webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 42: Straightforward

"Ace, sa kabila ang kwarto mo.." dumaan si kuya Mark sa aking silid. Pinapaalala na bawal sya sa loob ng kwarto ko. Matapos naming kausapin at kumpirmahin na baka sa mga susunod na buwan ay pupunta na kami duon. Ay bumaba na kami. Nagpalit ako ng damit. Ganun din sila.

"Wuy!. Labas na. Baka pagalitan ka na naman.." suway ko sa kanya. Prente itong nakahiga sa kulay pink kong kama. Yakap ang unan. Nakacross legs pa. Pinapanood ang pag-liligpit ko ng mga kalat.

"Wala naman akong ginagawa ah. Dito na muna ako. Namiss kita e.."

"Tsk.. lagi mo naman akong nakikita. Kaya labas na.."

"Di na kita makikita kapag aalis ka na.."

"E di, magtawagan nalang tayo.."

"Talaga!?.."

"Hmm. pero wala akong cellphone. Kay kuya Lance ka nalang tumawag.."

"Sa dami ng pera nyo, wala ka pang cellphone?.."

"Bawal e.. Hanggang laptop lang ako.."

"Wow!. Iba na talaga kapag mayaman.."

"Tsk.. kayo nga mas mayaman e.. dali na labas na.. papalitan ko pa yang bed cover.." nakatayo na ako sa harapan nya. Nakapamaywang. Tamad syang bumangon suot ang nakakaloka nyang ngisi.

"Mamaya nalang.." hinila ko ang braso nya pero shit!. Ang bigat nya. Di ko mahila.

"Kwentuhan muna tayo. Tulungan kita mamaya dito.. Namiss kita masyado e...." di na ako kumontra pa. Dahil kapag umayaw pa ako sa gusto nya, mas lalo lang syang di aalis. Baka tuluyan nang mapagalitan. Kawawa sya pag ganun.

"Ano namang pag-uusapan natin?.."

"Wala. Kukumustahin nga lang kita.."

"Ang oa mo ha.."

"Hahaha.. ang cute mo pa rin hanggang ngayon.."

"Alam ko.." sabay irap ko sa kanya na tinawanan nya lang.

Piningot nya ang ilong ko kaya namula na naman.

"Aray!.." tampal ko sa kamay nya.

"Ang arte nito. Haha.."

"Malamang babae ako..."

"Alam ko. Kaya nga maraming may gusto sayo e.."

Natameme ako sa mukha nya. Mahaba ang kanyang nguso. Mapula ang labi. Magulong buhok. At nakangiting mata. Ganyan sya lagi.

"Ano?.." mabilis nangunot ang aking noo.

"Wala. Joke lang yun.. A-araaay!..." dalawang unan ang agad kong hinampas sa kanya. Nantritrip na naman.

"Ahahahahah..." tawa lang sya ng tawa kahit patuloy ang paghampas ko ng unan.

Tok tok tok...

Si kuya Lance. Nakatayo sa bukana ng pintuan.

"Tama na yan Bamby. Baka nasasaktan mo na si Ace.." anya. Saka tumuloy. Umupo sa harap ng salamin. Sa lagayan ng iba ko pang gamit.

"Hindi naman masakit kuya. Mas masakit kapag sya ang nasaktan.." nagtataka ang mukha ng kapatid kong nilingon kami. Magkatabi kasi kaming nakaupo sa kama. Nahihibang na ata sya. Anong meaning ng sinabi nya?.

"Bakit?. Ayaw mo ba syang saktan?.." humarap sya ng tuluyan samin. Ngumiwi na rin ang kaninang maayos kong labi. Nagtataka sa kanilang dalawa.

"Kung pwede lang.." ani Ace. Sakin pa nakatingin. Damn!.

"Woah!.. Bakit may gusto ka ba sa kapatid ko?.." damn him also!. Bakit sa harrapan ko pa sila nag-uusap ng tungkol sakin. Di ba sila nahiya?. O kaya naman, sana lang bigyan nila ako ng space. Di yung ganito na iniipit.

"Kuya. Hindi mahirap gustuhin ang kapatid mo.."

"Kung ganun, gusto mo nga?.." seryoso na ang mukha ni kuya. Si Ace, nakangiti lang.

"Pwede ba?. Tama na yan?.. Gusto ko nang magpahinga. Labas na!.." inis kong suway sa kanilang dalawa. Tinignan lang nila ako pero hindi sila gumalaw.

"Labas tayo minsan Ace.. mag-uusap tayo.." seryoso pa rin sya.

"Pero kuya.." angal ni Ace.

Tumaas agad ang kilay ni kuya. "Bakit?.." beastmode!.

"Wala po kasi akong pera.."

"Bakit?.." galit na to. Puro na sya bakit e.

"May pinag-iipunan po kasi ako.."

"Bakit?.." kita nyo?. Kapag ganyan na. Talagang galit at inis na sya.

"Gusto ko pong bigyan ng regalo ang babaeng gusto ko. Kaya po ako nag-iipon.." natahimik si kuya. Ibig sabihin hindi ako ang gusto nya?. Yehey!. Ayaw ko kasi syang saktan. Mawawalan ako ng kaibigan kapag lumagpas pa sya duon.

Sabay kaming lumabas at bumaba patungong sala. At duon. nakaupo sya. Nakasuot sya ng kullay stripes na blue at khaki shorts. Nasa sandalan ng upuan ang kanang braso habang ang isa ay hawak ang bola. Mas lalo syang gumwapo. Damn!.