webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo ¡ Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 60: Pissed

Madaling araw ng linggo, dumating sina kuya. Eksaktong wala ring pasok si papa at day off ni mama. Kakagising ko para sana magjogging kaso pinigilan nila ako. Pupunta raw kami ngayong sea side. Magpapaaraw.

"Mainit dun..kayo nalang.." reklamo ni tsong. Ayaw buksan ang pinto ng kanyang kwarto kaya pinasok na namin. Tumalon sakanya si kuya tsaka dinaganan. "Tatayo ka dyan o kakaladkarin ka namin?.."

"Damn kuya!.. I hate sea!.." lalo itong tumalukbong ng kanyang kumot.

"Talaga?.." he's teasing him. "Tara na kasi.. minsan na nga lang di busy sina papa eh..tsaka maraming chicks dun.. hunting tayo.."

"No thanks.." agap lang nitong sagot. Napapailing si kuya sa katigasan nya. "Ano ka ba?. Para may lovelife ka na rin.. ayaw mo nun?.."

"Di ako interesado.." lihim akong humalakhak sa kanilang harapan. Nakahalukipkip ako habang nakatayo't pinapanood sila. I miss watching how they piss each other.

Kahit anong pilit aa kanya ni kuya. Walang epek pa rin. Di man lang gumalaw sa kinahihigaan. Dumating si mama pero tulad din sya ni kuya. "Wag mong antayin na ang papa mo ang tumawag sa'yo Lance.." inis na sambit ni mama. Nauubusan ng pasesnya sa tigas ng ulo nito. Nilagpasan ako na tinarayan ang taong ayaw bumangon.

Naglakad ako saka binuksan ang kurtina sa kanyang kwarto upang pumasok ang sinag ng araw na kagandang pagmasdan. "Damn!.. Close that God damn curtain!.."

"Lance!.." isang tawag lang sa kanya ni papa. Bangon na agad. Nasa bukana sya ng pinto. Nakapamaywang na. Hala ka tsong!. Humanda ka!. "Mag-ayos na..habang maaga.." iyon lang at iniwan na kami. Tumalikod ako upang pakawalan ang ngiting kanina pa nagtatago. Ang arte kasi eh..Bulong ko saking sarili.

Wala pang ilang minuto pinalayas nito ako sakanyang silid. Tumatawa naman akong lumabas. "Ano?. Bumagon na ba?.."

"Yes naman kuya.. si papa na tumawag eh.. hahaha. " pareho kaming pinagtawanan ang kabaliwan nya.

Maya maya. Bumaba na sya na balot na balot ang katawan. "San ka pupunta bro?. beach tayo hindi mo ba alam?.." nilagpasan lang kami saka diretso na sa loob ng sasakyan ni kuya. Nagtawanan na naman kami.

Ang high blood nya. Ke aga aga. Ano kayang nangyari na naman?.

Sa loob ng sasakyan. "Kuya, diba may number ka ni Joyce?.." kunyaring wala sa sarili kong tanong. Sa labas nakatingin dahil ramdam ko na ang nagbabaga nyang galit. Crazy ape!. "Naalala ko lang kasi.. isang taon mula ngayon, nung last na usap ko sa kanya..bigla ko kasi syang namiss eh.." lumunok ako dala ng sobrang kaba. Nakikinig lang samin sina kuya at ate. Nasa unahang sasakyan sina papa.

"Wala akong number nya.." kulang nalang talaga tsong. Umusok ilong nya sa inis. Shit lang!.. Kinagat ko na ang labi sa pagpipigil ng tawa. "Pero, pano mo sya nakontak last year?.."

"Dunno..," walang gana nyang sagot. Magtatanong pa sana ako nang masulyapan ang iling ni kuya sa salamin na nasa harap. Sumuko nalang din ako. Bumagsak ang katawan nya at tinakpan ang buong mukha gamit ang kanyang jacket.

Nagkibit balikat nalang ako. Daig nya pa babae sa pagkamoody.

Sa boring ko. Tinext ko si Jaden pero di sya nagreply. Gabi na sa kanila. Kaya natulog nalang rin ako.

Nagcheck in kami ng hotel bago bumaba sa sea shore.

Pagkarating sa tabing dagat. Pagod akong nag-unat. Suot ang two piece na bigay sakin ni ate Cindy.. Wala na sina kuya. Tanaw ko na sa dagat. Lumulusong na. "Kuya, faster!.." reklamo ko pa rin sakanya. Hawak nito ang board na pang surf. Magpapaturo ako sa kanya.

Di sya nagsalita hanggang sa tubig dagat. Bahala sya dyang mapanis laway. May nadinig akong sumipol saming likuran. Natigil agad ito nang sya ang lumingon. "Tsk.. pervert!.." siring nya dito.

"Bat ka kasi nagsuot ng ganyan?.." salubong ang kilay nyang pinasadahan ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

"Hello, beach!.." sarkastiko kong himig. Sinabuyan ko sya ng tubig. Sa una, sumama pa lalo ang timpla ng kanyang mukha. Pero kalaunan, sinabuyan nya rin ako ng tubig. Hinabol pa ako sa gitnang dagat.

Hanggang sa pareho na kaming napagod kakalangoy. Umahon kami at pumunta sa dalampasigan. Good mood na sya. Pwede nang magtanong. Whoa!.

"Kuya, I heard you last time.." mahina kong sabe habang naglalakad. Dumadampot ako ng maliliit na bato na inanod ng alon.

"About what?. when?.."

"Bryce's birthday.. about some...girl?.." nahinto ako't hinintay sya. Bahagya kasing bumagal lakad nito.

Natahimik sya.

"Pwede bang malaman kung sino si Joyce?.." duon sya mas natigilan. Namangha at parang nataranta.

Tsong!.. Inlove nga sya!.. Mukhang tumigil mundo nya nang marinig pangalan ni Joyce eh. Yeah boy!!.

"Yeah.. I know.. private.." naglakad na naman ako. Sa pagkakatigil nya kasi, parang di pa sya ready na sabihin ang lahat. Bibigyan ko sya ng oras ngayon.

Sa paraan ng pagkakatulala nya. Parang malalim na nga ang pinagdaanan ng dalawa. Paano kaya nila nakayang ilihim sa lahat ang relasyon nila?. Tsaka, anong dahilan nila kung bakit kailangan nilang maglihim?..

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?.." bigla ay nagsalita sya sa likod ko. Kumalabog nang husto ang puso ko sa gulat at takot. Akala ko na kung sino. Tsong naman!.

"Oo naman.. maraming ganun. sina mama nga eh." tumango sya na para bang sumang-ayon saming dalawa.

"Ganun rin ako nahulog sa bestfriend mo.."

Wait!. What!??...

What the hell!!! Natulala ako sa kanyang mukha. Kingina!!. Totoo nga!.. Sila!!

O my goodness!.. Bamby!. Kuya is with Joyce?!!. Kyah!!!..

"No?. You're just kidding right?.." Di ko na matukoy kung anong unang sasabihin sa lahat ng naiisip ko. Nag-uunahan silang gustong lumabas saking bibig. But damn!!...

Tili lang ang lumabas sakin!.

Tili na may kasamang kilig!.

Suskupo kuya!.

"Wag ka ngang maingay!.." pigil nya sakin. Pero di ko sya pinakinggan. Tumili pa rin ako. Nilapitan nya ako saka tinakpan ang aking bibig. Doon lang ako huminto.

"Meaning---?.." nanginig kong himig. Naexcite kasi ako. Tangina lang!.

"Oo.. kami nga.."

"Seryoso?.."

Inalis ang kamay nya saking bibig at dumampot ng bato saka itinapon sa dagat.

"Tsk.. ang kulit... oo nga... pero, kumplikado.."

Aww!!

Ngayon na nga lang ako kinilig ulit para sa kanya. Para sa kanilang dalawa. Tapos, kumplikado na agad?. Gosh!. Kailangan malaman ko muna buo nilang kwento bago gumawa ng hakbang.