webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 54: I miss you

Dumaan ang mga araw. Normal ang lahat sakin. Pareho kaming bored na bored sa bahay ng biglang napadaan ang mga barkada ni kuya. Tinawag nila ito. Akala ko, may night party na naman sila. Dala ang magagara nilang kotse and stuff. Pero hinde. Hawak lang nila ang mga skate board. Yung iba, nagpapatakbo pa sa malayo. At yung iba, walang damit na pang-itaas. Napanganga ako ng makakita ako ng abs with sweat screaming down. Damn boys!!

"Bryce, have some shirt man!.." agad itinapon ni kuya Lance sa kanya ang sleeveless shirt. Kakalabas ko noon ng gate para sana tingnan kung anong meron sa labas ng datnan ko silang naghahabulan gamit ang board.

Di ko naiwasang tumitig sa kanilang katawan dahil kaharap mismo nila si kuya. Nakita nya siguro kung paano tumulo laway ko kaya sinita nya ang Isa sa kanila. Actually, di lang naman si Bryce ang walang suot. May tatlo pa.

"Hi.." kaway ng iilan sakin na agad hinarangan ni kuya. Ayaw nyang nakikihalubilo ako sa mga boys. E anong magagawa ko? I'm one with the boys na diba?. I have him and kuya Mark with papa..

Ang sabi nya. 'Sasaktan ka lang nila.' 'Babaero mga yun..' I know.. sagot ko . Friendship lang naman hanap ko. Not a lover. I'm still into him. And not wanting to get over.

"Bryce, can you teach me how to ride this.." mahina kong himig nang matyempuhang umalis si kuya. May tumawag sa cellphone nito kaya lumayo. Tinitigan ko ang skate board nyang itim at may design na berde. It's actually an eagle na black and green. Nakakaakit ang mata.

"Sure thing.. you wanna try it now?.." nilapitan akong nakangiti. Dinampot ko ang board nya saka iniabot sa kanya. Kinuha nya ito at nilagay malapit saking paa.

"Let's go.."

"Bryce, Lance's coming.." nagkibit balikat sya sa barkada nang pigilan nito kaming maglakad. If I'm not mistaken. He's Rick

Nakapatong na sa taas ang kaliwa kong paa habang ang isa naman ay dahan daha ng pinapatakbo ang skate. Tulad ng instructions nya. "Awesome Bamby!!.." sabay pa nito ang kanyang palakpak.

Doon ko naramdaman ang pagiging malaya. Malaya naman ako pero noong sumalubong sakin ang hangin at tuloy tuloy na daloy ng skate.. Mas lalo kong naramdaman ang pagiging malaya.

"Bamby!.." kaway na sakin sa di kalayuan ng kapatid kong salubong na ang kilay. Hawak pa rin nito ang cellphone na nakadikit sa kanan nitong tainga. Nilaro ko ulot yung skate at pinadausdos pabalik na.

"It feels so good Bryce.. thanks.." Pinuri nya ako't sinabihang tuturuan pa ng mga tricks. Lalo namang nangunot noo ni kuya sa gilid nang lapitan nito ako at guluhin ang buhok.

Ang loko. Pinaalis na lang bigla ang mga ito. Matutulog raw sya. Abnoy talaga!..

Pumasok kami ng makaalis na sila.

"Bakit mo sila pinaalis?.. Nagtry lang naman ako ah. "

"Nagtry huh?. Paano kung natumba ka roon?."

"Malaki na ako kuya.."

"Ipinagmamalaki mo na ngayon?.." nagbabanta ito. Humalukipkip ako sabay iwas ng tingin. "Ugh!.. I hate you!.." di ko natiis. Nagdabog akong umalis at nagkulong saking kwarto.

Hapon na siguro noong kumatok sya. "What?!!." inis kong tanong.

"Gusto kang kausapin ni kuya.."

"Pakisabi sa phone ko nalang.."

"Bamby!?.." mabigat ang mga paa kong bumaba ng higaan para sya'y pagbuksan. Sumama agad ang timpla ng mukha ko ng makita ang kanyang ngisi. Iniabot nya sakin ang cellphone na may tawag nga ni kuya. Isasara ko ba sana ang pinto nang iharang nito ang katawan. "Nah uh!.." iling pa nya.

"Kuya?.." dinig kong medyo maingay ang background nya. Nauubusan ng pasensya sa taong kaharap. Bakit kaya maingay?.. Anong meron?.

Lalong hindi na maipinta mukha ko. sa ngisi nya. "Hello Bamblebie!.. how's life there?.." Ani kuya. Pumikit ako para pakalmahin ang nauupaw na inis.

"Boring.." malamya kong sagot. Ngumuso pa ang loko. Inirapan ko sya bago tinalikuran. "Bakit? Di ba kayo pumunta ng botanical garden?.."

"Ayaw po ni kuya.." diniinan ko ang po at kuya para malaman nya ang ibig kong sabihin. "Hahaha.. kulitin mo para pumayag..."

"Tsk.." ngumisi pa talaga. Alam siguro nyang sya ang topic namin.

"Kuya Mark, where is your comfort room here?.." biglang kumalabog ang puso ko sa narinig. That voice, I hate that sound.

What the hell is she doing there?..

Teka nasa bahay sya?. Bakit?.. My goodness kuya!. I wnat to scream this but I retain.

"Sino yun?.." I asked without thinking. After a few minutes of heavy breathing.

Naglinis sya ng lalamunan bago sinabi. "Veb.."

"What?!!.." nanlaki ang mata ko. "Anong ginagawa nya dyan kuya? You know I hate her.." di rin kasi lingid sa kaalaman nila ang nangyari

"Chill Bamblebie.. How will I not invite her if they throw a party for me and your ate?.."

"Psh!.." singhal ko. Damn!.. Kung bakit pa kasi naging pinsan ko pa sya?. Ang hard Bamby?. Minsan lang akong ganito, kapag ginago.

"Mark, let's get party!.." may humiyaw na isa. Di ko matukoy kung sino.

"Later. Kausap ko pa si Bamby.." sagot nya.

"Ano ba?.. Mamaya na yan.." parang boses ni Aron yun ah. You mean, andun rin sya sa bahay?.

"Ibigay mo na muna kay Jaden.. tutal nakatunganga lang naman.."

"Bakit?.." bigla na naman akong nanlamig.

"Kausapin mo muna.. magpaparty lang kami.." natatawang sambit ni Aron.

Shit!.

"What?.."

"Hahahahaha.. Basta.. wala ka namang ginagawa dyan eh.. para maentertain ka naman kahit papano..."

Naestatwa ako ng ilang minuto. Should I talk to him or not?..

"Ehem.. hello?.." nataranta kong ibinato kay kuya Lance na prenteng nakaupo saking kama ang hawak na cellphone nang marinig ang malalim nyang boses. Kunyari pa tong nag-uunat ng braso.

"What the hell Bamby.." mura pa nga sakin.

"Get out!.." tulak ko sa kanya pero di ito gumalaw. Imbes kinuha ang cellphone na nakatihaya.

"Hello?.." Anya sa kabilang linya.

"Oh shit!.. Bamby raw!.." binato nya rin sakin pabalik yung cellphone. Muntik pa itong nahulog kaya napamura na naman ito.

"Bamby?.." pinandilatan ko sya ng mata. Tinaasan nya lamang ako ng kilay. Giving me some warning look.

"What!?.." kahit di ko na kailangan pang tanungin kung sino sya. Alam kong sya na itong kausap ko. Sa tibok palang ng aking puso. Ang bilis. Kaba siguro o pagkasabik. Di ko matukoy.

How I miss his voice.

"I miss you.." gamit ang isang napapaos nyang boses. Nangilid ang luha ko. Damn boy!. I miss you too..

"Miss na miss na kita Bamby ko.."

Pumikit ako para pigilan ang namumuong luha.

Miss na miss na rin kita mahal ko. Salita na sabik sabihin ng puso ko pero itong lintik na isip ko. Nagmamatigas..