webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 48: Wedding

Gabi kaming nakarating matapos ng aming date. Traffic sa kalsada. Kaya bago tuluyang umuwi. Inaya ko muna syang kumain sa isang fast food. Sa restaurant sana, kaso kapos na ako sa bugdet. Di pa binigay ang kabuuan ng allowance ko. Gipit si lover boy ngayon.

"Jaden, pano ka sasagutin ng nililigawan mo kung ang bagal mo!. Maligo ka na nga!..." kinutusan ako ni ate. Nakaupo ako sa harap ng mesa. Hinihintay gumalaw yung baso. Abnoy!.

Saka lang ako kumilos nung binigay sakin ni Mama yung phone na tumutunog. Napamulat ang aking mata. Caller id. My Bamby.

"Good morni---.."

"Wake up!!.." agad kong inilayo ang phone nang sapawan nya ako sa malakas nyang tili. Napakamot nalang ako saking noo. Savage baby!.

"Yes boss.." Hindi sya sumagot. Uminom ako ng tubig bago nagsalita muli. "Hey!. you still there?.."

Dinig na dinig ko kung paano sya humugot ng hininga. Ang bigat pre. Inis na. Ilang oras muna bago sya huminahon.

"Yeah.." kalmado na nyang sambit. "Maligo ka na.." kinagat ko ang sariling labi sa pag-aalala nito sakin. Hindi halata na gusto nya rin ako. Susmaryosep!.

"Yes po boss.." di ko na inubos pa ang kapeng nasa malaking baso. Basta nalang akong umakyat at hinila ang tuwalya. Bumaba muli para makaligo na. Excited naman syang makita ako. Susmaryosep Jaden!. Bilisan mo na nga!!.

"See you later. Faster Jaden Bautista!. Faster!.." diin nito sa huling sinabi.

Tumawa ako at tumango kahit di naman nya nakikita. Sumaludo pa ako. "Yes boss, faster.." binaba nya agad ang linya. Kaya kumaripas na ako ng takbo patungong banyo at minadali ang pagligo. Kanina pa nag-aayos sina mama. Ako nalang talaga naiiwan sa mesa. Kaming lahat ay imbitado. Kaya abala ang lahat sa pag-aayos.

"Ready?.." anunsyo ni ate. Pinatayo ko muna ang aking buhok. Inayos ang bow tie na suot. Sumulyap sa salamin at nagwisik ng pabango.

"Ready.." ngiti ko sa kanya. Ngumuso sya sakin. Bagay na bagay sa kanya ang pink na kulay. Mas lalo syang gumanda. Hindi halatang nanganak na ito. Tumaas sulok ng aking labi. Nagyayabang. Pinasadahan din nya ako mula ulo hanggang paa. "Gwapo!.." kinurot ang aking pisngi. Confident akong lumabas at sumakay ng kotse nya. Dumiretso na kaming simbahan. Marami nang tao. Syempre. Sya lang ang hinanap ng mata ko.

"Boy dito!!.." may tumawag sakin. Si Kian kasama ng buong tropa. Pareho ang suit naming damit. Itim na slux at sapatos. Puting polo at nakabow tie. Parehong nakatayo ang buhok. Naglakad ako papunta sa kanila. Maingay ang mga ito. Nagtutulakan. Hindi ko alam kung bakit.

"Ssshhh.. Ang ingay nyo..." suway sa kanila ni Bamby. Tumayo ito sa gitna nila. Hindi ko sya agad nakita dahil pinalibutan nila ito. Kasama ng kanyang pinsan. Di ko alam pangalan.

Ramdam kong umawang ang aking labi ng magtama ang aming mga mata. Damn!. My diwata!. Ang ganda nya!. Kumikinang sa kulay pink na sleeveless na suot. May make-up sya. Pero, hindi ito gaanong makapal. Tama lang para lumitaw ang katangi tangina nyang ganda. Nakakalula. No words can explain how gorgeous she is. Damn!. Lalo akong nainlove sa kanya.

"Sabi na nga ba eh.. matulala yan.. akin na pera nyo..." dinig kong himig ni Dave. Inilahad ang kamay sa kanilang lahat. Naging abala sila.

"Ang tagal nyo?.." mariin kong inayos ang tindig. Saka sya nilapitan ng todo. "Pasensya na. Natraffic lang. Miss mo agad ako?.." sutil ko sa kanya. She just smirked.

"Gwapo ba ako?.." Ang yabang lang Jaden?. Kingina!. Di ko maiwasang magyabang kapag sya nasa tabi ko. Natatameme ako sa ganda nya.

She stepped closer. Tinaas ang kamay. Hinawakan ang bow tie sa bandang leeg ko nang di inaalis ang titig sakin. Damn!.

"Boy, Bat sobrang gwapo mo?..." pinanggigilan ang panga ko. Di ko na napigilang ngumiti. Kinurot nya ng isang beses ang aking pisngi. Lumitaw ang napakaganda nyang ngiti. Maging ang mata nyang nakakalasing. Sinasabing gwapo raw ako. Susmaryosep!..

"Hoy!!. kilig si boy!!. magsaya na ang lahat!!.." nagsitawanan ang lahat na malapit sa amin. Niyakap ko sya at hinalikan ang tuktok ng kanyang buhok. "Ang ganda ng baby ko..." bulong ko bago pumila sa labas ng simbahan.

Sa tamang panahon. Kaming dalawa rin ang lalakad palapit sa altar. Mangangako ng pagmamahalan na walang hanggan.