webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 35: Nahihiya

Kung di pa pinitik ng kung sino man ang aking noo, nasa kanya pa rin ang aking paningin. O gosh!.. Stop glaring you fool little Bamby!. Baka mahalata ka nya.

"Hindi ka rin gutom?.." si kuya Lance kay Jaden. Umupo saking tabi. Inakbayan pa ako. Bahagyang nilaro ang dulo ng buhok ko.

"Sa bahay nalang mamaya.." nakasandal sya sa upuan. Sa armrest nakalagay ang dalawang braso. Magkahiwalay ang kanyang mga binti. Ang gwapo nyang tignan sa posisyong ganun. Di ko tuloy malunok ang sariling laway. Bumara sa aking lalamunan.

Tumawa ng napakalakas si kuya.

Dahilan ng pagkakaunot ng noo ko.

"Bakit naman?. Nahihiya ka ba?.." tanong nya bago kinuha ang cellphobe nya sa kanyang bulsa. Binuksan nya iyon, tinignan tapos pinatay muli. Nilapag sa side table. Tabi ng sofa.

"Hehe.." tumawa lang ang kausap.

"Ngayon ka pa talaga nahiya?. Kanino ka naman biglang nahiya?. Sa kanya?. Ahahahaha.." tinuro nito ako gamit ang kanyang hintuturo. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya na naging dahilan pa ng hagalpak nya.

"Kuya!.." di kasi tumigil e. Baka maingayan sya. Mahalata pa ako. Nakakahiya. He's making me crazy here. It's embarassing.

"Ang saya nyo dito ha.." salamat naman at sumulpot ang baklang kanina ko pa gustong makita. Naupo naman sya sa kabilang tabi ko. Dumighay muna bago umayos ng upo.

"O bat natahimik bigla?. Anghel ba ako?.." dagdag pa nya.

"Ahahahaha.." hagalpak na naman ng kapatid ko. Nabulunan pa nga ngunit nagpatuloy pa rin sa pagtawa. Hawak pa ang tyan. Namimilipit sa tuwa. Dulot ng tawa.

Baliw rin minsan! Kaya walang jowa eh!. Tsk!.

Yung mata kong tamad dumilat kanina, nabuhayan at umikot ng ilang kilometro. Nang huminto, tumama agad sa gawi nya. Blangko ang mukhang nakatingin rin sakin. Oh Damn boy!. Why do I have crush on you?. Explain to me please. I'm gettin' crazy over you. Calm my heart boy!. Just smile and I'll chill.

Palinga linga si Winly sakin at sa taong kaharap ko. Habang tumatagal, humahaba ang kanyang nguso.

"Anong meron?.." anya. Nakataas na ang isang kilay. Gigisahin na naman ako neto.

Iniwasan ko sya ng tingin. Sumandal at tumingala sa kisame. Makaiwas man lang. Kinakabahan na ako e.

"Bat di ka kumain, Jaden?.."

"Busog pa ako.." dahilan at naging sagot nya Kay Winly. Totoo rin kaya ang dahilan? We'll never know Bamby. Who knows. Wag kang mag-imbento dyan ng kung anu-ano.

"Di nga?." ngiwi ng bakla.

"Oo, may binigay silang sandwich kanina sa backstage." duon ko naalala na meron ngang sandwich sa bag ko. Yung binigay nila kanina. So, nagsasabi sya ng totoo. At, sa isang pares ng sandwich, busog na sya duon?. Astig naman. Ako, kulang sakin yun pag talagang gutom ako. E sa patay gutom rin ako minsan eh. Heck!

"Sandwich lang nabusog ka na?. Tularan mo kaya itong si Bamby, kahit busog kumakain pa rin... hahaha..."

Aray! Ilaglag ba naman ako!?. Bwiset na baklang to!..

"Oy hindi ah.." angal ko. Di naman ako matakaw. Sadyang kapag gusto ko lang ang pagkain, duon marami akong nakakain.

"Ngayon nga lang di nagutom yan e. Nabusog siguro sa mga ngiting nakita nya kanina. Lalo na ng crush nya.. Hahaha.." Fact!. Di ko mapigilang magmura sa sinambit ng napakabait kong Kuya Lance. Sinuplong pa ako. Kapatid ko ba sya o hinde?. Suskupo!. Sarap sapakin!.

Nagtawanan silang dalawa. Nakangiti lang si Jaden pero walang tunog. Ang kapatid ko pa rin ang may pinakamalakas na boses. Sinasapawan si Winly. Di talaga ako magtataka isang araw kung magkapareho nga sila ng club. Wtf!. Di ko maimagine.

"Hmm... kung ganun, kilala mo kung sino ang crush nya pogi?." tinanguan pa sya ng mabilis. Nakangisi sakin.

"Sino?.." ani Winly. Na Damn! Na kay Jaden pa ang mata. Nagpapacute pa. Ampusa!.

Sana higupin nalang ako ng sofa o ng kisame pataas. Sobrang init na nang pisngi ko sa hiya. Sigurado akong pulang pula na ito.

"Di ko kilala e. Hahaha.." peste!. Lintek!. Ampusa!. Lahat na ng mura, lumitaw na saking isipan. Nangtritrip na naman sya. Sa mismong harapan pa ng taong alam nyang gustong gusto ko.