webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 38: Dinner

Pagkatapos naming kumain ng almusal na umabot na ng tanghalian. Nagpaalam na ako. He said na ihahatid ako pero tinanggihan ko. Alam kong marami syang ginagawa at ayokong abahalin sya. Kung inaalala man nya si Knoa. Wala syang dapat ipag-alala dahil nakikinig naman sya sakin tuwing ako ang nagpapaliwanag. Lagi kong pinapaintindi sa kanyang busy ang daddy nya. Lagi ko ring pinapaalala na hindi may mga taong tinutulungan ang daddy nya kaya ito abala.

"Mommy, what about tommorow?.." kulit nito sakin ng kumutan ko sya. Tinatanong na naman ang kanyang ama. Kakarating ko lang ng bahay. Gabi na. Dumaan pa kasi akong mall para tumingin ng mga damit na kailangan ni Knoa. Luma na kasi yung iba. Atsaka, kailan pa yung huli kong bili. Naaawa na ako.

"Baby, ang bilin sakin ni daddy mo.. pupunta sya dito soon.. not today.. not tommorow.. maybe the next day.. we'll never know.." nalukot ang maamo nyang mukha.

"I want to play with him na mommy.. he promised to me that we will play hide and seek.." ako naman ngayon ang nakaramdam ng lungkot sa sinabi.

Dapat kasi di nalang sya nangako, para di na rin umasa ang bata. Suskupo Jaden!! Ikaw talaga!. Kailan kaya yung soon nga naman na sinasabi mo?. Hihintayin mo pa bang parehong mamuti ang aming mga mata kakatanaw sa malayo. Umaasang darating ka?. I don't believe na hanggang pangako na lamang sya. I hope na, isang araw darating talaga sya.

"Baby, kailan mo balak umuwi ng Pilipinas?. marami nang naghihintay sa'yo?.." one time na he texted me. Tanghaling tapat noon at nakahiga kami ni Knoa sa sala sa may taas. Bumalikwas ako't nireplyan sya.

Oo nga pala. Matagal na ko na silang di nakakausap. Sina Winly at Karen. Kamusta na kaya sila?. Si Joyce din?. Totoo bang wala na sila ni kuya?. Mga tanong na di ko rin kayang sagutin mag-isa.

"Di ko pa alam.." tinipa ko ito saka mabilis na sinend sa kanya. Iyon naman talaga ang totoo. Gusto kong umuwi pero hindi ko pa alam kung kailan. Namimiss ko na sila. Malapit nang mag-apat na taon si Knoa. Ganun ring kahaba ang kawalan ko ng komunikasyon sa kanilang lahat.

"Pero gusto mong umuwi?.." he replied asap. Naupo ako upang mas mapabilis ang aking pagtipa.

"Oo naman.." nabuhay ang excitement sa akin. Binato pa ako nitong si Knoa ng isang maliit na bola. Kaya napakamot ako ng ulo. Masakit din kasi. Isa lamang ito sa mga laruang pinadala ng daddy nya kahapon. Dalawang linggo mula noong galing ako sa opisina nya.

Matapos kong kumpirmahin ang kagustuhang umuwi. Nawala na sya bigla sa linya. Hindi sya nagreply. Kaya inisip ko na ring baka abala na sya.

Kinagabihan. Naghahanda na kami ng hapunan ni kuya Lance. Darating raw kasi ang pamilya ni kuya Mark. Makikipaglaro raw si Jacob kay Knoa.

"Kuya, bat parang sobrang dami naman ng iluluto natin?. Marami bang bisita na darating?.." ang inaasahan ko lang kasi ay sina kuya Mark. Wala nang iba. Pero ang ingredients na inihahanda nya. Pangpyesta sa dami. Ano kayang meron?.

"Utos ni boss Bamblebie..wag nang magreklamo.." iyon lang at di na muli sya nankipag-usap sakin. Ang boss na tinutukoy nya ay si mama. So ibig sabihin, may iba pa ngang darating na bisita. Naku! Kailangan talagang paghandaan.

Tumulong na rin ako sa kanya dahil napakaseryoso nya. Lahat ng pinapagawa nya ay tinatapos ko agad. Kahit tulo na minsan ang pawis ko. Kailangan tulong pa rin. Kung di ko pa sinasadyang ipapunas kay Knoa ang noo ko. Maliligo ako ng wala sa oras.

So grossed Bamby!

Isang oras anv ginugol namin sa paghahanda bago natapos.

"I'm so tired.. whoa!.." sabay upo ko sa upuang nasa labas ng bahay. Sa tabi ng garahe na may mga blue grass. Sinet pa namin iyon. Nilagyan ng pailaw at led lights para mas maganda. Nilabas din namin ang iilang mesa at upuan para sa mga bisita. Naglagay ng bulaklak at candila sa gitna. Pakiramdam ko. Parang family dinner date. Ang sweet naman.

"Ikaw lang ba?.." sarkastikong sambit ng katabi ko. Nakatuko ang dalawa nitong siko sa mga binti at nakayuko. Hawak ang cellphone. Nagpipindot sya doon. May katext siguro. I wish, that's my best friend.

"Mommy, darating na po ba si daddy?." nagulat ako ng itanong yun ni Knoa galing sa takbo. Hinahabol ng kanyang alagang aso.

Wala akong mahanap na sagot para sa kanyang tanong. Wala akong ideya sa nasa isip nya. How did he just asked na ganun nga ang mangyayari?. May alam ba sya?. Ako Lang ba ang walang muwang sa nagaganap sa paligid ko?. Suskupo Bamby!. Yan kasi. Lutang ka masyado. Puro katawan lang nu Jaden ang nasa isipan mo.. My goodness!

"Mommy??." niyugyog nya ako. Nagpatianod ako dahil wala akong ideya.

"Knoa, stop that.. nahihilo na mommy mo.." si kuya Lance ang sumuway sa kanya. Agad itong ngumuso bago huminto at dumikit sakin. Dahan dahang umupo saking kandungan. Takot sa titig ng kanyang tito. Tinanguan nya pa ito sa paraan na parang tinatakot. "Ikaw huh?. Di ka na nakikinig kay mommy.. puro ka nalang daddy.. gusto mo bang iwan ka ng mommy mo?.." Umiling naman ang bata. Bagsak ang mga balikat.

Sinamaan ko ng tingin si kuya. Kung anu-anong pinagsasabi eh. "Then listen.. antayin mo nalang si daddy mo.. walang alam yang si mommy mo.."

"Ano yun kuya?.." curious ako sa huli nyang binigkas. Parang may gustong ipahiwatig.

"Wala.." mabilis nitong lihis sa usapan. Di ko na naman napigilan ang mag-isip. At sa pagdidisiplinang ginawa nya sa bata. Di na muli itong nangulit o bumaba pa saking kandungan.

Kinse minutong oras muna ang lumipas bago dumating sina kuya. Agad tumakbo si Knoa sa kuya Jacob nya at nagsimula nang maglaro ng sasakyang dala ni Jacob. Binati ako ng mag-asawa. Kinumusta at nag-usap tungkol sa buhay. Maya maya. dumating naman si mama. May dala pa itong tatlong karton ng pizza. Paborito ng dalawang bata.

"Good evening everyone.. andito na ba ang lahat?.." she announced it. Nilibot ang mata sa paligid.

"Ma, si papa. Wala pa.." si kuya Mark na nagtaas pa ng kanang kamay upang kunin ang pansin ni mama na nagsasalita sa harapan namin. Prente na kaming nakaupo. Nasa gitnang bahagi si mama. Harap ko mismo. Nasa tabi ko Knoa na katabi si Jacob. Nasa kanan ko rin si ate Cindy na katabi rin kakaupong asawa.

"Parating na sila.." bigla ni mama.

Whose with him po ma?. Gusto ko iyong itanong pero magmumukha lang akong tanga pag sinabi ko pa. Maghihintay nalang ako kung sinong kasama nya. Tutal dinner lang naman ito ng buong pamilya.

Abala ang lahat sa kanya kanyang ginagawa nang biglang tumayo si kuya Lance at pumunta sa may gate. Lumabas sya doon. Andito na yata sina papa.

Humaba ang leeg ko kakasilip sa kung sinong pwedeng maging bisita. At habang nakatanaw doon. Unti unti ng umaawang ang labi ko sa bulto ng mga taong pumapasok. Una si papa, suot ang ngiting kayganda. Sunod si kuya Lance tapos, Oh my goodness!!!

Si Niko ba yun?. May hawak na bata sa kanang kamay. Pareho silang nakangiti. Gosh!. Oo nga!. Sya nga. Yung batang hawak nya sa kamay ay si Klein, anak ni ate Catherine..

O my gosh!! What is going on!?.

"Sino po sila?.." dinig kong tanong ito ni Knoa kay tito Mark nya. Buhat nya ito at katulad kong nakaharap sa gate. Hinihintay ang mga taong papasok. "The taller one, is your daddy's younger brother.. and the little boy, is his niece.."

"Kuya?.." nanginginig na tawag pansin ko dito. Nilingon nya lang ako saka nginitian na umabot pa hanggang mata. Kumislap talaga ang mga iyon ng titigan ko.

I have no words to say!. Maraming nabubuo o naiisip pero wala akong masabi.

Sunod na pumasok ay sina tita at tito na parehong nakangiti rin. Yung dating payat at maputla nilang balat. Ngayon, makikita mo na rin ang pag-asenso nila. Kasabay ng paglakad nila ay ang pagtangong pagbati nila sakin sa malayo. Laglag ang aking panga!. Am I dreaming?! Sinalubong sila ni mama at kinausap. Kumalabog na ang puso ko. Di alam kung saan babaling ang ulo. Sa gate ba o sa mga magulang naming nag-uusap na.

"Daddy!!.." umalingawngaw ang matinis na boses ni Knoa saking pandinig. Bumaba sya sa mga bisig ni kuya saka kumaripas ng takbo sa tinawag nyang daddy sa may bukana ng gate. Sinalubong ng yakap ni Jaden ang tumatakbong si Knoa. Umupo sya't kinarga agad ng paikot ikot. Umawang nang napakalaki ang aking labi.

What's going on in here?. Ako lang yata ang walang alam. My goodness!!