webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 59: Gulo

Mabilis akong inalo nina Karen at Winly. Niyakap ako patagilid. Yung tatlong kagrupo namin, lumapit rin samin.

"Uy, Bamby. Okay ka lang?. Ano ba kasing nangyari?. Lumalala yang isyu mo ha.." anang isa sa kanila. Nanlabo agad ang paningin ko.

"Sssshhhh..." suway sakanya ni Winly. Tumahimik naman ito. Pero yung luha ko, hindi ko na napigilan pa. Tuluyan nang nahulog kahit ayaw ko pa..

"Ssshhh. Tahan na. Wag ka ng umiyak.." yakap pa rin ako ni Karen. Si Winly kumalas ng yakap bago hinimas ang aking likod. Pinapakalma.

Kahit kailan, hindi ko ginusto ang atensyon ng ibang tao. Kahit pa nilang dalawa. Oo, si Jaden, sabik ako sa atensyon nya pero hindi yung ganito na lagi nalang problema ang dulot sakin. Nakakapagod na. Gusto ko ng sumuko. Ngunit itong puso ko, nagpapakamartir. Kahit pa nasasakatan na, habol pa rin, ay sya.

"Bamby!..." biglang sumulpot ang bulto ni Ace sa pintuan. Hinihingal ito. Halatang galing sa pagtakbo.

"Shit!.." malutong nyang mura ng makita ako.

Ampusa!. Nakita nya akong umiiyak. Mabilis kong pinalis ang luhang dumaan saking pisngi.

Tumayo sya ng ilang minuto sa kanyang pwesto bago tuluyang lumapit samin. Sakin. Na nag-aalala na ang mukha.

"Damn!..." patuloy nitong mura. Umatras ako dahil ayokong makita nya ang pag-iyak ko. Kahit kailan, di ko pa pinakita sa iba kung pano ako nasasaktan. Ngayon lang. Tapos, nakikita pa nya. Parang ako ang nasasaktan sa mukha nyang luno ng galit at pait.

"Bamby.." tawag nya sakin pero umatras muli ako. Iniiwasan ang kamay nyang hahawak sana sakin. "Hell shit!!..." salubong na ang makapal nitong kilay. Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy pa rin ang mata ko sa pagluha. Ampusa!.. Calm your mindi Bamby. Or else, you'll make scene here.

Wala na nga akong nagawa ng tuluyan na syang nakalapit. Wala na rin akong maatrasan kung kaya't naabot nya na ako. Mas nagtubig pa ang gilid ng aking mata. Hindi na makatingin sa kanya.

Hindi sya nagsalita. Pinanuod nya lang ako. Tumatanya. Hanggang sa hawakan nito ang pisngi ko saka pinunasan ang aking luha.

"Bamby!.." Ang boses na yun. Parang baril, isang kalabit lang, natamaan na ako. Kumawala ang hikbing kanina ko pa nilulunok. Sobrang sakit sa lalamunan.

"Gago!.." mabilis nitong kinwelyuhan si Jaden na kakapasok lang. Tinulak nya ito. Tapos idiniin sa green board.

Sobrang higpit ang hawak ni Ace sa kanyang kwelyo. Dahilan para lapitan ko sila. "Ace..." pigil ko sa kamao nyang lumalabas na ang mga ugat sa higpit nito. Damn!.. Bakit nangyayari ito?.. Parang wala syang narinig na salita mula sakin. Bagkus, mas itinaas pa nya si Jaden. My goodness!.. Ace please stop!.. You're killing me too.. Di ko masabi ang laman ng aking isip. Natatakot ako sa anu pang mangyayari..

"Pare ano ba?.." kalmadong suway ni Jaden sa kanya pero hindi pa rin ito nagpatinag.

"Gago ka.." galit na galit nitong sigaw. Mas lalong bumuhos ang luha saking mata. Ano ng gagawain ko?..

"Anong sinabi mo?.."bigla ay sinagot din sya ni Jaden.

"Gago ka!!..." tinulak ng napakalakas ni Jaden si Ace. Tumilapon ito sa inayos naming upuan kanina. Oh shit Bamby!.. Wag Kang umiyak dyan. Awatin mo sila...

"Jaden, tama na.." sa kanya ako lumapit dahil alam kong mas kalmado ito kaysa kay Ace. Pero gaya rin ng kaibigan kong umaapoy ng galit ang mata, binalewala nya lang rin ako. It really hurts my ego. Wala ba akong kwenta sa kanya para ganun nya lang akong balewalain?.. Oh damn!. Well!. What's knew Bamby?. You are nothing to him. Don't try to assume..