan na nasa tabi nya. Kinausap sya ni Ryan saka kumalma.

"Anong--?. Wala kaming relasyon?.." tanggi ni Jaden kay Denise. Hindi makapaniwalang umiling si Ace sa kanya. Dun ko rin narinig ang impit na atungal ni Denise saking likuran. Sssshhhh!...

"Sinong niloko mo?.." ngisi pa ni Ace. Loko!. Huminga ka nga Ace!.

"Hindi nga kami.." patuloy na tanggi ni Jaden. Paniniwalaan ko ba sya o hinde?. Ang gulo ng isip ko. Kasing- ingay ng aking puso.

"Paanong hinde kayo kung ang sabi nya gusto mo raw sya?.."

"Kailan ko ba sinabi sayong gusto kita?. Ha?. Denise?.." di na nya napigilang magmura. Ako ata nasaktan sa sinabi nya.. Mas masakit pala ng malaman na hindi ka gusto ng taong gusto mo. I feel sorry for her.

"Si-sinabi mong gusto mo ako Jaden.." uutal utal pang paliwanag ni Denise habang humihikbi.

This scenario. I really don't want to be in. But because of the unfortunate events, I am involved. Bad thing for me.

Nagkamot ng ulo si Jaden. Naiinis sa kausap. "Kailan ko sinabi yun sayo?. Wala akong matandaan Denise..."

Mas lalo syang umiyak. Inalo naman sya ni Joyce at ni Lyka. Minuto muna bago sya kumalma. "Noong nasa library tayo.." bulong nito na dinig ng lahat.

Tumalikod si Jaden at sinuntok ang board. "Inakala mong ganun yung sinabi ko sayo?. Fuck!. Nag-assume ka ng hinde tinatapos ang sinasabi ko?. tapos heto ka pa ngayon, nananakit ng tao. Anong klase kang babae?"

Damn!. Ang sakit nun. Kahit hindi yun para sakin, tumagos pa rin saking puso. Nasaktan ng biglaan.

"E kasi sinabi mong---.."

"Ang sabi ko noon, gusto kita... bilang kaibigan Denise. bilang isang kaibigan lang. Hindi mo ko pinatapos kasi nagsaya ka na agad.."

"Gago. Nagpaasa ka ng babae.." sumingit na naamn ang Ace. Tsk. Tumahimik ka nalang kasi Ace.

"Ulitin mo nga?.." Yung kumalmang awra nila. Uminit na naman. Sumasakit na ulo ko.

"Alam mo palang hindi nya narinig yung sinasabi mo e. Bakit pumayag kang ipagkalat nya sa lahat na kayo na?. Ibig lang sabihin nun, ginusto mo rin ang ginawa nya..."

Hindi na nagsalita pa si Jaden. Agad na nyang sinugod si Ace saka sinapak. Natumba pa ako sa pagsuntukan nila.

Umawat na ang iba pa naming kaklase. Ampusa!. Ayoko na sa kanila.

"Anong nangyayari dito?.." my saviour of the day. Kuya Lance. Waaaaaa!!.... Iyak ng isip ko.

Tumagilid ang iba upang paunlakan si Kuya sa loob. Dumiretso ito sakin. Sinipat ang bawat parte ng katawan ko. Bago natigil sa aking mukha. Kita kong natigil ang dalawa. May dugo na sa kanilang mga labi. Bahala nga sila!.

"Anong kaguluhan ito?.." nilingon ang paligid. "Ace?.." tumingin sya kay Ace. Salubong na ang kilay. Nagtataka. "Jaden?.." bago naman sa kanya. Seryoso na ang kanyang mukha. Nagtatanong. Hindi nakapagsalita ang dalawa. Napipi. Buti nga.

"Anong nangyari rito at mugto ang kanyang mata?.." mabilis akong tinuro ni Kuya na ganun rin kabilis ng paglaki ng aking mata. Hindi na nga ako umiiyak. Pero

gaya nga ng sabi nya, sure akong mugto nga ito ngayon. Yun pa talaga napansin nya.

"Wala bang makapagpaliwanag kahit isa man lang?.." seryosong tanong ni Kuya. Maging ako, walang lakas ng loob magsalita. Napagod kakaintindi sa kanila.

"Pwes. Tara na Bamby. Umuwi na tayo. Nasaan yung bag mo?.." si Karen ang kumuha ng bag ko saka iniabot sa kanya. Wala nang salita. Basta nalang nya akong hinila palabas ng room.

Pero hindi pa kami nakakalayo. May nagsalita na sa kanila. "Kuya!..." boses yun ni Ace.

Tumigil si Kuya sa paglalakad. "Kuya..." tawag naman ngayon ni Jaden. Oh what the hell!. Bat nyo pa kami pinigilan?. Mas lalo lang syang magagalit.

"Pwede ba?.." galit syang humarap sa dalawa. Hindi pa rin nababawasan ang bilang ng mga taong nanunuod samin. "Wag nyo akong matawag tawag na kuya dahil hindi nyo ako kapatid. Sya lang at wala ng iba." natahimik ang lahat sa huli nyang sinabi. Sabe nang wag galitin ang mabait e.

"Tara na Bamby.." hinila nya ako ngunit huminto at humarap muli sa kanila. Nakakapagod naman. "At isa pa. Simula ngayon. Ayoko ng makita pang lumapit kayo sa kanya. Kahit kaibigan ka pa nya." madamdamin nyang turo kay Ace. Kuya!?.

"O kahit kaibigan pa kita. Malinaw?.." turo nya rin kay Jaden. Hindi na nya hinintay pa ang sagot ng dalawa. Basta nalang nya akong kinaladkad palayo sa kumpulan nila.

Enjoy!?. , ❤️

Chixemocreators' thoughts